Share

Chapter 4

Author: Jah_Jah_12
last update publish date: 2020-07-29 13:56:09

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa malakas na katok galing sa pintuan ng kwarto ko.

"Ma'am Louise, bumangon na daw po kayo sabi ni Ma'am. Mag ayos na din daw po kayo bago bumaba para sa breakfast."

Hindi ko pinansin ang utos ni Mom. Lalo na ng makita ko ang oras, 6 am palang. Maaga pa. Muli akong pumikit para makatulog ulit.

I opened​ my eyes and yawned when i heard a knock on the door.

"Ma'am Louise? Gumising na po kayo." Damn. Saturday ngayon ah! 9 or 10 am pa ang gising ko. Hindi ko pa din pinansin ang katulong lalo na't inaantok pa ako.

"NIKEE LOUISE!" Mabilis akong bumalikwas ng bangon dahil sa sigaw ni Mom. She glared at me.

"Morning," I greeted.

"Tanghali na! Kanina kapa ginising. Tumayo ka na nga at mag asikaso."

"Mom, 7 o'clock palang. Inaantok pa ako."

"Parating na ang mga Syquia. Bilisan mo nga, kanina kapa namin hinihintau sa dining." Laglag ang panga ko ng iwanan ako ni Mom. Parating na ang mga Syquia? What the hell? Bakit ang aga? Wow. Hindi naman sila mukhang excited.

Tamad na tamad ako habang ginagawa ang morning rituals ko. Damn. 9 am pa ang gising ko eh! Panirang mga Syquia.

Muli akong pinuntahan ng isang katulong. Nang makitang nakabihis na ako, umalis na din siya. Wearing my white simple dress, lumabas na ako ng kwarto. Malapad ang ngiti ni Mom ng makita ang pag pasok ko ng dinning. I kissed her cheeks, ganon din naman kay Dad bago ako naupo. 

"Let's eat." Si Dad.

Habang kumakain, nakatingin lang ako kila Mom and Dad. Mukhang napansin nila ang titig ko. 

"Hija, parating na ang mga Syquia kaya ka namin pinagising. May importante kaming pag uusapan nila Rechiel at Benedict kaya ikaw na muna ang bahala kay Blance."

Nagulat sila ng bigla akong nasamid. Mabilis namang nag abot ng tubig ang katulong na nasa likod ko.

"Are you okay?" Nag aalalang tanong ni Mom.

"Seriously, Dad? Ayoko nga." Nanliit ang mata ni Dad sa isinagot ko. Shit! Baka dito pa siya bumuga ng apoy.

"Bakit may problema ba? Mabait na bata si Blance kaya sigurado ako g mag kakasundo kayo." Oh, you're wrong Dad. Walang mabuti sa lalaking yun.

"Bakit ba ayaw mo?" Si Mom naman. Umiling nalang ako. Ayoko ng humaba pa ang usapan.

"Nagulat lang po ako. Sige po ako na ang bahala."

Tuwang tuwa sila dahil sa pag payag ko. Mas na excite tuloy silang makita ang pag dating ng mga Syquia. Nang matapos kaming mag breakfast. Sa living kami dumeretso, sakto namang may narinig kaming busina ng isang sasakyan.

"Sila na yan panigurado."

Sinama ako ni Mom and Dad sa pag salubong sakanila. Bago pa ako makatanggi na hila na ako ni Mom.

Sobrang tuwa ko ng walang bumabang Blance Syquia sa kotse. Muntik pa akong mag tatatalon sa tuwa. Sobrang lapad ng ngiti ko ng bumati sa mag asawang Syquia. Mabuti nalang at hindi niyo isinama si Blance.

"Si Blance?" Napawi ang ngiti ko sa itinanong ni Mom. Ngumiti naman si Tita Rechiel bago bumaling sa may gate. Nanlaki ang mata ko ng makita ang isang kotseng papasok na sa gate namin.

"Ayan na siya." Si Tita.

Gusto kong sumigaw sa mga guards ng ISARA

ANG GATE. Ang

kaso, huli na. Nakapasok na siya.

Sila Mom lang ang masaya sa pag dating ni Blance. Napangiwi ako ng napakagalang

niyang batiin ang parents ko. Plastic. When he glanced at me, inirapan ko siya.

"Ah, Blance. Si Louise nga pala."

Hindi ako makapaniwala ng biglang nag lahad ng kamay si Blance.

"Blance." Tinaasan ko siya ng kilay. Tinitigan ko lang ang kamay niya. Walang balak na maki pag shake hands. Ang kaso, siniko ako ni Mom at pinandilatan ng mata kaya wala akong nagawa.

"Louise." I simply said.

Agad ko ding binawi ang kamay ko sakanya. Mahirap na baka may virus.

"Maiwan na muna namin kayo."

Alam kong gusto nilang mag kasundo kami ni Blance. Dahil pare-parehas silang may binabalak at kung tama ang iniisip ko, hindi ko hahayaang mangyari iyon.

"Tatayo na lang ba tayo?" He asked sarcastically. I rolled my eyes and answer.

"Kung gusto mo, matulog ka na ding nakatayo." Padabog akong nag lakad pabalik ng sala. Ramdam ko naman ang pag sunod niya saakin.

