Hindi ko talaga ginustong maging anak ni Mama, o magkaroon ng mga mapang-abusong Tito at Tita, o kaya maging pasaway na apo ni Lolo at Lola, at mas lalong hindi ko gustong maging kapitbahay si Margie. Hindi, hindi talaga. Hindi ko naman kasalanang nabuhay ako sa mundo kaya... ba't galit na galit siya? "Hara ka kasi! Umalis ka nga riyan, Laura! Lech*!" Huminga ako nang malalim at dahan-dahang umakyat mula sa ilalim ng munting canal. Napapikit ako sa baho ng tubig na dumikit sa uniporme at buhok ko. Pakiramdam ko nga, may uod na pumasok sa ilalim ng sapatos ko. "Nakakagigil talaga 'yang mukha mo! Ba't ka ba punta nang punta rito, ha? Sabing 'wag kang dumaan sa tapat ng bahay namin! Ayoko sa mukha mong nakakasura!"&
Terakhir Diperbarui : 2020-08-12 Baca selengkapnya