LOGINBumaba na kaming dalawa pero may dumistansya ako sa kanya. Siya naman ay nakangiting aso na para bang nanalo ng lotto. Sino ba naman ang hindi ma-aakward?
May papito-pito pa ito at tumigil lang ito nang makita si Lolo Verdi sa lamesa. Malumanay naman siyang tinignan pabalik ng matanda.
"Mga hijo, halina't kumain na tayo. Joshua, paupuin mo muna ang bisita mo tiyak na hindi pa yan nakakakain" gulat akong napatingin sa kanya. Ito ang unang beses na marinig ang malumanay nitong tono sa estrengherong tao.
Kadalasan ay mababa at nakakatakot ang boses nito sa mga taong di pa niya nakikilala. Tulad ng boyfriend ni Lorraine na 24 hours na itong tinititigan hanggang sa nakipapagkilala ang lalaki. Si Wilder naman na bumisita dito dahil nagkasakit si Ralph, ayun mababa ang tono ang uri ng pakikipag-usap nito.
"Anong pangalan mo, hijo?" ang tanong ni Lolo, tinutukoy niya ay ang aking katabing lalaki. Gutom nga ito, ang dumi kumain, lalaking-lalaki.
Naharap agad siya kay Lolo at uminom ng tubig. "I'm sorry, gutom talaga ako at masarap yung pagkain. Ako po pala si Nicholas, pwede din niyo akong tawaging Nick. Nakatira po sa Bagong Bahay Street. Magtanong-tanong lang po kayo, kilala nila ako doon" sagot ng katabi kong nagngangalang Nicholas at pinagpatuloy ang pagkain.
Nagpatuloy kami sa pagkain, nagkwekwentuhan at nagtatawanan din minsan pero umaagaw talaga sa pansin ko ay si Nick na nakaka-apat ng sandok ng kanin.
"Ang takaw at ang ganda ng katawan. Sana all" ang bulong ko sa isip.
Matapos ang agahan ay nauna na akong umakyat sa kwarto, may OJT pa ako mamaya habang ang iba naman pinagpapatuloy ang pagkain.
Nalligo muna ako at nang matapos ay inihanda ko ang aking damit. Tumalikod ako sa pinto kung nasaan ang salamin. Pagka-alis ko ng aking twalya ay siya namang pagbukas ng pinto at pumasok ang matakaw na lalaki. Shet, di ko nalock yung pinto.
Minadali kong isinuot ang twalya pero huli na ang lahat dahil nakita na nito ang kabuuan ng aking likuran.
"P-pwedeng lumabas ka muna? Paki-lock na rin" ang utos ko. Dumaan ang limang segundo bago nito sinunod, sinara at ni-lock nga ang pinto.
Habol-hininga akong napaupo sa silya. Pinagpatuloy ko nalang ang pananamit at inimpake ang kakailanganin ko sa OJT. Nang matapos ang lahat ay lumabas na akong kwarto, ngunit laking gulat ko na may malaking bulto doon.
Napatingin ako sa kanyang mata at ganoon din siya sa akin.
"Uhmm... Excuse me" ang saad ko kay Nick pero tila walang narinig at hindi gumalaw o gumilid manlang.
"Nick" mahina ko siyang sinampal sa kanyang pisngi. Napabalik ito sa wisyo at gumilid ng unti. "Sorry"
Bumababa na ako sa sala kung nasaan sina Lolo at Ralph na naglalaro. Nauna nang lumabas si Lorraine since mas maaga ang klase niya.
"Lolo, pupunta na po ako"
"Huwag na. Pinagpaalam na kita sa head dean ng nursing na hindi muna papasok. Walang magbabantay sa bisita mo. Kami ni Ralph, maglalaro buong araw. Diba, Ralph?" hindi sumagot ang kapatid ko dahil busy sa paglalaro ng robot na binili ng Lolo niya.
"Sana sinabi niyo ng mas maaga, hindi sana niya makikita ang likod ko" sagot ko naman pero binulong ko lang ang huli kong sinabi.
"Ano yun?" ang tanong niya.
"Wala po, magpapalit ulit ako sa taas" ang sagot ko nalang at muling umakyat sa kwarto. Pagpasok ko ay nakaupo ito sa aking silya at parang may binabasang libro.
Itutuloy...
"Let us welcome, Nick" ang sigaw ng emcee. Humarap sa spotlight si Nick at nagsitilian ang mga babae. Sabagay, gwapo naman si Nick kahit saang anggulo."Hi" baritono ang boses na mas lalo nagpahiyaw sa mga kababaihan at mga binabae."Alam kong familiar sa inyo itong kanta kaya bago ako magsimula, please stand up and find pairs" ang utos nito. Nagsikilos ang mga tao at naghanap ng mga makakapareha.May babae sa babae, lalaki sa lalaki, babae sa lalaki at pati mga matatanda ay nakisali na rin."Here it is" at nagsimula nang tugtog.MABAGAL PLAYINGGusto kitang isayaw ng mabagalGusto kitang isayaw ng mabagalHawak kamay, pikit-mataSumasabay sa musikaGusto kitang isayaw nang mabagal
Inis akong napabaling kay Nick nang bumaba kami ng sasakyan. Sino ba naman ang putang inang bababa sa nagbabagang araw? Buti sana kong shady area kami pero hindi, open area talga kami at naarawan pa.Bulong ng bulong kanina sa sasakyan na may mas maganda daw na mall kaming pupuntahan kaya bumaba kami isang hintayan ng taxi. Pinabalik na namin si Mang Andoy at sinabing magsinungaling nalang siya kay Lolo Verdi na kunwari hinatid kami sa mall.5 minutos kaming nakababad sa araw at sa wakas ay may napahinto kaming taxi."Sa mall po tayo" ang sagot nito matapos tanungin ng driver kung saang destinasyon.Sa loob ng taxi ay siya lang ang umiimik sa amin, sumasagot lang kapag may tinatanong. Hindi siya yung tipong kasama na tahimik, siya pa nga gagawa ng pagkwekwentuhan niyo.Seconds turned into minutes, and minutes turned into an hour. Medyo nakasanayan ko na siyang makipagkwentuhan sa kanya kaya para kaming tropa na nag-uusap. Tropa nga lang ba?
