LOGINTWO DAYS AGO
"Ikaw?!" gulat at sabay nilang sabi ng hambog na lalaki. Nagtataka naman na nagpapalit-palit ang tingin ni Concha sa dalawa.
"T-Teka hijo, do you know Dra. Andrea?" gulat na tanong nito.
Matiim na tumitig sakanya ang binata. And Andrea can't deny that those stares sent shivers down to her spine! Iba talaga tumitig ang lalaking ito. Mayroon sa mga titig nito na nakakapag panginig ng tuhod.
"Yes, Auntie. I know her," may diin sa tono na sabi nito, na tila may tinutumbok.
Bahagya namang napalunok si Andrea sa pagkakasabi ng binata at nagulat siya na ito pala ang pamangkin na tinutukoy ni Mrs. Del Mundo. Este, Ms. Del Mundo lang pala. Matandang dalaga nga pala ito. Pero ang awkward lang kasi kung Miss ang tawag niya rito.
"Oh, really? How come? Kakauwi mo lang ngayon," takang tanong naman ng Tiyahin nito. "It's a long story, Auntie. Sasabihin ko nalang some other time. Bakit hindi niyo ako ipakilala sa Doktora niyo?" talagang pinagdiinan nito ang salitang "doktora".
"O, akala ko ba magkakilala na kayo?"
"Yes. Pero mukhang nakalimutan yata ni Ms. Gagandahan na pormal na magpakilala saakin," the man smirked at her.
Nanlaki naman ang mga mata ni Andrea sa naririnig. Ano bang gustong palabasin ng damuhong lalaking ito?
Mukhang natuwa naman ang Tiya nito. "Tutal magkakilala na pala kayo, ngayon mas magkakakilanlan pa kayo..." simula ng ginang.
Halos mapatirik naman ang mga mata ni Andrea sa narinig. Huh! As if namang gusto niya lubusang makilala ang pamangkin nito! No, thanks.
"Ah.. Ma'am, iche-check ko na po si Blossom," pagiiba niya ng usapan. "Naku, don't worry about Blossom, hija. She's pefectly fine. I'm sorry, pero nagimbento lang ako ng kwento noong tinawagan kita. Gusto talaga kita imbitahin sa munting salu-salo kasi darating nga itong pamangkin ko. Alam ko kasi pag sinabi ko sayo, hindi ka papayag," nakangiti at apologetic na tumingin ito sakanya.
Hindi niya alam kung matutuwa ba siya dahil naalala siya nito, o maiinis dahil imbes nagpapahinga siya ay ito narito siya at nakilala ang lalaking kung umasta ay parang hari.
"Okay lang ba, hija?" nagaalalang tanong ng ginang. Agad siyang nag-angat ng tingin at ngumiti rito.
"Ayos lang po," pilit siyang ngumiti. Naging mabait sakanya ang huli at ayaw niyang sa munting hiling nito ay hindi niya pa mapagbigyan, narito na siya. Titiisin nalang niya ang presensya ng pamangkin nito.
"Kung gayon, tara na sa hapag kainan, nakahanda na ang dinner," anyaya nito. Nauna ito sa paglakad at sinabayan nila ito ng lalaki.
"I didn't know na bulag pala si Auntie. Maganda? Bakit parang hindi ko naman nakikita 'yon sa'yo? Anyway, we still have unfinished business," mapangasar na bulong nito sa tenga niya kaya bahagyang napakislot siya.
"How dare you to insult me like that! You have no right! Masyado kang mahangin, mister!" gigil niyang sambit rito, ngunit pinilit na hindi mapalakas ang boses.
Natawa ito ng mahina. "Well...pwede ka na ring sigurong pagtiyagaan...you still have the curves kahit pang manang 'yang suot mo," iniscreen pa nito ang katawan niya na ikinapula ng mukha niya.
Sa sobrang inis at gigil niya rito ay nasuntok na lamang niya ito sa sikmura. "Ouch!" daing nito
"Serves you right!" natatawa naman niyang sabi. Saktong lumingon naman sakanilang direksyon ang Tiya nito.
"Ohh, mukhang nagkakamabutihan na kayo ng pamangkin ko, Andrea," ngiting ngiting sabi nito.
"Yes, Tita. Mabait naman pala ito si Dra. Andrea. Kaso mukhang sinusungitan niya ako. Mainit yata ang dugo niya saakin," nakangisi nitong sabi na animo nagpapaawa pa sa Tiya.
