Share

Kabanata 9

last update publish date: 2020-11-12 10:44:31

KINABUKASAN, NAGISING si Andrea na sumisigaw. Minulat niya ang mga mata niya. Bukas naman ang air-conditioner ngunit pawis na pawis siya. Napangiwi siya sa panaginip. Patay na nga siya sa panaginip niya, ayaw pa rin siyang tanggapin dahil birhen pa rin daw siya. Anak ng teteng na panaginip 'yan! Naisipan na niyang gumising dahil nasa vulcanizing shop pa ang kotse niya. Kailangan niya pa maglakad upang tignan kung ayos na 'yon. Kumain na siya ng almusal at nagayos ng sarili. Nagsuot siya ng green turtle neck blouse at fitted jeans para maiba naman. Kinuha niya ang brown leather boots at sinuot ulit ang brown jacket niya.

Nakalabas na siya ng subdivision nang maramdaman niyang mayroong sumusunod na lalaki sakaniya. Lumingon siya at nakita niyang pabilis ng pabilis ang lakad nito papalapit sakanya. Nagpanic siya at tumakbo agad. Pero maagap ang lalaki at agad siyang nahablot nito.

"Holdup 'to!" Mariing sambit nito.

Nahintakutan siya. Umikot ang paningin niya at wala siyang nakikitang tao na dumaraan. "Wallet! Cellphone!" sigaw nito at naglagay ng balisong sa leeg niya.

Agad nanlaki ang mga mata niya. Ito na lang ba ang kapalaran niya? Ang mamatay siya? Mamatay siyang, no boyfriend since birth? Mamatay siyang walang asawa o anak. At... ayaw niyang mamatay na virgin! Oh God! Oh God! Napapapikit siya habang iniisip. Gusto niya naman bago mamatay ma-devirginized naman siya! Siguro kaya nanaginip siya kanina na hindi pa raw siya maaring mamatay. Ito siguro ang sign.

Dahil doon nagkaroon siya animo ng ibayong lakas upang tabigin ang kamay nito kaya lumipad ang balisong nito. Sinamantala niya ang pagkakataon at agad na tinadyakan ang gitna nito. Namilipit ito sa sakit at agad siyang tumakbo, nililingon-lingon niya ito upang tignan kung humahabol ba ito.

"Tulong! Tulong!" sigaw niya habang mabilis na tumatakbo. Pakiramdam niya ay nasa shooting siya at siya ang action star.

Paika-ika naman siyang hinahabol ng lalaki. "Bwisit kang babae ka!" sigaw nito at pilit pa ring hinahabol siya. Nasa tawiran na sila at nakita niyang naka-stop. Mabilis na tumakbo siya at nakita niyang sumusunod ang hudas na holdaper.

Nakalingon ang ulo niya kaya hindi niya nakita ang lalaking makakasalubong. Nagkabungguan sila. Sa lakas ng impact, ay natumba siya at nauna ang puwetan niya sa semento.

"A-Aray!" daing niya habang nakapikit pa. Bwisit na lalaking ito ang laki laki ng daan hindi siya nakita!

"Hoy! Lagot ka saakin!" narinig niyang sabi ng holdaper. Ilang metro nalang ang layo nito mula sakanya. Napatili siya at pinilit ang sarili tumayo mula sa pagkakabagsak. Malapit na malapit na lang at maabutan na siya ng holdaper!

Nakatayo na siya nang nasa harapan na niya ang holdaper at hinatak nito ang balikat niya. "Halika rito! Pinahirapan mo akong babae ka!" gigil na sabi nito.

Pero bago pa siya makasagot nakita niya na binali ng lalaki ang braso ng holdaper. Nakahiga na sa lapag ang salarin at inuudayan ng lalaki ito ng suntok sa mukha at sikmura. Pakiramdam niya ay nanonood siya ng live shooting ni Brad Pitt. Nakanganga siya habang tinitignan kung paano siya nito ipagtanggol, na animo nag da-daydreaming at namumungay ang mga mata niya. First time na may nagtanggol sakaniyang lalaki at talagang nakaka haba ng hair!

Ilang sandali pa'y duguan na ang mukha ng holdaper at tinayo ito dahil nagsi-datingan na ang mga gwardya.

"Dalhin na 'yan sa presinto," The man said, roughly.

