LOGIN"Oh nandyan ka na pala, Vin." Agad na sabi ni mama pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ng bahay.
Kasalukuyan syang naghihiwa ng sibuyas sa lamesa kaya lumapit ako sa kanya para magmano.
"Wag na, hindi mo ba nakikitang naghihiwa ako ng sibuyas." Pagsaway nito sa pagkuha ko ng palad nya.
"Si mama talaga oh." Napakamot sa ulong saad ko.
"Nga pala, bakit parang ang aga mo atang umuwi ngayon ah, wala kayong training?" Pagbubukas nito ng usapan. Hinila ko ang upuan mula sa pagkakadikit sa lamesa at nilagay ko sa harapan ko ang bag ko upang maupo muna saglit.
"Pahinga daw po muna sabi ni Coach." Medyo bagot na sagot ko saka ipinatong ang mukha ko sa lamesa.
Inaasahan na kasi ni mama na late ako uuwi dahil karaniwang gabi na ako kung umuuwi dahil sa training, ewan ko ba kung bakit ko naisipang sumali sa mga player eh wala naman saming magkakaibigan ang varsity player maliban sakin.
"Kuya! Kuya! Kuya! " Tawag ng nakababata kong kapatid na babae—si Dain. Nilingon ko sya saglit saka muling tumingin sa hinihiwa ni mama na ngayon ay gulay naman ng kalabasa.
"Ano na naman pangit?" Kahit hindi ko makita ang mukha nya alam kong nakabusangot na naman sya habang nakatingin ng masama sakin. Lagi yang ganyan eh, asahan na.
"Pahiram ako phone kuya kong masama ang ugali!" Ngayon ako naman ang napalingon sa kanya ng masama.
"Aba't marunong na gumanti a—"
"Mama si kuya oh!" Agad na sumbong nya at napakapit pa sa damit ni mama. Bata talaga, kaasar! Wala akong laban dito.
Kinuha ko na lang sa bag ko yung phone at ibinigay ko sa kanya, lagi naman akong talo saming dalawa eh.
Napakahilig nya kasing mag-games ng kung ano-ano sa phone ko kaya minsan tuloy kapag may nakakakita sa mg kaibigan at classmate ko ay iniisip nilang bakla ako at isip bata.
Pero dahil sa hindi ko din naman madalas gamitin ang phone ko, pinapahiram ko na lang sa kanya. Wala din naman akong girlfriend na paglalaanan ng oras kaya hayaan na.
"Mabait pala kuya ko eh." Bahagyang bulong nya na halata namang pinaparinig nya sakin bago maglakad papunta sa sala.
"Ah Ma, punta na ako sa kwarto ah?" paalam ko kay Mama saka ako tumayo at inayos sa dating kinalalagyan ang upuan.
Tumango lang si Mama bilang tugon ay ipinagpatuloy na ang ginagawa nya. Naglakad na ako papunta sa kwarto ko at agad na nagbihis ng pangbahay.
Tumalon ako pahiga sa kama at tinitigan ang kisame ng kwarto ko na kulay puti. Nanatili ako sa ganung posisyon ng halos limang minuto.
"Argh! Nakakabagot naman." Saad ko saka naupo at tiningnan naman ang lamesa kong napakagulo.
Tumayo ako nang maisipan kong magpinta. Wala din naman kasi akong gagawin ngayon eh. Kinuha ko sa sulok ng lamesa ko yung canvass at pintura para magsimula nang may naramdaman akong papalapit sa kwarto ko.
"Kuya! Kuya! Kuya! May tumatawag sa phone mo." sabi ni Dain habang kumakatok sa pinto ng kwarto ko. Bakit ba hilig nyang i-echo ang salitang 'kuya'?
Bagot na binuksan ko ang pinto at bumungad sakin ang hindi maipintang mukha ng kapatid ko. Ano na naman ba problema ng isang 'to? Kinuha ko na lang sa kanya yung phone ko at walang pasabing isinara ang pinto.
Nang makaupo ako sa kama ko ay saka ko pa lang tiningnan ang caller's I.D. nakita kong si Zyron lang pala, akala ko naman kung sino na.
Oo nga pala, Wala namang ibang tatawag sakin bukod sa pamilya at mga kaibigan ko. Napakamot na lang ako sa batok dahil sa naisip ko saka ko sinagot ang tawag.