Umupo na ang ginang sa nakahandang upuan at gayundin sila. Nagsimula na sila sa pagkain nang nagsalita ulit ang ginang. "Andrea, pagpasensiyahan mo na 'yang pamangkin ko. Sadyang mapangasar talaga 'yan. Siya nga pala, siya si Reeve. Reeve Buenavista. Kapatid ko ang namayapa niyang ina. Naku, alam mo namomoblema nga ako sa batang 'yan. Paano ba naman 32 na, ni isang matinong babae wala man lang siyang naipapakilala saakin," napapailing na wika nito.
Huh, tama nga ang hinala niya. This man is a certified casanova. Wala itong matinong gagawin. Isa itong playboy! Hindi niya alam, pero na-disappoint siya nang maisip kung ilang babae na ang naikama nito. Siguradong pang beauty queen ang kagandahan o kung hindi man, pang artista -- unlike her. Plain Andrea.
Agad niyang iwinaksi ang naisip. Ano bang paki niya kung ganoon man? Wala na siya roon. Bahala na ito sa buhay nito kung magkasakit ito sa pakikipagtalik kung kani-kanino. It's not her problem anyway.
"Auntie naman... huwag mo naman akong ipahiya sa harap ng inyong Doktora," at kumindat pa ito sakanya.
Shit! Pakiramdam niya hinangin ang panty niya sa pagkindat nito. Sobrang gwapo naman kasi talaga nito. Parang isang titig lang nito handa nang liparin ang underwears niya. Lihim siyang natawa sa naisip, nagiging berde na siya simula ng masilayan ang lalaking ito.
"Heh! Dapat lang ano, pasasaan ba't malalaman din ni Andrea ang pinagagawa mo sa mga babae. Kung sakali mang magaasawa ka, ang gusto kong mapangasawa mo ang mga babaeng tulad ni Andrea. Conservative, magaling sa buhay at ideal wife. O kung hindi man, matutuwa ako kung si Andrea nga ang mapapangasawa mo," nagniningning ang mga mata ng matanda.
Agad na nalunok ni Andrea ang malaking steak na sinubo. Napaubo siya at nanlaki ang mga mata. "Tubig! Tubig!" natatarantang sigaw ng ginang.
Pati si Reeve ay nataranta rin at agad siyang inabutan ng tubig. Ininom niya 'yon. Naluha siya dulot ng pagkabara ng steak na agad niyang nalunok. Napapa-ubo pa rin siya ngunit pinilit na magsalita. "I'm sorry Ma'am..." hinging paumanhin niya.
"It's okay, Andrea."
"Ganoon ba katindi ang ayaw mo saakin at nabulunan ka pa sa sinabi ni Auntie?" madilim na tanong ng binata sakaniya.
Agad naman siyang napatingin rito at napakunot-noo. "Huh? Anong ibig mong sabihin?" nalilitong tanong niya.
Agad itong nagiwas ng tingin. "Wala, ubusin mo na 'yang pagkain mo," ipinagkibit balikat niya ang sinabi nito at nagkwentuhan pa sila ng ginang. Marami siyang nalaman tungkol kay Reeve. Marami na raw itong branches ang bar nito sa Barcelona sa edad na 32. Mas lumawak ang paghanga niya sa lalaki sa abilidad nito sa negosyo
"Pwedeng pwede na nga siyang magasawa. Stable naman na ang business niya. Ewan ko nga ba " r'yan sa batang 'yan... mukhang ayaw lumagay sa tahimik..." nasa boses nito ang pagkadismaya.
She heard Reeve groaned. And for her that groan is too... sexy.
"Auntie naman, kung magusap kayo parang wala ako dito, ha? Besides, I don't have time para sa pagaasawa. Sakit lang sa ulo ang mga babaeng 'yan. Masyadong maraming demands sa buhay. If I stay single, wala akong problema. No complications." sabad sa usapan ni Reeve. Nalungkot siya sa sinagot nito. So, wala itong balak magasawa. Teka, bakit kailangan niyang makaramdam ng lungkot!
"Pero flings ang dami mo? Hay naku, Reeve! Hindi ako magtataka kung isang araw mayroong sumusugod ditong babae at ike-claim na ikaw ang ama. Magtino kana, Reeve. You're not getting any younger," sermon ng matanda rito.
"Tita, babae ang lumalapit saakin. Ano bang magagawa ko kung masyadong gwapo itong pamangkin niyo?" Naitirik ni Andrea ang mga mata sa narinig. Hindi rin naman ito mayabang, ano?
"Huh! Basta gusto kong maghanap kana ng mapapangasawa mo..." dumako ang tingin ng ginang sakanya.