Bitbit na ng mga gwardya ang holdaper at napatingin siya sa paligid. Napapalibutan na sila ng mga tao.

Tumingin siya sa lalaking nagligtas sakanya at tumingin rin ito sakanya. And... shit! Pwede bang maglupasay siya ngayon? My, Oh My! Unang tingin pa lang, ulam na!

Bakit kung kailan 31 na siya saka nagsi-sidatingan ang mga gwapong nilalang? Pakiramdam niya ay para siyang cheese na nagme-melt sa paletrang "S". Shit na malagkit! Sobrang gwapo. Kung si Reeve ay gwapo at maputi, ganoon din ito kagandang lalaki.

Ito naman ang masasabing, "tall, dark and handsome". Pang action star naman ang dating nito. Ang lakas din ng sex appeal. Kulay tsokolate ang buhok nito at medyo mahaba ang style. Layer ang buhok nito na hindi naman nagmukhang dugyot dito. Infact, napakabagay dito ang nasabing gupit. Malalim tumingin ang mga mata nito na tila nanunuot sa bawat himaymay ang titig. Pakiramdam niya ay parang hinihubaran siya sa bawat tingin nito, ngunit hindi nakakabastos. Perpekto ang tangos ng ilong nito na animo inukit ng isang mahusay na sculptor. Manipis lamang ang pinkish nitong labi.

At dumako ang malisyosa niyang mata sa katawan nito, bakit ganoon? Parang model ng isang mamahaling Clothing Company ang katawan nito. Pwede bang mamatay na siya? Kaso hindi pa pala pwede, virgin pa siya.

"Miss? Miss? Naririnig mo ba ako?" winagayway ng lalaki ang kamay nito sa mukha niya. Nabalik siya sa realidad.

"A-Ah... ano 'yon?" namumungay ang mga matang sabi niya.

"Are you okay, Miss? Kanina pa kasi kita kinakausap parang hindi mo ako naririnig," anito.

Bakit pati ang boses nito, ang gwapo rin? Parang pang DJ ang boses nito. Gosh!

Narinig niyang nagtawanan ang mga babae sa paligid niya sa pagtunganga sa kagwapuhan nito. Napairap siya.

"I-I'm fine. Thank you nga pala..." nahihiya niyang tugon. Ngumiti ito,

"It's nothing. Ayokong may nakikitang na-a-agrabyadong babae. At isa pa, he deserves it! Ang laki laking tao, hindi maghanap buhay!" iling na wika nito.

Napangiti siya sa sinabi nito. Yes, he's right. Kaya talamak ang krimen sa bansa dahil sa poverty. Pero bakit 'yung iba, tamad at batugan? Imbes maginuman hindi na lamang maghanap buhay, kahit naman anong trabaho basta't marangal.

"Thank you ulit..."

"I don't accept thank you. Sorry din dahil nabangga kita kanina. Ang bilis mo kasing tumakbo," Nilabas nito ang pamatay na ngiti nito and oh boy, nagrigodon ang puso niya dahil 'don. Damn, panibagong perkpektong lahi nanaman ni Adan!

"Naku... wala kasi akong cash na dala rito..." nahihiya niya sagot. Ayaw niya sana itong biguin at palagpasin ang pagkakataon na ito. Pero wala talaga siyang dalang pera. Akalain ba niyang dito hahantong ang balak na pagkuha sa kotse?

Narinig niyang tumawa ito. "Silly. Walang kaso. Kung gusto mong makabayad sa ginawa kong pagligtas sa'yo, samahan mo akong magkape,"

Tumango siya. Anyway, wala namang masama kung sasama siya rito. Utang niya rito ang paglitas sa virginity at buhay niya. Natawa nanaman siya sa naisip.

He offered his hand, at nagaatubiling tinanggap niya 'yon. Narinig niya ang mga tilian ng kababaihan.

Nakarinig pa siya ng mga iba't ibang klaseng komento. Na tila nakakita ang mga ito ng shooting.

Humantong sila sa kotse nito at pinagbuksan pa siya ng pintuan. Hmm, gentleman! Ang bango pa ng kotse. Very manly.

Isusukbit na sana niya ang seatbelt ngunit naging maagap ito at ito mismo ang nagkabit. Magkalapit na magkalapit ang mukha nila kaya naamoy niya ang mabangong hininga nito! Hmm, yummy! Sabi nga ni Coco Martin sa isang patalastas.

