FAZER LOGINHe is Davin Suarez She is Kaimie He know nothing about her existence She knows a lot about him He's known to everyone from being a varsity player She's just a normal student who support him He's the one who will receive the love letter She's the one who wrote it He is Davin Suarez She is not actually Kaimie It is the love letter That will reveal the story.
Ver maisHindi ko nagawang basahin kagabi yung susunod na entry dahil sa pangungulit ni Zyron na tapusin yung assignment. Hindi pa naman pasahan pero masyadong atat ang loko.Natapos ko kagabi ang pinapagawa nya at naibigay ko na yun ngayong umaga. Hindi naman yun ganun kahirap pero pagkatapos nun inantok na din ako."Let's go outside, Dre! It's kinda hot here." Aya ni Danex nang matapos ang unang klase namin."Pass muna ako ngayon, Dre" saad ko, gusto ko kasing basahin muna ngayon yung love letter. Ewan ko ba kung bakit pero para bang may kung anong nagtutulak sakin para ipagpatuloy ko ang pagbabasa nun."Sus kunwari pa, eh gusto mo lang basahin yung love letter eh!" Pang aasar ni Zyron na mukhang nabasa kung ano ang nasa isip ko."Eh kung lumabas na kaya kayo at hayaan nyo muna ang isang yan? Ayaw na kasing mahiwalay sa isa't-isa eh, tsk!" Parang isang sigang saad ni Lyrize saka tumayo sa upuan nya.
"Oh nandyan ka na pala, Vin." Agad na sabi ni mama pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ng bahay.Kasalukuyan syang naghihiwa ng sibuyas sa lamesa kaya lumapit ako sa kanya para magmano."Wag na, hindi mo ba nakikitang naghihiwa ako ng sibuyas." Pagsaway nito sa pagkuha ko ng palad nya."Si mama talaga oh." Napakamot sa ulong saad ko."Nga pala, bakit parang ang aga mo atang umuwi ngayon ah, wala kayong training?" Pagbubukas nito ng usapan. Hinila ko ang upuan mula sa pagkakadikit sa lamesa at nilagay ko sa harapan ko ang bag ko upang maupo muna saglit."Pahinga daw po muna sabi ni Coach." Medyo bagot na sagot ko saka ipinatong ang mukha ko sa lamesa.Inaasahan na kasi ni mama na late ako uuwi dahil karaniwang gabi na ako kung umuuwi dahil sa training, ewan ko ba kung bakit ko naisipang sumali sa mga player eh wala naman saming magkakaibigan ang varsity
Humihingal akong nakarating sa classroom dahil sa kakatakbo makatakas lang sa mga babaeng panay ang habol sakin at wala atang balak na tigilan ako."Iba ka talaga dre! Babae na humahabol sayo oh." Pang-aasar ni Zyron saka humagalpak ng tawa."Hayst! Nakakaasar kaya, anong nakakatuwa na habulin ng mga babae eh aksaya lang yun sa oras." Halos bulong ko saka pinunasan ang pawis sa noo gamit ang kamay ko. Naglakad na ako papunta sa upuan ko at ibinaba ang bag na dala ko."Buti ka nga hinahabol, eh pano naman kaming hanggang asa na lang na mapansin?" Pagsabat ni Ellie sa usapan na kasalukuyang nakatingin sa cellphone nya at hindi ako tinatapunan ng tingin."Sus, may nanliligaw din naman sayo ah." Biglang tugon ni Lyrize sa sinabi ni Ellie."Ha? Aba'y tulungan mo akong maghanap, hindi ko makita eh." Sarkastikong saad nito na pinandilatan pa ng mata si Lyrize."Tayo





![Summer Scape [Filipino | Tagalog]](/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)