LOGINNakahiga ako ng maluwag ng makapag paliwanag agad si Kuya Lou kay Ate Ruby na kapatid ako ni Kuya.
Humingi agad ako ng sorry kay Ate Ruby. Ganoon din naman siya saakin. Kaya ngayon, kasama na namin siya ni Kuyang nag hahapunan.
"Pasensya na po talaga, Ate. Saka dumalaw lang po ako ngayon dito kay Kuya dahil na so-suffocate na ako sa Mansion." Nakasimangot na sabi ko.
Tinawanan naman ako ni Kuya Lou. "Tiisin mo nalang. Malapit kanang mag graduate."
Ano pa nga ba? Yun lang naman ang tanging paraan na dapat kong gawin. Ang mag tiis.
Hindi na ako nag palipas ng gabi sa condo ni Kuya. Nang matapos ang hapunan, agad kong tinawagan si Manong Ben para mag pasundo.
Kahit na gusto ni Ate Ruby na dito nalang ako sa condo ni Kuya mag palipas ng gabi, hindi na ako pumayag dahil ayaw ko silang istorbohin.
Pag pasok ko sa Mansion, agad nag tama ang tingin namin ni Mommy na pababa ng hagdan.
"Good evening, Mommy."
"Evening, nag dinner kana ba?"
I nodded. "Yes po."
Saglit pa kaming nag usap ni Mommy about sa pag bisita ko kay Kuya Lou. Hindi ko na sinabi na may girlfriend na si Kuya dahil si Kuya Louna ang bahalang mag sabi sakanila noon.
"Louise, sandali lang." Nahinto ako sa pag hakbang paakyat ng hagdan nang tawagin ako ni Mommy.
Kunot noo ko siyang nilingon. "Yes, Mommy?"
"May dinner tayo bukas sa Drecia Restaurant kasama ang mga Syquia."
Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Mommy lalo na nang makita ko si Daddy na lumabas ng kusina at nakatingin saaming dalawa ni Mommy.
"Sige po."
Mom smiled sweetly. "Thank you, sweetheart."
"Good night, Mommy, Daddy."
Nagulat ako nang maabutan ko si Mommy and Daddy sa dining area na nag bre-breakfast. Ang isa pa sa ikinagulat ko, hindi nakabihis pang opisina sina Mommy and Daddy.
"Good morning, sweetheart!" Mom greeted. Agad niya akong inanyanyahang maupo para mag breakfast.
"Hindi kami pupunta sa company ngayon ng Daddy mo." Nakangiting sabi ni Mommy. Nanatili akong tahimik.
Nang makaupo ako, agad akong pinag sandukan ng kanin at ulam ni Mommy na ikinalaki ng mata ko.
W-What's happening?!
"Kumain kana." Nakangiting sabi ni Mommy ng matapos punuin ng pag kain ang plato ko.
"May kailangan ka saakin, Mommy?" I asked.
Isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Mommy. "Of course, wala hija. Hindi ba pwedeng pag silbihan ka?"
Napailing iling nalang ako at hindi na nag salita pa.
Palabas palang ako ng Mansion nang tawagin ako ni Mommy dahilan para lingunin ko siya.
"Yes, Mommy?"
"Sweetheart. Kay Blance ka sumabay mamaya, okay?"
Inilingan ko si Mommy. "Hindi na po, Mommy. Nandyan naman si Manong Ben."
Mom chuckled a bit. "Hindi ka maisusundo ni Manong Ben mamaya."
Dahil alam kong hindi naman ako mananalo dito kay Mommy, tumango nalang ako bilang pag sang ayon.
"Girl, gwapo naman si Blance. Ang totoo nga nyan, super hot siya. Kaya wala naman problema kung ipag kasundo kayo."
"Oh my gosh, Abcde! Alam mo ba ang sinasabi mo? And no! Hindi ako papayag na ipagkasundo kami ng lalaking yun!"
Nag kibit balikat nalang naman si Abcde at muling ipinag patuloy ang pananghalian. Si Carmela ay tahimik lang na nakikinig saamin ni Abcde habang kumakain.
Malalim akong napabuntong hininga at nag focus na din sa kinakain.
Napakunot ang noo ko ng unti unting nag silabasan ang mga kaklase namin. Pag bumabalik sila, namumula na ang mga pisngi dahil sa kilig.
"Ay, anong meron?" Tanong ni Abcde na nakatingin din sa mga kaklase naming babaeng nakasilip sa bintana habang kinikilig.
"Tignan ko." Si Carmela.
Pinapanood lang naman namin siya ni Abcde.
Tumaas ang isang kilay ko ng bumalik si Carmela na may malapad na ngisi sa labi.
"Andyan na ang sundo mo." Nakangising sabi saakin ni Carmela.
Kinunutan ko siya ng noo. "Anong sinasabi mo dyan?"
