LOGINChapter 5
Friends
Sa araw na iyon ay hindi na ako lumabas ng bahay. Pati na rin sa mga nakaraang araw may araw pa na niyaya akong sumama ni Mommy papunta sa bahay nila Ninang. Tinanggihan ko dahil ayoko makita ang mapangsar na mukha ng lalaking iyon.
Sa ilang araw ay nanatili lang ako sa bahay at minsan ay namamasyal sa rancho at tinitignan ang mga ginagawa ng mga trabahante. Na aaliw naman ako lalo na sa parte na nakita ko kung paano gatasan ang mga baka.
Hindi din natigil si Yale sa pangungulit sa akin tungkol kay Caious. Ilang araw niya rin akong niyaya lumabas pero tinatanggihan ko. Masaydong maliit ang Sta. Monica at baka magkita pa kami bg impakto na iyon.
Ngayon na ang araw na pupunta kami sa sementeryo. Kumain lang kami ng tanghilian bago kami tumulak. Tirik na tirik ang araw kaya panigutado akong hindi uulan hindi katulad noong huling punta ko rito.
Kinuha ko ang bulaklak sa likod ng sasakyan na ako mismo ang nag arrange kahapon ng hapon. Pinaorder ko lang si Daddy ng mga bulaklak at ako na ang nag arrange dahil wala naman akong ginagawa at nakatambay lang ako sa bahay.
I shut the door and I looked at my reflection in the mirror. Naka-dress ako na hanggang taas ng tuhod ang haba. Kanina ko lang nakita na ubos na pala ang dala kong mga damit na pang alis kaya wala na akong nagawa at isinuot na ang nag iisang dress sa closset ko.
Naglakad na ako kung nasaan ang puntod ni Lola at Lolo. Nakatayo na roon sila Mommy and Daddy. Nakasindi na rin ang kandila na dala namin at may iilang mga bulaklak na roon siguro ay may dumalaw na kakilala.
Nilapag ko roon ang bulaklak na dala ko at tumabi ako sa mga magulang ko na nakatingin lang doon at mukhang nagdarasal. Tahimik lang akong nakatayo roon.
May umalis na nakaupo sa isang bench malapit sa kinakatayuan namin.
"Mom, uupo lang po ako," kinulbit ko si Mommy saka ako bumulong. Tinuro ko pa ang bench bago siya tumango.
Naupo agad ako roon at naririnig ko ang mga pag uusap nila ngunit isiniwalang bahala ko lang iyon dahil narinig ko naman na. They are reminiscing the past with my Lolo and Lola.
Pinagmasdan ko ang mga tao na may sari-sarilint ginagawa. Ang iba ay may mga tent ba sa bawat puntod, mukhang dito sila magpapalipas ng gabi. Ang iba naman ay mga handa na para bang may handaan. Well, hindi ko pa narasan ang ganyan dahil maliit lang naman ang pamilya namin.
"Red, may dadalawin lang kami sa museleyo. Ikaw diyan ka lang?" tanong ni Daddy sa akin.
Nakangiti akong tumango. "Hintayin ko nalang po kayo dito," sabi ko. Iyon naman lagi ang ginagawa ko tuwing pupunta kami dito.
"Saglit lang kami, h'wag kang aalis katulad ng ginawa mo dati ha!" may pagbabanta sa boses niya.
"Opo, hindi naman po pati mukhang uulan kaya dito lang ako," paninigurado ko pa.
Ilang saglit pa ay umalis na sila. Itinuon ko ang dalawa kong kamay sa upuan at winawagayway ko ang aking paa habang pinagmamasdan ang mga tao sa paligid ko.
Makalipas ang ilang minuto ay hindi pa sila nakakabalik ay may nararamdaman na akong pumapatak na ambon sa balat ko. Tumingala ako at tinignan ang kalangitan at maliwanag pa rin. Kaya nakakapagtaka ang mga pag ambon.
Unti-unti ng lumalakas at lumalaki ang patak ng ulan. Nagsisitakbuhan na ang mga tao para makasilong sa isang hall sa malapit lang rin sa kinauupuan ko. Patayo na ako para sumilong ng biglang lumakas ang ulan kaya bigla akong nagmadali sa paglalakad.
Hindi ko na napansin ang daraanan ko na may lumot. At dahil naka-sandals lang ako ay biglang dumulas ang paa ko. Napapikit ako at handa na sa pagbagsak sa lupa ng may maramdaman akong kamay sa bewang ko.
