LOGINChapter 3
Familiar
Madaling araw palang bumiyahe na kami para hindi kami abutan ng traffic palabas ng Maynila. Nagbaon ako ng isang unan at kumot sa sasakyan dahil inaantok pa ako ng gisingin ako ni Mommy kanina.
Nagising nalang ako ng masilaw ako sa papasikat na araw. Kinusot ko ang aking mata bago ako umayos ng upo at lumapit sa bintana. Pinagmasdan ko ang ganda ng ulap dahil sa kulay kahel na nanggagaling sa araw.
Binagalan ni Daddy ang pagpatakbo ng sasakyan. This is a perfect scenery lalo na at kitang kita ang malawak na taniman ng mga palay at mais.
Binuksan ko ang bintana na agad ko namang na amoy ang mabangong simoy ng hangin. Ibang-iba sa hangin ng Maynila. Maybe I'm a Manila girl but I like the weather here. Ganitong oras sa Maynila ay masakit na sa balat ang init. Dito ay hindi.
"Malapit na po ba tayo?" tanong ko habang nakatingin pa din sa labas. Hindi ko talaga masaulo ang daan papunta sa Sta. Monica pero alam kong malapit na kamit dahil puro sakahan na ang nadaraanan namin.
"Malapit na tayo, na sa Sta. Rosa na." sagot ni Mommy. Tumango tango ako at nanatili ang tingon ko sa labas.
Maya maya ay napapansin kong may nadadaanan na kaming mga tindahan ng mga prutas nasa tabi ng kalsada. Senyales na malapit na nga kami.
Sa pagkakaalam ko ay may tindahan din kami rito at ang pamilya ng aming isang trabahante ang nagbabantay. Ang mga prutas na paninda ay nanggagaling sa aming Rancho.
"Daan muna tayo sa prutasan," sabi ni Daddy at ng makita kong papalapit na kami sa isang pamilyar na tindahan ay agad niyang itinabi ang sasakyan.
Inayos ko ang buhok ko na nagulo dahil sa pagkakatulog ko kanina. Bumaba na ng sasakyan si Daddy at Mommy at ako nalang ang natira sa loob ng sasakyan. Kinausap nila ang tagabantay at mukhang hindi ata nila alam na uuwi kami ngayon ng Sta. Monica.
Bumaba na din ako ng sasakyan. May nakita akong isang tricycle sa malapit sa sasakyan namin. Lumapit ako doon at umupo sa likod. Hindi ko alam kung kanino 'to basta nakiupo lang ako wala naman sigurong masama.
Sa kinauupuan ko ay kitang kita ko ang bundok na hindi kalayuaan lang dito. Tuyo na tuyo ang kulay ng mga puno at damo para bang kulang sa ulan. Napangiti ako ng makakita ng kakaibang kulay ng ibon. Kulay asul iyon at medyo mahaba ang buntot.
Ang mga huni ng ibon ay parang musika sa aking tenga. Ang pang umagang simoy ng hangin ay nanuot sa aking balat. Sunod sunod ang pagdaan ng mga sasakyan na ginagamit sa pangsaka. May mga track na din na naglalaman ng mga gulay at prutas. Wari ko ay dadalhin ang mga iyon paluwas ng Maynila o 'di kaya ay sa karatig na bayan.
"Red, tara na!" nagulat ako sa biglang pagtawag sa akin ni Daddy. Dahan dahan akong lumapit sakanila.
"Magandang umaga po!" nakangiting bati ko kay Mang Karding na asawa ni Aling Nena tagabantay ng bahay namin dito.
"Magandang umaga rin, Red. Nasa Rancho si Hannah at Yale kaya hindi ka mabuburyo roon." biro pa nito. Natawa naman ako.
"Hindi naman po siguro," natatawa kong sabi. Kahit na alam kong maboboring ako dito. I want to travel around here in Sta. Monica, magpapasama nalang ako kay Yale at Ate Hannah kung sakali.
Ngumiti ako sa kanila at nagpaalam na bago naunang sumakay sa sasakyan. Habang patungo kami sa Rancho ay pinagmasdan ko ang aming dinadaanan. Madami ng nagbago. Lumapad ang kalsada dahil sa road widening project ng gobyerno.
