LOGINMasaya naming pinag masdan na mag-kakaibigan ang pangarap naming eskwelahan. Hindi pa 'din ako makapaniwala na nakapasa ako at nakapasok dito. Na alala ko noong nasa high school pa lamang ako, lagi ko itong nakikita sa diyaryo at telebesiyon.
"Ito naba talaga 'yon?" rinig kong tanong ni Kate. "Grabi ang ganda at ang laki pa pala sa inaasahan ko."
"Dito mag sisimula ang future natin," nakangiting sabi ko at nilingon silang dalawa. "Ano? Tara?" nakangiting yaya ko.
Tumango sila at ngumiti. "Tara."
Habang nag lalakad hindi ko maiwasan hindi igala ang paningin ko sa paligid. Maraming estudiyante na nag lilibot tulad namin, ang iba kumukuha ng litrato at nag kwekwentohan sa ilalim ng mga puno.
"Mag picture 'din tayo." Gulat akong napalingon kay Kate ng bigla niya akong hinila sa tabi niya. "Okay. One, two, three--"
Hindi ko pinatapos ang sasabihin niya ng nagsalita ako. "Ayo ko."
"Wag ka ngang KJ." Pinitik niya ang noo ko. "Tuwing mag pipicture nalang tayo lagi kang ganiyan."
"Malay kobang pangit ako diyan."
"Hindi ka papangit, magtiwala ka sa kamay 'kong mahiwaga." Mariin akong napapikit, hindi dahil wala akong tiwala sa kuha ni Kate, kundi hindi ako sanay na iba ang may hawak ng camera. "One, two, three. Say cheese!" Ngumiti nalang ako at kahit papaano hindi ako nakabusangot sa camera dahil lalo akong papangit pag gano'n.
"Patingin! Patingin!" Mabilis na inagaw ni Kyle ang cellphone. "Wow. Ang gwapo ko dito ah."
Inagaw ko ang cellphone sa 'kaniya at tiningnan ang kuhang litrato Hindi naman pangit ang kuha, kahit papaano maganda ang ngiti ko dito.
"Ano maganda ba?" tanong ni Kate.
Napa-angat ako ng tingin sa 'kaniya. "Oh!" Binigay ko ang phone niya. "Okay na 'yan."
Gumuhit ang ngiti sa labi niya. "Sabi ko sayo e, mag tiwala ka sa kamay kong mahiwaga, kahit sino kaya nitong pagandahin, kahit litrato."
"Bago mo ipagmayabang 'yang kamay mong mahiwaga, isipin mo muna kong saang building ang course natin."
"Oo nga pala, saang building ang course natin?" tanong ni Kyle. Bawa't courses kasi may kaniya-kaniyang building.
"Sumunod kayo sakin." Sinenyasan niya kaming sumunod sa 'kaniya.
Habang naglalakad patungo ng building. Meron kaming nadaanan na cafeteria at basketball court. Sa hindi kalayuan sa sentro ng eskwelahan, mayroon akong napansin na malaking poster na parang limang lalaki. Hindi ko medyo makita ang mga mukha nila dahil sa liwanag ng araw, masakit kasi sa mata.
"Ito na yata 'yon. Tara mag elevetor tayo." Pumasok kami ng elevetor at pinindot ang button 'kong saan floor kami dadalhin.
Isa 'din ito sa nagustuhan ko dito sa school, dahil bawa't building may elevetor. 'Kong tamad kang umakyat ng hagdan free mong magamit ang elevetor nila. Ito 'yong school nakakaiba para sa akin.
Bumukas ang elevetor. Ginala ko ang paningin sa hallway. Nag tataka ako 'kong bakit walang tao. Kahit boses wala kang maririnig at sobrang tahimik talaga ng paligid.
"S-Sure kabang ito ang building natin?" tanong ko at tiningnan siya.
"Oo?" patanong niyang sagot.
"E, bakit walang tao?" tanong namin ni Kyle.
"Wait, check ko muna sa map nila. Baka nag kamali ako ng tingin."
"Bakit kasi 'di mo dinouble check? Ayan tuloy nag kamali tayo," pang-sisi ni Kyle sa'kaniya.
"Tao lang 'din nag kakamali." Tumaas ang kilay ni Kate.
Ganiyan si Kate pag tumaas ang kilay niya lalo siyang nagiging mataray at nagiging maarte. Taas palang ng kilay niya kakabog kana talaga, at ang lakas rin makipag away niyan. Na alala ko noong high school kami, nakipag sabunutan at nakikipag sigawan talaga siya mga chismosa sa kalye kapag naririnig niyang chinichismiss siya. Kaso may pag ka OA 'din minsan.