Nagmulat ako ng mata at agad na nagwala ang mga halimaw sa dibdib ko. He's holding a umbrella like he's ready that this will happen.
Deja vu?
Caious is her again. But not like what happened in the past that we are both in trouble. He save me this time. He catch me.
"Tss. Hindi ka na naman tumingin sa dinadaanan mo," sermon niya sa akin bago niya itinayo ng ayos.
Hindi ko pa din alam ang sasabihin ko sa kaniya. I'm still in shock.
Kumaway siya sa harapan ko kaya napakurap-kurap ako. Kinakabahan na hindi ko matukoy ang nararamdaman ko.
"Ahh…" I really don't know what to say. I hated myself for that! Ngayon pa ako nawalan ng sasabihin.
Lalong lumakas ang ulan kaya nababasa ang braso at likod ko dahil hindi ako masyado nakasilong sa payong na dala niya.
Nagulat nalang ako ng bigla niyang hapitin ang bewang ko para hindi ako mabasa. Lalo akong nanigas sa kinakatayuan ko.
"Saan ba ang sasakyan niyo? Ihahatid na kita," sabi niya. Dahan dahan akong tumingin sa kaniya. Why he's acting kind right now? Anong nakain nito?
"Why are you here? By the way," finally! I had the guts to ask him.
Malakas pa din ang buhos ng ulan at halos hindi na marinig ang boses ko.
"I'm saw you from there," sabi niya at tinuro niya kung saan. "And I know you don't have umbrella. So yeah, I cam here lend this umbrella to you but unfortunately…" tinignan niya pa ako ng may nakakalokong ngiti kaya hindi ko na napigilan at nakurit ang tagiliran niya.
"You're so clumsy, ever since." asar niya pa. Kaya nauna na akong naglakad sa kaniya kahit na malakas pa ang ulan. Agad naman niya akong hinabol para mapayungan.
Naglakad ako papunta sa sasaknya namin habang siya ay nakasunod lang. Naka-lock ang sasakyan kaya nasa labas lang kami. Medyo tumitila na ang ulan. Pinagmasdan ko ang repleksyon namin sa salamin ng sasakyan. Nasa kaliwa ko siya at nakatingala sa payong at sinasalubong ng mga kamay niya ang mga lumalandad na ulan roon.
"Do you still remember the day we first met again after so many years?" he suddenly asked
Is he reffering to my most embarrassing day with him?
"Ha? Hindi ko tanda," tanggi ko kahit na malinaw na malinaw pa rin ang nangyari noong araw na iyon. Okay, it's my fault! Ako lang dapat sasalampak sa putik kung hindi ko siya nahila noon.
"Ows talaga ba?" nilingon niya with his devilish smile again.
Nakipagtitigan siya sa akin kaya hindi ako magpapatalo. Tinaasan ko siya ng kilay at siya naman ay pinanliliitan ako ng mata.
"Talaga!" mataray kong sabi at pa side ways ko siyang inirapan.
"Arte talaga wala man lang pa thank you," narinig ko pang bulong bulong niya sa pa gilid niya.
Para naman akong na guilty doon. Tama siya hindi ko pa siya napapasalamatab at hindi ko alam kung paano.
"Busy ka ba bukas?" sa wakas ay natanong ko na rin. Taka siyang lumingon sa akin at ang dalawang kilay niya ay magkasalubong.
"Why?"
Nagkibit ako ng balikat. "I'll treat you," nakangiti kong sabi habang nakatingin pa rin sa repleksiyon namin sa bintana ng sasakyan.
"Bakit nga?" hindi ko na napagilan at tinignan ko na siya ng dahan dahan habang matalim ang tingin ko sa kaniya.
"It's my way to say thank you for saving me a while ago," irita kong sabi. A playful smile escape on his lips na lalong nagpa-irita sa akin. Wala ng magawa ang isang 'to kung hindi ang asarin ako.
"Buti naman naisipan mo, Miss arte." napasimangot ako sa tinawag niya sa akin.
Sinuntok ko ang kaniyang braso na agad naman siyang umangal. "Arte is not my name!" apila ko sa kaniya.
"Yeah I know, what's your name again? Augustine? Parang panlalaki," tawang tawa niya pang sabi kaya sinuntok ko uli ang braso niya. Asar!
Hindi ko alam kung bakit Red Augustine ang pangalan ko para talagang panlalaki. Kainis!
