LOGINChapter 4
Caught
Naiinis ako kagabi dahil sa pag uusap namin ni Vhone. Gabi ko na siya nakausap para hindi ako mahalata nila Mommy and Daddy. Ilang beses kong kinontak ang numero niya ngunit hindi niya sinasagot. Siguro ay nakulitan na kaya sinagot na niya ang tawag ko.
Pero akala ko makakapag-usap na kami ng maayos hindi pala. He's mad because just because I didn't tell what I'm doing here. Napakaliit ng inaarte niya!
"Kanina pa ako tumatawag sa'yo, tapos ngayong kung kelan gabi saka ka tatawag!" pagkasagot niya ng tawag ay iyan agad ang bungad niya.
Ang kaninang inis ay napalitan ng galit. How could he? He's being demanding again! Ganiyan ang nangyayari sa amin tuwing nakakaligtaan naming tawagan ang isa't isa. I'm not used to clingy things just like what we're doing.
Hindi ako sanay ng ganoon kaya pinipilit kong sanayin ang sarili ko. He's my first boyfriend kaya sa kaniya ko palang nararanasan ang mga ganoon.
"Vhone, naka-silent ang phone ko at umalis ako sa bahay kaya hindi ko na napagtuunan ng pansin ang phone ko," paliwanag ko. I thought he will understand, but no.
"Kadarating niyo lanh diyan umalis ka agad? Akala ko ba wala kang alam sa mga lugar diyan?" lalong nag init ang ulo buti nalang at nasa veranda ako ng 2nd floor.
Sinigurado ko na natutulog na sila Mommy and Daddy bago ako tumawag sa kaniya. Dapat pala hindi ko na siya tinawagan kung puro siya ganiyan!
"Bakit ba ang init ng ulo mo? Porket hindi ko nasagot ang tawag mo kanina galit ka na?" I fired. "I want to enjoy this vacation, and I don't want us to fight." hindi pa ba pag aaway ang lagay namin?
May narinig pa akong may binubulong bulong siya bago niya patayin ang tawag ng walang paalam. Napakamot nalang ako sa noo sa asal niya. Hindi ko na sinubukang kausapin pa at natulog na ako.
Sasama ako ngayon sa Rancho para tumingin sa mga tanim. Ayaw ko sana sumama kaso mapilit si Daddy. Isasama ko si Yale para kahi papaano ay hindi ako maboring.
Sinuot ko ang browm leather boots na matagal ng nakatambak sa shoe rack sa kwarto ko. Buti at kasya pa sa akin. Pagbaba ko ay nakaready na sila at ako nalang ata ang hinihintay.
Agad kaming nagtungo sa rancho at si Daddy naman ay salita ng salita tungkol sa dapat kong pagtuuanan ng pansin ngunit nawawalan ako ng gana. Abala ang mga trabahante sa kaniya kaniyang ginagawa.
Kapag nagiging abala si Daddy sa pakikipag-usap sa mga trabahante na nadadaanan namin ay saka naman ako dinadaldal ni Yale sa kung anu-anong bagay. Kung saan ako mas interesado. Kapag babaling na sa amin si Daddy ay para kaming mga tuta na biglang tatahimik.
"Tandaan mo mga sinasabi ko, Red."
"Opo, madali lang naman po pala," agad akong nilingon ni Daddy na nakakunot ang noo.
"Anong madali? Kapag nalang mag isa nagpapatakbo nito hindi mo na masasabing madali." para bang sinasabing ako na talaga ang mamahala dito. Asan na ba mga pinsan ko? Lahat sila ayaw nila dito. Kahit ako ayoko.
"Ang sabi ko, Dad, madali palang tandaan ang mga sinsabi mo. Hehe." naramdaman ko agad ang pagsiko sa akin ni Yale.
Nang malapit ng magtahalian ay bumalik na kami sa bahay para kumain. Pagkatapos kumain ay tumambay nalang uli ako sa may kubo bitbit ang isang history book na nakita ko kanina sa may book shelves.
Nagdala din ako ng isang throw pillow para medyo malambot-lambot ang sasandalan ko. Nanatili ako ng ilang oras doon at hindi ko pa nakakalhati ang binabasa ko ay sumasakit na agad ang ulo ko. Masyadong malalim ang mga tagalog kaya nahihirapan akong intindihin.
Dumating si Yale na may dalang meryenda. Inilapag ko ang binabasa kong libro at naupo ng ayos.