Mas maayos ang daanan kumpara noon. Ngunit ang daan patungo sa street ng Rancho ay hindi pa gaano kaayos ang daan. Bako bako pa rin at makipot ang daan.
"Uumpisahan palang sa susunod na linggo ang pag roroad widening dito," sabi ni Daddy. Napatango-tango ako sa sinabi niya.
"Kung ganoon paano po makakalabas ang mga track natin tuwing may delivery?" takang tanong ko.
"Sa kabilang kalsada sila dadaan. Iyon nga lang ay mapapalayo dahil sa may San Jose ang daan nila," ani niya.
San Jose ay karatig na bayan ng Sta. Monica. Kung dito sa Sta. Monica ay puro sakahan doon naman ay puro paultry ng manok.
"May interest ka na, huh?" napanguso ako sa sinabi ni Mommy.
"Nagtatanong lang naman po, 'Mmy." bahagya pang humalakhak si Daddy.
"Kailangan mo ring pag aralan ang pagpapatakbo ng Rancho. Darating din ang araw na ikaw ang mamahala niyan." I know.
"Kaya dapat tuwing bakasyon ay nandito ka para mapag-aralan mo," napairap ako sa sinabi ni Mommy. No way!
Pwede naman akong sa RMSFC ako tuwing bakasyon mag part time, huwag lang dito. Kapag sa RMSFC ako kahit papaano ay makakatakas ako. Dito kung gusto kong umuwi ng Maynila ay hindi ko magagawa. Unless kung may sarili na akong sasakyan.
Nang tumapat na kami sa gate ay agad na bumusina si Daddy para pagbuksan ng gate. Pagbukas ng gate ay may dalawang daan pa. Sa kanan ay ang papunta sa bahay, ang kaliwa naman ay daan papunta sa rancho.
Hindi ko alam kung bakit iisa lang ang ginagamit na gate ng bahay at ng rancho. Ganito na ang kinalakihan ko kahit na ganoon ay nagtataka pa rin ako.
"Hi, Miss!" nagulat ako ng biglang lumapit sa akin si Yale. Kakababa ko lang ng sasakyan at pinagmamasdan ko pa ang labas ng bahay nang gulatin ako ni Yale.
"Hello!" ngiti kong sabi rito.
"Gusto mo bang gumala dito sa Sta. Monica? Sabi ni Itay i-entertain raw kita at baka ma-bored ka rito," natatawa pa niyang sabi. Nagulat ako sa sinabi niya.
"Talaga? Madami bang pasyalan dito? Isang linggo kami rito at panigurado akong mabuburyo lang ako," bahagya pa akong natawa sa sinabi kong katotohanan.
"Alam mo, Miss, maganda dito sa Sta. Monica isang linggo hindi mo matatapos puntahan lahat mg pasyalan dito." hagikhik ni Yale.
Humakbang na ako patungo sa kahoy na hagdan ng bahay. Malaki ang bahay pero ang desenyo ay parang pang baksyunan. Unang palapag ay ang office ni Daddy na doon sila tumutuloy ni Mommy. Sa katabi ng kwarto ay ang malaking salas na konektado sa terrace. Ang kusina naman ay may pinakamalaking sakop sa unang palapag.
Sa ikalawang palapag naman ay ang mga kwarto na hindi naman natutulugan. May balkonahe rin na nakaharap sa labas sa gate. Kung saan makikita ang mga dumadaan na sasakyan.
Pagpasok ko ng bahay ay sumalubong agad sa akin si Aling Nena.
"Buti naman at sumama ka na!" maligayang sabi niya at hinagkan ako ng pagkakahigpit.
"Aling Nena, pinilit ko lang iyan!" sigaw ni Daddy na nasa labas.
"Aba at bakit naman pinilit ha?! Ayaw mo ba dito? Napaka-sariwa ng hangin!" tunog na nagtatampo si Aling Nena kaya napatawa ako.