"I know! But you can call me Red or Tin Tin it's up to you. Kahit ako ayoko sa pangalan ko," I said. Bumaba ang tingin ko sa paa ko na basang basa na ng ulan. Umaambon pa at patagilid ang bagsak nito kaya nababasa na ang binti ko. Nilalamig na rin ako kaya niyakap ko ang sarili ko.
"Why did you take it seriously? You name is beautiful, but I will call you Red. It is okay to you?" hindi ako nag angat ng tingin at tumango tango lang sa sinasabi niya.
Bahagya akong napatalon ng biglang tumunog ang sasakyan namin. Napatingin ako sa gilid namin at nakita ko na paparating na si Mommy and Daddy. Agad na binuksan ni Caious ang passenger's seat at imunuwestra iyon sa akin.
Ngumiti ako at unti-unti ng pumasok sa loob. May sasabihin pa sana ako pero nang masiguro niyang maayos na akong nakaupo ay ngumiti siya sa akin at sinarado na ang pinto. Kaya naman agad kong binuksan ang bintana at sumungaw doon.
"Cai!" tawag ko sa pangalan niya sa unang pagkakataon. "Bukas ha! I'll treat you," nakangiti kong sabi sa kaniya.
Ngumiti siya at tumango. "Okay."
Sinarado ko bintana at napatingin ako sa likod at nakita kong nagmano siya kay Mommy at Daddy. May sinabi sa kaniya si Daddy na ikinatawa naman niya. Hmm. I wonder.
Hanggang sa pag uwi ay hindi mawala ang ngiti sa aking labi. But then I realize, is it okay? That I'll be happy with other boys? I already have a boyfriend. Hindi naman siguro cheating iyon. I just want Caious to be my friend, that's all.
Hindi naman masamang makipagkaibigan kay Caious lalo na at magkaibigan ang pamilya namin. I can that Caious is a good man. Mapang-asar nga lang. He's not that bad hindi katulad ng tingin ko sa kaniya noong huli naming kita. Nadala lang ako sa inis ko sa kaniya.
Pagkauwi namin sa bahay ay nakita ko si Yale na nag aayos ng halaman sa hardin kaya nilapitan ko siya at naupo sa maliit na upuan doon. Hindi na umuulan at konting ambon nalang pero may suot na akong sumblero.
Napatingin siya sa akin. "Anong nangyari at nakangiti ka diyan?" tanong niya at nagpatuloy sa ginagawa niya.
"Wala naman. Gusto mo sumama bukas?" kunot noo siyang lumingon sa akin.
"Saan naman?"
"Niyaya ko si Caious, I will treat him."
Kitang kita ko ang panlalaki ng mga mata niya dahil sa gulat. Natawa naman ako sa ekspresiyon niya ang OA ma tignan sa kaniya. Para bang hindi niya inaasahan ang sasabihin ko.
"Talaga? Seryoso ka? Noong nakaraan lang asar na asar ka sakaniya, a. Anong nakain mo at nagbago ihip ng hangin?"
"Wala! Gusto ko lang siyang ilibre dahil niligtas niya ako kanina at pinayungan niya ako," paliwanag ko. Ngumiti siya ng makabuluhan kaya hinampas ko siya sa ng mahina sa braso.
"Gaga, 'yon lang 'yon wala ng iba. Remember may boyfriend ako," pabulong kong sinabi sa kaniya ang huli kong sinabi dahil baka may makarinit at isumbong pa ako.
"Hindi ako naniniwala na may boyfriend ka talaga. Pakita mo muna para maniwala ako. Pero ship ko kayo ni Cai no'ng nakita ko palang kayo na nag uusap may spark na tapos 'yong mga tinginan niyo," halakhak niya pang sabi. Tinginan? Tingin ng mag aaway 'yon!
"Ngayon ko lang nalaman na delulu ka pala!" tawa ko rin sa kaniya. "Dali na sumama ka na, uuwi na kami sa makalawa bukas lang ako manlilibre." niyuyog ko pa ang balikat niya para matigil siya sa ginagawa niya.
"May gagawin ako bukas para sa school," sabi niya.
Napanguso naman ako. "Hala naman, ikaw nga lang kaibigan ko dito kaya gusto kitang i-treat din."
"Hindi naman ako aso para i-treat,"
Walangya!
