LOGINPHILIPPINES
Sa wakas, pagkatapos nang mahaba at nakakaboring na biyahe ay naririto na rin siya sa bansang sinilangan. Nagpadala ng mensahe ang Tiya niya na may susundo raw sakaniya sa airport.
Ginala niya ang paningin. Itim na Lamborghini raw ang susundo sakaniya at sinabi nito ang plaka. Agad naman niya itong nakita at tila kilala na rin naman na siya ng driver.
"Magandang araw, Sir. Ako po iyong pinadala ni Madam Concha." magalang na pakilala nito. Tumango lang siya at pinagbuksan siya nito ng pintuan sa passenger seat.
Sumakay agad siya roon at ilang sandali pa ay mahimbing na mahimbing na ang tulog niya. May jetlag pa siya sa biyahe. Hindi niya alam kung gaano na siya katagal natutulog ngunit nakarinig na lamang siya ng kakaibang ingay na galing sa labas. Parang may nagbungguan. Napasubsob pa ang mukha niya sa headrest ng driver seat dahil sa biglaang pagpreno.
Tila nagising ang natutulog niyang diwa. "Ano ho ang nangyari?" nakakunot noong tanong niya.
Napapakamot ito sa o habang tumingin sakanya. Hindi makatingin ng maayos. "Ah-eh, S-Sir..."
Nagulat na lamang siya nang makita sa gilid ng bintana niya ay may isang babaeng galit na galit at binato ang salaminl ng kotse gamit ang bato.
Nanlaki ang mga mata niya. My God! Baliw na ba ito? Hindi ba nito alam kung magkano ang sasakyan ng Tiya?!
Inis siyang bumaba ng kotse para harapin ang mahaderang babaeng ito. Hindi niya ito papalagpasin! Kakauwi niya lang galing ibang bansa at pagod pa, ngunit mukhang mae-evict niya itong babaeng ito.
Pagkababa niya, nasilayan niya ang isa sa pinakamagandang babaeng nakita niya 'ata sa tanang ng buhay niya. She's not that beautiful na pwedeng ipanglaban sa beauty pageants. Pero may ganda itong hindi nakakasawa. He was about to screen her body but to noticed na napaka baduy nito manamit. Conservative ito manamit.
Sa init ng klima dito sa Pilipinas, anong pumasok na kalokohan sa kukote nito para magsuot ng get-up nito? Sayang maganda pa naman ang dalaga. But, no way. Hindi siya pumapatol sa pa old-maid na. Tulad ng tiyahin. Mukhang may balak pa yatang pumasok sa kumbento itong babaeng ito.
Napansin niya bahagya itong natulala nang makita siya at mukhang nagda-daydreaming pa ang mukha nito kaya naisip niyang lokohin ito.
Mukhang napahiya naman ang babae, kaya bahagyang tumagilid ito at para punasan ang ika nga niyang "tumulong laway" nito. Natawa siya. He find her very amusing.
Ilang sandali pa ay nagkapalitan na sila ng maaanghang na salita ng babae. Matabil ang dila nito. At ayaw man aminin ni Reeve, ngunit nasasagi nito ang ego niya. Kaya naman para matapos na ang usapan ay binigyan niya ito ng tseke at nanggigigil na umalis doon.
Sayang! Maganda pa naman ang babaeng 'yon, pero bukod sa manang na nga manamit, masyado pang mataray!
"Nandito na ho tayo, sir, pasensiya na ho ulit. Ayaw ko pa hong matanggal sa trabaho," sabi ng driver. Tumango siya at bumaba na. Kinuha ng driver ang bagahe niya sa compartment at siya naman ay nagdoorbell na sa bahay. Agad siyang pinatuloy ng kasambahay at dare-daretsong pumasok na sa loob.
Agad niyang nabungaran ang tiyahin niya na na nasa hapag kainan at nagaayos ng pagkain. Nagulat ito nang makita siya.
"Reeve! Hijo! Nagulat naman ako saiyo. Hindi ka man lang tumawag na narito kana. Hindi pa ako tapos mag-prepare. Anyway, kamusta ang biyahe? I miss my baby boy," nakangiting lumapit ito sakanya. Agad siyang nagmano. Niyakap siya nito at gumanti rin siya ng yakap. He miss her Auntie so much.
"May nangyari lang, Auntie. Masyado akong pagod sa byahe..." mababakas ang pagod sa boses niya.
"Ganoon ba? O sige, umakyat ka muna roon sa kwarto mo at magpahinga saglit. Tutal hindi pa ako tapos magayos dito. Tatawagin na lang kita kapag ayos na," sabi nito
"Okay, Auntie. Thanks," at umakyat na nga siya. Tinungo ang dating kwarto niya na ganoon pa rin ang ayos. Nakakamiss din pala rito.