"Di mo bagay" ang komento para maitago ang pagkakilig ko. "Tara na nga"Habang pababa kami ng hagdan ay nagpahuli ito, ayos na iyo kesa makita ang namumula kong mukha."Sina lolo?" ang tanong ko kay Aling Imelda nang mapansing wala ang lolo't kapatid ko."Naku, yang dalawa grabe maglaro kanina, ayun nakatulog" asagot naman nito sabay turo sa living area kung saan nakatulog sila sa matted fur.Nauna na kaming kumain. Mahuhuli daw si Aling Imelda at Aling Ori dahil tatapusin muna nilang magtupi ng damit. Walang imikan ang namuo habang kumakain kami ngunit matakaw talaga ito sa pagkain. Biruin mo kayang ubusin ang isang kalderong kanin.Nang matapos kumain ay hinugasan ko na ang aming plato. Nakaupo lang naman si Nick habang tinititigan ang ginagawa kong paghuhugas, kita sa peripheral vision ko."Tara na" ang utos ko. Muli kaming umakyat at nagpahuli na naman siya. Nakakapagtaka.Nasa harapan na ako ng pinto nang maramdama
"Ano yan?" ang pagkakalabit ko sa kanya. Nagulat pa ito at parang di naramdaman ang pagpasok ko."Wala, binabasa ko lang itong mga pinagsusulat mo. Ang ganda pala ng penmanship mo" ang sagot niya. Tila lumaki naman ang ulo ko sa papuri nito."Hindi lang maganda, matalino pa" ang bulong ko naman pero narinig niya."Talaga? Mas matalino kaya ako. May scholarship ako sa university na pinapasukan ko. Ikaw?" pagmamayabang nito."Validectorian ako since elementary. Walang ni isang absent at hinakot ko lahat ng best in sa school" pagmamayabang ko rin pero mukhang hindi ito magpapatalo."Natalo ko ang apat na college student noong highschool ako""Ako ang itinanghal na 'School Genius' sa campus""Akong tinaguriang 'Einstein' sa school""Ako din naman ang tinaguriang 'Einstein' sa school may bonus pang pa medal at certificate""AKO ANG MAS MALAKI ANG ARI SA ATIN""MAS MATAMBOK ANG PWET KO KESA SA MGA BABAE"Napatigi
Bumaba na kaming dalawa pero may dumistansya ako sa kanya. Siya naman ay nakangiting aso na para bang nanalo ng lotto. Sino ba naman ang hindi ma-aakward?May papito-pito pa ito at tumigil lang ito nang makita si Lolo Verdi sa lamesa. Malumanay naman siyang tinignan pabalik ng matanda."Mga hijo, halina't kumain na tayo. Joshua, paupuin mo muna ang bisita mo tiyak na hindi pa yan nakakakain" gulat akong napatingin sa kanya. Ito ang unang beses na marinig ang malumanay nitong tono sa estrengherong tao.Kadalasan ay mababa at nakakatakot ang boses nito sa mga taong di pa niya nakikilala. Tulad ng boyfriend ni Lorraine na 24 hours na itong tinititigan hanggang sa nakipapagkilala ang lalaki. Si Wilder naman na bumisita dito dahil nagkasakit si Ralph, ayun mababa ang tono ang uri ng pakikipag-usap nito."Anong pangalan mo, hijo?" ang tanong ni Lolo, tinutukoy niya ay ang aking katabing lalaki. Gutom nga ito, ang dumi kumain, lalaking-lalaki.Nahar
Hiya ang naramdaman ko nang mapansin ang posisyon namin. Nakaharap ako sa matipuno nitong dibdib at nakaunan sa kanyang braso habang ang isa nitong braso ay nakayakap sa akin.Para kaming mag-asawa sa eksenang iyon. Mas ikinakaba ko noong maramdaman ang aking hita na nakapatong rin sa kanyang hita.Tumingin ako sa kanyang mukha at naabutang tulog na tulog ito, mas mabuti nalang iyon.Maingat kong inalis ang aking hita. Kakalas sana ako sa kanyang pagkakayakap ng hinigpitan nito pagkakayakap.Nag-isip nalang ako ng ibang paraan para makawala at iyon ay pilitin ang sarili na isiksik ang aking katawan.Maingat akong isiniksik ang aking katawan pababa para hindi nito higpitan ang pagkakayakap. Nang makaalis ang ulo ko ay binigla ko rin ang pagtayo.Nerbyos ang naramdaman ko matapos iyon. Agad akong nagtungo sa banyo para magsipilyo at mag-ayos ng sarili.Nasa ganoong paghihilamos ako ay narinig kong may pumasok sa aking kwarto dahil sa pa