The Unexpected Love
Zarah Salcedo
Raiven Scott is a 21 year old girl, kuntento na siya sa kung ano man ang meron siya sa buhay niya. Solid na kaibigan, pamilyang maaasahan at higit sa lahat ay kasama niya ang kanyang fiancé until one day a tragedy happens. Her love of her life got killed, Jacob Shawn. He died in her arms and Raiven punished herself because of that.She seeks for revenge at ipinangako niya sa sarili niya na kahit anong mangyari hahanapin niya ang lahat ng taong may koneksyon sa pagkamatay niya.
Simula ng araw nayon hindi na siya nagtiwala pa sa kahit na sino maliban nalang sa kaniyang mga kaibigan at sa kaniyang gang na pinamumunuan. Dahil sa kagustuhan niyang mahanap ang mga taong naging dahilan ng pagiging miserable niya ay napadpad sila sa isang paaralan. Sa paaralan kung saan niya makikila si Gabriel Pascual, ang lalaking hindi niya inaasahan na magiging malapit sa kaniya.
. Nagtulungan sila upang makaliimot sa nakaraan at maging masaya sa kung ano man ang meron na sila ngunit nasira ang lahat ng iyon ng may matuklasan si Raiven. Sa laki ng kanyang nalaman ay hindi niya alam kung anong maggiging reaksyon. Maging ang mga kaibigan niya ay may itinagong napakalaking sikreto. Pakiramdam niya ay trinaydor at niloko siya ng lahat ng taong nakapaligid sa kanya. Para bang pinaglaruan lang siya at dinamdam niya ito ng sobra. Ang pagkamatay ni Jacob, ang sikreto ng kanyang mga kaibigan, ang koneksiyon ni Gab sa nakaraan at ang buong pangyayari sa nakalipas na tatlong taon.
Sobrang daming sikreto na hindi na niya naisip ang kalagayan ni Gab at ang sakit nito mas lalo siyang nalito. Ano kaya ang gagawin ni Raiven? Anong mas mahalaga para sa kanya? Ang nakaraan na ilang taon niyang dinamdam o ang kasalukuyan na nagsisimula na niyang magustuhan?