"Oh nandyan ka na pala, Vin." Agad na sabi ni mama pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ng bahay. Kasalukuyan syang naghihiwa ng sibuyas sa lamesa kaya lumapit ako sa kanya para magmano. "Wag na, hindi mo ba nakikitang naghihiwa ako ng sibuyas." Pagsaway nito sa pagkuha ko ng palad nya. "Si mama talaga oh." Napakamot sa ulong saad ko. "Nga pala, bakit parang ang aga mo atang umuwi ngayon ah, wala kayong training?" Pagbubukas nito ng usapan. Hinila ko ang upuan mula sa pagkakadikit sa lamesa at nilagay ko sa harapan ko ang bag ko upang maupo muna saglit. "Pahinga daw po muna sabi ni Coach." Medyo bagot na sagot ko saka ipinatong ang mukha ko sa lamesa. Inaasahan na kasi ni mama na late ako uuwi dahil karaniwang gabi na ako kung umuuwi dahil sa training, ewan ko ba kung bakit ko naisipang sumali sa mga player eh wala naman saming magkakaibigan ang varsity
Last Updated : 2020-10-30 Read more