Mag-log inAt sa isang linggo na 'yon ay mas napalapit ako kay Andrei. Nakagawian na namin na magpakain ng pusa tuwing umaga bago mag trabaho.
"Katie, uuwi ka na?" Nilingon ko si Paul na nag-aayos na ng gamit at mukhang pauwi na rin. Friday ngayon at alas tres na ng hapon.
"Oo, aayusin ko lang din ang gamit ko." Sagot ko.
"Sabay na tayo umuwi." Tumango ako. Ilang araw na din kami nagsasabay umuwi. Simula nang makalipat sila ng pamilya niya sa kaparehas na subdivision ay madalas na kami mag sabay pauwi.
"May gagawin ka ba pag-uwi mo?" Tanong niya habang naglalakad kami.
"Wala naman." Sagot ko. Wala naman akong masyadong ginagawa sa bahay eh.
"May bagong bukas na kainan dyan malapit sa plaza. Gusto mo i-try? Saka maganda sa plaza pag gabi." Nakangiting sabi niya. Natigilan ako doon.
Sa ilang araw na nagdaan, bihira nalang sumakit ang ulo ko. Huling malalang atake ng phobia ko ay noong nakaraan pa, sa waiting shed. Pero kahit ganun ay nakakaramdam pa rin ako ng takot.
Tinignan ko si Paul na nag-aantay pa rin ng sagot. Sana pala hindi ko nalang sinabi na wala akong gagawin.
Pilit akong ngumiti. "Paul, sorry, naalala ko na may gagawin pala ako pag uwi ko." Nahihiyang sabi ko.
Sana maniwala siya!
Sandaling napawi ang ngiti niya pero ibinalik niya ulit 'yon.
"Ah, ganun ba? Sige, sa ibang araw nalang siguro?" Sabi niya.
"S-sige."
Nagpatuloy kami sa paglalakad.
"Sayang naman. Maganda pa naman sa plaza." Aniya. Nahihiya akong ngumiti sa kaniya.
Maganda naman talaga doon kaso natatakot lang ako. Minsan, naiinis ako sa sarili ko. Ang tanda ko na pero hindi pa rin mawala-wala ang takot ko sa dilim.
"Sige, Katie. Mauna na ako. Kita nalang tayo sa Monday." Paalam niya nang makarating na kami sa bahay.
"Sige, thank you sa paghatid." Nginitian niya lang ako at naglakad na palayo.
Bubuksan ko palang ang gate ay may tumigil na agad na bike sa harap ko.
"Napapadalas ang pag hatid ah." Tinignan ko si Andrei. Nakatingin siya kay Paul na nasa malayo na.
"Bagong lipat kasi sila dito." Sabi ko. Tumingin na rin siya sakin.
"Baka nanliligaw na 'yan sayo." Agad akong napa iling sa sinabi niya.
"Hindi! Kaibigan ko lang 'yan." Sagot ko. Hindi ko naiisip na manliligaw sakin si Paul. Bukod sa mas matanda siya sakin, sa tingin ko ay may iba rin siyang nagugustuhan.
"Pero papayagan mo kung sakaling manligaw?" Tanong niya ulit.
"Hindi. Parang kuya ko lang 'yon. Saka imposibleng manligaw sakin 'yon." Sagot ko.
Ngumisi siya. "Eh, ako?" Biro niya.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Mas lalong hindi! Siya nga na isang buwan ko ng kasama, di ko papayagan manligaw eh. Ikaw pa kayang magdadalawang linggo ko palang nakikilala?"
Saka wala pa akong panahon para sa mga ganiyan.
Tumawa naman siya. "Pero ito lang ang sasabihin ko sayo, kilalanin mo muna nang mabuti yung mga tao na nakakasama mo. Hindi naman sa sinasabi ko na wag kang magtiwala sa kanila, I just want to make sure that you are safe with the people around you." Sabi niya. Alam ko naman 'yon. Naranasan ko na dati maloko at maiwan ng mga kaibigan, at hindi ko hahayaan na maulit pa 'yon.
"Alam ko naman 'yon. Syempre, kinikilala ko muna yung mga taong nakakasalamuha ko." Sagot ko.
"Talaga lang, ha? Pero nung niyakap kita noong nakaraan, hindi ka manlang nagalit. Hindi mo ba naisip na pwedeng may gawin akong masama sayo?" Natigilan ako sa sinabi niya. Well, tama siya. Hindi nga ako nakaramdam ng galit. Mas naiinis nga ako sa sarili ko dahil hindi manlang ako nagalit sa taong hindi ko naman kilala at bigla nalang ako niyakap.
