"Ang ganda mo," Rion said, after a moment of silence, "You look more beautiful with that new look of yours."Nakatunghay ako, tila bahagyang napapahiya sa kanyang sinabi. Hindi ako makasagot sa tindi ng pagkailang ko sa tuwing pinupuri ako..."Grabe.. nangbobola ka naman,""Is it bad?" he smirked.Napailing lamang ako habang bumalik naman ang atensyon niya sa pagmamaneho. Kung ang kotse ni Vien ay magara at maganda itong sports car naman ni Rion ay masyadong nakaagaw ng pansin. Hindi lang sa malakas na tunog nito, mas lalo na sa hitsura nito, na animo'y isang race car, na sa telebisyon mo lang makikita. Sobrang gara, at palagay ko ay sobrang mahal din."Siguro, wala kayong problema sa buhay. Ang yaman niyo kasi.. " hindi ko mapigilang sambit."Wanna have my surname then? Para wala ka ng problema, pakasal na lang tayo. Minus the pre-nup."Napatigil ak
Last Updated : 2020-08-13 Read more