Mag-log inIsang tapik sa balikat ang nagpabangon sa akin. Umangat ang ulo ko at nakita si Wilder na kasamahan ko sa OJT.
"Woah, ang sama ng gising ah" ang biro nito. Hindi ko namalayan na nakatulog ako dito sa hospital na pinag-OOJT an namin.
"Eyebags lang to" sabay turo sa itim na nasa ilalim ng mga mata ko.
"Umuwi ka nalang muna. Ako magpapaalam sayo kay Doc, pakikiss nalang si Ralph para sa akin" ang utos nito. Siya mismo ang nagligpit ng nga gamit ko.
"Sigurado ka?" ang tanong ko?
"Oo naman, kawawa ka" ang biro nito ngunit isang suntok sa balikat ang isinukli ko. Quits lang kami.
Palabas ako ay nagpapaalam na rin ako sa mga nakakasalubong kong pasyente, doctor at nurses pero agaw atensyon nila ang malaki kong eyebags.
"Oh Joshua, uuwi ka na?" ang tanong ni Doc Greg.
"Opo doc, di na kinaya eh" ang sagot sabay turo sa eyebags ko.
"Oh siya. Umuwi ka na" ang utos naman ng doctor kaya nagpatuloy ako na lumabas ng hospital.
Dumaan ako sa parke dahil doon ay mas malapit akong makakauwi.
Inaantok na ako, ikaw ba naman ang laging nilang inuutos-utusan para i check ang mga pasyente, sabay-sabay pa iyon ah.
Liliko sana ako ng kanto at makikita ang subdivision namin nang may narinig akong umuungol sa madilim na prte ng kanto.
Hindi ungol na nasasarapan kundi ungol ng sakit, kaya bilang isang nurse ay gagawin ko lahat ng itinuro nila sa akin.
Lumapit ako kung saan ko naririnig at inilawan iyon. Tumumbad sa akin ang lalaking may kutsilyo sa tagiliran nito.
Mabilis akong lumapit at inilabas siya doon sa pinagtataguan niya, dahil hinang-hina na siya ay hindi ito nanlaban.
Kinapa ko agad ang cellphone at akmang tatawagan ang hospital namin ng kinuha ng lalaki ito at itinapon dahilan para magbasag-basag.
Inis ang lumukob sa inakto ng lalaki pero inalala kong pasyente ko pala siya.
Walang taong dumadaan kaya malaya kong itinaas ang kanyang damit at leather jacket para malaya kong makita ang kanyang sugat.
Kinuha ko naman sa bag ko ang first aid kit at nilinisan ito para umepektibo ang paunang lunas na gagawin ko.
"Aghhh" ang ungol nito ng tapalan ko ng betadine ang kanyang sugat.
Matapos kong gamitin siya ay kinapa ko angkanyang mga bulsa.
"Sir, taga saan kayo?" ang tanong ko habang patuloy kong kinakapa ang kanyang bulsa.
Hindi ito sumagot bagkus tumayo ito ng parang walang sugat.
"Salamat" ang tugon at tumalikod sa akin. Lalayo sana ito ng bigla nalang tumumba, siguro napagod.
Taranta akong lumapit sa kanya at tinulungang tumayo.
"Sa amin ka muna. Mukhang wala ka pa sa wastong isip" ang suhestiyon ko. May dumaan na taxi kaya pinara ko na iyon. Kahit ilang minuto lang ang dadaanin ko ay magtataxi para di ako mapagod kakabuhat sa lalaking ito.
"OMG" ang tili ng mas batasa akin na kasambahay namin na si Lorianne nang makarating ako sa mansion.
"Tulungan mo nga ako, ang bigat bigat ng lalaking ito" ang utos ko na ginawa niya. Tinulungan ako nitong itaas sa aking kwarto.
Nang mailapag na namin sa aming kama ay nagpasalamat ako kay Lorainne.
"Walang anuman pogi, sandali kuha lamg ako ng bimpo at mainit na tubig.
"Sige sige" ang sagot ko naman.
Pagka-alis ni Lorainne ay bumaling ako sa lalaki. Gwapo ito, matangos ang ilong, may hati ang kilay tulad ni Charlie Puth, maputi at pula ang mga labi.
First time kong hinangaan ang mga ko lalaki.
Itutuloy...
"Let us welcome, Nick" ang sigaw ng emcee. Humarap sa spotlight si Nick at nagsitilian ang mga babae. Sabagay, gwapo naman si Nick kahit saang anggulo."Hi" baritono ang boses na mas lalo nagpahiyaw sa mga kababaihan at mga binabae."Alam kong familiar sa inyo itong kanta kaya bago ako magsimula, please stand up and find pairs" ang utos nito. Nagsikilos ang mga tao at naghanap ng mga makakapareha.May babae sa babae, lalaki sa lalaki, babae sa lalaki at pati mga matatanda ay nakisali na rin."Here it is" at nagsimula nang tugtog.MABAGAL PLAYINGGusto kitang isayaw ng mabagalGusto kitang isayaw ng mabagalHawak kamay, pikit-mataSumasabay sa musikaGusto kitang isayaw nang mabagal
Inis akong napabaling kay Nick nang bumaba kami ng sasakyan. Sino ba naman ang putang inang bababa sa nagbabagang araw? Buti sana kong shady area kami pero hindi, open area talga kami at naarawan pa.Bulong ng bulong kanina sa sasakyan na may mas maganda daw na mall kaming pupuntahan kaya bumaba kami isang hintayan ng taxi. Pinabalik na namin si Mang Andoy at sinabing magsinungaling nalang siya kay Lolo Verdi na kunwari hinatid kami sa mall.5 minutos kaming nakababad sa araw at sa wakas ay may napahinto kaming taxi."Sa mall po tayo" ang sagot nito matapos tanungin ng driver kung saang destinasyon.Sa loob ng taxi ay siya lang ang umiimik sa amin, sumasagot lang kapag may tinatanong. Hindi siya yung tipong kasama na tahimik, siya pa nga gagawa ng pagkwekwentuhan niyo.Seconds turned into minutes, and minutes turned into an hour. Medyo nakasanayan ko na siyang makipagkwentuhan sa kanya kaya para kaming tropa na nag-uusap. Tropa nga lang ba?
