LOGINWala na sila Mom and Dad ng magising ako kinabukasan. Sobrang tuwa ko ng malamang, walang alam si Mom tungkol sa bulaklak niya. Nang tignan ko kasi kanina. Kulay itim na ang rose. Kaya naman pinatapon ko na bago pa makita ni Mom.
"Ako na ang bahala kay Mom." I said and smiled at them. Tumango naman ang dalawang katulong bago nag paalam na babalik na sa trabaho.
Sa dining ako dumeretso pag kagaling sa garden. Nakahanda naman na ang breakfast ko. Sunny side up eggs, hotdog, bacon ang nasa mesa.
"Kumain na po ba kayo?" I asked them. Nag sitanguan naman sila. Kaya naman nag umpisa na din akong mag almusal.
"Ma'am Louise, may lakad daw po ba kayo ngayon? Tinatanong ng Mom niyo." Si Manang Linda. I shook my head.
"Wala naman po. Bakit daw?"
"Mabuti naman daw po kung ganoon. Asikasuhin niyo nalang daw po ang bisita niyo." Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Manang.
"Bisita? Wala naman akong bisita, Manang." Naguguluhang sabi ko. Hindi ko naman inimbitahan si Abcde at Carmela.
"Pakitawagan nga po si Mom. Ako ang kakausap sakanya."
"Sige."
Hindi pa nakakalabas ng dining si Manang ng makarinig kami ng busina ng sasakyan sa labas. Nilingon naman ako ni Manang at itinuro ang labas.
"Mukhang nandyan na ang bisitang tinutukoy ng Mom mo." She said and smiled at me. I sighed and nodded.
"Ako na po ang bahala." Pinaligpit ko na muna ang pag kain ko bago ako nag lakad palabas ng dining. Sinalubong ako ng isang katulong sa sala.
"Ma'am Louise, pinapasok na po namin si Sir Blance." Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ang sinabi ng katulong. Kunot ang noo ko ng lingunin ko siya.
"Si Blance?" I asked in disbelief. She smiled and nodded at me.
"Yes Ma'am."
Damn! Siya ba ang tinutukoy ni Mom? Shit! Dali dali akong nag lakad palabas ng Mansion. Saktong pagbaba ni Blance sa kotse niya ay ang pag labas ko. Pinukol ko agad siya ng masamang tingin bago nag mamadaling lumapit sakanya.
"Andito ka na naman?!" Naiinis na tanong ko.
He smiled. "You're mom invited me."
"Hindi ako naniniwala!" Sigaw ko sakanya.
"I'm not—" I cut him off.
"Gagamitin mi pa si Mom sa mga palusot mo no?! Bakit kasi hindi mo nalang aminin na gusto mi talaga akong makita." I said bravely at him. Nanlaki ang mata ko ng bigla siyang humalakhak.
"Anong tinatawa tawa mo ha?!" I said angrily.
"What did you say? Gusto kitang makita? Excuse me—"
"You're excused! Umalis ka na nga. Hindi ka welcome dito sa Mansion." Buong lakas ko siyang tinulak papasok sa kotse niya. Ang kaso, masyado siyang malakas kaya walang kwenta ang ginawa kong pag tulak.
"Ano ba?! Sinabi ng umalis ka na eh!"
"Ma'am! Ma'am!" Napalingon agad ako ng makita si Manang Linda na tumatakbo papalabas.
"Bakit, Manang?" Tanong ko ng salubungin namin siya ni Blance. Nang lingunin ko siya. Inirapan ko siya at inisnaban.
"Ma'am Louise, sabi ng Mom niyo papasukin niyo daw po si Sir Blance." The fuck? Ano ba talagang binabalak nila Mom? Nang lingunin ko si Blance, itinaas niya ang dalawang kamay niya na parang sumusuko.
"Your Mom in—" I cut him off. Sawa na akong marinig ang dahilan niyang yan.
"Heh!" I rolled my eyes and walk away.
"Where are you—"
"Sumunod ka nalang. Bwisit ka!" Padabog nag lakad pabalik ng Mansion. Akala ko naman, magiging maganda ang araw ko. Hindi naman pala. Nag pahanda ako ng lason para sa bwisita.
