Share

CHAPTER 8

Author: JL Prince
last update publish date: 2020-10-27 01:46:16

Inis akong napabaling kay Nick nang bumaba kami ng sasakyan. Sino ba naman ang putang inang bababa sa nagbabagang araw? Buti sana kong shady area kami pero hindi, open area talga kami at naarawan pa.

Bulong ng bulong kanina sa sasakyan na may mas maganda daw na mall kaming pupuntahan kaya bumaba kami isang hintayan ng taxi. Pinabalik na namin si Mang Andoy at sinabing magsinungaling nalang siya kay Lolo Verdi na kunwari hinatid kami sa mall.

5 minutos kaming nakababad sa araw at sa wakas ay may napahinto kaming taxi.

"Sa mall po tayo" ang sagot nito matapos tanungin ng driver kung saang destinasyon.

Sa loob ng taxi ay siya lang ang umiimik sa amin, sumasagot lang kapag may tinatanong. Hindi siya yung tipong kasama na tahimik, siya pa nga gagawa ng pagkwekwentuhan niyo.

Seconds turned into minutes, and minutes turned into an hour. Medyo nakasanayan ko na siyang makipagkwentuhan sa kanya kaya para kaming tropa na nag-uusap. Tropa nga lang ba? 

Bumaba na kami sa harap ng isang magarang mall. Sosyal ang dati naming pinupuntahang mall pero mas sosyal ito, ang lawak pang tignan.

Babayaran ko na sana ang bill namin sa taxi ng naabutan ko itong papaalis na. "Binayaran ko na" ang saad ni Nick. May pera siya?

Itinaas nito ang kanyang cellphone. "May laman ito" ang sagot lamang niya bago ako hilahin paloob. Sa paghawak niyang iyon ay parang may dumaloy na kuryente sa akin na agad na ikinapula ng mukha ko.

"Ayos ka lang ba?" napataas ako ng tingin nang tanungin niya ako. "Oo naman" sagot ko pero nakakramdam ako ng init.

"Sandali namumula mukha mo. Hindi ba masakit ulo mo?" ang tanong niya parang isang concern na boyfriend. Fuck you heart, stop beating so fast.

"Hindi no" ang sagot ko at nauna na akong pumasok, pinagbuksan ako ng gwardiya. "So, saan ang grocery area dito?" ang tanong, bago lang ako dito eh, kung sa dating mall ay mas kabisado ko pa.

Habang nasa ganoong paghahanap ng grocery area ay hinablot ni Nick yong papel.

"Sila na ang bahala dito" ang sabi nito sabay abot sa gwardiya. "Tropa ko pala" ang pagpapakilala at ngumiti lang ng mapakla ang gwardiya bago umalis.

"Huwag kang mag-alala, sila na bahala doon. Saan muna tayo? Arcade o fast food restaurant?" ang tanong nito. Sabagay, may oras pa naman. "Arcade" ang sagot ko.

"3, 2, 1, time's up" ang sigaw ko nang maubusan ng oras si Nick. Nasa basketball area kami, contest daw kami at paramihan ng score sa loob ng isang minutos. Hindi naman ako athlete kaya siya ang panalo ng sampung puntos.

"Saan na reward ko?" ang tanong nito. 

"Anong reward, wala tayong usapan na ganoon ah" ang sagot ko naman. Natawa nalang ito at uminom ng tubig na binili namin sa isang water station.

"Dito tayo next" hinila ko siya sa barilan. Zombie ang kaaway kaya tiyak na gaganahan ako. 

We spend almost 1 hour sa loob ng arcade na iyon. Marami kaming nalaro, napasayaw pa ako ng wala sa oras at ang mokong mukhang sanay na sanay sumaway. 

"Saan tayo next?" ang tanong niya. Napaisip muna ako habang kumakain ng ice cream, isa sa mga paborito ko.

"Pwede naman tayong mag sine?" nasa ganoong pag-iisip parin ako ay napadaan kami sa isang pa-show nilang kantahan. 

"Sino pa gustong kumanta diyan? Huwag na kayong mahiya" ang sigaw ng parang emcee. Ang mga taong nanood naman ay nagsisilungan para makahanap kung sino ang pwedeng kumanta.

"Panoorin mo ito" ang saad ni Nick at tinapos ang kinakaing ice cream. Lumapit ito sa stage at kinausap ang emcee.

Itutuloy...

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Guns and Medicines    CHAPTER 9

    "Let us welcome, Nick" ang sigaw ng emcee. Humarap sa spotlight si Nick at nagsitilian ang mga babae. Sabagay, gwapo naman si Nick kahit saang anggulo."Hi" baritono ang boses na mas lalo nagpahiyaw sa mga kababaihan at mga binabae."Alam kong familiar sa inyo itong kanta kaya bago ako magsimula, please stand up and find pairs" ang utos nito. Nagsikilos ang mga tao at naghanap ng mga makakapareha.May babae sa babae, lalaki sa lalaki, babae sa lalaki at pati mga matatanda ay nakisali na rin."Here it is" at nagsimula nang tugtog.MABAGAL PLAYINGGusto kitang isayaw ng mabagalGusto kitang isayaw ng mabagalHawak kamay, pikit-mataSumasabay sa musikaGusto kitang isayaw nang mabagal

  • Guns and Medicines    CHAPTER 8

    Inis akong napabaling kay Nick nang bumaba kami ng sasakyan. Sino ba naman ang putang inang bababa sa nagbabagang araw? Buti sana kong shady area kami pero hindi, open area talga kami at naarawan pa.Bulong ng bulong kanina sa sasakyan na may mas maganda daw na mall kaming pupuntahan kaya bumaba kami isang hintayan ng taxi. Pinabalik na namin si Mang Andoy at sinabing magsinungaling nalang siya kay Lolo Verdi na kunwari hinatid kami sa mall.5 minutos kaming nakababad sa araw at sa wakas ay may napahinto kaming taxi."Sa mall po tayo" ang sagot nito matapos tanungin ng driver kung saang destinasyon.Sa loob ng taxi ay siya lang ang umiimik sa amin, sumasagot lang kapag may tinatanong. Hindi siya yung tipong kasama na tahimik, siya pa nga gagawa ng pagkwekwentuhan niyo.Seconds turned into minutes, and minutes turned into an hour. Medyo nakasanayan ko na siyang makipagkwentuhan sa kanya kaya para kaming tropa na nag-uusap. Tropa nga lang ba?

