Compartir

CHAPTER 31

last update Fecha de publicación: 2020-11-09 15:50:33

Falling

Nang dumaong na sa Polillo Island ang yate ay halos malaglag ang panga ko sa sobrang ganda ng tanawin! Sobrang sariwa ng hangin. Matatanawan mo ang malayong kagubatan sa dulo at sa kanan naman ay ang malawak na karagatan.

"Wow!" Namamanghang sinabi ni Roma at Leley habang nakamasid sa buong paligid.

"Welcome to the Suarez Paradise!" Malakas na sigaw ni Jonas na nag echo pa sa buong paligid.

Suarez Paradise?

Napatingin ako kay Perfi na ngayon ay nag iintay sa akin na mapasulyap sa kaniya. Nag taas siya ng kilay sa akin at ngumisi.

"Let's go?" He asked. I nodded at him. Nang naglakad na siya ay sumunod kami nina Leley at Roma. Sina Jonas naman ay nauna na yata sa Hotel.

Namamangha na lang ako habang napapatingin sa buong paligid. Sobrang aliwalas. Mukhang napaka pino ng kulay puting buhangin. Ang dagat ay kumikislap at napaka ganda nitong pagmasdan. The wind is fine and very fresh. Marami akong nakikitang turista, madalas ay halatang mga foreigner at kitang kita ko ang paglingon nila sa magpipinsan Suarez.

"Good afternoon Sir! Ma'am!" Sabi nung babae na nag welcome sa amin. Lahat sila ay nakasuot ng mga beach dress pero may ID sila na palatandaan na isa sila sa mga trabahador.

Tuwang tuwa sina Leley at Roma sa mga nakikita nila. Natawa pa nga ako ng suotan kami ng mga kwintas na gawa sa bulalak.

"Ang cute!" I murmured when I stared at the flowers on my neck. Nang tiningnan ko si Perfi nakita kong nakatingin na siya sa akin. He's also wearing the same flower as mine and it looks good on him. Para siyang turista.

"Mas cute ako diyan Eina." He said to me. Humalakhak ako at napailing.

"Bakit? Selos ka?" Natatawa kong tanong.

"Gusto mong magselos ako?" He asked playfully. I rolled my eyes at him bago ako naglakad paalis sa harapan niya. Kinakabahan ako kapag kausap ko si Perfi. Damn it!

"Ang flirt ng mga Suarez oh?" Sabi agad ni Roma ng sumabay ako sa kaniya sa paglalakad. Tumingin ako doon sa itinuro niya at napangiwi ako ng makita kong may mga babae ng kausap ang mga Suarez. As in lahat sila! Lumingon ako kay Perfi na nasa likod ko lang. Ngumisi siya sa akin bago ako nag iwas ng tingin sa kaniya.

"Bwisit!" Singhal ni Leley at nagmartsa patungo sa elevator. Kumunot ang noo namin ni Roma sa inasta ni Leley. Anyare dun?

Sinundan siya ni Roma sa elevator ako naman ay hinila ni Perfi kasabay niya.

"Ang landi ng lahi mo." Sabi ko. He chuckled at my remark.

"Lahi ko lang pero hindi ako." He said smiling. Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.

"Talaga lang ha?" I teased.

"Try me, baby." He whispered that made me shivered.

Pero halos umirap ako ng makita ko ang mapang asar niyang ngisi. Pumasok na rin ako sa elevator at nakita ko ang pagsunod niya sa akin samantalang ang mga pinsan niya naman ay busy sa pakikipaglandian sa lobby.

Nang makarating kami sa tamang floor ay halos marinig ko ang padabog na lakad ni Leley sinundan lamang siya ni Roma, susunod na sana ako pero hinila ako ni Perfi kaya napaharap ako sa kaniya.

"Bumaba kayo agad after niyong mag ayos. We still have time to watch the sunset." He said.

