BUMALIK ANG pagtataray ni Andrea. "Ano ang nakakatawa! And how conceited can you get!" Hindi na niya napigilan ang mapairap.Nagkibit-balikat ito. "Kung ganoon, ano lang pala? Halos lumuwa na nga ang mata mo nang makita mong bumaba ako eh," at tumawa ulit ito.Aba't! "Alam mo mister, tigil-tigilan mo ang panonood ng mga teleserye, ha? Hindi kita tinitignan or tinignan man lang! At pwede ba? Huwag mong ibahin ang usapan!" Singhal niya."Kung ganoon, ano pa ang tinutunganga mo r'yan sa harapan ko? Sinasayang mo ang oras ko. Every second counts. Kung isa ka sa mga babaeng nagpapapansin saakin, I'm sorry, Miss. Wala akong panahon sa'yo. And..." Binitin nito ang sasabihin at tumingin sakaniya. Sa kabuuan niya."You're not my type." preskong sabi nito.Aba't...! Talagang sumosobra na ito! "Hoy, lalaking talipandas! Masyado naman yatang malaki ang bilib mo sa sarili mo? Ano feeling mo, gwapo ka? Tignan mo
Last Updated : 2020-11-12 Read more