Share

CHAPTER 3

Author: JL Prince
last update publish date: 2020-09-22 22:25:07

Marahan kong binuksan ang pinto ng aking kwarto at pumasok. Maamong mukha ang naabutan ko sa lalaking natutulog sa aking kama.

Dumiretso na ako sa banyo pagkakuha ko ng aking damit. Shower lang ako ngayon kasi gabi na.

Matapos iyon ay lumabas na ako, pareho parin ang posisyon ng lalaki. Maingat akong tumabi sa kanya, malaki ang kama kaya hindi ko proproblemahin kong maiipit ko siya o hindi.

Baka ako ang ipitin sa laki ba naman ng katawan nito, siguro batak ito sa gym kasi malapad ang likod noong pinapalitan namin ng damit ni Lorainne, tumili pa siya ng mahina dahil may abs ang lalaking ito.

Bilugan ang mga braso at dahil kasya ang mga damit ko sa kanya ay nakahubad nalang ito at malaya kong nakikita ang utong nitong mala-eraser.

Pinatay ko nalang ang ilaw at hininaan ang lamig ng aking aircon para hindi lamigin ito. At para mas sigurado ako ay dinoble ko ang kanyang kumot, mas mabuting mainitan siya kesa lamigin.

Tumabi na ako paharap sa kanya at isinara ang mga mata. Dahil sa pagod ay napalalim ang tulog ko at naramdaman nalang na mah humawak sa aking mga kamay bago ako lamunin ng antok.

"Taga saan ka, hijo?" ang tanong ng mamang na nakasuot ng itim na salamin.

"Tulungan niyo po ako, may humahabol po sa amin at gustong kaming patayin. Ang ate ko nabangga kanina pero sabi niya huwag daw ako babalik kahit anong mangyari. Tulungan niyo po ako, paki-usap" ang sagot ko. Nang tumingin ako sa kanya ay wala itong emosyon na pinakita bagkus ay binuksan nito ang kanyang pinto.

"Sumunod ka sa akin" ang utos nito. Sinundan ko siya papasok sa kanyang tahanan at sinalubong kami ng isang ginang kasama ang kanyang anak na babae.

"Sino ito?" ang tanong ni Ginang sa mamang tumulong sa amin.

Nag-usap ang dalawa ng pribado, baka sinasabi ang mga pinagsasabi ko kanina habang ang anak nitong dalaga ay naiwan.

"Anong pangalan mo?" ang tanong nito.

"Raleh" ang sagot ko naman.

"Ako si Lorainne" ang pagpapakilala nito at tumingin sa bitbit kong sanggol. 

"Siya? Ilang taon na?" 

"Ah, siya si JR. 9 months palang siya" ang sagot ko naman.

Kinurot ng dalaga ang kanyang pisngi at tumawa naman ang bata. Sadyang mataba ang pisngi ng sanggol kaya masarap talagang pisilin.

Matapos ang ilang minuto ay lumapit sa akin ang ginang na kausap ng matandang tumulong sa amin.

"Naku, akin muna itong matabang ito. Papaliguan ko lang" ang saad ng ginang bago kargahin si JR.

"Sir, pwedeng dito nalang po ang pamangkin para makasiguro ako na maayos siya" ang shustiyon ko pero umiling ang matanda.

"Hindi lang siya ang titira dito, kayong dalawa. Hindi matatahimik ang konsensya ko kung may mangyaring masama sa inyo. At huwag kang mag-alala tungkol sa identity mo, papalitan natin ito para ka ma-track ng mga gustong pumatay sa inyo" ang sagot ng matanda.

"Eh, kahit magpalit ako ng pangalan ay mamumukhaan nila ako" 

"Hijo ang sabi ko huwag kang mag-alala"

"Maraming salamat po sir"

"Huwag mo akong tawaging sir, mas mainam na Lolo. Lolo Verdi ang itawag mo sa akin. Diba Lorainne?" 

Tumingin ako sa dalagang kausap ko kanina. Tumango ito bilang sagot sa matanda.

Napamulat nalang ako ng mga mata. Panaginip lang pala iyon, mga eksenang naganap 2 taon ang nakalipas.

Gumalaw ang aking katabi kaya napatingin ako sa kanya ngunit laging gulat ko nang dibdib nito ang aking kaharap.

Itutuloy...

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Guns and Medicines    CHAPTER 9

    "Let us welcome, Nick" ang sigaw ng emcee. Humarap sa spotlight si Nick at nagsitilian ang mga babae. Sabagay, gwapo naman si Nick kahit saang anggulo."Hi" baritono ang boses na mas lalo nagpahiyaw sa mga kababaihan at mga binabae."Alam kong familiar sa inyo itong kanta kaya bago ako magsimula, please stand up and find pairs" ang utos nito. Nagsikilos ang mga tao at naghanap ng mga makakapareha.May babae sa babae, lalaki sa lalaki, babae sa lalaki at pati mga matatanda ay nakisali na rin."Here it is" at nagsimula nang tugtog.MABAGAL PLAYINGGusto kitang isayaw ng mabagalGusto kitang isayaw ng mabagalHawak kamay, pikit-mataSumasabay sa musikaGusto kitang isayaw nang mabagal

  • Guns and Medicines    CHAPTER 8

    Inis akong napabaling kay Nick nang bumaba kami ng sasakyan. Sino ba naman ang putang inang bababa sa nagbabagang araw? Buti sana kong shady area kami pero hindi, open area talga kami at naarawan pa.Bulong ng bulong kanina sa sasakyan na may mas maganda daw na mall kaming pupuntahan kaya bumaba kami isang hintayan ng taxi. Pinabalik na namin si Mang Andoy at sinabing magsinungaling nalang siya kay Lolo Verdi na kunwari hinatid kami sa mall.5 minutos kaming nakababad sa araw at sa wakas ay may napahinto kaming taxi."Sa mall po tayo" ang sagot nito matapos tanungin ng driver kung saang destinasyon.Sa loob ng taxi ay siya lang ang umiimik sa amin, sumasagot lang kapag may tinatanong. Hindi siya yung tipong kasama na tahimik, siya pa nga gagawa ng pagkwekwentuhan niyo.Seconds turned into minutes, and minutes turned into an hour. Medyo nakasanayan ko na siyang makipagkwentuhan sa kanya kaya para kaming tropa na nag-uusap. Tropa nga lang ba?

