Home / All / I REMEMBER YOU / CHAPTER SIX

Share

CHAPTER SIX

Author: CyLili
last update publish date: 2020-09-25 18:33:17

Tutok na tutok ang paningin ko sa laptop habang nag hahanap online na pwede pagtrabahohan. Ayo kong umasa lamang sa allowance na binibigay ni mama at papa. Sapat na sa aking binabayaran nila ang tuition ko kahit ang mahal-mahal nito. Gusto ko 'din kasi na ako naman ang gumastos para sa sarili ko.

Hanggang sa napadpad ako sa isang page na nagnga-ngalang. Cutie Bakery Shop. Nag scroll lang ako ng nag scroll at maraming mga magagandang pagkain ang nakikita ko. Kagaya ng cookies, cake, bread, pie at cupcakes.

Ang cute ng logo ng shop nila.

Nag scroll ulit ako ng nag scroll hanggang sa may nakita ulit akong isang post three days ago. Nag hahanap sila ng delivery rider para sa shop nila. Babae o lalaki basta marunong gumamit ng motor at may license.

"Kate?" Nilingon ko si Kate na nagbabasa ng comics at nakadapa sa kama. "Tingnan mo bilis."

Napatingin siya sa akin. "Ano ba 'yan?"

"Basta hali ka dito." Sinenyasan ko siyang lumapit sa 'kin.

Bumangon siya at tumayo. "Meron bang arabo na gusto makipag date sayo, kaya excited kang palapitin ako diyan?" tanong niya.

"Sira. Syempre hindi."

Umupo siya sa tabi ko. "Pag 'yan foreigner, at arabo, wag mong ipasa sa akin bilang ka chat mate."

"Hays. Hindi 'yon." Na trauma na kasi siya dati. Tuwing may nag cha-chat sa akin lagi 'kong pinapasa sa 'kaniya. Pinuntahan pa nga siya sa bahay para yayain lang magpakasal. Buti nalang nagawan namin ng paraan kong hindi, matagal na siyang ikinasal. "Tumingin ka sa laptop." Tinuro ko ang laptop.

Tumingin siya at binasa ang post. "Delivery rider?" Taka niya akong tiningnan.

"Balak ko sana mag apply. Para kahit paano hindi na ako hingi ng hingi kay mama at papa ng allowance."

"Delivery rider? Seryoso ka? E, pang lalaki lang 'yan."

"Bakit masama ba?" inosenteng tanong ko. "Babae man o lalaki basta marunong daw mag drive ng motor."

"Paano kong ma aksidente ka? Alam mo bang napaka delikado mag motor ha?" Tumaas ang kaliwang kilay niya. "Babae ka, para sa mga lalaki lang 'yan."

"Mag-iingat naman ako, e."

"Kahit anong ingat mo, hindi talaga maiwasan ang disgrasiya. Kaya hindi ako papayag."

"Kate. Sige na..."

"Ayaw."

"Kate. Samahan muna ako bukas. Please?" Nag puppy eyes ako at nag pa cute.

"Ayaw." Umiling-iling siya.

Ayaw mo pala ha, tingnan natin kong aayaw kapa sa iaalok ko. "Mag shoshoping tayo bukas. Libre ko." Ngumiti ako.

"Hmm? Pag iisipan ko." Umasta siyang nag iisip. Ilang sigundo lumawak ang ngiti sa labi niya. "Sige, sasamahan kita." Sabi na nga ba, basta libre game na game siya. "Pero..."

Nawala ang ngiti sa labi ko at sumimangot. "Bakit may pero?"

"Ipangako mo sa akin na lagi kang mag ingat. Mag paaalam ka na 'din kay tita at tito."

Hays kala ko kong ano na. "Oo pangako, mag-iingat ako. Mag paalam na 'din ako ka'y mama at papa bukas." Ngumiti ako sa 'kaniya.

***

Katatapos ko lang maligo at mag bihis. Nakapag suklay na 'din ako at dala ko na ang bag ko. Lumabas ako ng kwarto at nag almusal. Nagpaalam na 'din ako ka'y mama at papa na mag apply ako ng trabaho. Noong una hindi sila pumayag, pero napapayag 'din at sinabihan akong mag ingat lagi. Pagkatapos mag almusal umalis na ka agad kami patungong eskwelahan.

