Share

Chapter Eight

Author: mis_arnie
last update publish date: 2020-08-08 19:16:53

"Ayos ka lang?" Ani ni Angel sa lalaking tahimik na umiinom sa kanyang tabi. Wala ang grupong madalas nitong bantayan. Simula kaninang dumating ito ay tahimik lang. 

Bumuntong hininga si Angel sabay tayo. Hinubad ang suot na jacket na galing dito. 

"Gusto mo atang mag-isa? Magtrabaho muna ako!" Akma na siyang tatalikod ng hawakan nito ang palad niya. 

"Stay!" Ani nito saka hinila siya paupo. Muli nitong ipinatong ang jacket sa kanya. 

"Ano ba kasing problema mo?" Ani nito na seryosong tinignan ang lalaki. Inagaw ang hawak nitong alak saka pabagsak na inilapag sa mesa. 

"Pwede ba tayong umalis dito?" Tanong ni Zander na halatang problemado. 

"Alam mong di ako ganyan, matagal mo ng alam yan diba? Hindi ako nagpapalabas sa costumer!"

"That's not what I mean! Wala akong balak na gawan ka ng masama!"

"Ganun naman pala, Tara!" Mabilis niyang sagot. 

Nilapitan ni Angel si Cloe. 

"Labas lang kami!" Aniya rito. 

"Baon kang condom!" Agad na sagot nito. 

"Gaga, Hindi ganun!" Aniya saka pumasok sa locker room. Nagbihis lang siya at kinuha na ang bag na naglalaman ng gamit niya. 

Lumabas siya at tinungo ang parking lot. Nandoon na si Zander. Halatang malalim ang iniisip kaya napakislot pa ng tapikin niya ang balikat nito. 

"Ako na ang magdadrive, saan ba tayo?" Ani ni Angel na inagaw ang susi rito. Wala sa sarili ang lalaki kaya mas mabuting siya na ang magmaneho. 

Nang nakasakay siya sa driver seat sumunod naman itong sumakay sa passenger seat. 

"Saan tayo?" Aniya ng buhayin ang makina ng sasakyan. 

"I don't know!" Ani nito. Napabuntong hininga na lang si Angel saka pinaandar ng tuluyan ang sasakyan. 

"Your phone is ringing!" Puna ni Zander. 

Mabilis na chineck niya iyon gamit ang isang kamay.

Sinagot niya agad ang tawag ng makitang si Trina iyon.

"Trina?" Aniya. 

"Ara , Ara anong gagawin ko? Si Nanay!". Umiiyak na tanong ng kaibigan pagkasagot niya ng tawag."Ara natatakot ako!". Mabilis na huminto si Angel sa gilid ng kalsada. Wala namang imik si Zander. 

"Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong niya. 

"Bigla na lang kasi siyang nawalan ng malay, tapos dinala namin sya sa ospital! Hanggang ngayon wala pa kaming balita!". Umiiyak nitong sabi sa kaibigan. 

"Saang ospital yan? Pupuntahan ko kayo!"

---

"Ito yung susi mo, pasensya ka na di kita masasamahan papalitan ko na lang yung bin----"

"It's fine, samahan na Kita!'' Ani ng lalaki na nauna pang bumaba kasalukuyan silang nasa parking lot ng hospital na sinabi ni Trina. Mabuti na lang talaga at kasama niya si Zander may na gamit siyang service patungo rito. 

Bumaba na rin siya at sumunod sa lalaki na malapit na sa tapat ng elevator. 

---

"Trina!" Tawag niya sa kaibigan. Katabi nito ang tatay nito na inaalo ang kaibigan na umiiyak. Agad itong tumayo at sumalubong ng yakap si Ara. 

"Ara, anong gagawin ko!" Ani nito. Ano bang dapat ipayo sa kaibigan? Bukod sa hindi sya doctor hindi naman siya manghuhula. 

"Magdasal ka!" Aniya. Pero kahit siya di niya alam ang salitang iyon. Matagal na niyang kinalimutan. Gusto nga niyang tawanan ang sarili sa sinabi.

Simula ng makita niya ang malagim na sinapit ng kanyang magulang sa grupo na tinutugis niya ngayon. Noon, kahit sobrang nasasaktan na siya sa training nasusugatan pasa, bali at iba pa. Hindi niya tinawag ang diyos. Kasi para sa kanya, gawa gawa lang ng tao ang diyos. Kasi kung may diyos eh di sana hindi sinapit ng kanyang magulang ang nangyari noon.

"Magiging ok si Nanay!" Aniya. Bumalik sa tabi ng tatay niya ang dalaga habang magkatabi sina Angel at Zander sa kabilang dulo. 

"Nakakatawa noh, inadvice kong magdasal ang kaibigan ko samantalang sa sarili ko hindi ko maapply" Malungkot niyang sabi saka isinandal ang ulo sa balikat ng binata. Hindi naman umiwas ang lalaki at hinayaan lang siya. 

