LOGIN"Angel, tumable ka daw dun sa costumer mo!" Natigilan si Angel at takang tinignan si Cloe. Nakangisi ito na waring natutuwa pa.
"Costumer?"
"Yung Zander!" Ani nito na napahagikgik pa. Ilang beses ng bumalik si Zander simula ng makilala niya ito. At sa tuwing nagpupunta ito, bukod sa mga bodyguards ay wala na itong kasama. Mag-isang umiinom at nakikipag-kwentuhan sa kanya. Pero malakas makiramdam si Angel, Hindi siya kumbinsido na siya ang binabalikan dito ng lalaki.
Madalas itong nakatutok ang atensyon sa isang grupo ng mga VIP's ng club. Umoorder ito ng mga alak ngunit di ito tulad ng iba na nilalaklak iyon. Sumisimsim lang at bahagyang nakikipag-kwentuhan sa kanya.
Gaya ng ayos niya para nanaman siyang babaeng bayaran. Pero wala naman siyang pakialam. Kung makukuha niya ang gusto sa ganitong paraan---mas mabuti.
"Nandito ka ulit!" Nginitian niya ito at naupo sa tabi nito. And as usual, hinubad nanaman nito ang jacket nito at ibinalot sa kanya. May pagka gentleman ang loko. Samantalang ang ibang costumer kulang na lang makipagtalik na sa mga babaeng katabi ng mga ito.
"Katatapos lang sa trabaho!" Aniya na titig na titig dito. Napakagwapo talaga nito. Papasang Modelo lalo pa't maganda din ang katawan.
"So ganito ka magrelax? Paano ang pamilya mo, asawa?" Sumulyap ito kay Angel. Ngumisi ang lalaki.
"Wala akong asawa!" Anito saka nag-iwas ng tingin.
"Girlfriend? Imposibleng wala, sa gwapo mong yan!" Aniya na waring sinusuri ang kabuuan nito. Napansin niya ang ngisi sa labi nito.
"Wala, I'm not into commitment!" Tumango tango siya. Isa pala to sa mga lalaking allergic sa commitment.
"Sabagay, sa gwapo mong yan kahit walang commitment papatusin ng babae!"
"Ikaw ba?" Ani ni Zander.
"Ako? Umaasa din naman ako na may darating na lalaki sa buhay ko, yung handang tanggapin kung ano akong klase ng babae. Yung hindi lang katawan ko ang gugustuhin sa akin, yung kayang bigyan ako ng rason para pagkatiwalaan ko sila!" Aniya na ngumiti rito.
"Gusto mo bang umalis na ng club?" Tanong nito.
"You mean---- umuwi na?"
"Nope, I mean huminto na sa pagtratrabaho dito!"
"Kung ganoon lang sana kadali, pero hindi eh. Madami pa akong responsibilidad!" Aniya na bahagyang napabuntong hininga dahil nahihirapan siyang magsinungaling sa lalaki. Hindi naman kasi ito mahirap kausap.
"I can help you to start again!" Ani nito.
"Bakit? Plano mo ba akong ibahay? Ayoko ng ganun, gusto ko kasal!" Aniya na sinabayan ng tawa. Nakita niyang natigilan ito kaya mabilis siyang nagsalita."Joke Lang!"
Hindi na kumibo ang lalaki. Naagaw ang atensyon nila ng mapansin ang gulo ilang table bago sa kanila.
"Mukhang nakarami na ng inom!" Ani niya.
Tumayo siya at nagpaalam saglit kay Zander.
Lumapit siya sa nag-umpukang mga tao. May mga bouncer na roon pero may isang lasing na nagwawala pa rin.
Napansin niya si Cloe na takot na takot nakaalalay dito ang isang bouncer.
"Bakit?" Aniya sa kaibigan.
"Eh kasi, pinipilit niya ako! Sinabing ayaw ko nga!" Ani nito. Sumenyas si Angel sa bouncer na ilayo si Cloe.
"Stop!" Aniya sa lalaki na akmang hahabol kila cloe. Mabilis siyang humarang at ang mga bouncer na naiwan.
"Ohhh ito, gusto ko din to!" Ani nito na ngumisi pa sa kanya. Akmang hahawakan siya ng may humablot dito. Nang tignan ni Angel, ang binatang kasama niya kanina. Patulak nitong binitiwan ang lasing na lalaki. Agad na lumapit si Angel kay Zander at humawak sa braso nito. Ayaw niya ng gulo. At ayaw niyang masangkot pa ito.
"Ilabas nyo na yan, at wag ng payagang makabalik dito!" Mariing utos niya na sinigundahan ng kadarating na manager nila. Bawal ang ganoong uri ng costumer dito.
"Balik na tayo sa table natin!"