Agad siyang nagpalit ng komportableng damit at nahiga sa kama. Naisip niya ang babae kanina. That woman is interesting. Pero naisip niyang dapat nang huwag isipin ito dahil alam naman niyang hindi na sila muling magkikita pa.
Bago pa siya hilahin ng kaantukan ay may naririnig siyang tinig sa ibaba. Parang may kausap ang Auntie niya. Napagpasyahan niyang bumaba at tignan sino ang kausap ng tiyahin. Isama na rin ang pagtunog ng sikmura niya.
"Tita, sino ho iyang kausap mo?" tanong niya habang pababa ng hagdan
"Ah, sakto! Ikaw pala hijo, ito si Dra. Andrea, ang veterinarian ko. Naku, napakagandang bata nitong si Andrea hijo, come here," sagot ng Tita niya.
Napangiwi siya. Mukhang balak pa yata ng tiyahin i-match make siya. Kilala niya ang sinasabi nitong veterinarian. Papaanong hindi, eh kulang nalang sambahin na ito ng tiyahin niya.
Wala yatang tawag na hindi nito binabanggit ang Doctor nito. Na ayon dito ay napakaganda, napaka maayos na babae at responsable. Lahat na yata ng magandang 'napaka' ay nasabi na ng ginang. Sa mata nito, tila isang santo ang Doctor nito.
Bilib na bilib ito sa babae nito at kulang nalang ay ipagpalit na siya rito. Nasabi pa nga nitong parang anak na ang turing nito sa alaga. Isama pa roon na parehas ang mga ito ng interest. Pets.
Well, hindi naman siya inggitero. At hindi naman siya nai-inggit sa malugod na papuri ng tiyahin sa dalaga. Alam naman niyang siya ang mas matimbang dito at salingkitkit lang ang Doctora na ito sa buhay ng pinakamamahal na Tiyahin. At bukod pa roon ay baka manggagamit ito at nakikipag-close sa ginang dahil alam nitong mayaman ang huli.
Mga taong oportunista at manggagamit! Hindi na iyon bago sa buhay. At dapat niyang masabihan ang tiya, lalo na't wala namang masama kung magiingat. Kailangan niya masabi ang nilalaman ng isip sa hindi nakaka-offend na paraan dahil tiyak niyang hindi makikinig ang tiyahin sakanya basta basta.
Pagbaba niya ng hagdan saktong nagkatitigan sila ng panauhin nito. Awtomatikong nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto kung sino ang tinutukoy ng tiyahin.
"Ikaw?!" at nakakatawang bukod sa parehas sila ng reaksyon ay magkasabay pa nilang sinabi iyon.
NANGINGITING TINUNGO ni Jedric ang pintuan bahay nila, bumungad roon ang takang mukha ng kapatid niya na si Marielle. "Aba! Anong masamang hangin at mukhang masaya yata ngayon ang baby brother ko?" takang tanong nito.Napanguso siya. "Bakit? Masama na ba ngayon na maging masaya?" tanong niya na hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi."Wala akong sinabing ganoon, 'no! Ang ibig ko sabihin bakit masaya ka 'ata ngayon? What's new? Bakit bumalik na ba si Darlene at ganyan ka kasa--"Pinutol na niya kung ano man ang sasabihin ng kapatid. Ayaw niya nang marinig ang pangalang babanggitin nito. That bitch! "No. Hindi siya ang dahilan, at wala akong planong alalahanin pa kahit ang pangalan niya. So Ate, please."Tinaas nito ang mga kamay bilang tanda ng pagsuko. "Okay, okay. Ito nalang, bakit masaya ka?" parang nagugulumihang ulit nito.Bakit nga ba siya masaya? Well... "I think Ate, nakita ko na ang bab
"PLEASE, RIHAN. Magtatampo ako niyan," pangongonsensya rito ni Andrea. Wala nang nagawa ang binata kundi pagbigyan siya. After all, queen size bed naman ang kama niya. Ayaw kasi niya ng masikip.Hinubad ni Rihan ang medyas nito at ang polo. My God, bakit parang uminit ang paligid? Tumingin ito sakanya at pakiramdam niya ay mas lalong uminit. Naka-slacks lang ito ngayon kitang kita niya ang six pack abs nito... Yes, aware naman siya noon pa na mayroon itong magandang katawan. Ito ang lalaking masasabing pang boy next door look. Ito rin ang tipo na babagay sa mga Calvin Klein products."R-Dihan... paki-check nga ang aircon. Hindi yata b-bukas." nauutal na utos niya.Sinunod naman siya nito. "Bukas Heather, nasa cold pa nga oh," napalunok siya. So anong ibig sabihin nito? Ahh! Nakakahiya, my gosh! Baka anong isipin ng binata. Isipin nito na pinagnanasaan niya ito? Ano nalang iisipin nito sakanya? Na pati ito gusto niyang taluhin? Nakak