  • Guns and Medicines    CHAPTER 7

    "Di mo bagay" ang komento para maitago ang pagkakilig ko. "Tara na nga"Habang pababa kami ng hagdan ay nagpahuli ito, ayos na iyo kesa makita ang namumula kong mukha."Sina lolo?" ang tanong ko kay Aling Imelda nang mapansing wala ang lolo't kapatid ko."Naku, yang dalawa grabe maglaro kanina, ayun nakatulog" asagot naman nito sabay turo sa living area kung saan nakatulog sila sa matted fur.Nauna na kaming kumain. Mahuhuli daw si Aling Imelda at Aling Ori dahil tatapusin muna nilang magtupi ng damit. Walang imikan ang namuo habang kumakain kami ngunit matakaw talaga ito sa pagkain. Biruin mo kayang ubusin ang isang kalderong kanin.Nang matapos kumain ay hinugasan ko na ang aming plato. Nakaupo lang naman si Nick habang tinititigan ang ginagawa kong paghuhugas, kita sa peripheral vision ko."Tara na" ang utos ko. Muli kaming umakyat at nagpahuli na naman siya. Nakakapagtaka.Nasa harapan na ako ng pinto nang maramdama

  • Guns and Medicines    CHAPTER 6

    "Ano yan?" ang pagkakalabit ko sa kanya. Nagulat pa ito at parang di naramdaman ang pagpasok ko."Wala, binabasa ko lang itong mga pinagsusulat mo. Ang ganda pala ng penmanship mo" ang sagot niya. Tila lumaki naman ang ulo ko sa papuri nito."Hindi lang maganda, matalino pa" ang bulong ko naman pero narinig niya."Talaga? Mas matalino kaya ako. May scholarship ako sa university na pinapasukan ko. Ikaw?" pagmamayabang nito."Validectorian ako since elementary. Walang ni isang absent at hinakot ko lahat ng best in sa school" pagmamayabang ko rin pero mukhang hindi ito magpapatalo."Natalo ko ang apat na college student noong highschool ako""Ako ang itinanghal na 'School Genius' sa campus""Akong tinaguriang 'Einstein' sa school""Ako din naman ang tinaguriang 'Einstein' sa school may bonus pang pa medal at certificate""AKO ANG MAS MALAKI ANG ARI SA ATIN""MAS MATAMBOK ANG PWET KO KESA SA MGA BABAE"Napatigi

  • Guns and Medicines    CHAPTER 5

    Bumaba na kaming dalawa pero may dumistansya ako sa kanya. Siya naman ay nakangiting aso na para bang nanalo ng lotto. Sino ba naman ang hindi ma-aakward?May papito-pito pa ito at tumigil lang ito nang makita si Lolo Verdi sa lamesa. Malumanay naman siyang tinignan pabalik ng matanda."Mga hijo, halina't kumain na tayo. Joshua, paupuin mo muna ang bisita mo tiyak na hindi pa yan nakakakain" gulat akong napatingin sa kanya. Ito ang unang beses na marinig ang malumanay nitong tono sa estrengherong tao.Kadalasan ay mababa at nakakatakot ang boses nito sa mga taong di pa niya nakikilala. Tulad ng boyfriend ni Lorraine na 24 hours na itong tinititigan hanggang sa nakipapagkilala ang lalaki. Si Wilder naman na bumisita dito dahil nagkasakit si Ralph, ayun mababa ang tono ang uri ng pakikipag-usap nito."Anong pangalan mo, hijo?" ang tanong ni Lolo, tinutukoy niya ay ang aking katabing lalaki. Gutom nga ito, ang dumi kumain, lalaking-lalaki.Nahar

  • Guns and Medicines    CHAPTER 4

    Hiya ang naramdaman ko nang mapansin ang posisyon namin. Nakaharap ako sa matipuno nitong dibdib at nakaunan sa kanyang braso habang ang isa nitong braso ay nakayakap sa akin.Para kaming mag-asawa sa eksenang iyon. Mas ikinakaba ko noong maramdaman ang aking hita na nakapatong rin sa kanyang hita.Tumingin ako sa kanyang mukha at naabutang tulog na tulog ito, mas mabuti nalang iyon.Maingat kong inalis ang aking hita. Kakalas sana ako sa kanyang pagkakayakap ng hinigpitan nito pagkakayakap.Nag-isip nalang ako ng ibang paraan para makawala at iyon ay pilitin ang sarili na isiksik ang aking katawan.Maingat akong isiniksik ang aking katawan pababa para hindi nito higpitan ang pagkakayakap. Nang makaalis ang ulo ko ay binigla ko rin ang pagtayo.Nerbyos ang naramdaman ko matapos iyon. Agad akong nagtungo sa banyo para magsipilyo at mag-ayos ng sarili.Nasa ganoong paghihilamos ako ay narinig kong may pumasok sa aking kwarto dahil sa pa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status