"Eh Ma'am, wala po tayong lason." Napairap ako sa sinabi ng katulong. Napaatras pa siya ng lingunin ko siya. Mukhang nakitang wala ako sa mood at pwedeng pwede makapatay.
"Ma'am.."
"Fine. Kung walang lason, mag papabilis ako para sa susunod na pag balik niya, matuluyan na talaga siya. Mag labas nalang kayo ng pandesal!" Sigaw ko. Nakita ko ang pag ngiwi nila sa sinabi ko. Kaya tinaasan ko sila ng kilay. Sabay sabay naman silang napayuko.
"Ma'am—" I cut her off.
"Pati pandesal wala? Edi pabilhin niyo si Manong Ben."
Naiinis ko silang tinalikuran. Mas sumama ang mood ko ng makita si Blance sa sala. Ang gago, nakahiga pa talaga sa sofa. Feel at home, huh.
I cross my arms and glare at him. "Sa tingin mo, bakit ka inimbitahan ng Mom ko?" I asked him seriously.
He shrugged. "I really don't know. Si Mom, pinipilit din akong bumisita dito."
"Gusto mo naman?"
"Of course not. Lalo na kung ikaw lang naman ang makikita ko." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Dali dali kong kinuha ang isang unan sa sofa at binato siya.
"Tarantado ka pala eh!" Pinagbabato ko siya ng unan. Panay naman ang ilag niya. Ayos. Magaling umilag ang gago.
"Anong nangyayari dito?" Natigil lang ako ng lapitan kami ni Manang. Nakita ko din ang ibang katulong na mukhang kanina pa kami pinapanood. Umiling lang ako at naupo sa pang isahang sofa malayo kay Gagong Blance. Isang katulong pa ang lumapit para kunin ang mga unan na pinagbabato ko.
"Sige, mag meryenda na muna kayo." May tinawag siyang mga katulong na agad namang sumunod sa utos niya. Napangisi ako ng makita ang pandesal na bitbit ng isang katulong. Nang lingunin ko si Blance, nakakunot ang noo niyang nakatingin sa pandesal na inilapag sa lamesang nasa harapan niya.
"Meryenda, Ser."
Tumango lang naman ako ng lingunin ako ng katulong. Umayos ako ng upo at pinanood si Blance.
"What's this?" He asked curiously.
"Pandesal." I simply said. Mukhang mayaman talaga ang loko ha. Pandesal lang hindi pa alam. Hindi nalang sana siya nabuhay sa mundo. Walang kwenta eh.
"Pandesal?"
"Huwag mong sabihing hindi mo kakainin yan? Baka gusto mong hindi kana makauwi." Nag salubong ang kilay ko ng makita ang pag ngisi niya.
"Anong nginingisi ngisi mo?!"
He chuckled. "So, you want to keep me. Where? Sa kwarto mo ba? Tara na." Shit! Anong ibig niya—oh damn. Itatago? Sa kwarto ko? Ay putangena.
"UMALIS KA NA NGA!" He just laughed out loud. Ni hindi niya pinansin ang pag sigaw ko. Bwisit! At talagang pinapakita niya sa akin ang kahiligan niya. Bastos!
Hindi ako makapaniwala ng umpisahan niyang kainin ang pandesal. Mukhang nasarapan pa siya dahil naparami ang kain niya. Pinanood ko lang siya hanggang sa matapos siya.
"Busog kana?" I asked.
"Hmm." He nodded.
"Makakaalis kana." Inirapan ko siya bago ako nag lakad paakyat sa hagdan papuntang kwarto ko.
Narinig ko pang tinatawag ako ni Manang dahil bakit ko daw iiwan ang bwisita ko. Hindi ko nalang pinansin at nag deretso na sa kwarto ko. Hindi ko siya bisita. Si Mom ang may bisita sakanya. Si Mom ang hintayin niya kung gusto niya.
Hindi ko namalayag nakatulog pala ako. Nagising lang ako ng makarinig ng katok sa pinto.
"Ma'am Louise, bumaba na daw po kayo. Nag hihintay na po sila sa dining." Nang marinig ko ang yabag ng katulong na papaalis, tumayo na ako. Nag shower muna ako bago bumaba.