  • Guns and Medicines    CHAPTER 7

    "Di mo bagay" ang komento para maitago ang pagkakilig ko. "Tara na nga"Habang pababa kami ng hagdan ay nagpahuli ito, ayos na iyo kesa makita ang namumula kong mukha."Sina lolo?" ang tanong ko kay Aling Imelda nang mapansing wala ang lolo't kapatid ko."Naku, yang dalawa grabe maglaro kanina, ayun nakatulog" asagot naman nito sabay turo sa living area kung saan nakatulog sila sa matted fur.Nauna na kaming kumain. Mahuhuli daw si Aling Imelda at Aling Ori dahil tatapusin muna nilang magtupi ng damit. Walang imikan ang namuo habang kumakain kami ngunit matakaw talaga ito sa pagkain. Biruin mo kayang ubusin ang isang kalderong kanin.Nang matapos kumain ay hinugasan ko na ang aming plato. Nakaupo lang naman si Nick habang tinititigan ang ginagawa kong paghuhugas, kita sa peripheral vision ko."Tara na" ang utos ko. Muli kaming umakyat at nagpahuli na naman siya. Nakakapagtaka.Nasa harapan na ako ng pinto nang maramdama

  • Guns and Medicines    CHAPTER 6

    "Ano yan?" ang pagkakalabit ko sa kanya. Nagulat pa ito at parang di naramdaman ang pagpasok ko."Wala, binabasa ko lang itong mga pinagsusulat mo. Ang ganda pala ng penmanship mo" ang sagot niya. Tila lumaki naman ang ulo ko sa papuri nito."Hindi lang maganda, matalino pa" ang bulong ko naman pero narinig niya."Talaga? Mas matalino kaya ako. May scholarship ako sa university na pinapasukan ko. Ikaw?" pagmamayabang nito."Validectorian ako since elementary. Walang ni isang absent at hinakot ko lahat ng best in sa school" pagmamayabang ko rin pero mukhang hindi ito magpapatalo."Natalo ko ang apat na college student noong highschool ako""Ako ang itinanghal na 'School Genius' sa campus""Akong tinaguriang 'Einstein' sa school""Ako din naman ang tinaguriang 'Einstein' sa school may bonus pang pa medal at certificate""AKO ANG MAS MALAKI ANG ARI SA ATIN""MAS MATAMBOK ANG PWET KO KESA SA MGA BABAE"Napatigi

  • Guns and Medicines    CHAPTER 5

    Bumaba na kaming dalawa pero may dumistansya ako sa kanya. Siya naman ay nakangiting aso na para bang nanalo ng lotto. Sino ba naman ang hindi ma-aakward?May papito-pito pa ito at tumigil lang ito nang makita si Lolo Verdi sa lamesa. Malumanay naman siyang tinignan pabalik ng matanda."Mga hijo, halina't kumain na tayo. Joshua, paupuin mo muna ang bisita mo tiyak na hindi pa yan nakakakain" gulat akong napatingin sa kanya. Ito ang unang beses na marinig ang malumanay nitong tono sa estrengherong tao.Kadalasan ay mababa at nakakatakot ang boses nito sa mga taong di pa niya nakikilala. Tulad ng boyfriend ni Lorraine na 24 hours na itong tinititigan hanggang sa nakipapagkilala ang lalaki. Si Wilder naman na bumisita dito dahil nagkasakit si Ralph, ayun mababa ang tono ang uri ng pakikipag-usap nito."Anong pangalan mo, hijo?" ang tanong ni Lolo, tinutukoy niya ay ang aking katabing lalaki. Gutom nga ito, ang dumi kumain, lalaking-lalaki.Nahar

  • Guns and Medicines    CHAPTER 4

    Hiya ang naramdaman ko nang mapansin ang posisyon namin. Nakaharap ako sa matipuno nitong dibdib at nakaunan sa kanyang braso habang ang isa nitong braso ay nakayakap sa akin.Para kaming mag-asawa sa eksenang iyon. Mas ikinakaba ko noong maramdaman ang aking hita na nakapatong rin sa kanyang hita.Tumingin ako sa kanyang mukha at naabutang tulog na tulog ito, mas mabuti nalang iyon.Maingat kong inalis ang aking hita. Kakalas sana ako sa kanyang pagkakayakap ng hinigpitan nito pagkakayakap.Nag-isip nalang ako ng ibang paraan para makawala at iyon ay pilitin ang sarili na isiksik ang aking katawan.Maingat akong isiniksik ang aking katawan pababa para hindi nito higpitan ang pagkakayakap. Nang makaalis ang ulo ko ay binigla ko rin ang pagtayo.Nerbyos ang naramdaman ko matapos iyon. Agad akong nagtungo sa banyo para magsipilyo at mag-ayos ng sarili.Nasa ganoong paghihilamos ako ay narinig kong may pumasok sa aking kwarto dahil sa pa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status