LOGIN"Alexander Simoen, his adopted son of Marlon Simoen, a businessman---a billionaire businessman!"
"Hindi ko mahanap ang tunay nyang pangalan, it's either hindi siya rehistrado o may bumura ng lahat ng records niya!" Ani ni Tori na kaharap na niya ngayong nakaupo. Sa tapat nito ang laptop nito at siya ang folder na ibinigay nito.
"Hinahanting nya ang B.K.O, dahil sa girlfriend nya!"
"Girlfriend?" Takang sabi niya. Ayon dito ng nakausap niya ito wala itong kasintahan, pero na realize din ni Barbara na nasa club nga pala sila. At walang totoo sa lahat ng bagay sa lugar na iyon. Akala pa naman niya dahil sa mga tunay nitong magulang kaya hinahanting nito ang Black King Organization.
"Oo!" May dinampot itong larawan. Saka ibinigay sa kanya.
"Sya si Inna, Alexander's girlfriend. Magpropropose na sana si Zander sa nobya nya ng hindi sumipot ang babae. Natagpuan na lang itong nakasabit sa kisame ng kwarto nito!---ayon sa imbestigasyon ng pulis suicide daw ang dahilan, pero sa isip ni Zander ay may kinalaman ang grupo!"
"Bakit naman niya naisip na dahil sa B.K.O?"
"Dahil itong si Inna ay may kaugnayan sa grupong ito!"
"Talaga? Interesting!" Aniya na napasipol pa.
"Pero dahil limited pa lang ang meron tayong impormasyon sa Black King Organization di pa sapat yun para malaman natin ang ugnayan ni Inna----"
"No need na, Wala akong pakialam sa Inna na yan, ang Alam ko lang ay magagamit ko itong lalaking ito sa grupong iyan!" Nangingiting sabi niya.
"Paano mo naman yun gagawin?"
"Simple lang, ikaw ang gagawa nun para sa akin---no traces my dear!" Ani niya na dinugtungan ng mahinang tawa mula rito. Tiyak na magulo ang emosyon ng lalaking iyon ngayon at pwede niyang magamit ang pagkawala ng kasintahan nito para umayon ang lahat sa kanyang plano.
"Ok, no problem!" Nakakaunanwang sabi nito.
"Paano ba yan, aalis na ako! Madami pa akong tratrabahuin ngayon!"
"Mag-iingat ka, tawag ka lang!" Yumakap siya rito saka nagpaalam. Bitbit ang folder na umalis siya ng unit nito. Pagbaba niya sa first floor kung saan paboritong tambayan ng grupo nakita niyang abala ang mga ito sa kung ano-ano.
"Si Islah?" Aniya. Wala kasi ito sa umpukan.
"Nasa field!" Turo nito sa shooting area kung saan may mga kasamahan silang kasalukuyang nag-eensayo.
Lumakad siya patungo roon. Pagtapak pa lang niya sa field, malakas na ingay na ng mga de kalibreng baril ang maririnig. Kung normal na tao lang siguro siya, automatic na magtatakip siya ng tenga. Pero Hindi, sampung taong gulang pa lang siya noong unang nakahawak ng baril---unang beses makapatay gamit ang baril na iyon.
Lumapit siya sa tabi ni Islah na focus sa paglalagay ng bala sa baril nito. Inilipat niya sa lamesang kahoy ang folder. Dumampot ng baril, sinuri iyon kung may bala at ng makitang loaded iyon saka niya ikinasa at itinutok sa target.
Muntik pa siyang matawa ng makita ang target ni Islah.
"So sino naman itong target mong to? Gwapo ha!" Biro niya. Waring sinisipat ang angulo ng target habang nakaumang dito ang hawak na baril.
"Yan yung babaunan ko ng bala sa noo kapag nagkita kami!" Ani ni Islah na di tumigil sa pagkalabit nito sa gatilyo hanggat di nauubos ang laman na bala. Wasak wasak ang larawan na idinikit sa flywood.
"Nice shot!" Aniya. Nang makita ang sinapit ng target. Madalas nitong sabihin na mas mahusay siya kesa dito----siguro nga may iba't iba lang silang specialty sa larangang ito. Islah is the best in distant fighting. Using her baby sniper rifle mabilis nitong natatapos ang trabaho nito.
"Tss, pahumble ka pa Barbara alam nating pareho na kahit nakapikit ka kaya mong bumaril ng walang mintis!" Ani nito Lumakad sa flywood na sira sira. May hawak na itong mansanas sa kaliwang kamay. Alam na ni Barbara kung ano ang ibig sabihin ni Islah sa ginagawa nito.
