LOGINNasa garden kami ngayon. Nandito ako sa duyan nakaupo, samantalang si Blance ay nakasandal sa isang puno. Habang mariing nakatingin saakin. Mahigit dalawang oras ko na siyang kasama, lalo na't hindi pa lumalabas sila Mom sa office ni Dad.
"Stop staring.." I said and glared at him.
"Don't worry. Hindi kita tinutunaw." He said and smirked at me. Mabilis ko siyang inirapan.
"Akala ko ba iiwas ka at iiwasan din kita? So, bakit nandito ka pa din?" Naiinis na tanong ko. Masyado pang maluwang ang schedule niya at kailangan pa niyang pumunta dito. Alam ko namang mga ganitong araw ay busy siya sa mga babae niya.
"You're mad at me." Humagalpak ako sa tawa ng marinig ang sinabi niya.
"Hindi pa ba halata?" I asked sarcastically. He chuckled. Siguro, kung sino ako sa mga babaeng pinagpapantasyahan siya baka kanina ko pa siya dinala sa kwarto ko. Pero pwe! Hind ako nagwagwapuhan sakanya kahit na tumawa pa siya!
"I'm gonna change that." He said seriously. Hindi ko siya makapaniwalang tinignan. A smile slowly crept on his lips. Shit! Sinabi ng hindi ako magwagwapuhan—Argh! Whatever.
"Bahala ka nga." Tumayo ako at nag lakad lakad. Maraming tanim na flowers si Mom. Tapos ang gaganda pa kaya hindi nakakasawang pag masdan.
"You love flowers?" Napairap nalang ako ng maramdaman ang presensya niya sa likod ko. Nang lingunin ko siya, nagulat ako ng makitang may hawak hawak na siyang bulaklak.
"San mo nakuha yan?" Bumaling ako sa mga flowers ni Mom. Nataranta ako ng makita ang halamang kinuhanan niya ng bulaklak. Shit!
"Omygosh! Ibalik mo yan! Magagalit si Mom." Natatarantang sabi ko. Nanlaki naman ang mata niya at bigla nalang inabot saakin ang bulaklak. Kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Oh, anong gagawin ko dyan?" Naiinis na tanong ko.
"Hawakan mo. Kukuha ako ng tape." Mabilis niyang kinuha ang kamay ko at inilagay ang dalawang bulaklak sa kamay ko.
"Tape?! Para saan?" Mukhang ginagago ako ng lalaking to ah. Ano namang gagawin niya sa tape o baka naman gumagawa na siya ng paraan para makaalis at ako ang mapagalitan.
"Para dyan. Kung gusto mong ibalik natin para hindi ka mapagalitan, eh di itape natin." He said happily. Ginagago nga ako. At ano? Ako ba talaga ang mapapagalitan. Samantalang, siya naman ang namitas. Masama ang tingin ko habang tinitignan siyang papasok ng Mansion. Muli akong naupo sa duyan habang nag hihintay sakanya. Ilang minuto pa, bago siya bumalik at may dala na nga siyang tape at gunting.
Kinuha niya saakin ang bulaklak bago lumapit sa halamang pinag pitasan niya. Nag pameywang ako bago siya sinermunan.
"Bakit mo ba kasi pinitas?" Naiinis na tanong ko habang pinapanood siyang pursigido sa ginagawa. He glanced at me and answered.
"Ibibigay ko sayo." My eyes widened. Mas lalong hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Sa huli, humagalpak na ako sa tawa.
"Sa tingin mo tatanggapin ko? No way! Wala akong anumang tatanggaping galing sayo."
He shrugged and smirked at me. "Tignan natin."
I tsked. "Ewan ko sayo." Sa inis ko, padabog akong nag lakad palayo sakanya. Papasok palang ako ng Mansion ng marinig ko ang boses nila Mom. Napahinto ako sa paglalakad at sinilip sila. Nanlaki ang mata ko ng makitang patungo sila sa dereksyon ko. Mukhang pupuntahan nila kami. Shit! Dali dali akong tumalikod at nag lakad pabalik kung nasaan si Blance.
Tapos na siya sa ginagawa ng makita ako. Kunot noo siya ng sinalubong ako.
"Oh, bakit bumalik ka?"
"Sila Mom papunta dito." Natatarantang sabi ko at nilapitan ang bulaklak na inayos niya. Nakahinga ako ng maluwag ng maayos naman ang pagkakakabit niya. Sigurado akong, bukas na bukas ay may magagalit. pag nakitang may dalawang rosas na namatay.
Malakas na ang tawanang naririnig namin. Hindi nag tagal, natanaw na namin ang apat na matatanda. Nakangiti sila ng salubungin namin.
"Kamusta kayo?" Si Mom.
"Okay lang po." I answered. Ngumiti naman saakin si Mom.
Nanlaki ang mata ko ng niyaya ni Mom si Tita Rechiel na lumapit sa mga flowers.
"Shit!"
Sinamaan ko ng tingin si Blance na nasa tabi ko. Tinaasan lang niya ako ng kilay at muling pinanood sila Mom and Tita na masayang tinitignan ang mga bulaklak. Si Dad at Tito naman ay nakasunod lang sa dalawa. Mukha na nga silang mga buntot sa kakasunod.
