LOGINHindi ko nagawang basahin kagabi yung susunod na entry dahil sa pangungulit ni Zyron na tapusin yung assignment. Hindi pa naman pasahan pero masyadong atat ang loko.
Natapos ko kagabi ang pinapagawa nya at naibigay ko na yun ngayong umaga. Hindi naman yun ganun kahirap pero pagkatapos nun inantok na din ako.
"Let's go outside, Dre! It's kinda hot here." Aya ni Danex nang matapos ang unang klase namin.
"Pass muna ako ngayon, Dre" saad ko, gusto ko kasing basahin muna ngayon yung love letter. Ewan ko ba kung bakit pero para bang may kung anong nagtutulak sakin para ipagpatuloy ko ang pagbabasa nun.
"Sus kunwari pa, eh gusto mo lang basahin yung love letter eh!" Pang aasar ni Zyron na mukhang nabasa kung ano ang nasa isip ko.
"Eh kung lumabas na kaya kayo at hayaan nyo muna ang isang yan? Ayaw na kasing mahiwalay sa isa't-isa eh, tsk!" Parang isang sigang saad ni Lyrize saka tumayo sa upuan nya.
"Hayaan mo na, babawiin ko na lang yung draw-"
"Tara na nga dre! Iwan na natin yan. Bahala na sya sa buhay nya!" Pabirong pagputol ni Zyron sa sinasabi ko kay Lyrize. Natatawa nyang hinila si Danex papunta sa labas dahil sa banta ko. Loko talaga!
"By the way Lyrize, saan ang punta mo?" Tanong ni Flira kay Lyrize nang isabit nito sa balikat ang bag nya.
"Sa Admin's office, may kailangan lang akong itanong, gusto mo bang sumama?" Sagot nito.
"Sige, mamaya pa naman ang next class natin eh. Ikaw Ellie, hindi ka ba sasama?" Biglang baling nito kay Ellie.
Umangat naman ng tingin si Ellie sa dalawa na kasalukuyang nagsusulat ng mga naiturong topic kanina.
"Hindi na muna, tatapusin ko muna ang isang to, baka sumunod na lang din ako sainyo maya-maya." Sagot ni Ellie.
"Okay sige, sabi mo eh." Biglang napalingon sakin si Flira na syang kinakaba ko. Iba pa rin talaga ang epekto ng bawat tingin ni Flira sakin, para akong tinutunaw.
"Hoy Vin!" Bumalik ako sa ulirat nang biglang sumigaw si Lyrize kasabay ng pag-alog nya sa balikat ko.
"H-huh? Ano ulit yun?" Sa subrang pagtitig ko sa mata ni Flira hindi ko na tuloy marinig ang sinasabi nito.
"Tinatanong ko kung sasama ka ba o talagang magpapaiwan ka muna dito sa loob ng room?" Pag-uulit ni Flira sa tinanong nya kanina na hindi ko narinig.
"Hindi yan, tiyak pagod na yan sa kakatago at kakatakbo sa mga admirers nya kaya gugustuhin nga na lang na manatili dito. Hindi kayang magpahalaga sa nararamdaman ng iba eh." Sagot ni Ellie kahit ako yung tinatanong. Bakit parang pakiramdam ko eh may ipinaparating si Ellie na kung ano?
"Nga naman" pagsang-ayon ni Lyrize "Tara na nga Flira!"
Naglakad na paalis yung dalawa kaya napalingon naman ako kay Ellie na tinutuloy na ang ginagawa kanina. May problema kaya sakin ang babaeng to?
"Oh bakit?" Bigla nya akong nilingon, siguro ay naramdaman nyang nakatingin ako sa kanya.
"Wala!" Sagot ko saka napalingon sa labas ng bintana.
"Ayon sya oh!" Dinig kong sabi ng isang babae sa kasama nya na nakasilip mula sa bintana habang nakaturo ang daliri sakin. Mga Junior High sila base sa suot nilang uniform.
"Oo nga si Vin yun." Sagot naman ng kasama at sabay silang tumili.
"Bakit kaya hindi sya lumabas ng classrom? Sayang may ibibigay pa naman sana ako."
"Hala nakatingin sya satin!"
Biglang tumakbo paalis yung dalawa habang tumitili. Hayst! Nakakairita na ang ganitong treatment ah.
"Ahmm Vin," napalingon ako dahil sa pagtawag ng isa sa mga classmate ko na kasalukuyang nakatayo ngayon sa gilid ko.