"Hmm... saan ba tayo, Mister?"

Sinabi nito ang isang sikat na coffee shop. Pero teka, sosyal ang shop na 'yon. Tila ginto ang isang tasa ng kape.

"Ano nga palang pangalan mo?" parang nahihiyang tanong ng lalaki sakaniya habang biyahe.

Tumingin siya rito. "Andrea,"

"Andrea... nice name. Andrea?" tanong nito na tila tinatanong ang apelyido niya.

"Andrea Gagandahan," sabi niya sa buong pangalan.

"Wow! This is my first time to hear that kind of last name. It's unique... like you." sabi nito na ikinapula ng mukha niya. My God! Kinikilig siya!

"And Gagandahan... It really suits you. Because you're beautiful," may paghanga itong tumingin sakaniya.

Nagiwas naman siya agad ng tingin. Talaga? Nagagandahan ito sa tulad niya? Mukha kasing mataas ang standard nito sa babae.

"Hey, huwag ka sana mailang. Nagsasabi lang ako ng totoo,"

"Oo nalang. Ikaw ano bang pangalan mo?" tanong naman niya rito.

Parang nagulat ito sa tanong niya na para bang kataka-taka ang tinanong niya. "Oopps. We're here." hindi na nito nasagot ang tanong niya at inalalayan siya makababa ng kotse. She find his gesture sweet and gentleman. Sana kung magka-asawa siya, iyong tulad nito.

Nang makapasok sila sa loob ay napansin niya na tinitignan sila ng mga tao. "Why they're looking at us?" nagtataka niyang tanong

"Don't mind them. Nagagandahan lang sila sayo," He smiled.

Nagkibit-balikat na lang siya. Well, hindi mahirap makakuha ng atensyon ang tulad nito. Umupo sila sa pang-dalawahang upuan na malapit sa bintana. "Ano'ng gusto mo?"

"Hmm... vanilla frappe na lang," hindi kasi siya umiinom ng kape.

"Ikaw?" tanong niya.

"Ako na ang mago-order," sabi nito

Tumango siya at inabot rito ang credit card niya. Nagtatakang tumingin ito sakanya. "Wala kasi akong cash..." nahihiya niyang sabi.

"Andrea, niyaya kita rito hindi para ikaw ang gumastos. Ako ang nagyaya, ako ang gagastos, okay?"

"But--"

"No buts," iyon lamang at pumunta na ito sa counter.

Hmm ideal boyfriend!

Mga ilang minuto lamang ay bumalik na ito at dala na ang vanilla frappe niya. Binilhan rin siya nito ng doughnut. Kapeng barako ang inorder nito.

"So... ano'ng pinagkaka-abalahan mo sa buhay, Andrea?" Simula nito.

"I'm a veterinarian. May sarili akong clinic sa Ortigas,"

"Really? Wow! That's amazing. Hindi ka lang pala maganda, matalino ka rin." puri nito.

"Hindi naman... ikaw? Anong pinagkaka-abalahan mo?" tanong niya.

"Mayroon akong resort business sa Tagaytay,"

"That's nice. Anong pangalan ng Resort mo? Ma-try nga!" nakatawa niyang sabi.

"Kung gusto mo, pwede kitang imbitahan doon and it's free for you," lumabas ang puti at pantay pantay na ngipin nito.

Nanlaki ang mga mata niya. "Naku, huwag na. Nakakahiya naman." sagot niya.

"Ilang taon ka na ba, Andrea?" tanong nito

"Hulaan mo!" nakatawang sabi niya rito

Saglit na nagisip ito. "Hmm. 24?"

"Nope,"

"26?"

"No,"

"28?" panghuhula pa nito.

Tumawa siya. "I'm 31 already. Turning 32, months from now, pawala na sa kalendaryo," sagot niya

"Talaga?" nasa mukha nito ang hindi mapakaniwala.

"Yes."

"Damn! I can't believe it! 31 ka na? You look young," komento nito. Nanlaki naman ang mga mata niya sa narinig. Mukhang bata? Samantalang si Reeve puro kantyaw ang naririnig niya rito sa edad at itsura niya!

"Stop joking around..." pakiramdam niya ay niloloko lamang siya ng lalaki.

"Hey, I'm not joking. Totoong hindi ka mukhang 31, you're a beauty,"

Nagiwas naman siya ng tingin. At hindi malaman kung paano magre-react doon. "Ikaw?" balik tanong niya rito.