"Pupunta uli tayo kila Tiya bukas. Mangunguha ako ng prutas, gusto mo sumama?" yaya niya sa akin habang kumakain ako ng hinanda nilang ginataang bilo bilo.
"Saan ba?" tanong ko.
"Diyan sa rancho. Madaming bunga ang mga prutas ngayon," sagot niya.
"Malapit lang ba? Baka lakadin na naman natin ha," biro ko. Sa laki ba naman ng rancho ay baka hingalin na ako kung sa prutasan ang pupuntahan namin na nasa pinakadulo ng rancho.
Humalakhak siya. "May e-bike naman pwede nating gamitin," nagulat ako sa sinabi niya meron pala no'n dito?!
"Meron? Bakit hindi mo sinabi para iyon nalang ang ginamit natin kahapon? Edi sana hindi tayo napago," angal ko sa kaniya.
Agad siyang lumapit sa akin at binatukan. Napakamot agad naman ako ng ulo.
"Baka gusto mong mahuli tayo," irap niya pa. Attitude din.
Sumama na ako sa kaniya sa pagkuha ng mga prutas. Si Yale ang nagpaandar ng e-bike at nasa likod lang ako habang tinatanong si Yale ng kung anu-anong bagay. Puro batuhan ang nadadaanan namin kaya sumasakit ang pwet ko sa mga pagtalbog.
Mga ilang minuto pa ang nagdaan ay nakarating na kami sa prutasan akala ko ay mamimitas pa kami pero nandoon na ang mga trabahante at mayroon ng mga nakalagay sa basket. Kinuha ni Yale ang basket na dala namin at namili ng mga prutas na pitas na.
Saglit lang pagkuha namin ng prutas at bumalik na sa bahay. Medyo dumidilim na at mukhang uulan pa. Habang nakasakay ako ay tinikman ko ang kinuhang lansones ni Yale. Matamis kaya kumuha uli ako buti nalang at dinamihan niya ang kuha.
"Saan bahay niyo?" tanong ko habang kumakain.
"Malapit sa hayupan," sabi niya.
Madaming hayop ang inaalagaan dito sa rancho namin. Sa pagkakaalam ko ay may mga kumukuha sa amin at saka nila ibebenta sa palengke. Karamihan sa mga bumibili ay puro taga sa kalapit lang na bayan namin.
"Hindi ba mabaho doon?" kunot noo kong tanong.
"Hindi naman," simpleng sabi niya.
"Seryoso? Hindi mabaho 'yong mga ipot ng manok, dumi ng baka, dumi ng kambing?" tanong ko pa.
"Ang judgemental mo ha! Ikaw kaya patirahin sa bahay namin arte mo!" pataray niya pang sabi niya sa akin.
Napairap na naman ako ng marinig ko ang salitang 'arte' geez! Na alala ko na naman!
Nang makarating kami sa bahay ay saka palang bumuhos ang napakalakas na ulan. Tuwang tuwa si Daddy at ang mga trabahante sa lakas ng ulan. Dahil sa wakas madidiligan na ang mga dahon ng mga niyog na naninilaw na at pinepeste.
Paniguradong masarap ang tulog ko dahil sa masarap na klima.
Nagising ako sa mga katok sa pinto ng kwarto ko. Tamad akong bumangon at hindi na inalala ang magiging mukha ko. Nang mabuksan ko ang pinto ay bumungad sa akin si Yale na bihis na bihis na.
"Ang aga mo naman, ghorl! Inaantok pa ako," reklamo ko at bumalik sa kama ko at dumapa at pinikit muli ang aking mata.
Maya maya ay hinihila na ako. "Bumangon ka na diyan baka tanghaliin tayo!" sabi niya pa at binigay na niya sa akin ang tuwalya ko. Naupo ako sa kama at tinignan siya ng masama.
"Ang aga pa nga!" angil ko pa.
"Maganda na 'yong maaga dahil maaga daw dadating si Cai!" sabi niya pa at tinulak-tulak na niya ako. Kaya wala na akong nagawa at kumuha na ako ng damit at pumasok na sa banyo.
Na alala ko na wala nga pala kaming heater kaya nagtitigan muna kami ng tubig. Inabot ata ako ng thirty minutes sa pakikipagtitigan bago ako nagbuhos ng tubig. Nagpatalon-talon pa ako dahil sa lamig.
Paglabas ko ng banyo ay naka spaghetti strap na pang itaas at white na short. Lumapit ako sa closset ko at kumuha ng sweat shirt at isinuot ito.