"Hayaan niyo na Aling Nena isang linggo niyo namang makikita ang maganda kong mukha," biro ko pa lahat ng nakarinig ay natawa sa aking sinabi.
"Ikaw talagang bata ka!" may pag hampas pa siya sa braso ko.
Kumain kami ng almusal pagkatapos ay umalis si Daddy dahil may aasikasuhin sa rancho. Si Mommy ay nagpaiwan at natulog sa kanilang kwarto.
Naisipan kong tumambay sa kubo na nakalagay sa garden ng bahay. Namumuni-muni ako ng makita ko si Yale na may hawak na basket ng prutas.
"Yale!" tawag ko rito. Agad naman siyang lumingon sa akin. Pinanliitan niya ako ng mata siguro ay hindi niya ako masyadong makita dahil nasa kubo ako.
Kumaway ako sa kaniya ng maaninigan niya ako ay agad siyang naglakad ng mabilis papunta sa akin. Ibinaba niya sa hagdan ng kubo ang dala niyang basket ng prutas.
"Ikaw pala 'yan, Ma'am," sabi niya.
"Tin Tin nalang hindi ako sanay. Magkasing edad lang naman tayo," sabi ko. "Saan ka nga pala pupunta?" tanong ko at tinignan ang laman ng basket puro iyon drogon fruit at may niyog din.
"Diyan lang kila Tiya Isidra, gusto mo sumama?" he said with enthusiasm.
"Malapit lang ba iyon dito?" wala naman akong ibang gagawin dito gaya ng inaasahan ko hindi naman siguro ako papayagan kung sasama ako kay Yale.
"Sa may kabilang barangay lang. Sumama ka na wala ka namang ginagawa rito, para na din makagala ka rito sa Sta. Monica." kumbinsi niya pa sa akin.
Sa huli ay napapayag niya ako. Dahil tulog si Mommy ay kay Aling Nena ako nagpaalam na sasama ako kay Yale.
Pumayag naman ito basta hindi kami hahapunin sa pag uwi.
"Magpapalit pa ba ako ng damit?" sabay tingin ko sa suot kong damit. Naka slides lang ako, ripped jeans at loose white shirt sa pang itaas. "Kailangan ko pa bang magsapatos?"
Napataas ng kilay si Yale habang tinitignan ang damit ko. Biglang siyang natawa. Taka ko siyang tinignan. What?
"Magsasapatos ka pa talaga? Diyan lang naman tayo sa kabilang barangay, e! Tara na nga kung ano ano pa naiisipan mo!" hindi pa din siya natapos sa kakatawa niya kaya lumapit ako sa kanya at binatukan siya.
"Malay ko ba," sabi ko at sumunod na kat Yale na naunang maglakad palabas ng gate. Akala ko mag aabang kami ng tricycle sa labas pero diretsyo lang ang lakad niya sa gilid ng kalsada.
Binilisan ko ang lakad ko para makasabay sa paglalakad niya.
"Hindi ba tayo sasakay ng tricycle?" tanong ko ng mahabol ko na siya sa paglalakad.
"Hindi. Ano ka ba hindi 'to katulad ng Maynila. Pwede naman lakarin kaya bakit pa kailangan mag tricycle?" humarap siya sa akin at inirapan ako at binaling na uli sa harap ang pansin.
Napasimangot ako. Nga naman ibang iba ito sa Maynila. Kung doon ay pwedeng sumakay kahit na pupunta lang sa kabilang barangay o village kahit na malapit lang naman.
Ang mga nadadaanan namin ay mga taniman ng mais. At ang mga bahay ay magkakalayo. May nadaanan kaming isang bahay na mayroong ring ng basketball at doon naglalaro ang maliliit na bata.
Tanghali palang at pawis na pawis na agad ang mga ito sa kakalaro. Samantalang ang matatanda ay busy sa kanilang mga kabuhayan.
Lumiko kami ng makarating kami sa kanto. Tuloy tuloy pa din ang lakad namin hanggang sa makita ko 'yong tulay na dinadaanan ng mga sasakyan. Akala ko ba malapit lang?