"No, ako ng bahala sa manager mo ihahatid na kita pauwi!" Ani nito. Bahagyang tumingin si Angel sa table na palihim niyang binabantayan. Ngunit agad siyang napalingon kay Zander ng hilain siya nito patungo sa manager niya.
"Naku Zander, Hindi pwedeng ilabas si Angel!"
"Ihahatid ko lang sya manager Boy. Ako ng bahala sa Kita nya ngayong gabi!"
Tinignan siya ng manager ng club. Waring sa titig nito ay tinatanong siya kung sang-ayon siya.
"Sige payag po ako!" Aniya na tinignan si Zander. "Magpapalit Lang ako, ikaw ng bahala sa cashier!" Agad tumango ang lalaki at tinahak ang daan patungo sa cashier.
Si Angel naman ay tinungo si Cloe na nasa locker room na.
"Uuwi na ako Angel, nagtext kasi yung bantay ng anak ko! Nilalagnat daw!" Naiiyak nitong sabi. Kahit ganitong uri ng trabaho ang meron ito alam ni Angel na mabuting ina ito.
"Sige, ingat ka!"Aniya na tinapik ang balikat nito. Naiwan siyang mag-isa sa locker room. Kinuha niya ang bag kung saan nakalagay ang bihisan niya. Naghilamos lang siya tinanggal ang make up na nasa mukha. Saka nagbihis.
---
"Kahit dyan na lang sa kanto!" Ani ni Angel. Laman nanaman siya ng umpukan bukas oras na magpahatid siya sa looban. Isang beses pa lang siyang inihatid ng naka kotse ay di na nawala sa isip ng mga kapitbahay niya. At oo nagsinungaling siya kay Trina ng sabihin niyang costumer niya ang naghatid sa kanya. Malapit niyang kaibigan iyon na may mahalagang ibinalita sa kanya. Baka kasi magtaka si Trina bakit siya may kaibigan na di man lang na bangit dito.
"Ihahatid Kita!" Ulit nito.
"Hindi na!" Muling tangi niya. Ngunit sumama lang ang tingin nito sa kanya. Mukhang hindi sanay ang Loko na tanggihan. Wala tuloy siyang choice kundi ituro rito ang bahay na tinutuluyan niya.
"Yung tapat ng tindahan!" Aniya. Huminto ang sasakyan ng nasa tapat na ng bahay niya."Gusto mo bang magkape?". Nakakahiya naman kasi kung hindi man lang niya offeran ng maiinom ang lalaki. Nakasunod pala sa kanila ang sasakyan ng mga bodyguards nito.
"Sige, kausapin ko lang sila!" Tumango siya at nauna ng pumasok sa gate. Hinayaan niyang bukas iyon habang sinunod niyang buksan ang pinto ng kanyang bahay.
Napansin niyang umatras ang sasakyan, mukhang pinauwi nito ang mga bantay. Saka sumunod ito papasok sa kanyang bahay.
"Pasensya na maliit lang tong bahay ko!" Aniya habang naghuhubad ng sapatos."Upo ka!" Itinuro niya ang sofa.
Pagkatapos niyang hubadin ang sapatos ay nagtungo siya sa kusina at nagtimpla ng kape ng bisita.
"Safe ba tong lugar nyo?" Nagulat siya ng nakitang nakasandal na ito sa pintuan ng kusina niya habang nakapamulsa.
"Safe Naman!" Aniya sabay abot ng kape dito."Sanayan lang siguro!" Nagkibitbalikat na sabi niya.
Kinuha rin niya ang kape niyang tinimpla.
"Mas maganda ka kapag wala kang make up!" Ani nito. Napangiti si Angel.
"Talaga ba?" Biro niya rito.
"Yes!"
Naglakad siya palabas ng kusina. Sumunod naman ito. Umupo siya sa sofa saka tinap ang bakanteng pwesto sa tabi.
"Nasaan ang family mo?"
"Ahh, wala nasa probinsya!" Aniya saka nag-iwas ng tingin.
"Ikaw?"
"Wala na! Ulila na!" Tugon nito sa tanong niya.
"---Pinatay sila!" Dugtong nito. Kuyom na kuyom ang kamao blanko ang expression ng mukha.
A/n: thanks for reading.