"Oh dre?" Bati ko saka nahiga sa kama. Grabe, nakakabagot talaga.
"Dre! Pagawa assignment ah." Saad nya ng walang kahit na isang introduction man lang. Napaka-straight to the point nya talaga.
"Meron ba tayong assignment?" Napapailing na lang na tanong ko. Parang wala naman kasi akong naaalalang may binigay saming assignment ang teacher namin kanina ah.
"Tulog lang sa klase!" Sa malakasang pang-aasar nya saka napahagalpak ng tawa mula sa kabilang linya. Nagpakawala naman ako ng pekeng ngiti na para bang makikita nya yun kahit alam kong hindi.
"Eh nakakaantok kasi ang subject na yun, malay ko bang makakatulog ako." Pagdadahilan ko. Kung makapagsalita eh akala mo naman huwarang estudyante.
"Oo na, basta gawan mo ko ah? Naisulat na naman ni Ellie yung assignment sa notebook mo. Ang gagawin mo na lang, buksan mo na ngayon ang bag mo as in ngayon na, kunin mo yung notebook, buksan mo, tingnan mo yung assignment tapos gawan mo ako, okay?"
Talagang inisa-isa nya pa yung gagawin ko ah? Tas atat na atat pa, kung makamadali tsk, tsk, tsk!
"Huwag kang magtaka, alam kong kakalimutan mo yang gawin kapag hindi ko sinabi ang gagawin mo. Arat na!" Sinisigurado nya talagang gagawin mo ah.
"Oo na pero di ako papangako kung talagang magagawa ko." Bagot na sagot ko at napahikab ako ng hindi ko namamalayan.
"Yown! Oh sya, sige na dre. Nagr-rap na si mama eh baka mapa-hip-hop ako nito." Pabirong paalam nya saka binaba ang tawag.
Loko loko talaga! Kinuha ko yung bag ko para tingnan yung sinasabi nya na assignment nang masimulan ko na. May pinapadrawing na ipapasa next monday kaya naman pala nagpapagawa ang loko eh, bukod kasi sa pagiging soccer player eh hobby ko rin ang pagd-drawing at pagpipinta. Pero next monday pa to ah, ano na naman naisipan ng isang yun?
Ibabalik ko na sana ang notebook sa bag nang maagaw ang pansin ko nung notebook na ibinigay ni Danex last week. Hindi ko pa pala 'to nababasa, ano naman kaya ang meron sa loob nito?
Ngayon ko lang ito napag-aralan ng maayos. Maganda at nakakaagaw ng pansin ang pagkakagawa ng design sa harapan ng notebook. May naka-calligraphy na "Love Letter" sa unang page at hindi papel kung hindi mga pinagsama-samang colored paper ang nasulatan at mapaghahalataan ang kapal nito.
Sino naman kaya ang nakaisip na gumawa nito? Kanino kaya nanggaling to? Sa pagkakaalala ko kasi sa nabasa ko nung nakaraang isang linggo, Kaimie ang pangalan ng gumawa nito pero wala naman akong matandaang may pangalan na ganun sa mga kakilala ko.
Isa pa halatang pinaghirapan nya itong gawin, pero para saan naman kaya?
Sa halip na magtanong pa ako ng magtanong ng mga tanong na hindi ko naman kayang sagutin ay mabuti pang umpisahan ko na ang pagbabasa ng laman nito.
———
Entry 01: Una kang makita
Year 2017
Hi Vin! Nasa unang bahagi ka pa lang, grabe naman! Ang bagal mong magbasa ah. Bilis-bilisan mo din, laging nahuhuli ang mga mababagal dapat alam mo yan.
Ang ganda ng pamungad ko noh? Hindi naman sa nang-aaway agad ako o kung ano pa man ang sumagi sa isip mo, wala lang talaga akong maisip na pang welcome kaya hayaan na, umpisa pa lang naman eh. Piece yow!
Isa lang naman talaga ang point dito eh, yung gusto ko lang na malaman mo na cute ko este pwede ba kitang maging boyfriend? Kahit isang sigundo, isang minuto, isang oras, isang araw, isang linggo, isang buwan, isang taon, o isang panghabang buhay na lang kaya? Hindi joke lang, hindi naman ako atat eh, alam ko naman kasing ikakasal din tayo balang araw. Charot lang ulit! Charotera ako eh, ano magagawa mo?