Okay lang naman ang first class namin ka'y Professor FeFe. Nag discuss siya at nag quiz. Kahit lagi siyang highblood sa amin dahil puro daw kami reklamo, nakakatuwa pa 'din siya. Minsan nag papatawa minsan naman naninigaw. Pa iba-iba ng mood si Prof, e.

"Nakaka gutom." Napatingin ako kay Kyle. "Kain tayo sa cafeteria." yaya niya.

"Manglilibre kaba?" tanong namin sa 'kaniya.

Kumunot ang noo niya. "B-Basta isa lang ha?"

"Burger lang 'yong akin." si MJ.

"Sandwich akin." si Kate.

"Ikaw. Sai? Ano 'yong sayo?" baling niya sa akin.

"Hmm? Kahit ano nalang," sagot ko.

"Alam kuna. Cupcake at juice."

"Teka? Bakit ka'y Sai, dalawa? Sa 'min isa lang?" takang tanong ni Kate at MJ.

"Malakas siya sa akin, e." k

Kinindatan sila ni Kyle.

"Ang daya!" Napatawa nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Pagkapasok ng cafeteria na salubong ko 'yong Five Star na palabas. Nagtama ang paningin namin ni Scart at sobrang sama niya naman tumingin.

"Ano tiningin-tingin mo?!" inis na tanong niya.

Hindi ko siya sinagot at iniwas nalang ang paningin sa 'kanila at nilagpasan sila. Umupo ako kong saan may bakante.

"Hoy," tawag sa akin ni MJ at umupo sa harap ko. "Bakit naging snobber ka yata sa dumaan?"

"Wala akong balak pansinin sila. Kapag pinansin ko sila, sure akong magagalit lang ang Scart na 'yon at sabihan ako na papansin," sagot ko.

"Alam mo bang binati ka ni Justin? Kaso hindi mo siya pinansin?" tanong ni Kate.

"Ano binati niya ako?" gulat na tanong ko.

"Oo day," sagot ni Kate.

Hala? Hindi ko siya napansin. Bad trip naman baka sabihin no'n masama ugali ko. "Hindi ko siya napansin," napayuko ako.

"Hindi mo talaga siya mapapansin lalo na ang paningin mo na sa iba," sabay sabi ni Kate at MJ. Nag angat ako ng tingin at sinamaan sila ng tingin.

"Nandito na 'yong libre ko." Sumulpot si Kyle at nilapag sa mesa ang mga order namin. "Libre ko 'yan."

"Thankyou," sabay naming sabi. Ngumiti siya bilang ganti.

"Kuya!" Sabay kaming napalingon sa tumawag at hindi kami nag kakamali kapatid ni MJ si Patty.

"Si spoiled brat," dinig 'kong bulong ni Kate. Tinapunan ko siya ng tingin at pinandilatan ng mata.

Ayo ko na kasing maulit ulit 'yong away nila noong makailan. Ayo 'kong ipa dean's office nanaman siya at kapag ngyari 'yon. Siguradong ipapa expell na silang dalawa.

"O, bakit ka nandito?" tanong ni MJ.

Napatingin pa siya sa amin at bumuntong-hininga. "Bakit kasama mo sila? Wag mong sabihin friends na kayo?" mataray niyang tanong.

"Pakealam mo 'kong friends kami?" mataray na tanong 'din ni Kate.

"Kate." Tiningnan ko siya ng makahulugang tingin. Umasta siyang sumuko at umiwas nalang ng tingin kay Patty at kumain.

"Ano ba kasi kailangan mo sa 'kin?" tanong ni MJ.

"Magpapasama sana ako sayo sa mall. Mag cutting classes tayo kuya. Please?" Nag puppy eyes siya.

"Cutting classes? Seriously?" hindi makapaniwalang tanong ni MJ. "Gusto mobang mapagalitan tayo ni mommy at daddy?"

"Hindi naman tayo mapapagalitan kong hindi ka mag susumbong."

"Kahit na."

"Kuya, please? Minsan lang to, gusto ko lang maglibang. Na bobored ako sa school."

"Hindi ka mag cucutting classes." Magsasalita pa sana si Patty ng inunahan na siya ni MJ. "Wala ng angal. Pag sinabi 'kong hindi pwede, hindi talaga pwede. Na iintindihan mo?"

"I hate you kuya!" sigaw niya at lumabas ng cafeteria.