"Praying is one way for you to surrender yourself to God!" Ani nito. Nag-angat ng tingin si Angel at bahagyang natawa. Inialis niya ang ulo sa pagkakasandal rito at tumayo.

"Where are you going?" Tanong ni Zander saka sinundan ang dalaga na parang walang narinig. 

"Angel!". Tawag nito."Angel!". Inabutan niya itong pasakay ng elevator. Mabilis din itong sumakay. Pinindot nito ang rooftop button saka sumandal sa gilid. 

"Are you okay?"

"A---ngel, tss what a sweet name! But the person you called Angel is not what you think it is. Broke, dirty and evil!" Ani niya habang naka yuko. 

Lumabas agad siya ng marating ang rooftop at bumukas ang elevator. Tahimik lang na sumunod ang binata. 

"Your not!" Ani nito ng marating nila ang railings. Napakaganda ng tanawin sa itaas. 

"I am Zander, this girl beside you is not pure, she's dirty, broke and evil!"

"Hindi mo ginusto ang ganyang buhay!" Ani nito. Bumungisngis ang dalaga. 

"Syempre, pero anong magagawa ko oras na nilabag ko ang grupo papatayin nila ako!" Ani niya na malayo pa rin ang tingin.

"What did you say?" Gulat na tanong nito. Hinawakan pa ni Zander ang kamay ng dalaga para iharap dito.

Nagring ang phone ni Angel pero mabilis rin itong namatay. Nang tignan niya---

"Hawak nila ako sa leeg, Hindi nila ako titigilan!" Ani niya sabay abot ng cellphone sa lalaki. Nagtatakang tinignan ito ni Zander. 

"B.K.O?". Takang tanong nito.

"Pinaglalaruan nila ang buhay ko, ginagamit na parang laruan at robot na pwede nilang utusan, katulad ng ginawa nila sa kaibigan ko!" Ani niya na unti-unting naglandas ang luha. 

"Baka, baka susunod na rin akong mamatay! Hindi ko na alam ang gagawin ko Zander! Pagod na pagod na ako!" Hinila siya palapit ni Zander saka mahigpit na niyakap. 

"Mababaliw na ako kaiisip kung paano ako makakawala sa kanila! Papatayin nila ako, pati ang mga mahal ko sa buhay!" Ani nito na patuloy ang pagtangis. 

"Pati si Inna, yung kaibigan ko---- pinatay nila! Pinatay nila!" Mas lumakas ang pag-iyak nito. Naramdaman ni Angel ang bahagyang pagluwag ng yakap nito. 

"I---nna?" Nautal na tanong ni Zander.

Pinahid ni Angel ang mga luha. 

"Oo, Hindi man aminin sa akin ng grupong iyon, pero siguradong hindi suicide ang ikinamatay ng kaibigan ko!---ang sama sama nila!"

Nanlambot na napaupo si Zander sa sahig. 

Tahimik na pinagmamasdan ito ni Angel na patuloy na tinutuyo ang luha. 

"Hindi mo dapat nalaman ito, mapapahamak ka!" Aniya na nilangkapan ng takot ang boses na lumuhod sa harap nito."I'm sorry Zander, baka saktan ka din nila!" Umiling ang lalaki at mabilis na sinapo ang kanyang pisngi. 

"No, Hindi nila magagawa Yun! Saakin--- lalong-lalo na sayo! Hindi ako papayag! I'll protect you no matter what". Ani nito na hinila siya payakap dito. Punong puno ng pangako ang bawat salitang binitawan nito.

Lihim namang napangiti si Angel. Ito ang ibig niyang sabihin. Ganito niya lalaruin ang mission na ito. Sorry na lang para sa binata dahil gagawin niya ang lahat para sa mission na ito. 

A/n: Thanks for reading.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Barbara: The Player (Lady's Revenge)   Chapter Ten

    Hindi siya pumasok sa club. Bukod kasi sa hindi naman pupunta roon ang lalaki ay kailangan din nilang mag-usap ni Tori.Ito ang nagpapadala ng mga mensahe sa kanya na pinapabasa niya kunwariy galing B.K.O. Kung bakit praning na praning ang lalaki sa pag-aalala sa kanya. Pero hindi siya ipinanganak kahapon, Alam niya kung bakit ito nagkakaganun. Gusto nitong mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng nobya nito. Pero wala naman siyang pakialam roon.At yung halik na pinagsaluhan nila? At iba pang ginawa nito sa kanya. Masakit pa ang pagkababae niya dahil sa ginawa nito. At medyo iniinda niya iyon. Pero wala lang iyon para kay Barbara. Sanay siya na paglaruan ang emosyon ng mga taong ginagamit niya sa laro. Manipulator? Siguro nga, pero gaya ng sabi niya wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba. Basta nagagawa niya ang trabaho niya at natatapos niya ang mission