Tatayo ito habang hawak ang mansanas na target niya. Masyadong kumpyansa ito sa kakayahan niya.
Bumuntong hininga siya saka iniumang ng maayos ang baril. At ng matiyak na ang target walang pag-aalinlangan na kinalabit niya ang gatilyo. Maya-maya lang sunod-sunod na palakpak ang narinig ni Barbara. Palapit na si Islah. Nanonood na rin pala ang iba nilang kaibigan.
"Nice shot Barbara!" Ani ni Islah ng makalapit.
"Tss, alis na ako!" Aniya sabay dampot ng folder at umalis. Iniwan ang mga kaibigan na natatawa sa reaction niya. Sanay na din sa ugali nitong pabago-bago.
"Baka nakalimutan mong ako ang driver mo!" Ani ni Islah. Nilingon niya ito. Oo nga pala.
---
"Bakit nyo ba kami kinulong dito? Anong kailangan nyo sa amin ha?" Masungit na sabi ng anak na babae ni Christopher Laurel. Umupo si Barbara sa upang nasa harap nito. Hindi naman sila nakagapos hindi nga lang siya makatakas dahil nasa isang Isla ang mga ito na ang paraan lang para umalis sy bangka o yate. Unless lalanguyin nila ang lugar. Magdidilim na ng makarating si Barbara at Islah. Nakasuot sila ng maskara na nagkukubli sa kalahati ng kanilang mga mukha.
Pati mata ay may contact lenses din upang makasigurado.
"Simple lang, dahil sa Papa mo!".
"Ano bang kasalanan ng Daddy ko sa inyo? Mabuting tao ang Daddy ko! Kailangan nyo ba ng pera, sabihin nyo lang!" Natawa sila ni Islah sa kayabangan ng dalaga.
"Tanungin mo kaya ang Mama mo, Misis Laurel why not tell your daughter about your husband's work?"
"Ano ba yang sinasabi nyo, mabuting tao ang asawa ko!". Dipensa ng ginang. Wala ba itong alam o nagmamaang-maangan lang ito?
Lumapit si Barbara sa ginang at hinaklit ang panga nito.
"Galingan mo pang magsinungaling! Baka putulin ko yang dila mo!". Aniya saka binitiwan ito.
Sinulyapan niya si Islah.
"Nakikinig sya!". Ani ni Islah saka iniabot ang cellphone sa kanya.
"Ohhh, say hi Daddy!" Ani ni Barbara sinabayan pa ng nakakatakot na tawa mula rito.
"Ano bang gusto mo, Kung sino kang Barbara ka? Wag mong sasaktan ang pamilya ko!" Mariing sabi ng lalaki.
"Gusto mo?" Aniya na sinulyapan ang mag-ina nito saka tumayo. Sumenyas siya kay Islah na lalabas lang. May mga armadong bantay rin ang mag-ina kaya tiwala silang di makakagawa ng paraan ang mga ito na makatakas.
"Gusto kong sundin mo lahat ng sasabihin ko, o baka gusto mong babuyin ng mga tauhan ko ang maldita mong anak!" Aniya na bumungisngis ng tawa.
"Ano bang gusto mo?" Mabilis na sagot ng lalaki.
"Ibigay mo sa akin ang pangalan ng mga pinuno ng Black King Organization!" Ani niya. Nagkaroon ng katahimikan sa kabilang linya.
"Ayaw mo ba?"
"G--usto, gusto! Wag mo lang sasaktan ang mag-ina ko!" Ani nito.
"Madali ka lang palang kausap! One of this days bibisitahin Kita. Wait for me okay?". Aniya na bago patayin ang tawag ay tumawa muna ng nakakaloko saka ibinaba ang tawag. Kung demonyo ang mga ito, siya naman yung tipo na handang magpakademonyo para lang magdusa ang mga ito.
Wala ng santa sa panahon ngayon. Mas madami ang demonyo at magaling manggago. At isa na siya roon.
A/n: thanks for reading.