Humagikhik si Carmela. "Si Engineer Blance Syquia ay nariyan na."
My eyes widened. Nandyan na si Blance??
Hindi pa ito ang last period namin dahil may isa pa kaming subject. Ang aga naman niyang manundo!
Hindi ko na inisip pa ang sinabi ni Carmela.
Nanatili akong nakaupo, pinapakinggan ang mga bulungan ng aking mga kaklase tungkol kay Blance.
Marami sa ng kaklase ko ang nag tataka kung sino ang bagong nililigawan ni Blance dito sa department namin.
"Ang swerte nung girl. Talagang sinusundo pa siya ni Blance!" Rinig kong sabi ng isang kaklase.
Pag katapos ng last period namin, dali daling nag silabasan ang mga kaklase ko ng malamang nasa labas pa din si Blance hanggang ngayon.
"Halika na, Louise. Mukhang walang balak umalis yung sundo mo hanggat hindi ka kasama." Mariin akong napapikit sa sinabi ni Abcde. Sobrang lakas ng bose niya kaya napatingin saamin ang mga kaklase ko.
"Abcde, tumahimik ka nga!" Tinawanan lang naman niya ako.
Nag ligpit na din ako ng mga gamit ko.
Nakasimangot lang ako habang nag lalakad kami palabas ng classroom.
Agad nag tama ang tingin namin ni Blance pag kalabas namin. Pinalilibutan siya ng mga babae at ang gago? Mukhang tuwang tuwa.
Inirapan ko siya bago ako nag iwas ng tingin. Hindi ako sasama sakanya! Kaya kong mag commute.
Nakita ko sa gilid ng mata ko na nataranta siya ng lagpasan namin siya.
"Blance, saan ka pupunta?" Maarteng tanong ng isang kaklase ko. Napangiwi nalang ako at hindi na sila binigyang pansin pa.
"Snob lang ang peg mo teh?" Pang aasar ni Abcde saakin. Inirapan ko lang siya at naunan ng mag lakad sakanila.
"Una na ako. Mag co-commute ako eh."
Humagalpak sa tawa ang dalawa sa sinabi ko.
"Talaga lang, huh? Sige, ingat ka." Natatawang sabi ni Carmela.
Paliko palang ako patungo sa gate ng University, may isang kamay nang pumigil saakin.
"Where do you think your going?"
Unti unting nanlaki ang mata ko ng makilala kung kanino boses iyon.
"Bitawan mo nga ako, Blance! Mag co-cocommute ako." Sigaw ko sakanya!
"Okay, fine! Mag abang ka ng taxi! Balita pa naman ngayon na maraming rapist na nag papanggap na taxi driver!"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Agad akong kinilabutan kaya hindi ko siya makapaniwalang nilingon.
"T-Tinatakot mo ba ako?" Naiinis na tanong ko sakanya.
"Yes." He said honestly and smirked at me.
Bwisit! Sinamaan ko siya ng tingin. "Bwisit ka! Nasaan ba kasi ang kotse mo?!"
Damn. No choice!
—
A/N; Hope you like it!
"What are you doing here?" Kunot noong tanong ko kay Blance ng makapasok ako ng dining area.He shrugged. "Visiting my fiancee."Napasinghap ako sa sinabi niya. He smirked.
Hindi mainpinta ako mukha ko habang nakasakay sa mamahaling kotse niya.Ito namang driver ko, sobrang lapad ng ngisi sa labi."Anong nginingisi ngisi mo dyan?" Naiinis na tanong ko sakanya.
Nakahiga ako ng maluwag ng makapag paliwanag agad si Kuya Lou kay Ate Ruby na kapatid ako ni Kuya.Humingi agad ako ng sorry kay Ate Ruby. Ganoon din naman siya saakin. Kaya ngayon, kasama na namin siya ni Kuyang nag hahapunan."Pasensya na po talaga, Ate. Saka dumalaw lang po ako ngayon dito ka
Sumunod ako kila Mom and Dad ng makaalis ng tuluyan si Blance."Mom! Can i talk to you?" I asked.Kunot noo nila akong nilingon ni Dad.
Wala na sila Mom and Dad ng magising ako kinabukasan. Sobrang tuwa ko ng malamang, walang alam si Mom tungkol sa bulaklak niya. Nang tignan ko kasi kanina. Kulay itim na ang rose. Kaya naman pinatapon ko na bago pa makita ni Mom."Ako na ang bahala kay Mom." I said and smiled at them. Tumango naman ang dalawang katulong bago nag paalam na babalik na sa trabaho.
Nasa garden kami ngayon. Nandito ako sa duyan nakaupo, samantalang si Blance ay nakasandal sa isang puno. Habang mariing nakatingin saakin. Mahigit dalawang oras ko na siyang kasama, lalo na't hindi pa lumalabas sila Mom sa office ni Dad."Stop staring.." I said and glared at him."D