Tumawa ulit siya. "Pero hindi naman talaga ako masamang tao. Saka sa gwapo kong 'to, mukha ba akong may gagawin na masama?" Natawa ako pero tinaasan ko siya ng kilay.
"Yan! Dyan ka magaling eh, sa pagbubuhat ng sariling bangko!" Natatawa kong sabi.
Binuksan ko na yung gate. "Bahala ka nga dyan. Papasok na ako."
"Wait lang."
Tinignan ko ulit siya.
"Bakit?" Tanong ko.
"Inaatake ka pa ba ng phobia mo?"
"Konting sakit lang ng ulo pag masyadong madilim." Sagot ko. Buti nga at ganun nalang ang nararamdaman ko eh. Balak ko pang mag search ng iba pang paraan para tuluyan ko ng ma-overcome 'tong phobia ko.
Tumango naman siya.
"Buti naman. Dapat talaga masanay ka na kahit madilim." Sabi niya.
"May gagawin ka ba ngayon?" Tanong niya. Umiling naman ako. Ngumiti naman siya at dahan-dahan akong tinulak papasok.
"Good. Mag bihis ka na. May pupuntahan tayo." Kunot-noo ko siyang tinignan.
"Wait. Saan mo ko dadalhin?" Tanong ko.
"Basta. Marunong ka ba mag bike?" Dati marunong ako. Ewan ko lang ngayon. Matagal na akong hindi nakakapag bike eh.
Tumango nalang ako.
"Sige, mag bihis ka na. Babalikan kita dito." Sabi niya at sumakay na sa bike niya.
Pumasok nalang ako sa bahay at nag bihis na. Malapit na mag gabi, san naman kaya kami pupunta?
Pagkatapos kong mag bihis ay lumabas na ulit ako ng bahay. Nandoon na rin si Andrei at dalawang bike na ang dala niya.
"Teka nga. San ba kasi talaga tayo pupunta?" Tanong ko ulit sa kaniya.
"Basta. Hindi naman tayo lalabas ng subdivision eh. Dito lang din 'yon." Sagot niya. Ngumuso nalang ako. Hindi niya talaga sasabihin kung saan kami pupunta.
"Sayo 'to?" Tanong ko sa isang bike na dala niya. Umiling naman siya.
"Sa pinsan ko 'yan pero pumayag naman siyang hiramin ko. Ito yung bike ko." Sabi niya at tinuro ang sinasakyan niyang bike. Tumango nalang ako at sumakay na.
"Do you really know how to ride a bike?" I glared at him. Tumatawa siya dahil muntik na akong matumba pagkasakay ko sa bike.
"Oo naman." Inis na sagot ko. Inayos ko ang pagsakay ko.
"Tara na." Aya ko. Tumatawa pa rin siya.
Sinamaan ko ulit siya ng tingin. "Bahala ka dyan. Hindi na ako sasama sayo! Mag gagabi na." Inis na sabi ko sa kaniya kaya tumahimik siya.
"De joke lang. Ito na nga oh!" Sagot niya at pinaandar na rin ang bike niya.
Napairap na lang ako dahil sa kakulitan niya.
---
Kinuha ko ang phone ko mula sa side table at nahiga sa kama. Ite-text ko muna si Andrei at itatanong ko kung saan kami pupunta mamayang gabi. Wala naman ako maalalang may sinabi siya sakin kanina.To: Gabi ?Andrei, san tayo pupunta mamaya?Pinalitan ko yung pangalan niya sa contacts ko. Yung dating pangalan niya na may heart emoticon ay pinalitan ko ng 'Gabi' para tagalog ng first name niya na 'Night'.From: Gabi ?Basta. Pupuntahan nalang kita dyan mamayang 6PM.Napanguso nalang ako. 2:30 palang, matutulog nalang muna ako. Napagod ako sa paglalaro namin kanina.Nagising ako at 5:30 na. Agad akong dumiretso sa CR para makapag-ayos. Nagbihis na rin ako at lumabas ng kwarto.