"Okay." Maikli kong sinabi at umalis na sa kaniyang harapan. Pumasok ako sa hotel room namin at nakita ko kaagad ang busangot na mukha ni Leley,

"Where's Roma?" I asked.

"Sa shower." She answered. Padabog niyang inilapag sa kama ang susuoting niya para mamaya ako naman ay ganun din ang ginawa.

"What happened to you? What's the problem?" I asked when I couldn't help but to ask.

"Wala." She said. Napailing na lang ako. I'm not used to her like this. Leley is a happy go lucky girl. And whatever what's going on with her I don't really know.

Nang matapos si Roma ay sumunod si Leley sa shower kaya si Roma ang nakausap ko about sa behavior ni Leley pero pati siya ay walang alam. After naman ni Leley ay ako na ang sumunod. I chose to wear my color red two piece swim suit pero hindi ako lalabas ng nakaganito. I'm just preparing dahil baka mag swimming kami. Napili kong suoting ang isang crop top spaghetti strap at short shorts. Nilugay ko ang aking buhok dahil tinatamad na akong magpuyod.

Matapos ang ilang minuto ay lumabas na kami sa hotel room. Natigilan pa ako ng makita ko sa labas mismo ng pintuan si Perfi na nakahalukipkip at mukhang kanina pa nag iintay.

"Kanina ka pa diyan?" I asked. Lumapit siya sa akin at agad akong hinapit palapit sa kaniya. Sa sobrang kaba ko sa ginawa niya ay muntikan na akong matumba. Sumulyap ako kina Roma at nakita kong naglalakad na sila paalis. Sinamaan ko ng tingin si Perfi pero kininditan niya lang ako sabay hila sa akin para makaalis na kami.

"Perfi baka makita nina Roma!" Pabulong kong sinabi. Palapit na kami sa elevator at ano mang oras ay makikita na kami nina Roma.

"You want me to be your little secret?" He said in a playful tone.

Little secret? What the hell is he talking about?!

"Shut up!" Singhal ko sabay bahagya ko siyang tinulak. Humalakhak lang siya bago niya ako pinakawalan. Napahinga naman ako ng maluwag habang pasakay kami sa elevator.

"Nasan na ang mga pinsan mo Perfi?" Tanong ni Roma habang iniintay naming bumukas sa tamang floor ang elevator.

"Nauna na sila. Nakahanda na rin yung dinner natin sa baba." Perfi said.

Tahimik lang ako habang nag iintay. Hindi ko pa rin kasi makalimutan yung sinabi niyang little secret. What is he trying to say? Napabuntong hininga ako.

I don't want to be assuming pero alam ko. Alam kong playboy si Perfi at nasa dugo na niya ito pero hindi ako pwedeng magkamali.

May gusto ba siya sa akin?

Dumagundong ng malakas ang puso ko sa iniisip. Hindi ako mapakali. Pakiramdam ko ay sasabog ang dibdib ko sa kakaisip.

Nang bumukas ang elevator ay agad kaming lumabas. Nakita ko kung paano ako intayin ni Perfi para magsabay kami sa paglalakad.

Gusto ako ni Perfi?

Or it's just his games? He always want to play. He's been playing all his life and I don't know what's real.

"You look tired." He said while staring at me. Nag iwas ako ng tingin. Marahan kaming naglalakad patungo sa restaurant kung saan kami mag didinner at kung saan kitang kita ang sunset sa malawak na karagatan.

"Sa layo ba naman ng byahe natin eh." Sabi ko sabay irap. I am trying to sealed whatever feelings I have but I know I can't hold it for long. Pero paano?

Natatakot akong...baka gusto niya rin ako. Mas lalo akong mahihirapan. Mas lalo akong masasaktan.

Nakakatakot. Mas gugustuhin ko na lang na itago ang lahat. Sana ay hindi umabot sa panahong...sasabihin niya ang mga katagang magpapatunaw sa aking puso. Dahil ayaw kong makasakit ng damdamin ng iba.