Isang katulong ang sumalubong saamin. "Ma'am Louise, mag meryenda muna daw po kayo bago niyo ipasyal si Sir."

Nakapameywang ako habang pinapanood si Blance na umupo sa pang isahang sofa. Kung alam ko lang na dyan siya uupo, nilagyan ko na sana ng thumbtacks​. Tinaasan ko siya ng kilay ng tignan niya ako. Umiling siya at ngumisi. Kinuha niya ang juice at brownies na binigay ng katulong sakanya. Nanatili akong nakatayo habang pinapanood siyang kumakain.

"Stop staring. Baka matunaw ako." He said and chuckled. I rolled my eyes and glared at him.

"Tinutunaw talaga kita para mawala kana sa paningin ko." I said sarcastically. Naupo ako sa upuang nasa harapan niya.

"Why are you here?" I asked straightforwardly. His eyes narrowed and he looked at me seriously. 

"Your Mom invited me." He said coldly. My brow was raised.

"Liar." I said and glared at him. His jaw clenched.

"I'm not." He whispered seriously.

"Tss."

Naiinis talaga ako sa presensya niya. Tumayo na ako at iniwan siyang mag isa sa sala. Paakyat na ako ng kwarto ng makita ako ni Manang Linda.

"Iniwan mo ang bisita mo?" Shit! Baka mag sumbong si Manang. Mabilis akong umiling.

"May kukunin lang ako sa kwarto."

"Ganon?"

"Babalik din ako, Manang." Nang maniwala siya, iniwan ko na din siya at nag tungo na sa kwarto ko. Sobrang lapad ng ngiti ko ng makapasok sa kwarto.

"Sa wakas!" Agad akong humiga sa kama ko. Nakahinga ako ng maluwag ng guminhawa ang pakiramdam ko. Iidlip nalang muna ako. Sigurado naman na pag gising ko, nasa baba pa din si Blance. Mabilis akong dinalaw ng antok.

Nagising ako ng makaramdam na parang may nakatitig saakin. Napabalikwas ako ng bangon ng makita si Blance na nakatitig saakin.

"Oh my gosh! Anong ginagawa mo dito?!" Oh my! Pinapanood niya ako habang natutulog? Gosh! Nakakahiya! Naramdamam ko ang pag mula ng mukha ko, mabilos akong umatras  palayo sakanya. Sinamaan ko siya ng tingin ng humagalpak siya ng tawa.

"What's funny?! At sinong nag papasok sayo dito? Si Manang—" He cut me off. Bastos!

"Shut up. Wala akong balak sayo—" I cut him off. 

"Really? Baka nakakalimutan mo, you—heh!" Inirapan ko nalang siya bago nag iwas ng tingin.

"What?" He asked and Laughed​. 

"Lumabas kana nga!" I said in anger. He just laughed out loud. Sa inis ko, tinulak tulak ko siya palabas ng kwarto.

"Get out! Nakakainis ka!"

"I'll wait—"

"Oo na." Padabog kong isinara ang pintuan ko. Bwisit na lalaking yon. Sino ba ang nag papasok sakanya?!.

Padabog akong kumuha ng damit bago pumasok sa Cr, para maligo na bago bumaba at harapin ang antipatiko sa baba.

————————

A/N: Vote and comments sweethearts <3

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • A Night To Remember   Chapter 10

    "What are you doing here?" Kunot noong tanong ko kay Blance ng makapasok ako ng dining area.He shrugged. "Visiting my fiancee."Napasinghap ako sa sinabi niya. He smirked.

  • A Night To Remember   Chapter 9

    Hindi mainpinta ako mukha ko habang nakasakay sa mamahaling kotse niya.Ito namang driver ko, sobrang lapad ng ngisi sa labi."Anong nginingisi ngisi mo dyan?" Naiinis na tanong ko sakanya.

  • A Night To Remember   Chapter 8

    Nakahiga ako ng maluwag ng makapag paliwanag agad si Kuya Lou kay Ate Ruby na kapatid ako ni Kuya.Humingi agad ako ng sorry kay Ate Ruby. Ganoon din naman siya saakin. Kaya ngayon, kasama na namin siya ni Kuyang nag hahapunan."Pasensya na po talaga, Ate. Saka dumalaw lang po ako ngayon dito ka

  • A Night To Remember   Chapter 7

    Sumunod ako kila Mom and Dad ng makaalis ng tuluyan si Blance."Mom! Can i talk to you?" I asked.Kunot noo nila akong nilingon ni Dad.

  • A Night To Remember   Chapter 6

    Wala na sila Mom and Dad ng magising ako kinabukasan. Sobrang tuwa ko ng malamang, walang alam si Mom tungkol sa bulaklak niya. Nang tignan ko kasi kanina. Kulay itim na ang rose. Kaya naman pinatapon ko na bago pa makita ni Mom."Ako na ang bahala kay Mom." I said and smiled at them. Tumango naman ang dalawang katulong bago nag paalam na babalik na sa trabaho.

  • A Night To Remember   Chapter 5

    Nasa garden kami ngayon. Nandito ako sa duyan nakaupo, samantalang si Blance ay nakasandal sa isang puno. Habang mariing nakatingin saakin. Mahigit dalawang oras ko na siyang kasama, lalo na't hindi pa lumalabas sila Mom sa office ni Dad."Stop staring.." I said and glared at him."D

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status