"Punta nalang kayo sa school bukas para makita mo mga ginawa kong costumes. Kaso may ticket kasi may banda bukas ng gabi. Pero ayos lang 'yon kasama mo naman si Cai papapsukin kayo." tinaas-taasan niya pa ako ng kilay.
Naguluhan ako sa huli niyang sinabi.
"Bakit anong meron kay Cai?"
"Former principal si Tiya roon kaya kilala si Cai. Pumunta ka na kayo ha rarampa ako bukas." napatawa ako sa huli niyang sinabi.
"Talaga lang huh? Baka mahuli ka." tawa ko pa. Kapag 'tong lukaret na 'to nahuli ng Tatay niya ewan ko nalang.
Kinaumagahan pagbaba ko galing sa kwarto ko ay kausap na ni Caious si Daddy. Buti nalang bago ako bumababa ay naligo na ako. Medyo hindi maganda ang mood ko ngayon. Naiirita ako kay Vhone, I tried to call him pero lagi niyang pinapatay ang mga tawag ko. He didn't even reply to my messages.
It's a good thing na aalis ako ngayon maiiwasan ko ang pag iisip sa inaasal ni Vhone.
Nang makalapit na ako kila Vhone at Daddy na nag uusap ay tumikhim ako.
Humalik ako kay Daddy at binati, "Good morning, Daddy, where's Mom?" tanong ko.
"Nasa kitchen. Kumain ka na roon at may pinag-uusapan pa kami ni Cai," ani ni Daddy tumango tango at nginitian si Cai bago ako tuluyan na pumasok sa kusina. Nadatnan kong nag aayos ng hapag si Mommy. Ako na ang kumuha ng plato ko at umupo na at nagsimula ng kumain.
"May lakad kayo ni Cai?" biglang tanong ni Mommy. Tumango lang ako at nagpatuloy sa pagkain.
"That's good," napalingon ako kay Mommy at kinunotan niya ng noo. What?
"Po?"
Ngumiti si Mommy sa akin. "That's good that you two are getting close again. He used to be your friend before."
Yeah. Yeah ang dami din nagsasabi niyan, 'Mmy.
"Yeah. I just want to treat him, Mom. Munti na ako madulas kahapon pero nasalo niya ako kaya ililibre ko siya. Diba ang bait ko?" pabiro kong sabi sa huli. Natawa si Mommy sa sinabi ko.
"Ikaw talaga. Always remember to be kind, okay? Wag maalinlangan laging tumulong at laging magpasalamat." pangaral na naman sa akin ni Mommy. Lagi niya iyang sinasabi sa akin kaya alam na alam ko na.
Nang matapos ako kumain ay niyaya ko na si Cai na umalis na. Hindi ko alam kung saan siya dadalhin.
"Alam mo ba kung saan bayan dito?" tanong ko nang makalabas kami ng gate.
"Huh? Hindi mo alam?" natatawa niya pang sabi. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Hindi! Wala naman akong lugar na alam dito." simangot ko pa at may dumaan na tricycle at pinara niya.
"Pasok," sabi niya.
Pumasok ako. Akala ko ay sa likod siya nf driver sasakay pero laking gulat ko ng sumakay siya at tumabi sa akin.
"Ano bang gagawin natin?" tanong niya at lumingon sa akin.
"Kakain tapos mamayang ala una pupunta tayo sa school ni Yale manunuod ng show nila pagkatapos no'n may variety show manuod daw tayo. Kaso wala tayong ticket hehe." hilaw na ngiti ko sa kaniya.
"Easy lang 'yan," sabi niya.
"Wow? Talaga?" sinusubukan ko siyang asarin kung tatalab ba.
"Talagang talaga!" may pa tango tango pa siyang nalalaman.
"Yabang!"
Bako bako ang daraanan namin kaya nauumpog sa bubong ng tricycle ang ulo ko.
"Aray! Aray!" inda ko at hinawakan ko ang ulo ko. Buong biyahe akong gano'n at 'yong katabi ko tinatawanan lang ako bwisit!
Pagbaba namin ay ako ang nagbayad kakahiya sa kasama ko. May nakita agad akong vendor ng fishball. Hinila ko agad si Cai doon at tinignan ang mga tindang street foods. Ang aga pa ha pero meron na agad. Sabagay may ganto din sa Maynila.
"Kumakain ka ba nito?" tanong ko kay Cai sa likod ko.
"Minsan," tipid niyang sagot.
"Kuya, tig bente pesos po ng kikiam at fishball," sabi ko sa nagtitinda.
