LOGIN
Humihingal akong nakarating sa classroom dahil sa kakatakbo makatakas lang sa mga babaeng panay ang habol sakin at wala atang balak na tigilan ako.
"Iba ka talaga dre! Babae na humahabol sayo oh." Pang-aasar ni Zyron saka humagalpak ng tawa.
"Hayst! Nakakaasar kaya, anong nakakatuwa na habulin ng mga babae eh aksaya lang yun sa oras." Halos bulong ko saka pinunasan ang pawis sa noo gamit ang kamay ko. Naglakad na ako papunta sa upuan ko at ibinaba ang bag na dala ko.
"Buti ka nga hinahabol, eh pano naman kaming hanggang asa na lang na mapansin?" Pagsabat ni Ellie sa usapan na kasalukuyang nakatingin sa cellphone nya at hindi ako tinatapunan ng tingin.
"Sus, may nanliligaw din naman sayo ah." Biglang tugon ni Lyrize sa sinabi ni Ellie.
"Ha? Aba'y tulungan mo akong maghanap, hindi ko makita eh." Sarkastikong saad nito na pinandilatan pa ng mata si Lyrize.
"Tayo na dyan at simulan na natin ang paghahanap." Biro ni Lyrize saka sila sabay na tumawa.
"Mga baliw!" Biglang sulpot ni Flira na kararating lang. "Anong meron? Parang di nyo na naman sinasali ah."
"Hindi kasi tayo bati bleeeh!" Parang batang sagot ni Ellie at isang malutong na batok ang natanggap nilang dalawa mula kay Flira.
Naupo na ako sa upuan ko at bahagya kong ipinapaypay sakin ang kamay ko dahil sa init gawa ng pawis ko.
"Oh hindi ba, dumating yung pinapangarap mo na may pinapangarap na iba." Pagpaparinig ni Ellie na halata namang sinasadya nyang mang-asar.
"Aasa pa kasi eh." Dugtong naman ni Lyrize kaya nilingon ko sila at sinamaan ng tingin. Agad naman silang nagpanggap na parang wala lang, ang gagaling talaga.
"Oh ayan na yung isang pasaway!" Anunsyo ni Flira kaya napalingon ako sa labas at bumungad si Danex.
"Oi dre! Someone asked me to give this thing to you." Agad na saad nya pagkapasok at dumeretsyo agad sakin para ibigay ang isang bagay na parang notebook o libro?
Napalapit naman yung lima dahil sa ginawa at sinabi ni Danex. Hindi ko agad kinuha sa kanya yung ibinibigay nya dahil napatitig lang ako dito ng may pagtataka.
"Someone?" Wala sa sariling tanong ko saka ko kinuha sa kanya. "Hindi mo kilala?"
Tiningnan ko ang harapan at likod nito, saka bahagyang nilipat lipat ang pahina. Hindi ko alam kung bakit ko yun ginawa dahil di ko din naman pinagtuonan ng pansin kung ano yung nakita ko.
"Actually I've seen her a lot of times but I don't know her name." Sagot ni Danex na parang nag-iisip na baka maalala nya.
"Is that so?" Paninigurado ko at tumango sya bilang sagot
"Good morning class." Bati ng kararating lang na teacher namin. Hindi na namin natuloy ang pag-uusap dahil nagsipuntahan na sila sa kanya kanya nilang upuan.
Pasimple kong binuksan ang pahina ng bagay na to, hindi ko din naman trip na makinig ngayon ng lesson dahil nababagot ako kaya babasahin ko muna ito.
Sinimulan kong tingnan ang unang pahina nito.
It was a letter.
A love letter...
I started to read the first part—her introduction.
———
To: Davin Suarez
First of all, I want to say thank you for being my inspiration and for letting me experience this crazy feelings. Lahat ng nakasulat dito ay totoo... Mula pa noong di ka pa masyadong kilala ng lahat at kung saan hindi mo pa ako kilala.