"Tss weak." He teased. Umirap ako sa kaniya at nagtuloy tuloy na sa paglalakad. Pagkapasok namin sa restaurant ay bumungad sa amin ang masayang tawanan at ingay na nagmumula sa mahabang table kung nasaan ang mga Suarez. Umupo ako sa tabi ni Roma at Leley sa harapan ko naman ay si Perfi na katabi si Isacar.

"Ulol ka talaga Jonas!" Narinig kong singhal ni Edu sa kapatid. Nagtatawanan sila about something at alam kong tungkol na naman ito sa mga kalokohan nila.

"Wag ka ng tumangging unggoy ka! Nakita ko kung paano sinira yung gulong ni daddy!" Nang aasar na sinabi ni Jonas sa kaniyang kuya.

"Wahaha! Dakilang black sheep sa pamilya pala ang kuya Edu!" Pang gagatol pa ni Arthur. Ang alam ko panganay din si Arthur sa kaniyang pamilya katulad ni Edu.

"Hahah buti hindi kayo nabibisto ni Jem, ano?" Natatawang tanong ni Alexander.

"Sus Albi kung alam mo lang! Araw araw kong naririnig ang pagsusumbong nun!" Sabi naman ni Edu.

"Putek maswerte naman pala ang unico hijo dito eh! Ang dakilang Perfiñan Kyle Suarez!" Sabat ni Isacar sa usapan.

Napatingin ako kay Perfi na nakangisi lang sa mga pinsan niya na para bang nagyayabang, nang ilipat niya ang tingin sa akin ay nag iwas agad ako ng tingin.

"Shut up Isacar. Pinapahirapan ka ba ni Isaiah?" Nang aasar na tanong ni Perfi kay Isacar. Nagtawanan naman sina Edu dahil doon.

"I've always been a very good brother." Sabat naman ni Isaiah. Mukhang mahal nga ang laway ni Isaiah at madalang lang umimik.

"Manahimik ka na lang Isaiah at baka dumugo ang ilong ni Jonas!" Busangot na sinabi ni Isacar sa kapatid.

"Fuck you!" Jonas countered.

"Yuck! Eww!" Parang tanga si Isacar na akala mo ay talagang nandidiri. Napailing na lang ako.

"Tarantado! Hindi ako interesado sayo!" Angal na naman ni Jonas.

Natapos ang dinner namin na ganun ang kalagayan. Sobrang ingay nila pero ang tatakaw naman. Nung dumating na ang sunset naglabas agad si Roma ng phone para picturan yun. At syempre hindi magpapatalo ang mga Suarez sa camera. Hindi ko nga alam kung saan nahugot ni Jonas ang digital camera niya na nakasabit sa leeg niya eh.

"Tang ina! Bigatin ka na ah?" Natatawang baling ni Arthur kay Jonas. Humalakhak naman si Jonas kay Arthur.

"Wag kang mag alala at pauutangin pa kita." sabay halakhak ni Jonas. Arthur raised his middle finger in Jonas face that made us all laughed.

Puno ng katatawanan ang lahat hanggang sa dumilim ang paligid. Nag hain pa ng alak sa lamesa namin kaya lalong umingay. Wala namang nagrereklamo dahil kina Perfi ang resort na ito.

Tawa ako ng tawa sa mga kwento ni Jonas, pati na rin sa mga pang aasar ni Perfi kay Isacar. Ganun din sa mga green minded na mga pinagsasabi nina Edu, Arthur, Alexander or mas kilala bilang Albi. Lalo na dahil mukhang laging nasa hot seat sina Paris at Lance at ang pagiging misteryoso at tahimik ni Isaiah pero umiinom pa rin.

Nakakasabay na rin sa mga kwento si Roma, pati na rin si Leley na kanina lang at masamang masama ang loob.

Nakakadalawang shot na ako ng mapatingin ako kay Perfi. Namumungay ang kaniyang mga mata habang nakatingin din sa akin. Kahit yata magka amnesia ako hinding hindi ko malilimutan ang mga mata niya, ang mga ngisi niya at ang bawat kislap ng kaniyang mga mata.