"Wow! Roses." Nanlaki ang mata ko ng makitang hinawakan pa ni Tita ang roses na tinape lang ni Blance. Halatang tuwang tuwa sa nakikita.
"Shit ka talaga Blance." Nanggigigil na sabi ko sakanya at siniko siya. He just laughed at me. Mukhang tuwang tuwa siya sa nakikita dahil hindi napapansin ng dalawang ginang na nakatape lang ang dalawang roses.
"Maganda ba? Kung gusto mo, bibigyan kita." Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Mom. Really, Mom? Sigurado ka? Pfft. Alam kong napipilitan lang si Mom. Dahil pag dating sa mga flowers niya ay madamot siya.
Tita Rechiel shook her head and chuckled. "Nako, Loisa hindi na."
Mahigpit akong napahawak ako sa braso ni Blance ng makitang parehas na hinawakan ni Tita Rechiel ang roses na naka tape. Holy shit! Narinig ko ang mahinang pag daing ni Blance ng dumiin sa braso niya ang mahahabang kuko ko.
Nanlaki ang mata ko ng bigla kaming nilingon ni Tita Rechiel. Bigla siyang ngumisi at itinuro ang tape na nasa halaman. Natatawa niya kaming inilingan bago siya tumayo at sumunod kay Mom na naglalakad palapit sa iba pang bulaklak.
"Shit. Nahuli tayo." Tinawanan lang naman ako ni Blance kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Huwag ka ngang tumatawa. Kasalanan mo ito eh."
"Don't worry. Hindi mag sasalita si Mom."
"Ewan ko sayo—"
"Louise, Blance, halikayo dito!" Sumunod naman kami agad sa utos nila. Nag pahanda si Mom ng meryenda. Kaya naman nag tungo na kami sa may lamesa dito sa garden. Nagulat pa ako ng pinag hila ako ng upuan ni Blance. Wow. Feeling gentleman.
Nasa tabi ako ni Tita Rechiel. Sa tabing gilid ko naman ay si Blance ang umupo.
"Hija," Napatuwid ako sa pagkakaupo ng tawagin ako ni Tita. Nahihiya ko siyang nilingon.
"P-Po?"
"Anong ginawa niyo sa bulaklak?" Natatawang tanong niya saakin. Nakita ko pang saglit kaming sinulyapan ni Mom. Mabuti nalang at pabulong lang ang pag tanong ni Tita.
Itinuro ko sakanya si Blance. "Napitas po niya."
"Bakit? Ibibigay niya sana sayo?" Unti unti akong tumango. Nanlaki ang mata ko ng malakas na tumawa si Tita kaya napatingin ang lahat saamin. Shit!
Mabuti nalang ng mag tanong sila ay nakagawa ng palusot si Tita na pinaniwalaan naman agad nila. Kinindatan ako ni Tita at hindi na muling kinausap.
Nakahinga lang ako ng maluwag ng makauwi na sila. Kasama na doon si Blance na sinira ang buong araw ko. Bukas ang aalalahanin ko nalang ay kung ano ang ipapaliwanang ko sa nangyari sa dalawang rosas.
————
A/N: Vote and comments sweethearts<3
"What are you doing here?" Kunot noong tanong ko kay Blance ng makapasok ako ng dining area.He shrugged. "Visiting my fiancee."Napasinghap ako sa sinabi niya. He smirked.
Hindi mainpinta ako mukha ko habang nakasakay sa mamahaling kotse niya.Ito namang driver ko, sobrang lapad ng ngisi sa labi."Anong nginingisi ngisi mo dyan?" Naiinis na tanong ko sakanya.
Nakahiga ako ng maluwag ng makapag paliwanag agad si Kuya Lou kay Ate Ruby na kapatid ako ni Kuya.Humingi agad ako ng sorry kay Ate Ruby. Ganoon din naman siya saakin. Kaya ngayon, kasama na namin siya ni Kuyang nag hahapunan."Pasensya na po talaga, Ate. Saka dumalaw lang po ako ngayon dito ka
Sumunod ako kila Mom and Dad ng makaalis ng tuluyan si Blance."Mom! Can i talk to you?" I asked.Kunot noo nila akong nilingon ni Dad.
Wala na sila Mom and Dad ng magising ako kinabukasan. Sobrang tuwa ko ng malamang, walang alam si Mom tungkol sa bulaklak niya. Nang tignan ko kasi kanina. Kulay itim na ang rose. Kaya naman pinatapon ko na bago pa makita ni Mom."Ako na ang bahala kay Mom." I said and smiled at them. Tumango naman ang dalawang katulong bago nag paalam na babalik na sa trabaho.
Nasa garden kami ngayon. Nandito ako sa duyan nakaupo, samantalang si Blance ay nakasandal sa isang puno. Habang mariing nakatingin saakin. Mahigit dalawang oras ko na siyang kasama, lalo na't hindi pa lumalabas sila Mom sa office ni Dad."Stop staring.." I said and glared at him."D