LOGIN"AHH... He-he-he. Naku huwag po kayong magworry saakin, Ma'am. A-Actually, may b-boyfriend na po ako," at pinilit niya pang tumawa upang mapaniwala ang mga ito. Nagtunog peke tuloy 'yon. Nang magtama ang tingin nila ni Reeve ay sinamaan niya ito ng tingin. Isang talipandas!
"Oh, really hija? That's good," natuwa naman ang ginang para sakaniya.
"S-Salamat po..."
"Talaga ba? Sino naman 'yang bulag na lalaki na 'yan? Baka imaginary boyfriend mo lang 'yan, ha." tatawa tawang sabi ng binata. Hindi na siya nakapagpigil at sinaksak niya ang hita nito ng tinidor sa ilalim ng lamesa, hindi naman nakita 'yon ng matanda.
"O-Ouch!" nanlalaking mga matang sigaw nito.
Tinapakan niya nang madiin ang paa nito at binigyan ito ng nagbabantang tingin na huwag magkamaling isumbong ang ginawa niya. "Ano'ng mayroon? Reeve?" nagtatakang tanong ng ginang.
"A-Ahh... sa tingin ko po nakagat lang po siya ng langgam," namilog ang mga mata nito at balak pa sana magsalita ngunit naging maagap siya.
"Huwag niyo na po siyang problemahin. Kain lang po. Napakasarap po ng mga pagkain!" sabay subo niya ng malaki sa manok na nakahain sa harapan. Natatawa-tawa siya sa naiisip.
"Thank you for the compliment, Andrea. Ako ang nagluto n'yan," nakangiti naman ito dahil sa pagpuri niya.
"Kaya pala masarap, kayo pala ang nagluto... hindi ba Reeve?" Malambing na tanong niya ngunit langkap doon ang pangiinis.
Nakita niyang pagkabwisit sa mukha nito. "Hindi ba masarap, Reeve? O, bakit ganyan ang mukha mo? Masakit ba ang tiyan mo?" nagaalalang tanong ng tiyahin nito.
Lihim siyang natawa. Serves him right! "T-This woman--!"
"Naku tita, siyempre po sarap na sarap po siya. Kain lang po tayo, hindi ba Reeve?"
Parang naiiri ito na hindi mapakali. "Y-Yeah..."
"Kamusta naman kayo ng boyfriend mo, Andrea?" Hindi na nga nangulit ang matanda at siya naman ang napagdiskitahan tanungin. Wala itong kamalay malay sa nangyayaring alitan nila ni Reeve.
Nanang ko po! Isip-isip, Andrea! Ano na? Wala naman talaga siyang boyfriend!
"A-Ahm..." Hindi niya maapuhap ang sasabihin. Napatingin siya sa pwesto ni Reeve na nakangisi habang nagiisip siya ng maidadahilan. "So, sino 'yang boyfriend 'kuno' mo?" he smirked.
Hindi pwede ito! Mabubuko siya! Kailangan niyang may mai-sagot. Kung hindi, ang natitirang ego niya ay mawawala pa. Baka ano pang isipin nitong mayabang na lalaki na ito na hanggang ngayon wala pa rin siyang boyfriend? Huh! She will not give him the satisfaction! Kung kina-kailangan na magimbento siya ng lalaking boyfriend niya, gagawin niya. Ganoon na siya ka-desperado. Desperado na hindi mapahiya, ano! Mamamatay muna siya bago mapahiya sa harap ng mayabang na 'to!
"J-Jedric po ang pangalan niya..." Nasabi na lamang niya.
"Jedric? Anong apelyido?" tanong pa ng tsismosong lalaking ito.
"J-Jedric Mo..." wala siyang maisip. Jedric ano nga ba? Jedric Montes? Jedric Montenegro? Naba-blanko siya! She's not good at lying!
"Jedric Mondragon ba, Andrea? Siya ba ang boyfriend mo?" galak na galak na wika ng ginang.
Huh? Sino iyon? Nagtatakang isip niya.