Bahala ka diyan basta ayos na sa akin 'to. Sa tapat ng pinagbilhan namin ay may minute burger.
"Kuya, tawagin mo nalamg kami pag luto na ha doon lang kami," sabi ko pa at sabay turo sa minute burger.
May upuan at lamesa kaya mas maganda dito. Natakam ako sa amoy ng burger kaya umorder rin ako. Wala akong naririg na apila kay Cai kaya ayos lang parang ngayon lang uli ako makakakain ng ganito. Dahil sa Maynila ay iwas ako sa mga ganitong pagkain kahit na paborito ko.
Dirediretso lang ako sa pagkain nang mapansin ko si Cai na hindi kumakain. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Bakit hindi ka kumakain?" tanong ko habang may laman pa ang bibig ko. Bahagya niya akong tinawanan.
"Ang takaw mo pala, mas madami ka pang nakain kesa sa akin!" natatawa niyang sabi.
"Iniinsulto mo ba ako?!" pagtataray ko sa kaniya.
Nilapit niya ang mukha niya sa akin kaya nagulat ako at napaatras agad ako. Ano ba naman 'tong ginagawa niya!
"Naiinsulto ka ba?" hamon niya pa. May kinuha siyang panyo sa bulsa niya at hinagis sa akin. "Punasan mo mukha mo para kang batang ngayon lang nakakain," aba!
Pinunasan ko ang labi ko at tumingin pa ako sa cellphone ko para masigurong wala na.
Tinapos namin ang pagkain at parang hindi parin ako satisfied sa kinain namin. Niyaya ko siya sa malapit na 7/11. Hinintay lang namin mag go signal ang traffic enforser para makatawid kami.
Agad akong tumakbo at hindi na pinansin ang traffic enforser. Ang tagal tagal palibhasa nakikipag chismisan pa sa isang pulis. Ang dami ng nauurat na gusto ng tumawid.
"Hoy ano 'yon papakamatay ka?!" sermon agad sa akin ni Cai ng makatawin namin.
"Ang tagal ih!" angal ko at pumasok na sa loob ng 7/11 buti nalang at wala masyadong walang tao dahil may mauupuan kami.
"Ang mainipin mo naman. Sana hinintay mo nalang pano pag nakita ka edi makukulong tayo." pangaral niya pa hindi ko siya pinansin at nagpunta ako sa freezers ng ice cream.
"What flavor do you want?" binalewala ko ang mga sinasabi niya.
"Anything. Sa susunod h'wag mo ng gagawin 'yon ha?!" blah! blah! Kumuha ako ng dalawang cookies and cream at pumunta na sa cashier.
"Red!" tawag niya sa pangalan ko ng mapansin niyang hindi ako nakikinig sa kaniya.
"Yes po, okay?" nilingon ko pa siya at pilit na nginitian.
"Good,"
Hinintay lang namin mag 1 pm saka kami tumulak papunta sa school ni Yale. Sakto ng makarating kami ay kakasimula palang. Binigyan kami ng upuan sa may bandang likuruan.
Tawang tawa ako sa ganap ni Yale, yari talaga 'to pag nahuli ng tatay niya.
Nang mag ala singko na ay nagsimula ng mag ayos para sa variety show. Dinalhan lang kami ng pagkain ni Yale para hindi na kami umalis sa upuan namin.
Napag alaman ko na ang bandang tututog ay bandang kilala sa Maynila. Nakunpirma ko lang iyon ng lumabas na ang miyembro ng banda. I used to listen to their music.
Sinu-sway ko pa ang ulo ko ng simulan nilang tugtugin ang pinakabago nilang kanta.
Nakisabay pa ako sa part ng chorus.
Sana sinabi mo
Para 'di na umasang may tayo pa sa huli
Woah! This is what I want! Jamming! Hindi ko alam kung sintunado ba ako pero bahala na wala naman makakarinig maliban sa katabi ko.
Hindi naman ako broken pero feel na feel ko 'yung kanta. Ngayon ko palang silang narinig ng live mas feel pala pag live talaga. Parang ang sakit sakit talaga ng dating sa akin.
Di ba, sinabi ko
Gagawin ko'ng lahat upang tayo pa rin sa huli
Biglang nalaman ko
May hinihintay ka lang palang bumalik
Napalingon ako sa katabi ko na nakikisabay na rin sa pagkanta. Napatitig lang ako sa kaniya habang kumakanta siya. He's so beautiful while singing the most heartbreak part. Feel na feel niya.