PRESENTSa pinaghalo-halong emosyong nararamdaman ni Andrea ay nadulas siya at tumama ang ulo niya sa semento. Pakiramdam niya ay nayanig ang utak niya sa pagkabagok n'yon. Pero unbelievable na nakakadilat pa rin siya. Ibig sabihin, buhay pa siya.Narinig niya ang papalapit na yapak ng binata sa labas. "Andrea?! Andrea! Open the door!" halos gibain na ni Rihan ang pintuan niya."Rihan..." OA at nanghihinang tawag niya rito"Fuck! Andrea!" nagpapanic naman ang binata sa labas.Ilang sandali pa'y nabuksan na nito ang pintuan at naabutan siya nitong nakahandusay sa lapag. Madali itong lumapit sakanya, yumuko at niyukod siya sa magkabilang siko niya sa semento ngunit sa malas nito nadulas ang siko nito at saktong naglapat ang mga labi nila.Agad nanlaki ang mga mata niya dahil sa matinding gulat. Nanatiling nakadilat lamang siya gayundin si Rihan. Mukhang shock na shock din ito sa pangy
KINABUKASAN, NAGISING si Andrea na sumisigaw. Minulat niya ang mga mata niya. Bukas naman ang air-conditioner ngunit pawis na pawis siya. Napangiwi siya sa panaginip. Patay na nga siya sa panaginip niya, ayaw pa rin siyang tanggapin dahil birhen pa rin daw siya. Anak ng teteng na panaginip 'yan! Naisipan na niyang gumising dahil nasa vulcanizing shop pa ang kotse niya. Kailangan niya pa maglakad upang tignan kung ayos na 'yon. Kumain na siya ng almusal at nagayos ng sarili. Nagsuot siya ng green turtle neck blouse at fitted jeans para maiba naman. Kinuha niya ang brown leather boots at sinuot ulit ang brown jacket niya.Nakalabas na siya ng subdivision nang maramdaman niyang mayroong sumusunod na lalaki sakaniya. Lumingon siya at nakita niyang pabilis ng pabilis ang lakad nito papalapit sakanya. Nagpanic siya at tumakbo agad. Pero maagap ang lalaki at agad siyang nahablot nito."Holdup 'to!" Mariing sambit nito.Nahintakutan siya. U
"AHH... He-he-he. Naku huwag po kayong magworry saakin, Ma'am. A-Actually, may b-boyfriend na po ako," at pinilit niya pang tumawa upang mapaniwala ang mga ito. Nagtunog peke tuloy 'yon. Nang magtama ang tingin nila ni Reeve ay sinamaan niya ito ng tingin. Isang talipandas!"Oh, really hija? That's good," natuwa naman ang ginang para sakaniya."S-Salamat po...""Talaga ba? Sino naman 'yang bulag na lalaki na 'yan? Baka imaginary boyfriend mo lang 'yan, ha." tatawa tawang sabi ng binata. Hindi na siya nakapagpigil at sinaksak niya ang hita nito ng tinidor sa ilalim ng lamesa, hindi naman nakita 'yon ng matanda."O-Ouch!" nanlalaking mga matang sigaw nito.Tinapakan niya nang madiin ang paa nito at binigyan ito ng nagbabantang tingin na huwag magkamaling isumbong ang ginawa niya. "Ano'ng mayroon? Reeve?" nagtatakang tanong ng ginang."A-Ahh... sa tingin ko po nakagat lang po siya ng l
TWO DAYS AGO"Ikaw?!" gulat at sabay nilang sabi ng hambog na lalaki. Nagtataka naman na nagpapalit-palit ang tingin ni Concha sa dalawa."T-Teka hijo, do you know Dra. Andrea?" gulat na tanong nito.Matiim na tumitig sakanya ang binata. And Andrea can't deny that those stares sent shivers down to her spine! Iba talaga tumitig ang lalaking ito. Mayroon sa mga titig nito na nakakapag panginig ng tuhod."Yes, Auntie. I know her," may diin sa tono na sabi nito, na tila may tinutumbok.Bahagya namang napalunok si Andrea sa pagkakasabi ng binata at nagulat siya na ito pala ang pamangkin na tinutukoy ni Mrs. Del Mundo. Este, Ms. Del Mundo lang pala. Matandang dalaga nga pala ito. Pero ang awkward lang kasi kung Miss ang tawag niya rito."Oh, really? How come? Kakauwi mo lang ngayon," takang tanong naman ng Tiyahin nito. "It's a long story, Auntie. Sasabihin ko nalang some other time. Baki