"I'm 30," Hindi naman pala nalalayo ang edad nila ng lalaki.

Marami pa silang napagkwentuhan ng binata. At nakalimutan niya na ang oras at kunin ang kotse sa vulcanizing shop. Napasarap kasi ang kwentuhan nila, magaan at masarap ito kausap. Napakadisente nitong lalaki. Hinatid pa siya nito sa tapat ng condo unit niya dahil baka raw mahold-up nanaman siya. Hindi na nga siya nakapasok sa clinic, buti na lang at maasahan ang mga assistant niya roon.

Inalalayan at muli siya nitong pinagbuksan ng kotse.

"Thank you ulit ha..." sabi niya

"No problem. Thanks for the time Andrea. See you again, here's my calling card. Call me if you need something." sabi nito, binulsa niya iyon sa damit niya.

"Thank you! Ingat ka!" ngiting ngiting sabi niya. Kumaway ito, at kinawayan niya rin ito. Hinintay niya ito mawala sa paningin niya bago siya pumasok sa loob ng condo.

Nakaakyat na siya sa unit niya at gayon na lamang ang gulat niya nang makita ang isang bulto ng katawan na nakahiga sa L-shape sofa niya.

"Where have you been? I've been searching you everywhere!" nagaalalang bulalas ng kaharap ng lalaki.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Desperate Virgin (Tagalog/Filipino)   Kabanata 12

    NANGINGITING TINUNGO ni Jedric ang pintuan bahay nila, bumungad roon ang takang mukha ng kapatid niya na si Marielle. "Aba! Anong masamang hangin at mukhang masaya yata ngayon ang baby brother ko?" takang tanong nito.Napanguso siya. "Bakit? Masama na ba ngayon na maging masaya?" tanong niya na hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi."Wala akong sinabing ganoon, 'no! Ang ibig ko sabihin bakit masaya ka 'ata ngayon? What's new? Bakit bumalik na ba si Darlene at ganyan ka kasa--"Pinutol na niya kung ano man ang sasabihin ng kapatid. Ayaw niya nang marinig ang pangalang babanggitin nito. That bitch! "No. Hindi siya ang dahilan, at wala akong planong alalahanin pa kahit ang pangalan niya. So Ate, please."Tinaas nito ang mga kamay bilang tanda ng pagsuko. "Okay, okay. Ito nalang, bakit masaya ka?" parang nagugulumihang ulit nito.Bakit nga ba siya masaya? Well... "I think Ate, nakita ko na ang bab

  • The Desperate Virgin (Tagalog/Filipino)   Kabanata 11

    "PLEASE, RIHAN. Magtatampo ako niyan," pangongonsensya rito ni Andrea. Wala nang nagawa ang binata kundi pagbigyan siya. After all, queen size bed naman ang kama niya. Ayaw kasi niya ng masikip.Hinubad ni Rihan ang medyas nito at ang polo. My God, bakit parang uminit ang paligid? Tumingin ito sakanya at pakiramdam niya ay mas lalong uminit. Naka-slacks lang ito ngayon kitang kita niya ang six pack abs nito... Yes, aware naman siya noon pa na mayroon itong magandang katawan. Ito ang lalaking masasabing pang boy next door look. Ito rin ang tipo na babagay sa mga Calvin Klein products."R-Dihan... paki-check nga ang aircon. Hindi yata b-bukas." nauutal na utos niya.Sinunod naman siya nito. "Bukas Heather, nasa cold pa nga oh," napalunok siya. So anong ibig sabihin nito? Ahh! Nakakahiya, my gosh! Baka anong isipin ng binata. Isipin nito na pinagnanasaan niya ito? Ano nalang iisipin nito sakanya? Na pati ito gusto niyang taluhin? Nakak

