"Ang galing mo talaga, Francine!" papuri sa akin ni Vien, nang ibinigay ko sa kanya ang results ng analysis namin sa experiment.Mas napadali ang mga gagawin namin ni Red kagabi dahil sa tumulong ang ate nito na si ate Reese, na isa pa lang fourth year med student din. Grabe, sobrang mangaha talaga ako dahil sa pulido niyang naisagawa ang pag-conduct ng analysis. Sobrang talino niya talaga saka napakabait pa.Nagpresinta si Vien na siya na lang raw ang magpa-pass sa Prof. namin, kaya binigay ko na lang ang pinrint kong document kagabi. Iyon nga lang medyo napangiwi ako nang hindi pa rin nito alam ang pangalan ko."Faren pangalan ko, Vien... " malumanay kong sagotNapa-cross arms naman ito, "Faren, Francine—whatever, would you mind to come to my party tomorrow night? Just in my house. Kahit iyon na lang ang kabayaran sa paggawa mo nitong experiment natin."Iniimbatahan niya ako?
Last Updated : 2020-08-13 Read more