"Ano yun?" Tanong ko at tiningnan sya ng nagtataka.
"A-ah kasi ano..." Hinintay ko na muli syang magsalita. Ano ba kasing problema nito? "P-Pwede ba akong magpakuha ng picture kasama ka? A-ah ano dare lang 't-to"
Tumango na lang ako bilang sagot kaya masaya nyang binigay sa kaibigay nya yung phone nya upang kuhaan kami ng litrato.
"T-Thank you"
"Sige" wala sa mood na sagot ko. Napalingon ulit ako kay Ellie dahil naramdaman ko na nakatingin sya pero umiwas sya ng tingin nang magtama ang mata namin.
Pinabayaan ko na lang sya at kinuha ko na ulit sa bag yung love letter. Baka tinutupak lang to ngayon.
Lumingon-lingon muna ako sa paligid para tingnan kung may nakatingin sakin o walang magbibigay ng pansin. Nang makasigurado ako na wala ay saka ko binasa ang kasunod na bahagi na nakasulat sa love letter.
———
Entry 2: Mala-telenovelang Eksena
Ilang buwan na rin ang lumipas mula ng hindi kami nakakabayad sa kuryente este mula ng unang beses kitang makita.
Subrang tagal na din pala noh?
Pakiramdam ko habang tumatagal mas lalong lumalalim yung balon este yung pagmamahal ko sayo... Yieee kiligin ka dali hahaha.
Araw araw gustong gusto kitang titigan at pag aralan ang mga kilos mo. Para kasing ikaw na din yung naging kasiyahan ko. Sa tuwing dadaan ka nga sa kung nasaan ako ay automatic na titig ang mata ko sayo.
Mayroon na rin akong mga kaibigan ngayon, share ko lang ah? sa totoo nga nyan eh palagi ko silang kasama lalo kapag lalabas ng classroom, halos classmates lang kasi kami. Nang mag absent yung teacher namin sa English nagpasya kaming maglibot libot sa campus para makatanggal ng bagot.
Habang naglalakad hindi namin mapigilang tumawa dahil sa subrang corny ng joke ng isa samin tapos bigla na lang na may kung sinong nakabangga sakin ng walang pasabi. Malakas na nasagi ng kanyang balikat ang balikat ko dahilan para halos mapaatras ako.
Nang lingunin ko kung sino, laking gulat ko ng malaman kong ikaw pala yun. Grabe ng pakiramdam ko. Yun bang para akong nakalutang sa ere na biglang may humuning mga ibon at may nagpatugtog ng violin kasabay nagpatigil ng lahat ng bagay sa paligid ko, siguro sa puntong 'to, kampi sakin si tadhana kaya napagbigyan ako.
Kaso alam mo ba kung anong ginawa mo? Walang modong kang nagpatuloy sa paglalakad at ni hindi man lang nag aksayang lumingon para magsabing sorry. Wala man lang ni hi, ni ho, o kahit hi babe man lang—echos! Pero hindi mo man lang ba talaga napansing may nabangga ka? Alam mo..
ANG MANHID MO!
Di joke lang, ganyan ka na talaga eh, piece yow! Pero alam mo bang subrang saya ko nung mga oras na yun at di matanggal sa labi ko ang ngiti. Yun kasi yung unang beses na makalapit ako sayo na akala ko noon napakaimposible.
Bigla pa nga akong napatili ng di ko namamalayan dahilan para malaman ng mga kaibigan ko na may gusto ako sayo. Hindi ako na ako nakalusot dahil inasar lang nila ako ng inasar.
Ngunit laking pasasalamat ko din na nalaman nila dahil sila mismo ang gumawa ng paraan para malaman ko ang pangalan mo.
Davin Suarez... Ang ganda ng pangalan mo, lalo na ang apelyedo mo. Parang ang sarap dalhin para ipamana sa magiging anak natin.
Kakilala kasi sila ng mga kaibigan mo kaya madali naming nalaman ang pangalan mo. Buti na nga lang at di nila naisipang ilaglag ako sa nga kaibigan mo. Kaya safe pa ako ngayon.
May pagkakataon pa nga na nagkaroon kami ng role play activity sa klase namin at comedy yung genre na dapat naming gawin. Madaming tao ang nasa labas ng pinto at ng bintana pero ang mas lalong umagaw ng atensyon ko ay ang presensya mo. Nandoon ka... Nanonood. Subrang saya ko nang makitang natatawa ka sa mga pinaggagagawa namin kahit pa nagmumukha na kaming mga baliw... Parang kahit isang beses lang naging dahilan din ako ng pagtawa at pagsaya mo.