"Di mo bagay" ang komento para maitago ang pagkakilig ko. "Tara na nga"Habang pababa kami ng hagdan ay nagpahuli ito, ayos na iyo kesa makita ang namumula kong mukha."Sina lolo?" ang tanong ko kay Aling Imelda nang mapansing wala ang lolo't kapatid ko."Naku, yang dalawa grabe maglaro kanina, ayun nakatulog" asagot naman nito sabay turo sa living area kung saan nakatulog sila sa matted fur.Nauna na kaming kumain. Mahuhuli daw si Aling Imelda at Aling Ori dahil tatapusin muna nilang magtupi ng damit. Walang imikan ang namuo habang kumakain kami ngunit matakaw talaga ito sa pagkain. Biruin mo kayang ubusin ang isang kalderong kanin.Nang matapos kumain ay hinugasan ko na ang aming plato. Nakaupo lang naman si Nick habang tinititigan ang ginagawa kong paghuhugas, kita sa peripheral vision ko."Tara na" ang utos ko. Muli kaming umakyat at nagpahuli na naman siya. Nakakapagtaka.Nasa harapan na ako ng pinto nang maramdama
"Ano yan?" ang pagkakalabit ko sa kanya. Nagulat pa ito at parang di naramdaman ang pagpasok ko."Wala, binabasa ko lang itong mga pinagsusulat mo. Ang ganda pala ng penmanship mo" ang sagot niya. Tila lumaki naman ang ulo ko sa papuri nito."Hindi lang maganda, matalino pa" ang bulong ko naman pero narinig niya."Talaga? Mas matalino kaya ako. May scholarship ako sa university na pinapasukan ko. Ikaw?" pagmamayabang nito."Validectorian ako since elementary. Walang ni isang absent at hinakot ko lahat ng best in sa school" pagmamayabang ko rin pero mukhang hindi ito magpapatalo."Natalo ko ang apat na college student noong highschool ako""Ako ang itinanghal na 'School Genius' sa campus""Akong tinaguriang 'Einstein' sa school""Ako din naman ang tinaguriang 'Einstein' sa school may bonus pang pa medal at certificate""AKO ANG MAS MALAKI ANG ARI SA ATIN""MAS MATAMBOK ANG PWET KO KESA SA MGA BABAE"Napatigi
Bumaba na kaming dalawa pero may dumistansya ako sa kanya. Siya naman ay nakangiting aso na para bang nanalo ng lotto. Sino ba naman ang hindi ma-aakward?May papito-pito pa ito at tumigil lang ito nang makita si Lolo Verdi sa lamesa. Malumanay naman siyang tinignan pabalik ng matanda."Mga hijo, halina't kumain na tayo. Joshua, paupuin mo muna ang bisita mo tiyak na hindi pa yan nakakakain" gulat akong napatingin sa kanya. Ito ang unang beses na marinig ang malumanay nitong tono sa estrengherong tao.Kadalasan ay mababa at nakakatakot ang boses nito sa mga taong di pa niya nakikilala. Tulad ng boyfriend ni Lorraine na 24 hours na itong tinititigan hanggang sa nakipapagkilala ang lalaki. Si Wilder naman na bumisita dito dahil nagkasakit si Ralph, ayun mababa ang tono ang uri ng pakikipag-usap nito."Anong pangalan mo, hijo?" ang tanong ni Lolo, tinutukoy niya ay ang aking katabing lalaki. Gutom nga ito, ang dumi kumain, lalaking-lalaki.Nahar
Hiya ang naramdaman ko nang mapansin ang posisyon namin. Nakaharap ako sa matipuno nitong dibdib at nakaunan sa kanyang braso habang ang isa nitong braso ay nakayakap sa akin.Para kaming mag-asawa sa eksenang iyon. Mas ikinakaba ko noong maramdaman ang aking hita na nakapatong rin sa kanyang hita.Tumingin ako sa kanyang mukha at naabutang tulog na tulog ito, mas mabuti nalang iyon.Maingat kong inalis ang aking hita. Kakalas sana ako sa kanyang pagkakayakap ng hinigpitan nito pagkakayakap.Nag-isip nalang ako ng ibang paraan para makawala at iyon ay pilitin ang sarili na isiksik ang aking katawan.Maingat akong isiniksik ang aking katawan pababa para hindi nito higpitan ang pagkakayakap. Nang makaalis ang ulo ko ay binigla ko rin ang pagtayo.Nerbyos ang naramdaman ko matapos iyon. Agad akong nagtungo sa banyo para magsipilyo at mag-ayos ng sarili.Nasa ganoong paghihilamos ako ay narinig kong may pumasok sa aking kwarto dahil sa pa