"At dinala ko na rito dahil di ko alam ang bahay nila" kinwento ko kay Lorainne ang lahat ng nangyari, simula sa nahanap ko siya, sa ginawa niya sa aking cellphone hanggang sa makauwi kami dito."Buti talaga dinala mo dito. May gwapo na naman akong pagnanasaan" ang malanding tugon ng babaeng ito."Tado, baka magalit boyfriend mo" ang sagot ko at sabay kaming natawa."Si Ralph? Natulog na?" ang tanong nang hindi ko mahalagilap si Ralph sa sala. Kadalasan, kapag umuuwi ako ay nandoon ang aking pamangkin na naglalaro sa sala."Oo, napagod siguro kakalaro nila nanay. Gosh, pag-uwi ko nga kanina galing school ay nakita kong hinahabol ni mama si Ralph na hawak-hawak ang walis tingting" ang sagot nito. Wala na akong oras para bantayan ko ang pamangkin ko pero buti nalang andyan sina Aling Imelda, nanay ni Lorainne at si Aling Ori."Si Lolo nga pala, di pa umuwi?" ang tanong ko."Hindi pa" ang sagot niya at nasa ganoong pag-uusap kami ay bumukas ang
Last Updated : 2020-09-22 Read more