Nasa vanity table ko si Yale at may pinapakialaman doon kaya agad akong nagpunta doon. Humarap siya sa akin at sumenyas.
"Halika ayusan kita," sabi niya at iminuwestra ang upuan. Tinaasan ko siya ng kilat bago umupo doon.
"Kaya pala inagahan mo, nako kapag talaga nahuli ka ng itay mo lagot ka," natatawa kong biro.
"Ayusan naman natin 'yang mukha mong parang dugyot," bawing biro niya.
"Hoy! Grabe ka naman sa dugyot! Fresh kaya ng mukha ko!" sabi ko pa at tinignang maigi ang mukha ko sa salamin. Ngumuso ako ng mapansing medyo dry nga ang mukha ko.
He blowed dry my hair first bago niya pagtuunan ang mukha ko.
"H'wag mo akong lagyan ng make up hindi naman tayo sa party pupunta," sabi ko.
"Hindi nga, imo-moisturize ko lang mukha mong dugyot," tinignan ko siya ng masama sa repleksyon niya sa salamin.
"Gaga ka talaga! Bilisan mo na. Hindi ako sanay ng may kung ano sa mukha ko," I said a matter of factly.
"Yes po, Madam," talagang nang aasar ang isang 'to.
Sinimulan na niya ang pag aayos sa mukha ko at masasabi ko na parang sanay na sanay siya sa ginagawa niya. Marahan lang ang pag lapat ng mga daliri niya.
"Bakit parang sanay na sanay ka sa ginagawa mo?" natatawa kong tanong sa kaniya.
Natawa din siya. "Alam mo ako kasi make up artist ng mga kaklase ko tuwing may program."
"Nag me-make pa kayo? Ako nga pag sumasayaw tamang pulbo lang,"
"Oo naman, may dagdag grades kaya 'yon sayang naman," tumigil siya at tinignan niya ang repleksyon ko sa salamin. "At nagsasayaw ka? Seryoso? Hindi halata!" sabi niya pa.
"Hindi naman kasi nakikita ng ang talento ng isang tinginan, hindi mo pa naman ako nakitang sumayaw."
"Sige nga sayaw ka nga," hamon niya pa sa akin.
"Anong sasayawin ko? Kakahiya saka ayaw ni Daddy na nagsasayaw ako. Ayaw niya nga na uma-attend ako ng dance workshops pero siyempre pasaway ako nakakatakas ako." tawa ko pa.
"Ang tino mo naman palang anak sa Maynila ano. Buti nakasama ka dito." agad naman akong napasimangot sa sinabi niya. Na alala ko na naman kung bakit nga ako napapayag na sumama dito.
Natapos na siya sa pag aayos ng mukha ko at ang sunod naman ay ang buhok ko. Mahaba ang buhok at tama lang ang pagkaitim ng kulay. My hair is straight, balak kong magpakukot para maging iconic pag sumasayaw ako. Siguro pagkatapos ko nalang grumaduate.
Tinali niya lang ang magkabilang gilid ng buhok ko. Parang mga ipit ng mga prinsesa sa palabas na nakatali ang makabilang gilid pero nakalugay sa likuran. Nilagay ko sa harapan ang ilabg nakalugay na buhok ko at pinagmasdan ang sarili sa salamin.
"Ang ganda ko naman," agad kong narinig ang pag hagikhik ni Yale sa tabi ko kaya napabaling ako sa kaniya.
"Buhat na buhat a hindi ba mabigat ang bangko?" natatawa niya pang sabi.
"Epal ka talaga, tara na nga!" angil ko sa kaniya at tumayo na ako upuan at kinuha ang white shoes ko.
"Ay wow magsasapatos ka pa? H'wag na!" kantyaw na naman sa akin.
"Papakita ko sa iyo kung pano ako sumayaw parang ayaw mong maniwala kanina, e." sabi ko.
He crossed his arms. "Sige nga," he said.
Hinahamon niya talaga ako kaya habang naglalakad kami ay may pinanuod siyang video ng isang korean idol na sumasayaw sa isang dance studio. Pinagmasdan ko ang mga galaw nito na sobrang linis kaya medyo na gets ko agad ang mga steps.
"Sus ang dali naman niyan wala na bang mas hihirap pa diyan?" sabi ko sabay balik ng cellphone niya.
"Ang lakas ng hangin Tin Tin baka madala ang kagandahan ko!" biro niya pa, nahampas ko naman ang braso niya sa kakatawa.