Hindi siya pumasok sa club. Bukod kasi sa hindi naman pupunta roon ang lalaki ay kailangan din nilang mag-usap ni Tori.Ito ang nagpapadala ng mga mensahe sa kanya na pinapabasa niya kunwariy galing B.K.O. Kung bakit praning na praning ang lalaki sa pag-aalala sa kanya. Pero hindi siya ipinanganak kahapon, Alam niya kung bakit ito nagkakaganun. Gusto nitong mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng nobya nito. Pero wala naman siyang pakialam roon.At yung halik na pinagsaluhan nila? At iba pang ginawa nito sa kanya. Masakit pa ang pagkababae niya dahil sa ginawa nito. At medyo iniinda niya iyon. Pero wala lang iyon para kay Barbara. Sanay siya na paglaruan ang emosyon ng mga taong ginagamit niya sa laro. Manipulator? Siguro nga, pero gaya ng sabi niya wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba. Basta nagagawa niya ang trabaho niya at natatapos niya ang mission
"Okay na si Nanay, pero kailangan daw nyang magstay sa ospital!" Ani ni Trina. Dumaan ito sa bahay nya. Dala na ang gamit na dadalhin nito sa ospital. Magpapahinga daw muna ito dahil yun ang bilin ng ama nito."Magpahinga ka na, babalik ka pa sa ospital! Ito oh, gamitin nyo muna nila Nanay!" Malaki kasi ang gagastusin nito dahil kagabi rin kinailangan ng emergency operation ang matanda. Alam ni Ara na malaki ang gastusin sa ospital. Sa tulong kagabi ni Zander na ayos agad ang operasyon at hindi ito umalis sa tabi ni Ara.Tulog na si Trina sa silid niya ng marinig ang ugong ng sasakyan. Kilala na niya ang tunog na iyon."Zander!" Aniya ng pagbuksan ito ng gate. Umugong nanaman ang bulungan ng mga kapitbahay niya sa harap ng tindahan ni Aling Ditas."Pasok!" Aniya na niluwagan ang pagkakabukas ng gate. May kinuha pa ito sa likod ng sasakyan ng ilang supot ng groceries."Para saan yan?" Aniya
"Ayos ka lang?" Ani ni Angel sa lalaking tahimik na umiinom sa kanyang tabi. Wala ang grupong madalas nitong bantayan. Simula kaninang dumating ito ay tahimik lang.Bumuntong hininga si Angel sabay tayo. Hinubad ang suot na jacket na galing dito."Gusto mo atang mag-isa? Magtrabaho muna ako!" Akma na siyang tatalikod ng hawakan nito ang palad niya."Stay!" Ani nito saka hinila siya paupo. Muli nitong ipinatong ang jacket sa kanya."Ano ba kasing problema mo?" Ani nito na seryosong tinignan ang lalaki. Inagaw ang hawak nitong alak saka pabagsak na inilapag sa mesa.
"Alexander Simoen, his adopted son of Marlon Simoen, a businessman---a billionaire businessman!""Hindi ko mahanap ang tunay nyang pangalan, it's either hindi siya rehistrado o may bumura ng lahat ng records niya!" Ani ni Tori na kaharap na niya ngayong nakaupo. Sa tapat nito ang laptop nito at siya ang folder na ibinigay nito."Hinahanting nya ang B.K.O, dahil sa girlfriend nya!""Girlfriend?" Takang sabi niya. Ayon dito ng nakausap niya ito wala itong kasintahan, pero na realize din ni Barbara na nasa club nga pala sila. At walang totoo sa lahat ng bagay sa lugar na iyon. Akala pa naman niya dahil
"Ara! Ara!" Malakas na kinakalampag ni Trina ang gate na bakal ng bahay ng kaibigan. Bitbit ang tupperware na may lamang ulam."Hoy Trina, baka tulog pa yang kaibigan mong laspag na nag-uwi ng naka otong lalaki kagabi!" Ani ni Ditas na nakalusot ang ulo sa butas ng tindahan nito."Hoy, Aling Ditas, makalaspag ka grabe ah! Wag mong sinasabihan ng ganyan yang friend ko. Ganoon ba ang itsura ng laspag? Eh ano pa yang sayo? Lawlaw dede abot hanggang singit na maanghit!" Ani nito saka dinilaan ang matanda."Hoy Trina, tumigil ka nga! Pasok ka!" Ani ni Ara na natatawa sa itsura nito. Fighter din tong loka-lokang ito eh."Eh kasi tong matandang to eh, kekukunat naman ng tinda singkunat nya!" Hinawakan na niya sa braso ang kaibigan at
"Angel, tumable ka daw dun sa costumer mo!" Natigilan si Angel at takang tinignan si Cloe. Nakangisi ito na waring natutuwa pa."Costumer?""Yung Zander!" Ani nito na napahagikgik pa. Ilang beses ng bumalik si Zander simula ng makilala niya ito. At sa tuwing nagpupunta ito, bukod sa mga bodyguards ay wala na itong kasama. Mag-isang umiinom at nakikipag-kwentuhan sa kanya. Pero malakas makiramdam si Angel, Hindi siya kumbinsido na siya ang binabalikan dito ng lalaki.Madalas itong nakatutok ang atensyon sa isang grupo ng mga VIP's ng club. Umo