Nakalapit na samin si Andrei at naupo siya sa katabi kong swing. Mas lalo namang lumapit sakin si Dexter at nakasimangot na tinignan si Andrei."Dexter, ito na yung ice cream mo." Inabutan niya si Dexter ng ice cream."Ayoko!" Sigaw ni Dexter na ipinagtaka naman ni Andrei."Dexter, tanggapin mo na. H'wag kang maniwala sa sinabi ng kuya mo kanina." Sabi ko sa kaniya. Ako na kumuha ng ice cream niya at inabot sa kaniya.Tinignan ko si Andrei na nagtataka pa rin."Ito sayo. Anong nangyari dyan?" Hindi ko tinanggap ang ice cream at tinignan lang siya ng masama."Kung ano ano kasi sinasabi mo sa bata. Umiyak tuloy kanina." Sabi ko sa kaniya. Napangisi naman siya.
Sabado ngayon. Tanghali na ako gumising dahil wala naman akong gagawin. Nakaupo ako ngayon dito sa labas habang pinagmamasdan si Lili na palakad lakad lang.Kahit siguro siya ay naiinip dito sa bahay.Sumandal ako sa inuupuan ko at ipinikit ko ang mga mata ko."Siguro nga ako ang nahuhulog. Hindi ko alam kung paano ako makakaahon o kung makakaahon pa ba ako mula sa pagkakahulog ko."Bigla akong napadilat nang maalala yung sinabi sa akin ni Andrei. Naramdaman ko na naman ang mabilis na pag tibok ng puso ko.Gosh! Hindi na ata maganda 'to. Ilang araw ko na 'to nararamdaman lalo na pag kasama si Andrei.Totoo kaya yung sinabi niya o baka naman nag bibiro na naman siya? Pero s
"Katie, gising na." Dahan-dahan kong idinilat ang mata ko nang maramdamang may tumatapik sakin.Nakita ko agad ang pagmumukha ni Andrei pag dilat ko."Good morning," bati niya."Good morning."Napatingin ako labas ng tent. Oo, may tent kami. May dala si Andrei at inayos niya 'to kagabi bago kami matulog. Ay, hindi ko pala alam kung natulog siya. Nauna kasi akong pumasok sa tent kagabi at naiwan siya sa labas para ayusin daw ang mga gamit namin.Medyo madilim pa sa labas."Anong oras na?" Tanong ko. Napatingin naman siya sa wrist watch niya."5:30. Mamayang 6:30 ay aalis na tayo dito. Uuwi muna tayo tapos sabihan mo nalang ako kapag gusto mo na pumasok." Sabi niya."Okay. Pagkauwi sa bahay ay maliligo lang ako para makapasok na tayo agad." Sabi ko.
Tapos na yung fireworks. Kumakain nalang kami ngayon ni Andrei. Talagang pinaghandaan niya talaga ang lakad namin na 'to dahil kumpleto siya sa pagkain at gamit."Anong oras pala tayo uuwi?" Tanong ko. Pero makakauwi pa ba kami ngayong gabi? Parang delikado na kasi sa daan."Tomorrow morning. Papanoorin muna natin yung sunrise." Sagot niya. Sabi na nga ba at hindi kami makakauwi ngayong gabi eh. Naalala ko naman bigla yung trabaho namin."Wait, hindi ba tayo male-late bukas sa convenience store?" Nag-aalalang tanong ko. Ngumiti naman siya at umiling."Nakapagpaalam na ako kay tita." Simpleng sagot niya. Tsk! Porke't tita niya ang may-ari ng convenience store ay may lakas na siya ng loob mag pa-late. Dinamay pa ako."Baka ika
"Hey, I'm sorry." Hindi ko pinansin si Andrei na nasa gilid ko at nagpupunas ng buhok. Bahala siya dyan!"Katie, pansinin mo naman ako." Nilingon ko siya at agad na sinapak sa braso."Aray!""Para 'yan sa pananakot mo sakin!" Inis na sabi ko at lumayo sa kaniya. Naupo ako sa nilatag niya na sapin."Sorry na nga eh. Saka mababa lang naman yung tinalunan ko ah." Sabi niya at lumapit ulit sakin."Ewan ko sayo! Bahala ka dyan!" Ngumuso naman siya at tumahimik nalang.Pumikit ako para kalmahin ang sarili ko. Nakakainis kasi 'tong si Andrei eh. Bigla bigla nalang tumatalon.Kunot-noo akong tumingin sa kaniya nang marinig ko ang tawa niya. Diretso lang ang tingin niya habang nakangiti. Nababaliw na ba siya?"Pero ang saya talaga nun. Alam mo bang first time ko 'yo