Hindi ko na namalayan na malapit na kami sa mansyon dahil sa mga biruan namin ni Yale. Tinignan ko ang sarili ko sa repleksyon ng cellphone ko baka kasi mamaya magulo na ang itsura ko nakakahiya sa pamangkin ni Ninang.
Nang nasa tapat na kami ng mansyon ay ang sumalubong lang sa amin ay si Maria na nagwawalis sa hardin. Katulad ng unang punta ko dito ay tahimik pa rin. Mukhang wala pa ang pamangkin bi Ninang dahil walang kung anong kakaiba.
"Wala pa si Cai Maria?" tanong ni Yale ng makapasok na kami sa gate.
"Wala pa. Si Ma'am ay nasa bayan dahil may bibilhin raw siya," sabi pa nito.
Pumasok na kami sa bahay sa bahay at iniwan ako ni Yale sa sala para ayusin sa kusina ang mga dala naming prutas. Iniwan niya ang cellphone niya sa akin kaya pinanuod ko ang video na gusto niyang ipasayaw sa akin. Buti nalang at malaki ang salas dito kaya makakagalaw ako ng husto.
Binuksan ko ang front camera ng cellphone ko para makita ko ang sarili ko. Sinabayan ko ang nasa video at ng nakakasabay na ako ay inilapag ko na ang cellphone ni Yale at nilakasan ang volume ng video.
I took a deep breath before I click the video and start dancing. Napangiti ako ng nagagawa ko ng ayos ang mga steps na kahit ilang beses ko lang sinubukang pinag-aralan.
Nang patapos na ako ay napatingin ako sa repleksyon ko sa camera ng cellphone ko at ng may mapansin akong may nakatangin sa aking lalaki mula sa likuran ko ay agad akong kinabahan. Napatigil ako sa pagsasayaw at hinarap agad ito.
Bumilis ang kabog ng dibdib ko ng mamukaan kung sinong lalaki iyon. Parang nawalan ako ng dugo sa mukha dahil sa kaba at gulat. Why is he here?
Nakakunot ang noo niya sa akin habang nakatitig sa akin, mas lalong naghumerantato ang kabog ng dibdib ko dahil sa titig niya. Nakasukbit sa kanang balikat niya ang strap ng bagpack niya.
Napalunok ako. "What are you doing here?!" nilakasan ko na ang loob ko para tanungin siya.
"I'm the one who should ask you that. What are you doing here, Arte?" nag init ang pisnge ko. Na alala niya pa ako! Pero hindi ko mapigilang mairita sa kaniya.
"Ahh…" hindi ko mahagilap ang mga sasabihin ko sa kaniya dahil hindi pa rin humuhupa ang kaba ko.
"What?!" nagulat ako ng bigla siyang lumapit sa akin at hinawakan ang siko ko. Hindi ko siya matignan ng diretso at nanatili ang mga mata ko sa sahig.
Sabay kaming bumaling ng may pumasok sa pinto. Doon nalang ako napahinga ng kaunti.
"Tiya!"
"Ninang!"
Sabay naming sabi kaya nagkatinginan kaming dalawa at parehas na gulat na gulat.
I didn't expect this! He's the boy that I encountered in that rainy day. Ang he's my godmother's nephew. What a coincidence. He even caught me dancing! I'm ashmed.
Binitawan niya ang siko ko at lumapit sa tiyahin niya para yakapin at halikan sa pisnge.
"Do you know her?" rinig kong tanong niya.
"Yes, inaanak ko siya. Halika dito, Augustine." tawag niya sa akin kaya kahit labag sa kalooban ko ay lumapit na ako. "She's your Tita Dorothy's daughter. At tingin ko ay magkakilala na kayo ni Augustine?"
"Yes." Mabalis niyang sagot na nagpakunot ang noo ko. Hindi ko siya kilala pero hindi ito ang una naming pagkikita.
"No!" apila ko at matalim ko siyang tinignan.
Napatingin ako kay Yale na kakarating lang galing sa kusina sumasayaw pa at nag ha-hum habang naglalakad. Nang makita niya kami at agad siyang napatigil at tahimik lang na nakatayo.
Napanguso ako bago bumaling kay Ninang. "This is not the first that we met po," I politely said to her.
"Of course this is not the first time but ilang taon na rin iyon at mga bata pa kayo noon kaya siguro hindi niyo na matandaan." naglakad siya at nilagpasan kaming dalawa ng lalaking ito. Umupo siya sa sofa at sinenyasan kami na pumunta roon.