So ito na talaga! promise wala ng halong biro, loyal ako sayo.
Hephep! Hooray! Wag muna kiligin kasi ito seryoso na! Ito naaaa.
Nagsimula ang lahat noong unang panahon sa malayong syudad. Panahon pa ni haring Quadrado Di Mabasag ay mali. Teka, sino si haring Quadrado Di Mabasag? Ano ba tong pinagsususulat ko? Oh sya, take two! Take me na din.
Isang lingo pagkatapos ng unang araw ng pasukan sa klase. Wala akong magawa noon kaya napilitan akong maglibot-libot. Bagong lipat kasi ako kaya wala akong gaanong kakilala na sasamahan ako.
Gusto kong maghanap ng isang kainan este ng kaibigan para kahit papano eh may makausap ako. Hanggang sa hindi ko mamalayan na kung saan saan na pala ako dinala ng malikot kong paa. Napansin ko na lang na malapit na pala ako sa gym kaya pinili ko na lamang na sumilip saglit. Nandito na din naman kasi hindi ba?
Madami akong nakitang alien este mga tao na halos lalaki lang ang nasa loob nang sumilip ako. Bakit halos mga lalaki lang ang nandito ngayon? Bakit ako nagtatanong eh dapat nga, wala akong pakialam dyan eh.
"Dahil sa wala naman akong rason para manatili ay lilisan na lamang ako." Echos! Lalim nun ah, akala mo naman may pinanghuhugutan.
So ayun na nga, aalis na sana ako pero bigla akong napahinto.
Doon kita unang nakita. Parang biglang nags-slow motion lahat ng nasa paligid ko nang mapadako sayo ang mata ko.
Nakaupo ka kasama ang dalawang lalaki na kung hindi ako nagkakamali ay mga kasama mo, chos! Halata naman. Lahat kayo yung tipong masasabing gwapo, matatangkad, at halatang madaming nagkakagusto. Pero ewan ko ba kung bakit sayo lang na-stuck yung mata ko.
Para bang magnet na di ko magawang ilayo sayo ang paningin ko kasi kapag inaalis ko ay nahihila lang pabalik.
Ano bang meron sayo na di ko nakita sa iba? Yan ang agad na natanong ko sa sarili ko pero di ko magawang sagutin.
Kasalukuyan kang tumatawa habang titig na titig pa rin ako sayo. Hindi ko man marinig ang paghagikgik mo dahil sa layo ng distansya ko sayo ay para bang naipapasa mo sakin ang sayang nararamdaman mo, kasi bigla din akong nakadama ng saya dahil doon.
Natauhan lang ako nung biglaang tumunog ang bell, hudyat na mag-uumpisa na ang susunod na klase. Ayoko mang umalis ay wala akong nagawa kung hindi ang ilakad ang paa ko paalis sa kung nasaan ka at palihim na lang na napahiling na sana muli ka pang makita.
Hindi ako naniniwala noon sa salitang "love at first sight" pero hindi ko inaasahang dahil sayo mangyayari sakin yun at ako mismo ang makakaramdam nito.
Hindi ako lumabas noon ng classroom mula ng makapasok ako hanggang sa matapos ang klase.
Ilang araw din ang lumipas na hindi kita nakikita pero bigla ka na lang na napadaan sa classroom namin sa isang hindi ko inaasahang araw. Hinabol pa nga kita ng tingin hanggang sa di na kita matanaw pero kahit saglit ay hindi ka man lang lumingon sakin.
Kahit pa ganun ay para pa rin akong tanga na bigla na lang napangiti dahil lang sa nakita kita ulit at di na yun nawala sa isip ko. Para bang nanood ako ng isang paborito kong palabas na paulit-ulit na lang na nag-p-play sa utak ko kahit pa iisang eksena lamang yun.
Kaya naman sa subrang pagka-occupy ng utak ko sayo ay hindi ko namalayan na nakakailang tawag na pala ang teacher namin sa pangalan ko kaya napagalitan ako at napatayo sa harapan ng klase.
Nakakahiya man ang nangyari sakin sa harap ng mga kaklase ko ay palihim naman akong naging masaya dahil sayo.
Yun ang pinaka-unang beses na makita kita, na nasundan ng nasundan. Unang beses na mapadako sayo yung attention ko na di ko inaasahang aabot hanggang sa ganito.
