Guns and Medicines

Guns and Medicines

last updateLast Updated : 2020-10-27
By:  JL PrinceOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
0 ratings. 0 reviews
10Chapters
45views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

Isang pamilyang nasira dahil sa pagkakakulong ng malaking sindikato ng Pilipinas. Lumaki sa ibang pamilya si Raleh na ngayon ay nasa pangangalaga ni Don Verdi, ang tanyag na businessman ng Pilipinas. Hanggang kailan kaya siya magpapanggap?

View More

Chapter 1

PROLOGUE

"If your phone is ringing and an unregistered number is on the screen, what are you going to do?"

"I'll answer it and talk to the person who is on the other side"

"What if they threathened you?"

"I'll immediately report it to the police. I won't waste a time to give them a headstart"

"Impressive!" ang bati ng aking ama ng isa-isa kong sinagot ang mga tanong nito.

Isa siyang pulis habang ang aking ina naman ay teacher sa isang pampublikong eskwelahan.

Ang mga tanong ay parang training ko para maging handa ako sa lahat ng oras lalo na't nahuli ni tatay ang grupo ng pinakamalaking sindikato dito sa Pilipinas.

"Ayos bunso ang mga sagot mo ah" ang bati rin ni Kuya Alwen na nakikinig sa amin hawak-hawak ang anak niyang si JR. Isa rin siyang pulis kagaya ng aming ama.

Ako nga pala si Raleh, 18 taong gulang na ako ngayon. Ako ang bunso sa aming magkakapatid. Una ay si Kuya Alwen, isang pulis at tatay na rin kay JR. Sunod naman ay ang Ate kong isang Engineer na simahan lang si mama na mamalengke. Masaya ang aming pamilya kahit iilan lang kami dito sa bahay.

Lumapit ako kay Kuya Alwen at binitbit si JR, 9 months palang itong sanggol pero nagmumukhang 1 taong gulang.

Nasa ganoong pakikipaglaro ako kay JR nang pumasok sina nanay at ate na hinihingal.

Nataranta naman sina tatay at kuya habang si Ate ay tumakbo sa itaas. Wala akong kaide-ideya kung ano ang nagaganap.

Naguusap-usap sina nanay, tatay at kuya. Nang makababa na si Ate hawak-hawak ang bag at isang tango lang ang isinagot niya kina Kuya at hinila ako papunta sa likuran.

Hinawakan kong mabuti si JR hanggang sa makalabas kami ng pinto papuntang kalsada at doon na namin narinig ang mga putukan ng baril sa loob ng bahay.

Babalik sana ako pero mabilis na hinila ako ni Ate at kinarga si JR. Patuloy ang putukan ng mga baril habang ang mga kapitbahay namin ay nagsisigawan.

Patuloy kami sa pagtakbo hanggang sa huminto kami sa tapat ng eskinita papunta sa kabilang baranggay.

"Pumasok kayo diyan, huwag na huwag kang babalik. I'll distract them" ang utos ni Ate na agad kong tinutulan.

"Ate ay--" pinutol agad ni Ate ang sasabihin.

"Ral, huwag ng matigas ang ulo. Sundin mo nalang ang utos ko" base sa mukha nito ay talagang galit na.

Ibinigay niya sa akin si JR at ang bag na hindi ko alam ang laman. Tutol man ako pero sinundan ko nalang ang utos niya.

Diretso lang ang takbo at huling lingon ang ginawa ko ay tumakbo ang kapatid sa kabilang kalye ngunit sa kanyang pagtawid ay isang sasakyan ang bumangga sa kanya. Gusto ko sanang tignan ang sitwasyon niya pinili kong sundin ang kanyang utos.

Nang makalabas na ako sa eskinita ay nasa harap na ako ng isang subdivision. Walang gwardiyang nakabantay kaya naman pumasok ako sa loob.

Isang huling lingon bago ako nagpatuloy sa pagtakbo, huminto nalang ako noong umiyak si JR kaya naisipan kong maupo sa tapat ng malaking mansion.

Hindi ko alam kung paano patahanin si JR kaya binuksan ko ang bag at buti nalang may isang bote ng gatas na natimpla.

Pinadede ko muna ito at nasa ganoong pagpapadede ako ay bumukas ang gate ng kaharap kong bahay. Lumabas ang isang itim na mamahaling sasakyan.

Tumapat muna ito sa akin bago bumaba ang bintana ng sasakyan. Una kong nakita ang mukha ng lalaking matanda suot ang kanyang itim na tintang salamin.

Itutuloy...

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters
No Comments
10 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status