Nang matapos ang kanta ay napatingin siya sa akin. Sinapak ko naman ang braso niya para hindi awkward.
"Magaling ka palang kumanta lodi na kita!" tawa ko. Nasilayan ko ang mga ngiti niya. "Broken ka 'no?" dagdag ko pa.
"Hindi naman. Sakto lang." broken nga!
"Sakto ka riyan bakit feel na feel mo?" natatawa kong sabi.
"Ikaw nga may pa pikit pikit ka pang nalalaman!" asar niya pabalik.
"Tseh!"
"Tamo ikaw pa pikon!" halakgak niya sabay pitik sa ilong ko. Napanguso naman ako.
Nang matapos ang variety show ay hindi namin mahagilap si Yale kaya nauna na kami palabas ng school at hirap na hirap kami makatiyempo ng tricycle dahil sa dami ng tao.
Napapahikab na ako at may kaunti ng luha sa gilid ng mga mata ko.
"Ang lamig," sabi ko pa at niyakap ang sarili ko. Nilagay ni Cai ang panyo niya sa ulo ko. Para tuloy akong bata para hindi mahamugan at magkasakit.
Nang may humintong tricycle sa tapat namin ay agad na kaming sumakay. Nasa biyahe palang ay bumabagsak na ang talukap ng mga mata ko. Hindi na ako nagpaalam kay Cai at pinatong ko na ang ulo ko sa balikat niya.
Nagising nalang ako ng may tumapik sa pisnge ko. "Red nandito na tayo," sabi ni Cai kaya nagmulat ako ng mata at tinignan ang paligid. Nasa tapat na kami ng gate ng bahay.
Lumabas na siya ng tricycle at inalalayan niya ako pababa. Humikab hikab pa ako bago ko sinauli ang panyo niya.
"Thank you," sabi ko.
"Thank you too I enjoyed this day," ngiting sabi niya.
"You're my friend, by the way," I lazily said.
Bakas sa mukha niya ang pakgulat.
"Are we friends?" tanong niya pa at tumango nalang ako.
"So can I get your number?" nagising ako sa tanong niya. Pinanliitan ko siya ng mata saka tinawanan. Wow!
"Speed lang, a," natatawa kong sabi saka ko binigay ang number ko.
"Sige na pasok na ako sa loob," paalam ko at tinalikuran na siya. Para akong zombie na naglalakad dahil sa antok. Maypapikit-pikit pa akong nalalaman at muntik na akong mauntog sa gate.
Nang nasa tapat na ako ng bahay saka ko nilingon si Cai at kumaway sa kaniya. Nang tuluyan na akong nakapasok sa bahay ay saka ko palang narinig ang pag alis ng tricycle.
I can see that he'll be a loyal and true friend to me.
Chapter 5FriendsSa araw na iyon ay hindi na ako lumabas ng bahay. Pati na rin sa mga nakaraang araw may araw pa na niyaya akong sumama ni Mommy papunta sa bahay nila Ninang. Tinanggihan ko dahil ayoko makita ang mapangsar na mukha ng lalaking iyon.
Chapter 4CaughtNaiinis ako kagabi dahil sa pag uusap namin ni Vhone. Gabi ko na siya nakausap para hindi ako mahalata nila Mommy and Daddy. Ilang beses kong kinontak ang numero niya ngunit hindi niya sinasagot. Siguro ay nakulitan na kaya sinagot na niya ang tawag ko.
Chapter 3FamiliarMadaling araw palang bumiyahe na kami para hindi kami abutan ng traffic palabas ng Maynila. Nagbaon ako ng isang unan at kumot sa sasakyan dahil inaantok pa ako ng gisingin ako ni Mommy kanina.
Chapter 2BlackmailedHabang kumakain kami ay tahimik lang kaming tatlo sa hapag. Ang mga kubyertos na nagtatama sa pinggan lang maririnig. Ayaw ni Daddy na nag uusap kami habang kumakain. Kailangan daw galangin ang pagkain sa hapag.
Chapter 1PatienceI'm currently walking on the street when someone grabbed my right hand and he interwind our hands. I look
Prologue"Red, I said stop that nonsence dance workshop it will ruin your studies!" Sigaw sakin ni Daddy. Hinintay niya ako sa sala. Kakauwi ko lang galing sa dance workshop na sinalihan ko. Mag iisang taon na akong sumali wo