LOGINTo: Gabi 🌛
Andrei, san tayo pupunta mamaya?Pinalitan ko yung pangalan niya sa contacts ko. Yung dating pangalan niya na may heart emoticon ay pinalitan ko ng 'Gabi' para tagalog ng first name niya na 'Night'.
From: Gabi 🌛
Basta. Pupuntahan nalang kita dyan mamayang 6PM.Napanguso nalang ako. 2:30 palang, matutulog nalang muna ako. Napagod ako sa paglalaro namin kanina.
Nagising ako at 5:30 na. Agad akong dumiretso sa CR para makapag-ayos. Nagbihis na rin ako at lumabas ng kwarto.
Napatingin ako sa kusina at bigla akong nagutom. Ang tagal ko rin palang nakatulog. Dumiretso muna ako doon at buti nalang ay may tinapay pa.
Tahimik lang akong kumain hanggang sa makarinig ako na may nag doorbell.
"Hi." Bati sakin ni Andrei nang makalabas ako sa bahay.
"San tayo pupunta?" Tanong ko agad.
"Hmm... Dito lang sa labas ng bahay mo." Buti naman dito lang. Akala ko lalayo na naman kami. "Bakit? May gusto ka bang puntahan?" Tanong niya, umiling naman ako.
Naupo kami sa labas at ngayon ko lang napansin na may dala pala siyang pizza. Biglang tumunog ang tiyan ko at sobrang nakakahiya dahil narinig ata 'yon ni Andrei.
Bahagya siyang natawa kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi ka pa kumakain?" Tanong niya. Kumain naman ako ng tinapay kaso hindi ata ako nabusog ng husto.
Binuksan niya yung box ng pizza at inabutan ako ng isang slice.
"Thanks." Agad kong kinagatan 'yon. Ang sarap!
"So, anong nagustuhan mo sa akin?" Muntik ko nang maibuga yung kinakain ko dahil sa tanong niya. Narinig ko pa ang pagtawa niya. Hayop na 'yan!
"A-anong pinagsasasabi mo dyan?" Tanong ko sa kaniya kahit alam ko namang tinutukoy na naman niya yung narinig niya kanina.
"Anong nagustuhan mo sa akin?" Tanong niya ulit.
"Huh?"
"Anong nagustuhan mo sa akin?"
Binatukan ko siya kaya nakasimangot siyang tumingin sa akin.
"Crush lang 'yon! Imposibleng---" tinakpan ko ang bibig niya nang subukan niyang gayahin yung mga sinabi ko kanina. Nang alasin ko ang kamay ko sa pagkakatakip sa bibig niya ay tumawa siya ng malakas.
Padabog akong tumayo at lumapit sa gate.
"Bahala ka dyan! Kung wala kang matinong sasabihin ay umuwi ka na lang!" Inis na sabi ko sa kaniya.
"Hep! Hep!" Bubuksan ko na sana ang gate kaso humarang siya. "Walang papasok hangga't hindi umaamin." Sabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin at ngumisi lang siya.
Bumalik ako sa pwesto namin kanina at agad naman siyang sumunod.
Tahimik kaming naupo doon. Bahala siya dyan! Abutin man kami ng umaga dito, hindi ako aamin. Crush lang naman 'yon, bakit kailangan niya pang malaman?
"Nagsasayang lang tayo ng oras dito." Bored na sabi ko.
"Wala akong aaminin sayo." Sabi ko.
"Masyado kang assuming." Pang-aasar ko.
Nagtaka ako nang walang sumasagot sakin. Lumingon ako at nahampas ko nalang ang noo ko nang makitang wala na pala akong katabi.
Umuwi na ba si Andrei? Tumayo na ako para sana pumasok na sa bahay kaso napaatras ako nang biglang namatay ang ilaw sa kwarto ko, namatay din ang ilaw sa sala!
"Shit!" Napaatras ako kaso may nabangga naman ako.
"Walang papasok hangga't hindi umaamin." Bulong niya. Ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa leeg ko.
Lumingon ako at tumambad sakin ang mukha ni Andrei na nakangisi pa. Sinuntok ko siya sa braso kaya napasigaw siya.
"Bwiset ka! Tinakot mo ako!" Inis na sigaw ko sa kaniya. Nawala ang ngisi niya at nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang pisngi ko at pinalis ang mga luha ko. Naiyak pala ako dahil sa takot.
Niyakap niya ako kaya napasubsob nalang ako sa dibdib niya. Amoy na amoy ko na tuloy yung pabango niya. Nakakainis! Ito na naman yung puso ko.