"Kaya naman pala hindi mo sinasabi at malihim ka. Si Jedric pala ang boyfriend mo, hija. Now I know. Masikreto ang lalaking 'yon. At nagawa nga niyang i-sikreto ang relasyon niyo. Really, Andrea, sobra akong nagugulat ngayon! Hindi ko akalain na magboyfriend kayo ni Jedric..." parang nagda-daydreaming na dagdag pa nito.
Sino ba iyon? Pero dahil ayaw na niyang itama ang maling sinpataha nito ay nag go with the flow na lang siya.
"Ah... G-Gusto po kasi ni Jedric na manataling pribado ang lahat saamin..." Nakangiwing sabi niya
"Bagay na bagay nga kayo ni Jedric. Iniisip ko palang sa utak ko, may chemistry nga kayo. Ilang taon na ba kayo?" nakangiting tanong nito.
"M-Months pa lang po, tita... Mag fi-five months po," bwisit kasing lalaking ito!
Dahil dito nagiging makasalanan pa siya! Isang malaking hudas!
"Sana tumagal pa kayo, at kayo na ang maging mag-asawa,"
"S-Salamat po. Sana nga po..." and she fake a laugh. Napatingin siya sa direksyon ni Reeve at nakita niyang nakakunot noo ito at malalim ang iniisip.
"Nawalan na po ako ng gana, Auntie. Mauna na po ako sa taas," Iyon lamang at pagalit na umakyat ito ng hagdan.
"Anong problema 'non?" nagtatakang tanong ng matanda. Nagkibit-balikat siya, baka napikon. Huh, tama lang 'yon dito! Sobrang yabang kasi. Ano ang akala nito, wala ng lalaking magkaka-interest sakaniya?
"Baka pagod lang po," nakangiti niyang sagot at nagsimula na sila ulit magkuwentuhan.
~
HALOS TATLONG oras din silang nagusap ng ginang at pagtingin niya sa orasan ay pasado alas nuwebe na. Nagmamadaling kinuha na niya ang shoulder bag at nagpaalam dito."Salamat, Andrea. This is a wonderful night. Ang gaan gaan talaga ng loob ko sa'yo. I wish you're my daughter. Magingat ka ha? Gabi na. Gusto mo bang gisingin ko si Reeve para ihatid ka?" alok nito.
Matindi ang pag-iling na ginawa niya. Siya at ang hudas na pamangkin nito? Sa i-isang kotse? Di bale na lang! Baka magka world war III pa.
"No thanks, Ma'am. I can handle myself," nakangiti niyang sagot.
"Call me tita now, okay? Hindi kana iba saakin. You go ahead, Andrea. Drive safely please,"
"I will Tita," Nagbeso-beso sila nito. Hinatid siya ng kasambahay hanggang sa gate. Nahagip ng paningin niya ang lamborghini ng lalaki. Sabi na nga ba niya, familiar ang kotse na ito. May naisip siyang kalokohan bigla. Lumingon siya sa katulong.
"Ahm, pasabi naman kay Madam salamat uli," tumango ito at pumasok sa loob ng bahay. Nangingiting lumapit siya sa kotse ng binata at kinuha niya ang lipstick niya sa bag.
Sinulatan niya ang harap na salamin ng kotse nito using her red lipstick. Sinulat niya ang katagang, "Go to hell," pagkatapos, dali-dali siyang sumakay sa kotse niya at pinaharurot 'yon. Naupod ang lipstick niya, pero wala siyang pakialam, ang mahalaga nagantihan niya ito sa lahat ng pangaasar nito sakaniya kanina.
Habang daan para siyang baliw na tumatawa-tawa. Ang sarap sa feeling. Siguradong lalaki ang butas ng ilong nito pag nakita 'yon bukas. Natawa siya ulit kapag nai-imagine ang inis na mukha nito.
Sa may kanto ng condominium niya -- ipinaayos niya ang nasirang kotse at naglakad nalang pauwi. Pag dating sa unit agad siyang nakatulog dala ng matinding pagod.