  • Barbara: The Player (Lady's Revenge)   Chapter Nine

    "Okay na si Nanay, pero kailangan daw nyang magstay sa ospital!" Ani ni Trina. Dumaan ito sa bahay nya. Dala na ang gamit na dadalhin nito sa ospital. Magpapahinga daw muna ito dahil yun ang bilin ng ama nito."Magpahinga ka na, babalik ka pa sa ospital! Ito oh, gamitin nyo muna nila Nanay!" Malaki kasi ang gagastusin nito dahil kagabi rin kinailangan ng emergency operation ang matanda. Alam ni Ara na malaki ang gastusin sa ospital. Sa tulong kagabi ni Zander na ayos agad ang operasyon at hindi ito umalis sa tabi ni Ara.Tulog na si Trina sa silid niya ng marinig ang ugong ng sasakyan. Kilala na niya ang tunog na iyon."Zander!" Aniya ng pagbuksan ito ng gate. Umugong nanaman ang bulungan ng mga kapitbahay niya sa harap ng tindahan ni Aling Ditas."Pasok!" Aniya na niluwagan ang pagkakabukas ng gate. May kinuha pa ito sa likod ng sasakyan ng ilang supot ng groceries."Para saan yan?" Aniya

  • Barbara: The Player (Lady's Revenge)   Chapter Eight

    "Ayos ka lang?" Ani ni Angel sa lalaking tahimik na umiinom sa kanyang tabi. Wala ang grupong madalas nitong bantayan. Simula kaninang dumating ito ay tahimik lang.Bumuntong hininga si Angel sabay tayo. Hinubad ang suot na jacket na galing dito."Gusto mo atang mag-isa? Magtrabaho muna ako!" Akma na siyang tatalikod ng hawakan nito ang palad niya."Stay!" Ani nito saka hinila siya paupo. Muli nitong ipinatong ang jacket sa kanya."Ano ba kasing problema mo?" Ani nito na seryosong tinignan ang lalaki. Inagaw ang hawak nitong alak saka pabagsak na inilapag sa mesa.

  • Barbara: The Player (Lady's Revenge)   Chapter Seven

    "Alexander Simoen, his adopted son of Marlon Simoen, a businessman---a billionaire businessman!""Hindi ko mahanap ang tunay nyang pangalan, it's either hindi siya rehistrado o may bumura ng lahat ng records niya!" Ani ni Tori na kaharap na niya ngayong nakaupo. Sa tapat nito ang laptop nito at siya ang folder na ibinigay nito."Hinahanting nya ang B.K.O, dahil sa girlfriend nya!""Girlfriend?" Takang sabi niya. Ayon dito ng nakausap niya ito wala itong kasintahan, pero na realize din ni Barbara na nasa club nga pala sila. At walang totoo sa lahat ng bagay sa lugar na iyon. Akala pa naman niya dahil

  • Barbara: The Player (Lady's Revenge)   Chapter Six

    "Ara! Ara!" Malakas na kinakalampag ni Trina ang gate na bakal ng bahay ng kaibigan. Bitbit ang tupperware na may lamang ulam."Hoy Trina, baka tulog pa yang kaibigan mong laspag na nag-uwi ng naka otong lalaki kagabi!" Ani ni Ditas na nakalusot ang ulo sa butas ng tindahan nito."Hoy, Aling Ditas, makalaspag ka grabe ah! Wag mong sinasabihan ng ganyan yang friend ko. Ganoon ba ang itsura ng laspag? Eh ano pa yang sayo? Lawlaw dede abot hanggang singit na maanghit!" Ani nito saka dinilaan ang matanda."Hoy Trina, tumigil ka nga! Pasok ka!" Ani ni Ara na natatawa sa itsura nito. Fighter din tong loka-lokang ito eh."Eh kasi tong matandang to eh, kekukunat naman ng tinda singkunat nya!" Hinawakan na niya sa braso ang kaibigan at

  • Barbara: The Player (Lady's Revenge)   Chapter Five

    "Angel, tumable ka daw dun sa costumer mo!" Natigilan si Angel at takang tinignan si Cloe. Nakangisi ito na waring natutuwa pa."Costumer?""Yung Zander!" Ani nito na napahagikgik pa. Ilang beses ng bumalik si Zander simula ng makilala niya ito. At sa tuwing nagpupunta ito, bukod sa mga bodyguards ay wala na itong kasama. Mag-isang umiinom at nakikipag-kwentuhan sa kanya. Pero malakas makiramdam si Angel, Hindi siya kumbinsido na siya ang binabalikan dito ng lalaki.Madalas itong nakatutok ang atensyon sa isang grupo ng mga VIP's ng club. Umo

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status