"Sorry." Bulong niya. Pinilit kong humiwalay sa kaniya kaso ang higpit ng yakap niya.
"Please, tell me kung anong nagustuhan mo sa akin." Tsk! 'Yon pa rin ba nasa isip niya?
"Hindi nga ikaw yung gusto ko!" Pagmamatigas ko.
"Weh?" Pang-aasar niya.
"Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko pero lalo niya lang hinigpitan ang yakap niya sakin.
"Hindi kita bibitawan hangga't hindi ka umaamin." Pag ako nainis sa lalaking 'to, masasapak ko 'to.
"Wala akong dapat aminin!"
"Talaga?" Konti nalang talaga! Inuubos niya pasensya ko!
"Wala nga!"
"Talagang talaga?" Pinilit kong kumawala sa kaniya at agad ko siyang sinapak sa mukha.
"Aray! Bakit mo ako sinapak? 'Pag ako nasugatan sa mukha, ipapa-derma mo ako!" Sabi niya habang nakahawak sa parte ng mukha niya na nasapak ko.
"Ang kulit mo kasi! Sabing wala akong aaminin eh!" Inis na sabi ko sa kaniya.
"Yung totoo?" Inambaan ko siya kaso lumayo agad siya sa akin.
"Bakit ba gustong-gusto mo malaman?!" Sigaw ko. Seryoso na siya ngayon at lumapit ulit sa akin.
"Manhid ka ba talaga? Umamin na nga ako sayo eh! Nahuhulog na ako sayo!" Natigilan ako sa sinabi niya. "Nung marinig ko yung mga sinabi mo kanina, nagkaroon ako ng pag-asa. At ngayon gusto ko lang siguraduhin para hindi lang ako asa ng asa dito." Nakatingin lang siya ng diretso sakin kaya napaiwas ako ng tingin.
"Mahal na nga kita eh." Bulong niya pero narinig ko pa rin.
Hindi ko alam na aamin siya sa akin ng ganito. Yung puso ko naman ay patuloy pa rin sa pagtibok ng mabilis.
Naramdaman ko ang mainit na yakap niya.
"Katie, may pag-asa ba ako? May pag-asa ba ako pag nanligaw ako sayo?" Bulong niya.
Naalala ko bigla yung unang paglapit niya sakin, yung unang pagkikita at pag-uusap namin. Yung pagpunta namin sa playground at sa plaza. Yung pang-iinis niya sakin at ang pagpapatawa niya. Yung pagtulong niya sa akin at yung mga bagay na natutunan ko mula sa kaniya.
Napangiti nalang ako. Tandang-tanda ko pa kung paano at kailan nag simula ang mga bagay na 'yon, pero itong nararamdaman ko para sa kaniya, hindi ko alam kung kailan nag simula. At alam kong hindi lang ito basta-basta crush lang, mahal ko na rin siya.
Akala ko imposible, pero posible pa lang ma-in love sa taong kakakilala mo palang.
Ramdam ko ang bahagyang pagkagulat niya nang yakapin ko rin siya.
"May pag-asa, Andrei. Meron." Sagot ko at naramdaman kong mas humigpit ang yakap niya.
Walang nag salita sa amin pero nakayakap pa rin kami sa isa't-isa.
"KATIE!"
Agad akong humiwalay sa kaniya at tinignan ang tumawag sakin. Nakaramdam ako ng takot at panginginig nang makilala kung sino 'yon.
Anong ginagawa niya dito? Paano niya nalamang nandito ako?
---
Kinuha ko ang phone ko mula sa side table at nahiga sa kama. Ite-text ko muna si Andrei at itatanong ko kung saan kami pupunta mamayang gabi. Wala naman ako maalalang may sinabi siya sakin kanina.To: Gabi ?Andrei, san tayo pupunta mamaya?Pinalitan ko yung pangalan niya sa contacts ko. Yung dating pangalan niya na may heart emoticon ay pinalitan ko ng 'Gabi' para tagalog ng first name niya na 'Night'.From: Gabi ?Basta. Pupuntahan nalang kita dyan mamayang 6PM.Napanguso nalang ako. 2:30 palang, matutulog nalang muna ako. Napagod ako sa paglalaro namin kanina.Nagising ako at 5:30 na. Agad akong dumiretso sa CR para makapag-ayos. Nagbihis na rin ako at lumabas ng kwarto.
