LOGINBUMALIK ANG pagtataray ni Andrea. "Ano ang nakakatawa! And how conceited can you get!" Hindi na niya napigilan ang mapairap.
Nagkibit-balikat ito. "Kung ganoon, ano lang pala? Halos lumuwa na nga ang mata mo nang makita mong bumaba ako eh," at tumawa ulit ito.
Aba't! "Alam mo mister, tigil-tigilan mo ang panonood ng mga teleserye, ha? Hindi kita tinitignan or tinignan man lang! At pwede ba? Huwag mong ibahin ang usapan!" Singhal niya.
"Kung ganoon, ano pa ang tinutunganga mo r'yan sa harapan ko? Sinasayang mo ang oras ko. Every second counts. Kung isa ka sa mga babaeng nagpapapansin saakin, I'm sorry, Miss. Wala akong panahon sa'yo. And..." Binitin nito ang sasabihin at tumingin sakaniya. Sa kabuuan niya.
"You're not my type." preskong sabi nito.
Aba't...! Talagang sumosobra na ito! "Hoy, lalaking talipandas! Masyado naman yatang malaki ang bilib mo sa sarili mo? Ano feeling mo, gwapo ka? Tignan mo kaya ang sarili mo sa salamin, nang malaman mong puro hangin ang laman ng utak mo! And excuse me, hindi rin ako nagpapapansin sa'yo. Sino kaba? Ni hindi nga kita kilala. And for your information, naririto ako sa harapan mo para pagbayarin ka," masungit na sabi niya. Namewang pa siya.
Tumalim ang mga mata nito. Mukhang hindi yata nagustuhan ang sinabi niya. Well serves him right! "Hindi mo ako kilala?" Ulit nito sa sinabi niya.
Nagtaas siya ng baba "Oo. Sino ka ba? At kaunting payo lang ha, bawas bawasan mo ang pagiging mahangin mo. At para sabihin ko sa'yo, you're not even my type too!" at ginaya niya pa ang ginawang panunuri nito sa kabuuan niya at may pagtirik pa ng mga mata.
Mukhang nasagasaan naman niya ang ego nito. "Masyado naman yatang matalas ang dila mo, Miss. Baka akala mo may magkakagusto sa'yong lalaki sa ugali mong 'yan na masyadong matabil? Men prefer their woman attractive, malambing at cariñosa. Look at you, pang Lola Basyang na nga 'yang suot mo, nuknukan ka pa ng taray. Tatanda kang dalaga n'yan, Miss," nakangising sabi nito.
What?! Masyado naman yatang nanlalait itong kaharap niya! Paano naman napunta sakaniya ang usapan? At siya? Pang Lola Basyang ang suot? Napatingin siya sa suot. Maayos at presentable naman ang damit niya. Conservative talaga siya pero atleast kagalang-galang naman siyang tignan. Pinalaki siya ng pamilya na konserbatibo at wala siyang nakikitang mali roon. And hello, excuse me! Branded brands ang mga suot niya!
"Lumalayo na yata tayo sa usapan, Mister! Kung ganito ang itsura ko, pag-pasensyahan mo. Wala akong balak i-pleased ka. Alam ko nasusuka ka masilayan ako, but the feeling is mutual! Nababanas rin ako sa pagmumukha mo, kaya pwede ba? Ayusin nalang nating itong gulong ginawa mo," nang-gigigil na sabi niya. Naiinis siya sa panglalait nito sakanya.
"Hey, hey. Anong kasalanan?" takang tanong nito
Aba't talagang... inuubos nito ang pasensya niya!
"Mister, look at my car!" gigil na turo niya sa kotse niya.
Tinignan nga nito 'yon. "So?" Uminit ang ulo ng dalaga sa walang kwentang sagot nito.
"So? Iyon lang ang masasabi mo after what you have done?! My God!" nahihighblood na sigaw niya. Mabilis pa naman siyang mainis.