Nag-aassume man ako kung iisipin pero parang ganun na din naman diba?
Alam kong hindi mo alam na nung mga panahong hindi ka pa gaanong kilala sa campus nakasubaybay na ako sayo. Hindi ako stalker ah? Pero kung yun ang gusto mo, bahala ka.
Hindi mo alam na sa simpleng ginagawa mo, gaano man yun kaliit ay may napapasaya ka ng tao.
Hindi mo alam na may sekretong subrang humahanga sayo, at isa ako doon.
Napagbigyan ni Tadhana, Kaimie
———
Bigla akong napaisip doon sa sinabi nyang dahil sa mga kaibigan ko kaya nila nalaman ang pangalan ko. Inilagay ko ulit sa bag yung notebook at hinanap sina Danex at Zyron dahil sa pagtataka.
Natanaw ko silang nakaupo sa di kalayuan habang nag-uusap kaya agad ko silang nilapitan.
"Oh dre! Akala ko ba di ka sasama?" Agad na bungad ni Zyron.
"Ah kasi, may gusto lang sana akong itanong." Nagdadalawang isip na saad ko saka naupo sa tabi ni Zyron. Itatanong ko ba?
"What is it?" Tanong din ni Danex. Hayst bahala na nga lang!
"May minsan bang nagtanong sainyo na kung sino tungkol sa pangalan ko?" Bakit parang ang labo ng tanong ko? "Yun bang tinatanong kung ano pangalan ko o kung sino ako, ganun." Paglilinaw ko kahit hindi ako sigurado kung malinaw nga ba yun.
Hindi ko din alam kung may makukuha akong sagot sa kanila pero parang gusto ko lang magbakasakali.
"Dre! Di na bago yun. Dahil sa ilang taong pagiging Varsity player a.k.a captain mo madami na ang humahanga sayo na laging nagpapatulong samin o nagtatanong ng pangalan mo. Kadalasan mga junior students o mga bagong lipat." Sagot ni Zyron.
Oo nga pala, bakit hindi ko agad naisip yun? Sa dami ng nagbibigay ng kung ano-ano sakin at mga sumusunod kapag naglalakad ako mukhang malabong makilala ko kung sinong may ari nito.
"Is that about the love letter?" Biglang saad ni Danex, sya nga pala yung nagbigay nito kaya baka may alam nya. "That odds, you never tried to know your admirer's identity ever since" teka, bakit parang ang sama ko sa pinupunto nya? Pero kahit papaano ay may punto nga sya at kung anong dahilan nun ay hindi ko din alam.
"Oo nga naman dre," pagsang-ayon ni Zyron saka inakbay sakin ang balikat nya "hindi ikaw yung tipong magbibigay ng oras para alamin ang nagpapadala sayo ng mga bagay tulad ng love letter kasi ayon nga sayo, aksaya yun sa oras." Makahulugang dagdag pa nito at pinagdiinan pa talaga yung salitang 'sayo'. Bakit ba napakadaldal nya? Kung ano-anong hinahalungkat eh.
"Anyway, we can talk to the girl who asked me to give that love letter to you." Nilingon ko naman si Danex dahil sa sinabi nito, buti na lang at hindi ko na kailangan pang bigyan ng tugon ang sinabi ni Zyron.
"Arat na! Gusto ko ring malaman kung sino nagbigay eh. Na-c-curious din ako sa nagpukaw ng atensyon ng nag-iisa nating Davin Suarez." Excited at may halong pang-aasar na saad ni Zyron.
Sumang ayon na lang ako sa kanila dahil baka kung saan pa makaabot ang usapan.
Tumayo na kaming tatlo at naunang maglakad si Danex, sya yung may alam eh.
Biglang huminto si Danex sa tapat ng isang classroom at may sinenyasang lumabas. Ilang sigundo lang ang nakalipas ng may babaeng lumabas.
"Yes?" Nakangiting bungad nito samin. Ngayon ko lang ata sya nakita o baka oo na pero hindi ko lang masyadong pinagtuonan ng pansin.
"Ikaw ba yung nagbigay ng love letter kay Vin?" Walang introduction na tanong ni Zyron.
"Ahmm no, iniabot lang din yun sakin ni Khalid mula dyan sa katabi naming room puntahan nyo na lang. Madali din syang mahanap dahil sya yung pinakamaingay na bakla dyan." Mahabang sagot nya habang nakangiting nakatingin sakin. Bakit pakiramdam ko ay may kahulugan yung tingin nyang yun. Yun bang parang may sinasabi syang isang kwento. Weird!