"Malapit na ba tayo?" tanong ko. Palapit na kami sa tulay at mukhang tatawid pa kami roon.
"Malapit na," malapit na my ass! Kanina pa kami naglalakad at masakit na ang paa ko dahil sa mga bato na bigla bigla kong nasisipa.
"Tatawid pa tayo diyan? Seryoso?" kuryoso kong tanong sa kaniya at hinawakan ko pa ang balikat niya dahil pagod na ako.
"Pagod ka na, ghorl? Hindi pa nga ako pagod!" napairap ako sa kaniya. I smell something… hmm.
"Edi ikaw na!" angil ko sa kaniya. Nauna siyang sumampa sa gilid ng tulay. Napatigil ako sa paglalakad at tinignan kung gaano kalalim.
Mas lalo akong na estatwa ng makita kung gaano ito kalalalim. Tinignan ko si Yale na walang katakot takot na naglalakad sa gilid ng tuloy. Pano ba 'yon? Hindi ako matapang.
Nang nasa kalagitnaan na si Yale ay lumingon siya sa akin at naiinis niya akong tinignan. Inirapan ko lang siya. Dali dali siyang naglakad pabalik sa akin.
"Hay nako, Ghorl. Nasisira beauty ko sa'yo!" reklamo niya at agad niya akong hinila kaya wala akong nagawa at napasampa na ako sa gilid ng tulay.
May dumadaang mga sasakyang kaya gumagalaw ang tulay. Nanlalamig na ang kamay ko at nanginginig na ang tuhod ko. Namamawis na din ang kamay kong nakahawak ni Yale.
'Tong baklang 'to! Kung alam ko lang na ganito pala ang dadaanan namin ay hindi na ako sumama. Nang makalagpas na kami ay agad kong binawi ang kamay ko kay Yale.
Ang ibang dumaraan na naka-tricycle ay napapatingin sa amin. Napapayuko nalang ako dahil sa kahihiyan.
"Hindi mo naman sinabi nadadaan tayo sa tulay!" reklamo ko pa.
"Arte mo, 'te!" malandi niya pang sabi at may paghampas pa sa akin.
Nagulat ako sa sinabi niya lalo na sa salitang ginamit niya. Na alala ko na naman ang lalaking iyon. Pero agad ko iyong inalis sa utak ko.
"Sabi na e malambot ka," sabi ko ng magsimula na kaming maglakad. "Alam nila?"
Tinignan niya ako ng masama kaya naman natawa ako. Dati palang ay halata ko na sa mga kilos ng kamay niya. Hindi ko lang matanong dahil hindi kami close noon.
"Shs ka lang hindi pa alam ni Itay, si Inay at Ate palang," sabi niya pa. Napatango-tango ako.
"Malapit lang ba dito ang unibersidad?" I asked out of nowhere. Napakunot naman siya ng tingin sa akin.
"Bakit balak mo bang mag-aral dito?" kuryoso niyang tanong.
Dumadami na ang nadaraanan naming mga bahay at hindi kumpara kanina na maliliit lang ngayon ay medyo may kalakihan na ito at may dalawang palapag na. Mukhang may kaya ang mga may ari.
"Hindi. Masama bang magtanong?" pagtataray ko.
Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako ng nakapaymaawang.
"Alam mo ang taray mo! Walang magkakagusto sa'yo niyan!" inirapan ko siya. Hindi ko na alam kunh ilang beses na akong umirap sa araw na ito.
"Hindi ko na kailangan niyan," mahinahon kong sabi.
"Wehh? Bakit may jowa ka na, Ghorl? Bata mo pa uyyy!"
Napairap ako sa kaniya. "Shs ka lang din dahil hindi nila alam," sabi ko.
"Nako naman, Hija, bakit ganoon?" asar niya pang tanong.
"Tse! Pag nalaman nila, malamang na ipapatapon nila ako dito," bulong bulong ko pa.
"Ay gano'n?"
"Oo! Ayoko naman dito ang boring-boring," naparit ako ng bigla niyang hilahin ang dulo ng buhok ko. Kinamot ko 'yong ulo ko dahil sa sakit.