Nakalapit na samin si Andrei at naupo siya sa katabi kong swing. Mas lalo namang lumapit sakin si Dexter at nakasimangot na tinignan si Andrei."Dexter, ito na yung ice cream mo." Inabutan niya si Dexter ng ice cream."Ayoko!" Sigaw ni Dexter na ipinagtaka naman ni Andrei."Dexter, tanggapin mo na. H'wag kang maniwala sa sinabi ng kuya mo kanina." Sabi ko sa kaniya. Ako na kumuha ng ice cream niya at inabot sa kaniya.Tinignan ko si Andrei na nagtataka pa rin."Ito sayo. Anong nangyari dyan?" Hindi ko tinanggap ang ice cream at tinignan lang siya ng masama."Kung ano ano kasi sinasabi mo sa bata. Umiyak tuloy kanina." Sabi ko sa kaniya. Napangisi naman siya.
Sabado ngayon. Tanghali na ako gumising dahil wala naman akong gagawin. Nakaupo ako ngayon dito sa labas habang pinagmamasdan si Lili na palakad lakad lang.Kahit siguro siya ay naiinip dito sa bahay.Sumandal ako sa inuupuan ko at ipinikit ko ang mga mata ko."Siguro nga ako ang nahuhulog. Hindi ko alam kung paano ako makakaahon o kung makakaahon pa ba ako mula sa pagkakahulog ko."Bigla akong napadilat nang maalala yung sinabi sa akin ni Andrei. Naramdaman ko na naman ang mabilis na pag tibok ng puso ko.Gosh! Hindi na ata maganda 'to. Ilang araw ko na 'to nararamdaman lalo na pag kasama si Andrei.Totoo kaya yung sinabi niya o baka naman nag bibiro na naman siya? Pero s
"Katie, gising na." Dahan-dahan kong idinilat ang mata ko nang maramdamang may tumatapik sakin.Nakita ko agad ang pagmumukha ni Andrei pag dilat ko."Good morning," bati niya."Good morning."Napatingin ako labas ng tent. Oo, may tent kami. May dala si Andrei at inayos niya 'to kagabi bago kami matulog. Ay, hindi ko pala alam kung natulog siya. Nauna kasi akong pumasok sa tent kagabi at naiwan siya sa labas para ayusin daw ang mga gamit namin.Medyo madilim pa sa labas."Anong oras na?" Tanong ko. Napatingin naman siya sa wrist watch niya."5:30. Mamayang 6:30 ay aalis na tayo dito. Uuwi muna tayo tapos sabihan mo nalang ako kapag gusto mo na pumasok." Sabi niya."Okay. Pagkauwi sa bahay ay maliligo lang ako para makapasok na tayo agad." Sabi ko.
Tapos na yung fireworks. Kumakain nalang kami ngayon ni Andrei. Talagang pinaghandaan niya talaga ang lakad namin na 'to dahil kumpleto siya sa pagkain at gamit."Anong oras pala tayo uuwi?" Tanong ko. Pero makakauwi pa ba kami ngayong gabi? Parang delikado na kasi sa daan."Tomorrow morning. Papanoorin muna natin yung sunrise." Sagot niya. Sabi na nga ba at hindi kami makakauwi ngayong gabi eh. Naalala ko naman bigla yung trabaho namin."Wait, hindi ba tayo male-late bukas sa convenience store?" Nag-aalalang tanong ko. Ngumiti naman siya at umiling."Nakapagpaalam na ako kay tita." Simpleng sagot niya. Tsk! Porke't tita niya ang may-ari ng convenience store ay may lakas na siya ng loob mag pa-late. Dinamay pa ako."Baka ika
"Hey, I'm sorry." Hindi ko pinansin si Andrei na nasa gilid ko at nagpupunas ng buhok. Bahala siya dyan!"Katie, pansinin mo naman ako." Nilingon ko siya at agad na sinapak sa braso."Aray!""Para 'yan sa pananakot mo sakin!" Inis na sabi ko at lumayo sa kaniya. Naupo ako sa nilatag niya na sapin."Sorry na nga eh. Saka mababa lang naman yung tinalunan ko ah." Sabi niya at lumapit ulit sakin."Ewan ko sayo! Bahala ka dyan!" Ngumuso naman siya at tumahimik nalang.Pumikit ako para kalmahin ang sarili ko. Nakakainis kasi 'tong si Andrei eh. Bigla bigla nalang tumatalon.Kunot-noo akong tumingin sa kaniya nang marinig ko ang tawa niya. Diretso lang ang tingin niya habang nakangiti. Nababaliw na ba siya?"Pero ang saya talaga nun. Alam mo bang first time ko 'yo