Papasok palang ako ng dining, naririnig ko na ang mga tawanan. Nanlaki ang mata ko ng makita si Blance. Shit! Bakit nandito pa yan?
"Ma'am hindi po umalis si Sir. Kaya naabutan siya nila Ma'am at Sir." Isang katulong ang sumagot sa tanong sa isip ko. Wala sa sariling napatango nalang ako. Hindi ko inalis ang tingin ko kay Blance ng nag patuloy ako sa pagpasok sa dining. Napalingon sila saakin ng mapansin nila ako.
"Louise! Mabuti naman at bumaba kana." Ngumit lang ako sakanila . Humalik muna ako sa pisngi nila ni Dad bago ako naupo sa upuang katabi ni Blance.
"Kamusta na ang pakiramdam mo?" Si Dad. Napakunot naman ang noo ko sa itinanong niya.
"Huh?" Anong ibig sabihin ni Dad?
"Nasabi kasi saamin nitong si Blance na biglang sumakit ang ulo mo kaya nasa kwarto kana ng madatnan naming mag isa si Blance sa sala." Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Mom. Nang lingunin ko si Blance, He smirked. Aba. Hindi ko alam na magaling pala siyang gumawa ng palusot. Naging superhero tuloy siya.
"A-Ah, opo. Nawala na din naman po ng magising ako."
Nakahinga naman ng maluwag ang sila Mom and Dad sa isinagot ko. Napangiti ako ng makitang nag aalala sila sa nangyari saakin. Nag simula na din kaming kumain. Si Dad ay nakipag usap na kay Blance about business. Kaya nalaman kong only child pala siya at siya ang tagapag mana. Paminsan minsan ay sumasabat din si Mom sa pinag uusapan kaya nanatili nalang akong tahimik. Akala ko pa naman ay sermon ang sasalubong saakin. Kita mo nga naman, may mabuting dulot din pala itong lalaki sa tabi ko.
"Mag iingat ka, hijo."
Sumama ako sa pag hatid kay Blance sa labas. Gusto ko lang ipakita sakanya na tuwang tuwa ako dahil aalis na siya.
"Bumalik ka, huh." Napangiwi ako ng marinig ang sinabi ni Mom. Tumango naman si Blance at ng lingunin ako, ngumisi siya. Bwisit!
—————
A/N: Vote and comments sweethearts <3
"What are you doing here?" Kunot noong tanong ko kay Blance ng makapasok ako ng dining area.He shrugged. "Visiting my fiancee."Napasinghap ako sa sinabi niya. He smirked.
Hindi mainpinta ako mukha ko habang nakasakay sa mamahaling kotse niya.Ito namang driver ko, sobrang lapad ng ngisi sa labi."Anong nginingisi ngisi mo dyan?" Naiinis na tanong ko sakanya.
Nakahiga ako ng maluwag ng makapag paliwanag agad si Kuya Lou kay Ate Ruby na kapatid ako ni Kuya.Humingi agad ako ng sorry kay Ate Ruby. Ganoon din naman siya saakin. Kaya ngayon, kasama na namin siya ni Kuyang nag hahapunan."Pasensya na po talaga, Ate. Saka dumalaw lang po ako ngayon dito ka
Sumunod ako kila Mom and Dad ng makaalis ng tuluyan si Blance."Mom! Can i talk to you?" I asked.Kunot noo nila akong nilingon ni Dad.
Wala na sila Mom and Dad ng magising ako kinabukasan. Sobrang tuwa ko ng malamang, walang alam si Mom tungkol sa bulaklak niya. Nang tignan ko kasi kanina. Kulay itim na ang rose. Kaya naman pinatapon ko na bago pa makita ni Mom."Ako na ang bahala kay Mom." I said and smiled at them. Tumango naman ang dalawang katulong bago nag paalam na babalik na sa trabaho.
Nasa garden kami ngayon. Nandito ako sa duyan nakaupo, samantalang si Blance ay nakasandal sa isang puno. Habang mariing nakatingin saakin. Mahigit dalawang oras ko na siyang kasama, lalo na't hindi pa lumalabas sila Mom sa office ni Dad."Stop staring.." I said and glared at him."D