"Ikaw naman Andrea, kailan mo balak lumagay sa tahimik? Hindi ka na rin bata. 31 years old kana. Nasa alanganin kana hija, kung ako sayo maghanap kana ng mapapangasawa mo. Mahirap ng tumandang dalaga, look at me. Walang kasama, nakakalungkot," sabi nito
Naisip niya na rin 'yon. Ayaw niyang tumandang dalaga. Sino bang babaeng nangarap na huwag magkaasawa at huwag magkaanak? Wala naman, diba? Pero ano ang magagawa niya, kung walang magkamaling lalaki sakanya. Wala ngang nanliligaw. Hindi niya rin alam kung ano ang problema.
Maganda naman siya. Mayaman. May class at matalino. Ano bang problema? Minsan napapaisip siya, 'yung iba hindi naman kagandahan pero ligawin. Pero siya, maraming nagsasabing maganda siya. Sa katanuyan, lagi siyang napipiling Reyna Elena noong kabataan palang siya. May mga ilan ding nagalok sakaniya noon na maging ambassador ng mga beauty products ng mga ito.
Pero bakit humatong siya sa ganito? Nagsisimula na rin siyang magalala, she's already 31 years old. Wala pa rin siyang boyfriend. Anong edad siya magbubuntis? Baka hindi na siya pwedeng magkaanak 'non! My God!
Nagpanic bigla ang isip niya. Hindi niya maiwasan hindi makaramdam ng self-pity. Letseng buhay 'to, 'yung iba nga, nangangarap gumanda o yumaman pero may asawa o boyfriend. Samantalang siya, nasakaniya na ang lahat, kahit si bentong o dagul hindi man lang siya maligawan. Bakit? What's wrong with her?
"Andrea?" Pagulit ng matanda.
"Ahh... ehh..."
"Naku, Auntie. Mukhang wala 'atang magkakamali kay Andrea. Dinaig pa si Maria Clara sa pananamit at nuknukan ng taray, kahit nagiisang lalaki sa mundo hindi 'yan papatulan," at tumawa ng nakakaloko ang binata. Tila demonyo ang tawa nito sa pandinig niya.
Biglang humigpit ang pagkakahawak niya sa tinidor. Kanina pa namumuro itong lalaking ito, ha! Ngumiti siya ng pilit pero pinanlalakihan ng mata ang binata. Pinaparating ditong hindi siya natutuwa sa mga nilalabas ng bibig nito!
NANGINGITING TINUNGO ni Jedric ang pintuan bahay nila, bumungad roon ang takang mukha ng kapatid niya na si Marielle."Aba! Anong masamang hangin at mukhang masaya yata ngayon ang baby brother ko?" takang tanong nito.Napanguso siya."Bakit? Masama na ba ngayon na maging masaya?" tanong niya na hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi."Wala akong sinabing ganoon, 'no! Ang ibig ko sabihin bakit masaya ka 'ata ngayon? What's new? Bakit bumalik na ba si Darlene at ganyan ka kasa--"Pinutol na niya kung ano man ang sasabihin ng kapatid. Ayaw niya nang marinig ang pangalang babanggitin nito. That bitch!"No. Hindi siya ang dahilan, at wala akong planong alalahanin pa kahit ang pangalan niya. So Ate, please."Tinaas nito ang mga kamay bilang tanda ng pagsuko."Okay, okay. Ito nalang, bakit masaya ka?" parang nagugulumihang ulit nito.Bakit nga ba siya mas
"PLEASE, RIHAN. Magtatampo ako niyan," pangongonsensya rito ni Andrea. Wala nang nagawa ang binata kundi pagbigyan siya. After all, queen size bed naman ang kama niya. Ayaw kasi niya ng masikip.Hinubad ni Rihan ang medyas nito at ang polo. My God, bakit parang uminit ang paligid? Tumingin ito sakanya at pakiramdam niya ay mas lalong uminit. Naka-slacks lang ito ngayon kitang kita niya ang six pack abs nito... Yes, aware naman siya noon pa na mayroon itong magandang katawan. Ito ang lalaking masasabing pang boy next door look. Ito rin ang tipo na babagay sa mga Calvin Klein products."R-Dihan... paki-check nga ang aircon. Hindi yata b-bukas." nauutal na utos niya.Sinunod naman siya nito. "Bukas Heather, nasa cold pa nga oh," napalunok siya. So anong ibig sabihin nito? Ahh! Nakakahiya, my gosh! Baka anong isipin ng binata. Isipin nito na pinagnanasaan niya ito? Ano nalang iisipin nito sakanya? Na pati ito gusto niyang t