"Wag na nga kayo mag awa--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng may narinig akong napakasarap na tugtug. 'Yong tipong pati tenga mo mapapatayo.
"T-Teka lang. May sisilipin lang ako," pa-alam ko at hindi na hinintay ang sagot nila.
Habang nag lalakad ako papalakas ng papalakas ang tugtug, at sobrang sarap talaga pakinggan. Nahinto ako sa isang malaking music room. Sinilip ko 'kong sino ang tumutugtug. Isang lalaki lang pala, nakapikit siya at feel na feel niya ang bawat notang pinapakawalan niya. Hindi ko mapigilan hindi mapangiti habang pinag mamasdan ko ang 'kaniyang mukha. Matangos ang ilong at mahaba ang pilik mata.
Pero agad nawala ang ngiti sa labi ko ng makita ko ang pagpatak ng mga luha mata niya. Tumigil siya sa pag piano at yumuko, narinig ko ang mahinang paghikbi niya. Parang tumamlay ang buong sistema ng katawan ko at namuo nalang bigla ang mga luha sa mga mata ko.
Hindi ko maiintindihan at kakaiba ang aking nararamdaman, parang tinutusok ang puso ko at ang bigat sa pakiramdam. Hindi ko naman siya kilala, pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit nasasaktan ako?
"I want to be with you forever, not for a moment."
Parang biglang nalambot ang tuhod ko at napa atras. Hindi ko alam pero kusang gumalaw ang mga paa ko hanggang sa may nadagil ako at gumawa nakakabinging ingay.
Napalingon ka agad ang lalaki sa akin at nanlaki ang matang pinagmasdan ako. Pinunasan niya ang mga luha niya.
"Y-Yesha?"
Hindi ko medyo narinig ang sinabi niya pero nakita ko ang pagbuka ng bibig niya. Naistatwa ako ng matagal at napatitig sa mukha niya.
Hahakbang nasana siya ng bigla akong kumaripas ng takbo.
"Yesha!"
Hindi ko pinansin ang tawag niya ng mabilis akong tumakbo at nag tago. Naramdaman 'kong sumunod siya sa akin, kaya sinilip ko siya ng kaunti. Palinga-linga siya at mukhang hinahanap ako.
Natigilan ako ng marealize ko ang ginawa ko. Bakit ako tumakbo? Bakit ako nagtago? Biglang pumatak ang luha sa mga mata ko at matagal bago naka recover. Napag desisyonan 'kong lumabas sa tinataguan ko para harapin at kausapin siya. Ngunit pagkalabas ko wala na siya, hindi ko na siya makita.
Bigla akong nalungkot at tinanong ang sarili ko. "B-Bakit koba siya hinahanap? Hindi ko naman siya kilala."
"Sai!" Napalingon ka agad ako sa tumawag sa akin. "S-Saan kaba pumunta? Kanina pa kami hanap ng hanap sayo?" hingal na hingal na tanong nila sa 'kin.
"Ano... May sinilip lang," pagdadahilan ko.
"Mali 'yong building na pinuntahan natin. Building ito ng mga kinalaman sa music."
Kaya pala ang dami 'kong music instruments na kikita sa paligid. Bawa't room may mga malalaking piano at 'kong ano-ano pa. At lalo na ang lalaking humabol sa akin kanina.
Tumamlay ang mga mata ko at ngumiti ng pilit. "Tara na, baka ma late pa tayo," yaya ko at nag pangunang nag lakad.
Pagkapasok ko ng bahay patay ang ilaw at tanging ilaw ng buwan galing sa bintana ang nagsisilbing liwanag para makakita ako kahit pa-paano. Mukhang kanina pa sila tulog. Gusto ko man tawagin si mama at si papa pero napag-isip ko na wag nalang at baka pagalitan nila ako. Gabi na 'din kasi at hindi ito ang oras na pag-uwi ng isang babae.Dahan-dahan ako naglakad at siniguro ko na wala akong ingay na magagawa at madagil na bagay. Akma na akong aakyat ng laking gulat ko ng biglang bumukas ang ilaw at paglingon ko bumagad sa 'kin ang mukha ni mama at papa. Naka-upo si mama sa sofa habang si papa nakatayo malapit sa switch ng ilaw. "Bakit ngayon kalang?" istriktong tanong ni papa sa 'kin. Napapikit ako at humarap sa 'kanila. Paktay mukhang mapapagalitan nanaman yata ako. Hindi ko naman kasi alam na nandiyan sila. Naka ilang lunok ako habang nakatingin sa 'kanila ng diretso.