I don't know how to face you after you read this kasi nakakahiya, may hiya pa din naman ako kahit di lang halata.
Pero kahit na ganun ay gusto kopa rin na mabasa mo ito para malaman mo kung saan nagsimula itong nararamdaman ko sayo at kung matatapos nga ba.
Malalaman mo kung gaano ako naging baliw at nagmukhang tanga kakagawa ng paraan mapalapit lang sayo sa loob ng halos tatlong taon.
Ilang beses ko ng sinubukang kalimutan ka pero... Wala eh, sayo pa rin bagsak ko.
It's up to you kung anong gagawin mo dito, tutal para din naman to sayo.
–your admirer, Kaimie.
Hindi ko nagawang basahin kagabi yung susunod na entry dahil sa pangungulit ni Zyron na tapusin yung assignment. Hindi pa naman pasahan pero masyadong atat ang loko.Natapos ko kagabi ang pinapagawa nya at naibigay ko na yun ngayong umaga. Hindi naman yun ganun kahirap pero pagkatapos nun inantok na din ako."Let's go outside, Dre! It's kinda hot here." Aya ni Danex nang matapos ang unang klase namin."Pass muna ako ngayon, Dre" saad ko, gusto ko kasing basahin muna ngayon yung love letter. Ewan ko ba kung bakit pero para bang may kung anong nagtutulak sakin para ipagpatuloy ko ang pagbabasa nun."Sus kunwari pa, eh gusto mo lang basahin yung love letter eh!" Pang aasar ni Zyron na mukhang nabasa kung ano ang nasa isip ko."Eh kung lumabas na kaya kayo at hayaan nyo muna ang isang yan? Ayaw na kasing mahiwalay sa isa't-isa eh, tsk!" Parang isang sigang saad ni Lyrize saka tumayo sa upuan nya.
"Oh nandyan ka na pala, Vin." Agad na sabi ni mama pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ng bahay.Kasalukuyan syang naghihiwa ng sibuyas sa lamesa kaya lumapit ako sa kanya para magmano."Wag na, hindi mo ba nakikitang naghihiwa ako ng sibuyas." Pagsaway nito sa pagkuha ko ng palad nya."Si mama talaga oh." Napakamot sa ulong saad ko."Nga pala, bakit parang ang aga mo atang umuwi ngayon ah, wala kayong training?" Pagbubukas nito ng usapan. Hinila ko ang upuan mula sa pagkakadikit sa lamesa at nilagay ko sa harapan ko ang bag ko upang maupo muna saglit."Pahinga daw po muna sabi ni Coach." Medyo bagot na sagot ko saka ipinatong ang mukha ko sa lamesa.Inaasahan na kasi ni mama na late ako uuwi dahil karaniwang gabi na ako kung umuuwi dahil sa training, ewan ko ba kung bakit ko naisipang sumali sa mga player eh wala naman saming magkakaibigan ang varsity
Humihingal akong nakarating sa classroom dahil sa kakatakbo makatakas lang sa mga babaeng panay ang habol sakin at wala atang balak na tigilan ako."Iba ka talaga dre! Babae na humahabol sayo oh." Pang-aasar ni Zyron saka humagalpak ng tawa."Hayst! Nakakaasar kaya, anong nakakatuwa na habulin ng mga babae eh aksaya lang yun sa oras." Halos bulong ko saka pinunasan ang pawis sa noo gamit ang kamay ko. Naglakad na ako papunta sa upuan ko at ibinaba ang bag na dala ko."Buti ka nga hinahabol, eh pano naman kaming hanggang asa na lang na mapansin?" Pagsabat ni Ellie sa usapan na kasalukuyang nakatingin sa cellphone nya at hindi ako tinatapunan ng tingin."Sus, may nanliligaw din naman sayo ah." Biglang tugon ni Lyrize sa sinabi ni Ellie."Ha? Aba'y tulungan mo akong maghanap, hindi ko makita eh." Sarkastikong saad nito na pinandilatan pa ng mata si Lyrize."Tayo