Nalilitong tumingin ito sakanya. "Hindi kita maintindihan, Miss. Ang labo mong kausap ikaw nga itong parang baliw na basta nalang binato ang bintana ng kotse ko--"
"Huh! At ako pa ngayon ang malabo? Sino ba ang mas malabo saatin ngayon, Mister?! You just appeared out of nowhere! You bumped my car as if you didn't see anything!" nag-ngangalaiting wika niya.
"Miss, pwede bang huminahon ka--"
"Huminahon? Papaano ako kakalma?! Hindi mo alam gaano ka-importante saakin ang kotse ko! Tapos ngayon, ni sorry hindi mo magawa?"
"Miss, teka lang ha. Ang bilis mo magsalita. Pwedeng ako naman? Wala akong alam sa nangyari, okay? Pagusapan nalang natin ito sa maayos na paraan..."
"Maayos na paraan?! Huh! I doubt that!" She gritted her teeth in so much annoyance.
"Miss! I'm in a hurry. Something came up. I'm a busy person and I dont have time for this, okay? Wala akong alam sa pangyayari, because all the time, I was sleeping sa passenger seat. Ang driver ko ang nagma-maneho. Nasiraan din ang kotse ko. Okay? Magkano ba ang kailangan mo?" Kunot na kunot ang noong tanong nito.
Napaisip siya. Magkano nga ba? Pero parang hindi pera ang kailangan niya. Ang kailangan niya ang sorry nito. Dahil ang pera, marami rin siya!
Bago pa siya makapagsalita ay inabot nito sakanya ang isang tseke. "Here, take this. Don't worry. Hindi 'yan tatalbog. I'm really in a hurry," iyon lamang at nagmamadaling pumasok ito sa kotse nito. Ni wala yata ditong nabasag niya ang salamin ng kotse nito.
Doon lamang dumating ang guard ng subdivision at pinagbuksan ng gate ang lalaki. "Mayroon ho bang problema, Ma'am?" tanong nito.
Sa pobreng guard tuloy niya nabuhos ang inis. "Oho. Mayroon po. Malaki. At nasaan ka noong kailangan ko kayo? Wala! Natutulog!" Inis niyang pakli at pumasok na sa driver seat. Nakita niyang napakamot nalang sa ulo ang guard.
Napatingin siya sa relos na suot. Shit! Lagpas isang oras na. At halos trenta minuto rin silang nagbangayan ng talipandas na lalaking 'yon! Sinabi pa naman niya, less than an hour naroroon na siya.
Madali niyang nahanap ang bahay nila Ms. Del Mundo at humanga siya sa karangyaan n'yon. Modern ang exterior at parang reyna at hari ang nakatira roon.
Nagdoorbell siya at lumabas ang nakaunipormeng kasambahay. "Sino po sila?" magalang na tanong nito
Ngumiti siya. "I'm Dra. Heather Andrea Gagandahan. I'm Ms. Del Mundo's Veterinarian," imporma niya.
"Ganoon po ba? Tuloy po, Doc. Kanina pa ho kayo hinahanap ni Ma'am," sagot nito.
"Ganoon ba? Pwede ba akong magpark ng kotse rito sa labas ng bahay niyo?" tanong niya.
"Bilin po ni Ma'am, sa loob na raw ho kayo magpark," sagot nito.
"Naku, salamat," sabi niya at pumasok na ulit sa loob ng kotse. Pinagbuksan naman siya nito ng gate na de-remote control pa.
Pinark niya ang kotse niya katabi sa mga nakaparadang kotse. Pagbaba niya ay namukhaan niya ang isang pamilyar na kotse. Parang kotse iyon ng lalaki kanina, ah?
Bago pa saan dumapo ang kaisipan niya ay tinawag na siya ng katulong. "Ma'am, tawag na po kayo ni Madam," nabaling na ang atensyon niya rito at sabay na silang pumasok sa loob.
Tama nga siya, kung gaano kaganda ang exterior ng bahay, ganoon din ang interior. "Hija! I've been waiting for you," nakangiting wika ng ginang.
"I'm sorry po. May nangyari lang po kasi," nahihiyang tugon niya. Bwisit talaga iyong lalaki kanina!
"No worries. Anyway, I'm glad na nakapunta kana ulit sa bahay ko. Matagal ko nang gustong yayain ka rito para makipagtsikahan sa'yo. Alam mong hindi ka na iba saakin," malambing na wika ng babae.