Hindi ko alam kung simpleng pagkagusto pa rin ba ito o mas higit pa. Pero kung bibigyan man ako ng pagkakataon na humiling isa lang ang hihilingin ko.

Yun ay ang bigyan pa ako ng isang araw. Isang araw para mabuhay. Isang araw para manatili sa mundong ito ng sa gayon ay makasama ko pa ang mga taong nasa paligid ko ngayon. At para makasama ko ang lalaking nasa harapan ko ngayon.

Kung noon ay halos isuko ko na ang buhay ko ngayon ay ayaw ko pang sumuko. Simula ng dumating siya sa buhay ko nabuksan ang puso at isipan ko na sobrang daming dahilan para mabuhay. Na may purpose pala talaga ako. At ito ay ang makita ang kasiyahan ng mundo at para mahalin ang mga taong nagpapahalaga sayo.

"You want to go to the shore?" Nagulat ako sa biglang tanong ni Perfi sa akin. Nag init ang pisngi ko dahil rinig ito ng lahat.

"Pakshet! Alone time yan bro?" Nakangising usal ni Isacar. Hindi siya pinansin ni Perfi na nakangiti lang na nakatingin sa akin.

"Go na girl, love life na yan wag sayangin." Bulong ni Roma sa akin.

Bumuntong hininga ako at muling tumingin kay Perfi na nag iintay sa sagot ko.

Tumango ako sa kaniya at narinig ko naman ang mga kantyaw ng mga pinsan niya na marahil ay mga lasing na.

Nauna akong naglakad sa kaniya, siya naman ay tahimik na sumusunod sa akin. Agad kong naramdaman ang malamig na simoy ng hangin. Makikita rin ang maliwanag na buwan sa madilim na gabi. Nang makarating sa shore ay tumigil na ako. We can still heard the laughs and voices of his cousins inside the restaurant but the sound of the waves are also clear in our ears.

I crossed my arms because I felt the cold wind in my skin pero natanggal din ito ng may marandaman akong kung ano sa aking likod. Napatingin ako dito at nakita kong inilagay ni Perfi sa balikat ko ang isang jacket niya. Nagwala na naman ang mga kung ano sa aking tiyan.

"Sweet ko no?" Basag niya sa katahimikan. Napaismid ako sa sinabi niya at napailing na lang.

"Hindi ka naman chocolate kaya hindi ka sweet." pang aasar ko.

"Nagpaparinig ka ba na gusto mo ng chocolate?" Rinig na rinig ko ang pang aasar niyang tono doon kaya agad ko siyang sininghalan.

"Mukha mo chocolate!" Sabi ko sabay irap. He chuckled and then again silence filled us.

"Mag suplada ka pa ng mas lalo kitang magustuhan.." he said that made me choked my own saliva.

Nanlamig ang mga kamay ko sa sinabi niya. Unti unti na ring nabubuhay ang puso ko.

"Shut up.." mahina kong usal.

Please don't Perfi!

"Alam mo bang hindi na kita makalimutan simula noong sinukahan mo ang damit ko?" He said softly. Habang tumatagal ay pabilis ng pabilis ang pagtibok ng puso ko.

Hindi ko alam na ganito pala. Hindi ko na alam.

"Hindi dahil nagalit ako sa ginawa mo....it was because everything about you made me wonder and curious."

I bit my lower lip. Ayaw kong tumingin sa kaniya. Nanatili ang tingin ko sa madilim na karagatan.

"That was the reason why I kissed you when I saw you again in the school. I was lucky right?" He chuckled a bit.

"Manhid ka talaga siguro kung hindi mo pa alam kung anong ipinapahiwatig ko ngayon." He said and my eyes widened when he pulled my hands towards him. Nagkatinginan kami at pakiramdam ko ay gusto ko na lang lamunin ng buhangin. Ang mga tuhod ko ay nanlalambot na.