Hindi siya pumasok sa club. Bukod kasi sa hindi naman pupunta roon ang lalaki ay kailangan din nilang mag-usap ni Tori.Ito ang nagpapadala ng mga mensahe sa kanya na pinapabasa niya kunwariy galing B.K.O. Kung bakit praning na praning ang lalaki sa pag-aalala sa kanya. Pero hindi siya ipinanganak kahapon, Alam niya kung bakit ito nagkakaganun. Gusto nitong mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng nobya nito. Pero wala naman siyang pakialam roon.At yung halik na pinagsaluhan nila? At iba pang ginawa nito sa kanya. Masakit pa ang pagkababae niya dahil sa ginawa nito. At medyo iniinda niya iyon. Pero wala lang iyon para kay Barbara. Sanay siya na paglaruan ang emosyon ng mga taong ginagamit niya sa laro. Manipulator? Siguro nga, pero gaya ng sabi niya wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba. Basta nagagawa niya ang trabaho niya at natatapos niya ang mission
"Okay na si Nanay, pero kailangan daw nyang magstay sa ospital!" Ani ni Trina. Dumaan ito sa bahay nya. Dala na ang gamit na dadalhin nito sa ospital. Magpapahinga daw muna ito dahil yun ang bilin ng ama nito."Magpahinga ka na, babalik ka pa sa ospital! Ito oh, gamitin nyo muna nila Nanay!" Malaki kasi ang gagastusin nito dahil kagabi rin kinailangan ng emergency operation ang matanda. Alam ni Ara na malaki ang gastusin sa ospital. Sa tulong kagabi ni Zander na ayos agad ang operasyon at hindi ito umalis sa tabi ni Ara.Tulog na si Trina sa silid niya ng marinig ang ugong ng sasakyan. Kilala na niya ang tunog na iyon."Zander!" Aniya ng pagbuksan ito ng gate. Umugong nanaman ang bulungan ng mga kapitbahay niya sa harap ng tindahan ni Aling Ditas."Pasok!" Aniya na niluwagan ang pagkakabukas ng gate. May kinuha pa ito sa likod ng sasakyan ng ilang supot ng groceries."Para saan yan?" Aniya
"Ayos ka lang?" Ani ni Angel sa lalaking tahimik na umiinom sa kanyang tabi. Wala ang grupong madalas nitong bantayan. Simula kaninang dumating ito ay tahimik lang.Bumuntong hininga si Angel sabay tayo. Hinubad ang suot na jacket na galing dito."Gusto mo atang mag-isa? Magtrabaho muna ako!" Akma na siyang tatalikod ng hawakan nito ang palad niya."Stay!" Ani nito saka hinila siya paupo. Muli nitong ipinatong ang jacket sa kanya."Ano ba kasing problema mo?" Ani nito na seryosong tinignan ang lalaki. Inagaw ang hawak nitong alak saka pabagsak na inilapag sa mesa.
"Alexander Simoen, his adopted son of Marlon Simoen, a businessman---a billionaire businessman!""Hindi ko mahanap ang tunay nyang pangalan, it's either hindi siya rehistrado o may bumura ng lahat ng records niya!" Ani ni Tori na kaharap na niya ngayong nakaupo. Sa tapat nito ang laptop nito at siya ang folder na ibinigay nito."Hinahanting nya ang B.K.O, dahil sa girlfriend nya!""Girlfriend?" Takang sabi niya. Ayon dito ng nakausap niya ito wala itong kasintahan, pero na realize din ni Barbara na nasa club nga pala sila. At walang totoo sa lahat ng bagay sa lugar na iyon. Akala pa naman niya dahil
"Ara! Ara!" Malakas na kinakalampag ni Trina ang gate na bakal ng bahay ng kaibigan. Bitbit ang tupperware na may lamang ulam."Hoy Trina, baka tulog pa yang kaibigan mong laspag na nag-uwi ng naka otong lalaki kagabi!" Ani ni Ditas na nakalusot ang ulo sa butas ng tindahan nito."Hoy, Aling Ditas, makalaspag ka grabe ah! Wag mong sinasabihan ng ganyan yang friend ko. Ganoon ba ang itsura ng laspag? Eh ano pa yang sayo? Lawlaw dede abot hanggang singit na maanghit!" Ani nito saka dinilaan ang matanda."Hoy Trina, tumigil ka nga! Pasok ka!" Ani ni Ara na natatawa sa itsura nito. Fighter din tong loka-lokang ito eh."Eh kasi tong matandang to eh, kekukunat naman ng tinda singkunat nya!" Hinawakan na niya sa braso ang kaibigan at
"Angel, tumable ka daw dun sa costumer mo!" Natigilan si Angel at takang tinignan si Cloe. Nakangisi ito na waring natutuwa pa."Costumer?""Yung Zander!" Ani nito na napahagikgik pa. Ilang beses ng bumalik si Zander simula ng makilala niya ito. At sa tuwing nagpupunta ito, bukod sa mga bodyguards ay wala na itong kasama. Mag-isang umiinom at nakikipag-kwentuhan sa kanya. Pero malakas makiramdam si Angel, Hindi siya kumbinsido na siya ang binabalikan dito ng lalaki.Madalas itong nakatutok ang atensyon sa isang grupo ng mga VIP's ng club. Umo