"Hayaan mo igagala kita dito. Tignan natin kung masasabi mo pang boring. Arte mo!" tinaasan niya pa ako ng kilay. Aba!
Tumigil kami sa tapat ng isang malaking bahay. Kulay puti ito na nahahaluan ng gold. Ang disenyo ng bahay ay wari ko ay noong sinauna pa ito. Sa loob ng bakuran ay mayroong magagandang bulaklak at halaman.
Nagulat ako sa ginawa ni Yale dahil hindi na siya tumawag at agad niyang binuksan ang gate. Nauna siyang pumasok at ako ay nanatili sa labas ng gate.
Magsasalita na sana ako ng may biglang lumabas na hindi katandaang babae sa pinto ng bahay. Agad naman akong ginapangan ng kaba.
"Yale, may kasama ka pala, papasukin mo at mainit diyan," lumingon sa kanya si Yale.
"Opo, Tiya!" sabi niyq pabalik. Bumaling ang tingin niya sa akin at tinaasan ako ng kilay. "Pasok na,"
Nahihiya akong pumasok sa gate. Hindi ko naman kasi kilala ang pupuntahan namin dito. Nakisama lang talaga ako dahil gusto ko lang makalabas at makapamasyal dito.
"Magandang umaga, Tiya!" nakangiting bati ni Yale.
"Magandang umaga rin, at sino naman itomg kasama mo?" lalo akong nahiya dahil sa tanong. Kahit nahihiya ay nginitian ko ito at binati.
"Magandang umaga po!" I greeted her politely. Kunwari mabait muna ako.
"Anak po ni Sir Ambrose at Ma'am Dorothy," ani ni Yale.
Kitang ko ang pagkakagulat niya. "Oh?! Ikaw na ba 'yong inaanak ko?!" tila ako pa ata ang mas nagulat sa sinabi niya.
"Ano po?" nagtataka kong tanong.
"Halina muna kayo sa loob," hinila ako papasok sa loob ng bahay.
Pagpasok ng bahay ay malawak na tanggapan agad ang sumalubong sa amin. Napatingin ako sa isang dingding na puno ng mga larawan. Ang iba ay kulay brown na dahil diguro sa tagal na.
Nawala sa tabi ko si Yale at biglang nag iba ng daan. Nanatili ang pagtataka ko sa nangyayari.
"Upo ka, Augustine," ngiti ng ginang sa akin.
Naupo ako sa mahabang sofa na sa tabi noon ay mayroong lamesita. May nakapatong picture frame. Nakatayo ang batang lalake na nakangiti ang nasa litrato. Pinagmasdan kong maigi iyon. He looks familiar. Para bang nakita ko na siya kung saan.
"He's my nephew," napalingon ako sa ginang na nakangiti sa akin.
"He looks familiar to me, parang nakita ko na pero hindi ko matandaan kung saan." ibinalik ko ang tingin ko doon.
Lumapit sa akin ang ginang at kinuha ang litrato. Nanatili ang tingin niya doon habang nakangiti.
"He's my favorite among of all his causins. Hindi niya lagi ako nakakalimutan. Minsan nagugulat nalang ako tumatawag siya para sabihin na namimiss niya ako. He's very thoughtful." tumingin ang ginang sa akin at ngumiti. "Ipapakilala kita kapag umuwi sa isang araw,"
"Sige po. Mukhang mabait po sa pagkakalarawan niyo," ngiti ko. "Pero bakit niyo po ako naging inaanak? Hindi po kasi ako lumaki dito at madalang lang dumalaw dito."
"Hmm. Ang tagal na noong huling kita ko sa'yo. Siguro mga tatlong ka palang noon. Lagi kang nandito at nakikipaglaro kay Ezequiel." nagulat ako dahil hindi ko na matandaan iyon.
"Oh! Talaga po?!"
Nanatili kaming nakaupo roon habang ang ginang ay nagkukwento. She's my Mom's bestfriend since high school. She told how my Mom and Dad's love story started.
Habang nagkukwento ay natatawa ako dahil laging daw nagbabangayan sila nila Mommy and Daddy. My parents didn't tell me even a single thing about their love story back then. And know I realize that it was really embarrassing.