Pagkapasok ko ng bahay patay ang ilaw at tanging ilaw ng buwan galing sa bintana ang nagsisilbing liwanag para makakita ako kahit pa-paano. Mukhang kanina pa sila tulog. Gusto ko man tawagin si mama at si papa pero napag-isip ko na wag nalang at baka pagalitan nila ako. Gabi na 'din kasi at hindi ito ang oras na pag-uwi ng isang babae.Dahan-dahan ako naglakad at siniguro ko na wala akong ingay na magagawa at madagil na bagay. Akma na akong aakyat ng laking gulat ko ng biglang bumukas ang ilaw at paglingon ko bumagad sa 'kin ang mukha ni mama at papa. Naka-upo si mama sa sofa habang si papa nakatayo malapit sa switch ng ilaw. "Bakit ngayon kalang?" istriktong tanong ni papa sa 'kin. Napapikit ako at humarap sa 'kanila. Paktay mukhang mapapagalitan nanaman yata ako. Hindi ko naman kasi alam na nandiyan sila. Naka ilang lunok ako habang nakatingin sa 'kani
Kakababa ko lang sa taxi at may dala-dala akong heart na unan, flowers at chocolates para kay mama. Bago kasi ako umuwi bumili ako nito sa mall para makabawi ako kay mama at para hindi na siya magtampo sa 'kin. Ito nalang kasi ang naiisip 'kong dahilan para mawala ang galit niya. Dahan-dahan 'kong binuksan ang gate at sinara. Bukas ang ilaw sa bahay at paniguradong kanina pa ako hinahanap at hinihintay ni mama. Akma akong kakatok ng na isip 'kong wag nalang.Sumilip muna ako sa bintana at nakita ko si mama at Kate na nag uusap. Ano kaya pinag-uusapan nila? Kumawala ako ng malakas na buntong-hininga. Nag inhale, exhale ako bago hinawakan ang door knob. Kinakabahan ako baka kasi...lalo nagalit si mama sa 'kin dahil hindi ako sumunod sa sinabi niya.
"Nakita ko talaga ang tunay niyang nanay." Natigilan ako sa sinabi ni papa. "Kaninong nanay po?" tanong ko.Gulat na gulat silang napatingin sa 'kin. "K-Kanina kapa diyan anak?" gulat na tanong ni mama."Kakarating ko lang po, bakit po?" Hindi ko sila maintindihan, base sa reaction nila. Parang may hindi ako dapat narinig sa pinag-uusapan nila. "S-Sino po pinag-uusapan niyo?" "A-Ano..." Hindi ako tanga para hindi makaramdam ng pagtataka at hinala. Feeling ko may kaka-iba talaga. Parang may tinatago sila sa 'kin. Matagal bago nakasagot si mama. "Nakita
JUSTIN'S POV."Ang ganda pa 'din ni Tita Yerah no?" tanong ni Druce at umupo sa sofa. Kakarating lang namin ng bahay ni Scart. Dito kasi kami gagawa ng report na isusubmit sa monday. "Oo nga ang ganda niya pa 'din," nakangiting sabi ko. Three years ago na 'din noong huli kaming nag kita ni tita. At kanina, wala pa rin pinag bago sa 'kaniya. Mabait at maganda pa 'din siya. "Hays. Nakaka miss tuloy si Yesha--" Naputol ang sasabihib niya ng bigla siyang siniko ni Peter.Alam 'kong ayaw nilang binabanggit si Yesya tuwing kasama nila ako. Malulungkot lang ako pag gano'n.
Tutok na tutok ang paningin ko sa laptop habang nag hahanap online na pwede pagtrabahohan. Ayo kong umasa lamang sa allowance na binibigay ni mama at papa. Sapat na sa aking binabayaran nila ang tuition ko kahit ang mahal-mahal nito. Gusto ko 'din kasi na ako naman ang gumastos para sa sarili ko.Hanggang sa napadpad ako sa isang page na nagnga-ngalang. Cutie Bakery Shop. Nag scroll lang ako ng nag scroll at maraming mga magagandang pagkain ang nakikita ko. Kagaya ng cookies, cake, bread, pie at cupcakes. Ang cute ng logo ng shop nila.Nag scroll ulit ako ng nag scroll hanggang sa may nakita ulit akong isang post three days ago. Nag hahanap sila ng delivery rider para sa shop nila. Babae o lalaki basta marunong gumamit ng motor at may license.