"Okay" sagot ulit ni Zyron saka naunang maglakad papunta sa katabing classroom.
Sumunod na lang kami sa paglalakad kay Zyron pero di pa man namin sya naaabutan ay bumalik na sya. Mukhang nakausap nya na yung Khalid, pero bakit ang bilis naman ata nya, ano na naman kaya ang ginawa ng isang to?
"Anong sabi?" Tanong ko.
"May nag iwan lang daw nun sa locker nya at may sulat na nagsasabing ipasa daw sa kaclose nyang babae" mukha atang hindi talaga sya magpapakilala ng ganun na lang kadali.
"She's a little mysterious" kumento ni Danex.
"Wala bang nilagay na kahit na anong pangalan dun sa love letter?" Tanong pa ni Zyron.
"Kaimie... yun lang"
"Kaimie? Wala akong kakilalang may ganun ang pangalan ah."
"Yun na nga eh."
Kaimie... Sino ka ba?
Hindi ko nagawang basahin kagabi yung susunod na entry dahil sa pangungulit ni Zyron na tapusin yung assignment. Hindi pa naman pasahan pero masyadong atat ang loko.Natapos ko kagabi ang pinapagawa nya at naibigay ko na yun ngayong umaga. Hindi naman yun ganun kahirap pero pagkatapos nun inantok na din ako."Let's go outside, Dre! It's kinda hot here." Aya ni Danex nang matapos ang unang klase namin."Pass muna ako ngayon, Dre" saad ko, gusto ko kasing basahin muna ngayon yung love letter. Ewan ko ba kung bakit pero para bang may kung anong nagtutulak sakin para ipagpatuloy ko ang pagbabasa nun."Sus kunwari pa, eh gusto mo lang basahin yung love letter eh!" Pang aasar ni Zyron na mukhang nabasa kung ano ang nasa isip ko."Eh kung lumabas na kaya kayo at hayaan nyo muna ang isang yan? Ayaw na kasing mahiwalay sa isa't-isa eh, tsk!" Parang isang sigang saad ni Lyrize saka tumayo sa upuan nya.
"Oh nandyan ka na pala, Vin." Agad na sabi ni mama pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ng bahay.Kasalukuyan syang naghihiwa ng sibuyas sa lamesa kaya lumapit ako sa kanya para magmano."Wag na, hindi mo ba nakikitang naghihiwa ako ng sibuyas." Pagsaway nito sa pagkuha ko ng palad nya."Si mama talaga oh." Napakamot sa ulong saad ko."Nga pala, bakit parang ang aga mo atang umuwi ngayon ah, wala kayong training?" Pagbubukas nito ng usapan. Hinila ko ang upuan mula sa pagkakadikit sa lamesa at nilagay ko sa harapan ko ang bag ko upang maupo muna saglit."Pahinga daw po muna sabi ni Coach." Medyo bagot na sagot ko saka ipinatong ang mukha ko sa lamesa.Inaasahan na kasi ni mama na late ako uuwi dahil karaniwang gabi na ako kung umuuwi dahil sa training, ewan ko ba kung bakit ko naisipang sumali sa mga player eh wala naman saming magkakaibigan ang varsity
Humihingal akong nakarating sa classroom dahil sa kakatakbo makatakas lang sa mga babaeng panay ang habol sakin at wala atang balak na tigilan ako."Iba ka talaga dre! Babae na humahabol sayo oh." Pang-aasar ni Zyron saka humagalpak ng tawa."Hayst! Nakakaasar kaya, anong nakakatuwa na habulin ng mga babae eh aksaya lang yun sa oras." Halos bulong ko saka pinunasan ang pawis sa noo gamit ang kamay ko. Naglakad na ako papunta sa upuan ko at ibinaba ang bag na dala ko."Buti ka nga hinahabol, eh pano naman kaming hanggang asa na lang na mapansin?" Pagsabat ni Ellie sa usapan na kasalukuyang nakatingin sa cellphone nya at hindi ako tinatapunan ng tingin."Sus, may nanliligaw din naman sayo ah." Biglang tugon ni Lyrize sa sinabi ni Ellie."Ha? Aba'y tulungan mo akong maghanap, hindi ko makita eh." Sarkastikong saad nito na pinandilatan pa ng mata si Lyrize."Tayo