Kitang kita ko kung paano ka dilim ang mga mata niya. Ngayon ko lang ito nakita na sobrang seryoso. Para bang wala ni isa sa sinabi niya ang kasinungalingan. It was all the truth and I just can't uttered any word. What should I say?

Anong dapat kong gawin? I also want to tell him what I feel but how? When I know I have my limitation? Ayaw kong....makasakit.

Mas lumapit siya sa akin. He lifted my chin to make me looked at his eyes. It was so deep and dark but there's something in him that I just couldn't explain.

Halo halo na. Hindi ko na maintindihan ang dapat kong gawin.

"Perfi..." damn it! Ang kaya ko lang bigkasin ay ang pangalan niya!

"Ask me anything Eina. Just anything and I will answer you honestly." He said.

"B-Bakit ako ang magtatanong?!" Kinakabahan kong tanong. He chuckled at my reaction.

"Ang taray mo pa rin kahit nagcoconfess nasa harapan mo ang isang gwapong nilalang?" Natatawa niya pang sinabi.

Hindi na ako makaimik. Natatakot ako pero may kung ano sa puso kong gustong....hayaan ang sarili ko sa lahat ng damdaming meron ako.

He crouched near my ear so that I can hear his whispers.

"Gusto kita...no...I think I'm falling in love. Please be mine, Eina."

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • Since that Day (TAGALOG)   CHAPTER 35

    SorryI am so lost. I am so sad. And at the same time...I feel so down. Hindi ko magawang ngumiti. Hindi ko magawang maging masaya sa kalagayan ko. Kaya paano ko ipapakita sa mga kaibigan ko na ayos lang ang lahat?Nasa loob ako ng aking Vios. Naka park na ako sa parking lot ng school pero...kinakabahan akong lumabas dahil alam ko kung anong makikita ko. Panigurado akong maraming naghihintay sa akin.Kinuha ko ang aking cellphone at tiningnan ang reflection sa camera. I tried to smile but my eyes is telling otherwise. Pero sa huli bumuntong hininga na lang ako.Just one month Eina. Spend your one month in darkness.Lumabas ako ng driver seat at kinuha ang aking bag. Tahimik akong naglakad papasok sa school pero agad ding natigilan ng makita ko si Perfi na nakasandan sa isang puno na para bang kanina pa may hinihintay. Agad sumibol ang kaba sa aking puso ng magta

  • Since that Day (TAGALOG)   CHAPTER 34

    OverNaging masaya ang araw namin. Walang oras na hindi ako nakaramdam ng tuwa. Lalo na dahil sa kalokohan ng magpipinsan minsan ay sumasali pa sina Leley at Roma.Makikita na ang papalubog na araw sa horizon ng karagatan. It was beautiful. Hinding hindi ko ito malilimutan. The happiness...I'm feeling...I won't ever forget this.Sabay sabay kaming nanuod ng sunset, nagkaroon din ng pictorial ang mga Suarez. At syempre laging present ang digital camera ni Jonas. Pangarap niya yatang maging photographer.Naglabas din ng cellphone si Perfi at nag selfie kami parehas. At sa bawat ngiti ko ay walang mababasa ditong kalungkutan, purong kasiyahan lamang.Nang dumilim naman ay gumawa ng bonfire si Jonas at syempre may alak na naman. Nasa dalampasigan lang kami at sa gitna namin ay ang bonfire."At dahil last night na natin to maglalasing tayo hanggang sa hindi na tayo ma