  • The Desperate Virgin (Tagalog/Filipino)   Kabanata 10

    PRESENTSa pinaghalo-halong emosyong nararamdaman ni Andrea ay nadulas siya at tumama ang ulo niya sa semento. Pakiramdam niya ay nayanig ang utak niya sa pagkabagok n'yon. Pero unbelievable na nakakadilat pa rin siya. Ibig sabihin, buhay pa siya.Narinig niya ang papalapit na yapak ng binata sa labas. "Andrea?! Andrea! Open the door!" halos gibain na ni Rihan ang pintuan niya."Rihan..." OA at nanghihinang tawag niya rito"Fuck! Andrea!" nagpapanic naman ang binata sa labas.Ilang sandali pa'y nabuksan na nito ang pintuan at naabutan siya nitong nakahandusay sa lapag. Madali itong lumapit sakanya, yumuko at niyukod siya sa magkabilang siko niya sa semento ngunit sa malas nito nadulas ang siko nito at saktong naglapat ang mga labi nila.Agad nanlaki ang mga mata niya dahil sa matinding gulat. Nanatiling nakadilat lamang siya gayundin si Rihan. Mukhang shock na shock din ito sa pangy

  • The Desperate Virgin (Tagalog/Filipino)   Kabanata 9

    KINABUKASAN, NAGISING si Andrea na sumisigaw. Minulat niya ang mga mata niya. Bukas naman ang air-conditioner ngunit pawis na pawis siya. Napangiwi siya sa panaginip. Patay na nga siya sa panaginip niya, ayaw pa rin siyang tanggapin dahil birhen pa rin daw siya. Anak ng teteng na panaginip 'yan! Naisipan na niyang gumising dahil nasa vulcanizing shop pa ang kotse niya. Kailangan niya pa maglakad upang tignan kung ayos na 'yon. Kumain na siya ng almusal at nagayos ng sarili. Nagsuot siya ng green turtle neck blouse at fitted jeans para maiba naman. Kinuha niya ang brown leather boots at sinuot ulit ang brown jacket niya.Nakalabas na siya ng subdivision nang maramdaman niyang mayroong sumusunod na lalaki sakaniya. Lumingon siya at nakita niyang pabilis ng pabilis ang lakad nito papalapit sakanya. Nagpanic siya at tumakbo agad. Pero maagap ang lalaki at agad siyang nahablot nito."Holdup 'to!" Mariing sambit nito.Nahintakutan siya. U

  • The Desperate Virgin (Tagalog/Filipino)   Kabanata 8

    "AHH... He-he-he. Naku huwag po kayong magworry saakin, Ma'am. A-Actually, may b-boyfriend na po ako," at pinilit niya pang tumawa upang mapaniwala ang mga ito. Nagtunog peke tuloy 'yon. Nang magtama ang tingin nila ni Reeve ay sinamaan niya ito ng tingin. Isang talipandas!"Oh, really hija? That's good," natuwa naman ang ginang para sakaniya."S-Salamat po...""Talaga ba? Sino naman 'yang bulag na lalaki na 'yan? Baka imaginary boyfriend mo lang 'yan, ha." tatawa tawang sabi ng binata. Hindi na siya nakapagpigil at sinaksak niya ang hita nito ng tinidor sa ilalim ng lamesa, hindi naman nakita 'yon ng matanda."O-Ouch!" nanlalaking mga matang sigaw nito.Tinapakan niya nang madiin ang paa nito at binigyan ito ng nagbabantang tingin na huwag magkamaling isumbong ang ginawa niya. "Ano'ng mayroon? Reeve?" nagtatakang tanong ng ginang."A-Ahh... sa tingin ko po nakagat lang po siya ng l

  • The Desperate Virgin (Tagalog/Filipino)   Kabanata 7

    TWO DAYS AGO"Ikaw?!" gulat at sabay nilang sabi ng hambog na lalaki. Nagtataka naman na nagpapalit-palit ang tingin ni Concha sa dalawa."T-Teka hijo, do you know Dra. Andrea?" gulat na tanong nito.Matiim na tumitig sakanya ang binata. And Andrea can't deny that those stares sent shivers down to her spine! Iba talaga tumitig ang lalaking ito. Mayroon sa mga titig nito na nakakapag panginig ng tuhod."Yes, Auntie. I know her," may diin sa tono na sabi nito, na tila may tinutumbok.Bahagya namang napalunok si Andrea sa pagkakasabi ng binata at nagulat siya na ito pala ang pamangkin na tinutukoy ni Mrs. Del Mundo. Este, Ms. Del Mundo lang pala. Matandang dalaga nga pala ito. Pero ang awkward lang kasi kung Miss ang tawag niya rito."Oh, really? How come? Kakauwi mo lang ngayon," takang tanong naman ng Tiyahin nito. "It's a long story, Auntie. Sasabihin ko nalang some other time. Baki

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status