PRESENTSa pinaghalo-halong emosyong nararamdaman ni Andrea ay nadulas siya at tumama ang ulo niya sa semento. Pakiramdam niya ay nayanig ang utak niya sa pagkabagok n'yon. Pero unbelievable na nakakadilat pa rin siya. Ibig sabihin, buhay pa siya.Narinig niya ang papalapit na yapak ng binata sa labas. "Andrea?! Andrea! Open the door!" halos gibain na ni Rihan ang pintuan niya."Rihan..." OA at nanghihinang tawag niya rito"Fuck! Andrea!" nagpapanic naman ang binata sa labas.Ilang sandali pa'y nabuksan na nito ang pintuan at naabutan siya nitong nakahandusay sa lapag. Madali itong lumapit sakanya, yumuko at niyukod siya sa magkabilang siko niya sa semento ngunit sa malas nito nadulas ang siko nito at saktong naglapat ang mga labi nila.Agad nanlaki ang mga mata niya dahil sa matinding gulat. Nanatiling nakadilat lamang siya gayundin si Rihan. Mukhang shock na shock din
KINABUKASAN, NAGISING si Andrea na sumisigaw. Minulat niya ang mga mata niya. Bukas naman ang air-conditioner ngunit pawis na pawis siya. Napangiwi siya sa panaginip. Patay na nga siya sa panaginip niya, ayaw pa rin siyang tanggapin dahil birhen pa rin daw siya. Anak ng teteng na panaginip 'yan! Naisipan na niyang gumising dahil nasa vulcanizing shop pa ang kotse niya. Kailangan niya pa maglakad upang tignan kung ayos na 'yon. Kumain na siya ng almusal at nagayos ng sarili. Nagsuot siya ng green turtle neck blouse at fitted jeans para maiba naman. Kinuha niya ang brown leather boots at sinuot ulit ang brown jacket niya.Nakalabas na siya ng subdivision nang maramdaman niyang mayroong sumusunod na lalaki sakaniya. Lumingon siya at nakita niyang pabilis ng pabilis ang lakad nito papalapit sakanya. Nagpanic siya at tumakbo agad. Pero maagap ang lalaki at agad siyang nahablot nito."Holdup 'to!" Mariing sambit nito.Nahinta
"AHH... He-he-he. Naku huwag po kayong magworry saakin, Ma'am. A-Actually, may b-boyfriend na po ako," at pinilit niya pang tumawa upang mapaniwala ang mga ito. Nagtunog peke tuloy 'yon. Nang magtama ang tingin nila ni Reeve ay sinamaan niya ito ng tingin. Isang talipandas!"Oh, really hija? That's good," natuwa naman ang ginang para sakaniya."S-Salamat po..." "Talaga ba? Sino naman 'yang bulag na lalaki na 'yan? Baka imaginary boyfriend mo lang 'yan, ha." tatawa tawang sabi ng binata. Hindi na siya nakapagpigil at sinaksak niya ang hita nito ng tinidor sa ilalim ng lamesa, hindi naman nakita 'yon ng matanda."O-Ouch!" nanlalaking mga matang sigaw nito.Tinapakan niya nang madiin ang paa nito at binigyan ito ng nagbabantang tingin na huwag magkamaling isumbong ang ginawa niya. "Ano'ng mayroon? Reeve?" nagtatakang tanong ng ginang."A-Ahh... sa tingin ko po nakagat lan
TWO DAYS AGO"Ikaw?!" gulat at sabay nilang sabi ng hambog na lalaki. Nagtataka naman na nagpapalit-palit ang tingin ni Concha sa dalawa."T-Teka hijo, do you know Dra. Andrea?" gulat na tanong nito.Matiim na tumitig sakanya ang binata. And Andrea can't deny that those stares sent shivers down to her spine! Iba talaga tumitig ang lalaking ito. Mayroon sa mga titig nito na nakakapag panginig ng tuhod."Yes, Auntie. I know her," may diin sa tono na sabi nito, na tila may tinutumbok.Bahagya namang napalunok si Andrea sa pagkakasabi ng binata at nagulat siya na ito pala ang pamangkin na tinutukoy ni Mrs. Del Mundo. Este, Ms. Del Mundo lang pala. Matandang dalaga nga pala ito. Pero ang awkward lang kasi kung Miss ang tawag niya rito."Oh, really? How come? Kakauwi mo lang ngayon," takang tanong naman ng Tiyahin nito. "It's a long story, Auntie. Sasabihin ko nalang some oth