"Ikaw ba si Heather Andrea Gagandahan?" tanong ng isang lalaki na sa tingin niya ay isang bantay. Paano, puting puti lahat ang kasuotan nito maging ang background sa likod nito ay maliwanag din. Masakit sa mata.
Iginala niya ang paningin at nakita niyang lumulutang siya. Nasa langit siya! Tila nakikita niya pa ang earth sa ibaba niya.
Ibig bang sabihin...?
OA na umiyak siya. No! No! Impossible. Paanong nangyaring patay na siya? Natatandaan niyang umuwi pa siya sa condo unit niya. Namatay siya dahil sa bangungot? Ano ito?
"Andrea, tama ang nasa isipan mo. At naririto ka sa pintuan ng kalangitan." sabi nito na nabasa ang isip niya.
"Bakit nandito ako? Kukunin niyo na ba ako? Patay na ba ako?" matapang niyang tanong.
Umiling ito.
"Hindi ka pa namin pwedeng kunin...""Iyon naman pala! Ibalik niyo na ako sa katawan ko! Now na!" Naghihisteryang sigaw niya
"Hindi ka pa pwedeng mawala. Dahil may misyon ka pa na dapat tapusin. Hindi ka pa namin maaring kunin dahil isa ka pang birhen,"
Hindi alam ni Andrea kung matatawa, maiinis o magagalit. Sumara ang napakalaking gate na tila gate ng mga palasyo.
"Nooooo! Ahhhh!" Napasigaw siya ng maramdaman ang tila malakas na pwersang hinahatak siya pababa.
NANGINGITING TINUNGO ni Jedric ang pintuan bahay nila, bumungad roon ang takang mukha ng kapatid niya na si Marielle."Aba! Anong masamang hangin at mukhang masaya yata ngayon ang baby brother ko?" takang tanong nito.Napanguso siya."Bakit? Masama na ba ngayon na maging masaya?" tanong niya na hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi."Wala akong sinabing ganoon, 'no! Ang ibig ko sabihin bakit masaya ka 'ata ngayon? What's new? Bakit bumalik na ba si Darlene at ganyan ka kasa--"Pinutol na niya kung ano man ang sasabihin ng kapatid. Ayaw niya nang marinig ang pangalang babanggitin nito. That bitch!"No. Hindi siya ang dahilan, at wala akong planong alalahanin pa kahit ang pangalan niya. So Ate, please."Tinaas nito ang mga kamay bilang tanda ng pagsuko."Okay, okay. Ito nalang, bakit masaya ka?" parang nagugulumihang ulit nito.Bakit nga ba siya mas
"PLEASE, RIHAN. Magtatampo ako niyan," pangongonsensya rito ni Andrea. Wala nang nagawa ang binata kundi pagbigyan siya. After all, queen size bed naman ang kama niya. Ayaw kasi niya ng masikip.Hinubad ni Rihan ang medyas nito at ang polo. My God, bakit parang uminit ang paligid? Tumingin ito sakanya at pakiramdam niya ay mas lalong uminit. Naka-slacks lang ito ngayon kitang kita niya ang six pack abs nito... Yes, aware naman siya noon pa na mayroon itong magandang katawan. Ito ang lalaking masasabing pang boy next door look. Ito rin ang tipo na babagay sa mga Calvin Klein products."R-Dihan... paki-check nga ang aircon. Hindi yata b-bukas." nauutal na utos niya.Sinunod naman siya nito. "Bukas Heather, nasa cold pa nga oh," napalunok siya. So anong ibig sabihin nito? Ahh! Nakakahiya, my gosh! Baka anong isipin ng binata. Isipin nito na pinagnanasaan niya ito? Ano nalang iisipin nito sakanya? Na pati ito gusto niyang t
