It's been months. I've grown a lot... or so I thought? Natapos ko ang freshman year na tahimik, walang kaibigan, hindi naka-akyat ng stage, at malamig. May bago ba ro'n? Nasanay na ako. Noon, nasanay ako sa sakit at ngayon mas nasanay na akong mapagod. Siguro, kailangan ko lang dumistansiya sa mga tao. Magtayo ng pader sa pagitan namin, at 'wag hayaang may makapasok maski isa. Ah, maliban sa isa. Si Hanson. "Mahal kita," bulong ko sa tainga niya. Nilayo ko ang mukha sa kaniya at ngumiti. Inipit niya ang buhok sa tainga ko. "Last year ko na sa Tyrant. Kaya mo ba ang LDR?" "Oo naman!" Natawa ako. "Maghihintay lang naman ako ng two years, saka susunod ako sa University kung saan
Last Updated : 2020-08-12 Read more