Naging araw-araw ang pagdaan ko sa gym para lang makita ka at hindi naman ako nabibigo. Napansin kong isa ka pala sa mga player kaso di ko alam kung ano ang laro mo. Sapat na kasi sakin na makita ka lang kahit pa wala pa akong alam tungkol sayo.
Minsan nga ay napapatambay ka pa sa tapat ng classroom namin at laking pasasalamat ko na hindi mo tinatapunan ng tingin ang direksyon ko dahil natititigan kita gaano ko man katagal gustuhin.
Lumipas na ang isang buwan pero hanggang ngayon di ko pa rin alam ang pangalan mo, ang grade mo, o kung ilang taon ka na. Akalain mo yun? Matagal na kitang gusto pero wala man lang akong alam ni isa tungkol sayo.
Sa puntong binabasa mo tong unang bahagi na ito alam kong napapatanong ka na kung saan galing ito o kung sino ako.
Hindi ko man ilagay ang buong pangalan ko alam kong isang araw, makikilala mo rin kung sino ako.
–Kaimie
Hindi ko nagawang basahin kagabi yung susunod na entry dahil sa pangungulit ni Zyron na tapusin yung assignment. Hindi pa naman pasahan pero masyadong atat ang loko.Natapos ko kagabi ang pinapagawa nya at naibigay ko na yun ngayong umaga. Hindi naman yun ganun kahirap pero pagkatapos nun inantok na din ako."Let's go outside, Dre! It's kinda hot here." Aya ni Danex nang matapos ang unang klase namin."Pass muna ako ngayon, Dre" saad ko, gusto ko kasing basahin muna ngayon yung love letter. Ewan ko ba kung bakit pero para bang may kung anong nagtutulak sakin para ipagpatuloy ko ang pagbabasa nun."Sus kunwari pa, eh gusto mo lang basahin yung love letter eh!" Pang aasar ni Zyron na mukhang nabasa kung ano ang nasa isip ko."Eh kung lumabas na kaya kayo at hayaan nyo muna ang isang yan? Ayaw na kasing mahiwalay sa isa't-isa eh, tsk!" Parang isang sigang saad ni Lyrize saka tumayo sa upuan nya.
"Oh nandyan ka na pala, Vin." Agad na sabi ni mama pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ng bahay.Kasalukuyan syang naghihiwa ng sibuyas sa lamesa kaya lumapit ako sa kanya para magmano."Wag na, hindi mo ba nakikitang naghihiwa ako ng sibuyas." Pagsaway nito sa pagkuha ko ng palad nya."Si mama talaga oh." Napakamot sa ulong saad ko."Nga pala, bakit parang ang aga mo atang umuwi ngayon ah, wala kayong training?" Pagbubukas nito ng usapan. Hinila ko ang upuan mula sa pagkakadikit sa lamesa at nilagay ko sa harapan ko ang bag ko upang maupo muna saglit."Pahinga daw po muna sabi ni Coach." Medyo bagot na sagot ko saka ipinatong ang mukha ko sa lamesa.Inaasahan na kasi ni mama na late ako uuwi dahil karaniwang gabi na ako kung umuuwi dahil sa training, ewan ko ba kung bakit ko naisipang sumali sa mga player eh wala naman saming magkakaibigan ang varsity
Humihingal akong nakarating sa classroom dahil sa kakatakbo makatakas lang sa mga babaeng panay ang habol sakin at wala atang balak na tigilan ako."Iba ka talaga dre! Babae na humahabol sayo oh." Pang-aasar ni Zyron saka humagalpak ng tawa."Hayst! Nakakaasar kaya, anong nakakatuwa na habulin ng mga babae eh aksaya lang yun sa oras." Halos bulong ko saka pinunasan ang pawis sa noo gamit ang kamay ko. Naglakad na ako papunta sa upuan ko at ibinaba ang bag na dala ko."Buti ka nga hinahabol, eh pano naman kaming hanggang asa na lang na mapansin?" Pagsabat ni Ellie sa usapan na kasalukuyang nakatingin sa cellphone nya at hindi ako tinatapunan ng tingin."Sus, may nanliligaw din naman sayo ah." Biglang tugon ni Lyrize sa sinabi ni Ellie."Ha? Aba'y tulungan mo akong maghanap, hindi ko makita eh." Sarkastikong saad nito na pinandilatan pa ng mata si Lyrize."Tayo