Yes, masyado silang close ng ginang. Pero tanging sa clinic lang sila nakakapagusap.
Ayon sa kwento nito, matandang dalaga ito at walang anak. Kaya sabik ito sa anak, lalo na sa babae.
Ginala niya ang paningin. "Ang ganda po talaga ng bahay niyo. Parang palasyo po. Nasaan na nga po si Blossom?" tinutukoy niya ang female pomeranian nito. Dog lover si Ms. Del Mundo. Marami itong klaseng breeds ng aso. Tulad ng maltese, shihtzu, french bulldog at marami pang iba. Pero pinakamamahal nito ay si Blossom.
"Naroon sa kulungan niya. Halika--"
"Auntie, sino ho iyang kausap mo?" Ani ng isang tinig na pababa ng hagdan.
"Ah, sakto! Siya si Dra. Andrea, ang veterinarian ko. Naku, napakagandang bata nitong si Andrea, hijo. Come here," sabi ng ginang.
Bahagya naman siyang namula. Naka side view ang lalaki habang pababa ng hagdan at pagbaba, saktong nagkatitigan sila.
Nanlaki ang mga mata ni Andrea nang makilala kung sino ang tinutukoy ng ginang.
Maging ito'y halatang nagulat din.
"Ikaw?!" They both said in unison.
NANGINGITING TINUNGO ni Jedric ang pintuan bahay nila, bumungad roon ang takang mukha ng kapatid niya na si Marielle. "Aba! Anong masamang hangin at mukhang masaya yata ngayon ang baby brother ko?" takang tanong nito.Napanguso siya. "Bakit? Masama na ba ngayon na maging masaya?" tanong niya na hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi."Wala akong sinabing ganoon, 'no! Ang ibig ko sabihin bakit masaya ka 'ata ngayon? What's new? Bakit bumalik na ba si Darlene at ganyan ka kasa--"Pinutol na niya kung ano man ang sasabihin ng kapatid. Ayaw niya nang marinig ang pangalang babanggitin nito. That bitch! "No. Hindi siya ang dahilan, at wala akong planong alalahanin pa kahit ang pangalan niya. So Ate, please."Tinaas nito ang mga kamay bilang tanda ng pagsuko. "Okay, okay. Ito nalang, bakit masaya ka?" parang nagugulumihang ulit nito.Bakit nga ba siya masaya? Well... "I think Ate, nakita ko na ang bab
"PLEASE, RIHAN. Magtatampo ako niyan," pangongonsensya rito ni Andrea. Wala nang nagawa ang binata kundi pagbigyan siya. After all, queen size bed naman ang kama niya. Ayaw kasi niya ng masikip.Hinubad ni Rihan ang medyas nito at ang polo. My God, bakit parang uminit ang paligid? Tumingin ito sakanya at pakiramdam niya ay mas lalong uminit. Naka-slacks lang ito ngayon kitang kita niya ang six pack abs nito... Yes, aware naman siya noon pa na mayroon itong magandang katawan. Ito ang lalaking masasabing pang boy next door look. Ito rin ang tipo na babagay sa mga Calvin Klein products."R-Dihan... paki-check nga ang aircon. Hindi yata b-bukas." nauutal na utos niya.Sinunod naman siya nito. "Bukas Heather, nasa cold pa nga oh," napalunok siya. So anong ibig sabihin nito? Ahh! Nakakahiya, my gosh! Baka anong isipin ng binata. Isipin nito na pinagnanasaan niya ito? Ano nalang iisipin nito sakanya? Na pati ito gusto niyang taluhin? Nakak