  • Since that Day (TAGALOG)   CHAPTER 33

    Scared to deathKinabukasan ay agad nagplano ang lahat na mag swimming sa dagat. Pero dahil may mga hang over ang lahat tamad na tamad pa sila magsibangon. Si Roma naman ay umagang umaga nagsusuka sa banyo. Si Leley naman ay tulog na tulog pa sa kama. Itong babaeng ito isa pa eh. Inihatid siya dito ni Isaiah na tulog na tulog, lasing yata."Gising na Leley!" Sigaw ko sa tainga ni Leley sabay sipa ko sa paa niya. Natawa ako ng bigla siyang napabangon sa biglang gulat. Taas taas pa ang magulo niyang buhok. Mukha siyang sabog sa itsura niya."Eina naman eh!" Sabi niya sabay irap sa akin. Humalakhak ako habang pinagmamasdan siyang parang baliw na naglalakad sa banyo. Sakto naman na kalalabas lang ni Roma na nakasuot ng bathrobe."Anyare don?" Roma asked, confused because of Leley's weird face."Ayun, lasing parin yata hanggang ngayon." Sabi ko. "Ako nga rin eh. Ang

  • Since that Day (TAGALOG)   CHAPTER 32

    Last"Gusto kita...no...I think I'm falling in love. Please be mine, Eina."Hindi ako makaimik. Pakiramdam ko ay nalunok ko na ang dila ko. My knees are trembling terribly. Ramdam na ramdam ko ang pagtambol ng puso ko sa loob ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay malapit ng tumalon ang puso ko.Bumalik lang ako sa wisyo ng marinig ko ang mahina niyang paghalakhak."Where's your tongue now, Eina?" He teased. Dahil sa sobrang kaba ay sinubukan kong ialis ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero mas hinigpitan niya lang ito at ang mas nakakainis mas napalapit pa ako sa katawan niya. We're just inches away."I-Inaantok na ako." Sabi ko habang iniiwas sa kaniya ang aking paningin but he's staring at me intently!"Girlfriend na kita?" He asked that made my eyes widened. What the hell?! Mas lalo akong nanlaban sa hawak niya p

  • Since that Day (TAGALOG)   CHAPTER 31

    FallingNang dumaong na sa Polillo Island ang yate ay halos malaglag ang panga ko sa sobrang ganda ng tanawin! Sobrang sariwa ng hangin. Matatanawan mo ang malayong kagubatan sa dulo at sa kanan naman ay ang malawak na karagatan."Wow!" Namamanghang sinabi ni Roma at Leley habang nakamasid sa buong paligid."Welcome to the Suarez Paradise!" Malakas na sigaw ni Jonas na nag echo pa sa buong paligid.Suarez Paradise?Napatingin ako kay Perfi na ngayon ay nag iintay sa akin na mapasulyap sa kaniya. Nag taas siya ng kilay sa akin at ngumisi."Let's go?" He asked. I nodded at him. Nang naglakad na siya ay sumunod kami nina Leley at Roma. Sina Jonas naman ay nauna na yata sa Hotel.Namamangha na lang ako habang napapatingin sa buong paligid. Sobrang aliwalas. Mukhang napaka pino ng kulay puting buhangin. Ang dagat ay kumikislap at napaka ganda n

  • Since that Day (TAGALOG)   CHAPTER 30

    Baby"Today is the day!" Sigaw ni Roma habang palabas kami ng hotel room. Natawa na lang ako sa kaingayan niya.Dala dala na namin ang mga gamit namin dahil ngayon ang alis namin papuntang Polillo Island. Lahat kami ay nakahanda. I am wearing my spaghetti strap romper and stringed sandals. Suot ko na rin ang aking glasses at beach hat! Si Roma naman ay naka maong short at halter top, si Leley naman ay naka short shorts at tube top na pinatungan ng see through blazer. Lahat kami ay excited na dahil ang sabi ni Perfi ay sasakay kami sa yate nila! "Hello girls!" Bati sa amin ni Jonas. Ngumiti lang ako sa kaniya, lahat kami ay nasa labas ng van dahil iniintay pa namin yung iba. Si Edu at Jonas pa lang ang nandito."Nasan na ang mga pinsan mo Jonas?" Tanong ni Roma."Nagsisiksikan sa elevator." Natatawang sagot ni Jonas. Napailing na lang ako. Kahit kailan talaga pu

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status