PRESENTSa pinaghalo-halong emosyong nararamdaman ni Andrea ay nadulas siya at tumama ang ulo niya sa semento. Pakiramdam niya ay nayanig ang utak niya sa pagkabagok n'yon. Pero unbelievable na nakakadilat pa rin siya. Ibig sabihin, buhay pa siya.Narinig niya ang papalapit na yapak ng binata sa labas. "Andrea?! Andrea! Open the door!" halos gibain na ni Rihan ang pintuan niya."Rihan..." OA at nanghihinang tawag niya rito"Fuck! Andrea!" nagpapanic naman ang binata sa labas.Ilang sandali pa'y nabuksan na nito ang pintuan at naabutan siya nitong nakahandusay sa lapag. Madali itong lumapit sakanya, yumuko at niyukod siya sa magkabilang siko niya sa semento ngunit sa malas nito nadulas ang siko nito at saktong naglapat ang mga labi nila.Agad nanlaki ang mga mata niya dahil sa matinding gulat. Nanatiling nakadilat lamang siya gayundin si Rihan. Mukhang shock na shock din
KINABUKASAN, NAGISING si Andrea na sumisigaw. Minulat niya ang mga mata niya. Bukas naman ang air-conditioner ngunit pawis na pawis siya. Napangiwi siya sa panaginip. Patay na nga siya sa panaginip niya, ayaw pa rin siyang tanggapin dahil birhen pa rin daw siya. Anak ng teteng na panaginip 'yan! Naisipan na niyang gumising dahil nasa vulcanizing shop pa ang kotse niya. Kailangan niya pa maglakad upang tignan kung ayos na 'yon. Kumain na siya ng almusal at nagayos ng sarili. Nagsuot siya ng green turtle neck blouse at fitted jeans para maiba naman. Kinuha niya ang brown leather boots at sinuot ulit ang brown jacket niya.Nakalabas na siya ng subdivision nang maramdaman niyang mayroong sumusunod na lalaki sakaniya. Lumingon siya at nakita niyang pabilis ng pabilis ang lakad nito papalapit sakanya. Nagpanic siya at tumakbo agad. Pero maagap ang lalaki at agad siyang nahablot nito."Holdup 'to!" Mariing sambit nito.Nahinta
"AHH... He-he-he. Naku huwag po kayong magworry saakin, Ma'am. A-Actually, may b-boyfriend na po ako," at pinilit niya pang tumawa upang mapaniwala ang mga ito. Nagtunog peke tuloy 'yon. Nang magtama ang tingin nila ni Reeve ay sinamaan niya ito ng tingin. Isang talipandas!"Oh, really hija? That's good," natuwa naman ang ginang para sakaniya."S-Salamat po..." "Talaga ba? Sino naman 'yang bulag na lalaki na 'yan? Baka imaginary boyfriend mo lang 'yan, ha." tatawa tawang sabi ng binata. Hindi na siya nakapagpigil at sinaksak niya ang hita nito ng tinidor sa ilalim ng lamesa, hindi naman nakita 'yon ng matanda."O-Ouch!" nanlalaking mga matang sigaw nito.Tinapakan niya nang madiin ang paa nito at binigyan ito ng nagbabantang tingin na huwag magkamaling isumbong ang ginawa niya. "Ano'ng mayroon? Reeve?" nagtatakang tanong ng ginang."A-Ahh... sa tingin ko po nakagat lan
TWO DAYS AGO"Ikaw?!" gulat at sabay nilang sabi ng hambog na lalaki. Nagtataka naman na nagpapalit-palit ang tingin ni Concha sa dalawa."T-Teka hijo, do you know Dra. Andrea?" gulat na tanong nito.Matiim na tumitig sakanya ang binata. And Andrea can't deny that those stares sent shivers down to her spine! Iba talaga tumitig ang lalaking ito. Mayroon sa mga titig nito na nakakapag panginig ng tuhod."Yes, Auntie. I know her," may diin sa tono na sabi nito, na tila may tinutumbok.Bahagya namang napalunok si Andrea sa pagkakasabi ng binata at nagulat siya na ito pala ang pamangkin na tinutukoy ni Mrs. Del Mundo. Este, Ms. Del Mundo lang pala. Matandang dalaga nga pala ito. Pero ang awkward lang kasi kung Miss ang tawag niya rito."Oh, really? How come? Kakauwi mo lang ngayon," takang tanong naman ng Tiyahin nito. "It's a long story, Auntie. Sasabihin ko nalang some oth