PRESENTSa pinaghalo-halong emosyong nararamdaman ni Andrea ay nadulas siya at tumama ang ulo niya sa semento. Pakiramdam niya ay nayanig ang utak niya sa pagkabagok n'yon. Pero unbelievable na nakakadilat pa rin siya. Ibig sabihin, buhay pa siya.Narinig niya ang papalapit na yapak ng binata sa labas. "Andrea?! Andrea! Open the door!" halos gibain na ni Rihan ang pintuan niya."Rihan..." OA at nanghihinang tawag niya rito"Fuck! Andrea!" nagpapanic naman ang binata sa labas.Ilang sandali pa'y nabuksan na nito ang pintuan at naabutan siya nitong nakahandusay sa lapag. Madali itong lumapit sakanya, yumuko at niyukod siya sa magkabilang siko niya sa semento ngunit sa malas nito nadulas ang siko nito at saktong naglapat ang mga labi nila.Agad nanlaki ang mga mata niya dahil sa matinding gulat. Nanatiling nakadilat lamang siya gayundin si Rihan. Mukhang shock na shock din ito sa pangy
KINABUKASAN, NAGISING si Andrea na sumisigaw. Minulat niya ang mga mata niya. Bukas naman ang air-conditioner ngunit pawis na pawis siya. Napangiwi siya sa panaginip. Patay na nga siya sa panaginip niya, ayaw pa rin siyang tanggapin dahil birhen pa rin daw siya. Anak ng teteng na panaginip 'yan! Naisipan na niyang gumising dahil nasa vulcanizing shop pa ang kotse niya. Kailangan niya pa maglakad upang tignan kung ayos na 'yon. Kumain na siya ng almusal at nagayos ng sarili. Nagsuot siya ng green turtle neck blouse at fitted jeans para maiba naman. Kinuha niya ang brown leather boots at sinuot ulit ang brown jacket niya.Nakalabas na siya ng subdivision nang maramdaman niyang mayroong sumusunod na lalaki sakaniya. Lumingon siya at nakita niyang pabilis ng pabilis ang lakad nito papalapit sakanya. Nagpanic siya at tumakbo agad. Pero maagap ang lalaki at agad siyang nahablot nito."Holdup 'to!" Mariing sambit nito.Nahintakutan siya. U
"AHH... He-he-he. Naku huwag po kayong magworry saakin, Ma'am. A-Actually, may b-boyfriend na po ako," at pinilit niya pang tumawa upang mapaniwala ang mga ito. Nagtunog peke tuloy 'yon. Nang magtama ang tingin nila ni Reeve ay sinamaan niya ito ng tingin. Isang talipandas!"Oh, really hija? That's good," natuwa naman ang ginang para sakaniya."S-Salamat po...""Talaga ba? Sino naman 'yang bulag na lalaki na 'yan? Baka imaginary boyfriend mo lang 'yan, ha." tatawa tawang sabi ng binata. Hindi na siya nakapagpigil at sinaksak niya ang hita nito ng tinidor sa ilalim ng lamesa, hindi naman nakita 'yon ng matanda."O-Ouch!" nanlalaking mga matang sigaw nito.Tinapakan niya nang madiin ang paa nito at binigyan ito ng nagbabantang tingin na huwag magkamaling isumbong ang ginawa niya. "Ano'ng mayroon? Reeve?" nagtatakang tanong ng ginang."A-Ahh... sa tingin ko po nakagat lang po siya ng l
TWO DAYS AGO"Ikaw?!" gulat at sabay nilang sabi ng hambog na lalaki. Nagtataka naman na nagpapalit-palit ang tingin ni Concha sa dalawa."T-Teka hijo, do you know Dra. Andrea?" gulat na tanong nito.Matiim na tumitig sakanya ang binata. And Andrea can't deny that those stares sent shivers down to her spine! Iba talaga tumitig ang lalaking ito. Mayroon sa mga titig nito na nakakapag panginig ng tuhod."Yes, Auntie. I know her," may diin sa tono na sabi nito, na tila may tinutumbok.Bahagya namang napalunok si Andrea sa pagkakasabi ng binata at nagulat siya na ito pala ang pamangkin na tinutukoy ni Mrs. Del Mundo. Este, Ms. Del Mundo lang pala. Matandang dalaga nga pala ito. Pero ang awkward lang kasi kung Miss ang tawag niya rito."Oh, really? How come? Kakauwi mo lang ngayon," takang tanong naman ng Tiyahin nito. "It's a long story, Auntie. Sasabihin ko nalang some other time. Baki