Binalingan ko si Yale na sumenyas sa akin na babalik siya sa kusina. Tahimik akong naglakad at naupo sa kasalungat na pang isahang upuan. Nalipat ang tingin ko sa lalaki na iyon na naupo sa katabing upuan ko. My eyes darted to him. Nilagay niya ang bagpack niya sa gilid ng upuan.
Nawala nalang ang tingin ko sa kaniya ng magsalita si Ninang. "You two are chilhood budies and I'm sure you don't remember each other kasi ang babata niyo pa noon." lalong kumunot ang noo ko. Don't tell me siya 'yong kinukwento niya?
"So he's the Ezequiel yout talking about the last time we talk?" paninigurado ko pa. Tinuro ko pa 'yong lalaki na 'yon. I don't want to mention his name. Damn it!
Ang laki ng ngiti sa amin ni Ninang at palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa. Lalo akong hindi mapakali.
"Yes, Hija. I hope you two will get to know each other again." nakangiti niyang sabi na nagpasama ng mukha ko.
Tumingin ako sa lalaki na 'yon at sakto at nakatingin siya sa akin with his devilish smile. I rolled my eyes to him.
"Sure, Tita." ngiti niya pang sagot. Nang aasar!
Hindi ko alam kung paano ako nakatagal doon hanggang sa matapos ang tanghalian bago ko yayain si Yale na umuwi na kami. Asar na asar ako sa mga ngiti niya. Kung hindi lang lagi nakatingin sa amin ang Tita niya ay baka nasuntok ko na siya.
Pero bago kami ay umuwi ay hindi pa rin siya tapos sa pang aasar. Palabas na kami ng bahay at nakasunod siya amin.
"Maalam ka palang sumayaw, Miss arte." pahabol niya kaya nilingon ko siya ng naiirita na. "By the way I'm Caious. Hindi ako sanay Sa Ezequiel kaya you can call me Cai. How about you?" inilahad niya pa ang kamay niya pero tinampal ko iyon.
"Wala. Akong. Pake." madiin kong sabi sa kaniya at hinila na palabas si Yale ng gate.
Akala ko magiging matiwasay na ako pero hindi pa din at panay ang pang aasar sa akin ni Yale habang naglalakad kami pauwi.
"Nako ha! Bagay kayo ni fafa Cai," kinikilig niya pang sabi at siniko-siko niya pa ako.
"Ano ba napaka-impakto naman ng lalaking iyon," naiirita kong sabi.
"Bakit nama ang hot kaya ni fafa Cai kung makita mo lang siya mag basketball baka tulo laway mo!" natatawa niyang sabi. Inirapan ko lang siya at hinahayaan siya mga pang aasar niya. Hayaan ko na para happy siya.
Chapter 5FriendsSa araw na iyon ay hindi na ako lumabas ng bahay. Pati na rin sa mga nakaraang araw may araw pa na niyaya akong sumama ni Mommy papunta sa bahay nila Ninang. Tinanggihan ko dahil ayoko makita ang mapangsar na mukha ng lalaking iyon.
Chapter 4CaughtNaiinis ako kagabi dahil sa pag uusap namin ni Vhone. Gabi ko na siya nakausap para hindi ako mahalata nila Mommy and Daddy. Ilang beses kong kinontak ang numero niya ngunit hindi niya sinasagot. Siguro ay nakulitan na kaya sinagot na niya ang tawag ko.
Chapter 3FamiliarMadaling araw palang bumiyahe na kami para hindi kami abutan ng traffic palabas ng Maynila. Nagbaon ako ng isang unan at kumot sa sasakyan dahil inaantok pa ako ng gisingin ako ni Mommy kanina.
Chapter 2BlackmailedHabang kumakain kami ay tahimik lang kaming tatlo sa hapag. Ang mga kubyertos na nagtatama sa pinggan lang maririnig. Ayaw ni Daddy na nag uusap kami habang kumakain. Kailangan daw galangin ang pagkain sa hapag.
Chapter 1PatienceI'm currently walking on the street when someone grabbed my right hand and he interwind our hands. I look
Prologue"Red, I said stop that nonsence dance workshop it will ruin your studies!" Sigaw sakin ni Daddy. Hinintay niya ako sa sala. Kakauwi ko lang galing sa dance workshop na sinalihan ko. Mag iisang taon na akong sumali wo