I suddenly asked her about her husband or family. But it was a wrong move that I asked her about that
"My husband died when I was carrying our son. I mourned and because of stress and depression I miscarriaged our son. I blamed myself for that I can't forgive myself. It was my biggest downfall. Nakabangon nalang ako ng maipanganak si Ezequiel and his other causins. They gives me hope to live again." pinakita niya ang litrato ng kanyang namayapang asawa.
I admired her for being a strong woman. She didn't gave up her life that easily.
"And now I'm suffering from a heart disease. Ezequiel and his causins can't come here because they are all busy. I'm thankful that Yale is here to assist me." ramdam ko ang pangungulila niya sa mga pamangkin niya.
Maya maya ay dumating na si Yale na may dalang shake na gawa sa dragon fruit. Inabutan niya ako at naupo sa tabi ko.
"Sa isang araw pa Tiya ang uwi ni Cai?" biglang tanong ni Yale.
"Dalaw uli kayo dito para makita ni Augustine," ngiting sabi nito. "At papuntahin mo ang Mommy mo dito mag uusap kami. Matagal-tagal na ang huli naming chikahan." natawa ako sa huli niyang sinabi.
"Opo, ahh…" pag aalangan ko dahil hindi ko alam ang itatawag ko.
"You can call me Ninang Ysa, okay?" tumango ako at ngumiti.
Umuwi kami ni Yale pagkatapos naming kumain ng tanghalian. Katirikan ng araw buti nalang at pinadalhan kami ng payong.
Habang naglalakad ay kinykwento ni Yale kung paano siya napadpad sa mga Cayetano. Sumula ng tumulong siya sa mga magulang niya sa rancho ay siya na lagi ang naatasang magdala ng prutas sa bahay ng mga Cayetano. Kaya hindi nagtagal ay napalapit na ang loob niya sa ginang.
"At alam mo ba ang gwapo ng pamangkin niyang uuwi sa isang araw! Ganoon ang tipo ko mabait at ginagalang ang kababaihan." pagkwento pa niya. Kinurot ko naman ang tagiliran niya.
"Landi a," sabi ko.
"Parang hindi ikaw!"
Kinapa ko ang bulsa ko at kinapa ang cellphone ko. As soon as I opened my phone I saw Someone bombarded my notification with Numerous calls and text messages. Napahilot nalang ako sa noo ko ng makitang lahat ng iyon ay galing kay Vhone.
Chapter 5FriendsSa araw na iyon ay hindi na ako lumabas ng bahay. Pati na rin sa mga nakaraang araw may araw pa na niyaya akong sumama ni Mommy papunta sa bahay nila Ninang. Tinanggihan ko dahil ayoko makita ang mapangsar na mukha ng lalaking iyon.
Chapter 4CaughtNaiinis ako kagabi dahil sa pag uusap namin ni Vhone. Gabi ko na siya nakausap para hindi ako mahalata nila Mommy and Daddy. Ilang beses kong kinontak ang numero niya ngunit hindi niya sinasagot. Siguro ay nakulitan na kaya sinagot na niya ang tawag ko.
Chapter 3FamiliarMadaling araw palang bumiyahe na kami para hindi kami abutan ng traffic palabas ng Maynila. Nagbaon ako ng isang unan at kumot sa sasakyan dahil inaantok pa ako ng gisingin ako ni Mommy kanina.
Chapter 2BlackmailedHabang kumakain kami ay tahimik lang kaming tatlo sa hapag. Ang mga kubyertos na nagtatama sa pinggan lang maririnig. Ayaw ni Daddy na nag uusap kami habang kumakain. Kailangan daw galangin ang pagkain sa hapag.
Chapter 1PatienceI'm currently walking on the street when someone grabbed my right hand and he interwind our hands. I look
Prologue"Red, I said stop that nonsence dance workshop it will ruin your studies!" Sigaw sakin ni Daddy. Hinintay niya ako sa sala. Kakauwi ko lang galing sa dance workshop na sinalihan ko. Mag iisang taon na akong sumali wo