"Napaka maldita talaga!" inis na sabi ni Kate. "Kapatid mo ba talaga 'yon?" Baling niya ka'y MJ. "Parang hindi, e. Mag kaiba talaga kayo ng ugali."

"Kapatid ko 'yon. Iniispoiled kasi ni daddy kaya ganiyan nalang 'kong umasta. Lahat kasi ng gusto niya nakukuha."

"Alam ba ni daddy mo na bakla ka?" tanong ko kaya bumaling ang tingin niya sa 'kin.

Tumango siya. "Oo alam niya."

"Hindi ba siya nagalit?" tanong ni Kate at Kyle.

"Noong una, nagalit. Pero natanggap 'din, mabait ang daddy at mommy namin. Kaya napakaswerte ko talaga," nakangiting sagot niya.

"Maswerte ka nga." Tumango si Kate. "Kasi ang ibang tulad mo, hindi tanggap ng mga magulang nila," nakangiting tugon ni Kate.

"Ang sabi ni lola, hindi makakapunta ng heaven ang mga bakla. Kasalanan daw sa diyos ang mga binabae." Napalingon kami kay Kyle at tumawa. "Totoo. Tanongin niyo pa ang lola ko. Kong anong binigay ng diyos kailangan natin ito tanggapin. Pangit man o maganda, may kapansanan man o wala."

Pumalakpak kaming tatlo sa 'kaniya.

"O? Bakit kayo pumalakpak?" takang tanong niya. Napansin ko 'din napatingin sa amin ang mga tao sa cafeteria.

"Ang ganda kasi ng sinabi mo," sagot ko.

"Talaga? Maganda 'yon?"

Tumango kami.

"Close na close talaga kayo ni Lola tilda no?" tanong ni Kate.

Tumango si Kyle. "Oo naman, the best kaya ang lola ko."

"Kamusta na kaya si Lola tilda?" tanong ko kaya napatingin sila sa 'kin. "Na miss 'kong mag pabasa ng palad sa 'kaniya. Lalo na makipag kwentohan."

"Sa bakasiyon, dadalawin natin si Lola tilda," sabi ni Kyle.

Nagpatuloy kami sa pagkain. Masaya ang kwentohan namin, marami silang kinwento tungkol sa mga lola nila. Samantalang ako, walang ma ikwento. Hindi ko kasi alam 'kong sino ang lola ko, hindi naman kasi binabanggit ni mama at papa 'kong may lola o lolo pa ako. Sinubukan ko naman silang tanongin kaso lagi nalang nila iniiba ang usapan.

***

Katatapos lang ng klase namin at patungo kami sa Bakery shop 'kong saan ako mag aapply. Hindi na nakasama si MJ dahil susunduin niya pa daw si Patty sa mall. Maganda ang araw ko ngayon, tahimik at normal na buhay estudiyante talaga.

Pagkarating namin sa bakery shop pumasok na ka agad kami. Pero kamalas-malasan nandito ang Five star. Nag tatawanan sila at masayang nag kwekwentohan.

"Nandito pala sila," bulong ni Kate.

"Hayaan muna. Wag mo nalang pansinin," bulong ko.

Napatingin sa akin ang isa sa mga kaibigan nila. Hindi ako nagkakamali siya 'yong lalaking tumawa makailan. Tss! Mukhang play boy. "Oh. Ang liit talaga ng mundo. Look baby bro." Siniko niya si Scart.

Napatingin sa akin si Scart. Ang sama niya nanaman tumingin. Bakit ba ganiyan siya tumingin? "Hindi maliit ang mundo, sadiyang pinagtagpo talaga kayo," sabi niya.

Anong pinag sasabi nito? Iniwas ko nalang ang paningin sa 'kaniya at dumeretso sa counter. May nadatnan ako do'n na babaeng nag aayos ng mga cups at plates. "Hello Miss," bati ko.

Napatingin siya sa akin. Ang ganda niya at sobrang sexy. Kaiingit, ako kasi ano... Basta may katawan. "Hmm? Ano po order niyo?"

"A-Ano kasi. Nakita ko post niyo online, nag hahanap daw kayo ng delivery rider?"

"Mag apply po kayo?" Tumango ako. "Paki hintay nalang po si ma'am Ye. Padating napo siya."

"Ah. Thankyou." Ngumiti ako at nilingon sina Kate. "Hintayin nalang daw muna natin ang boss nila. Parating na daw."

"Huh? Mag hihintay pa tayo? E, paano ang shopping?"

Hala oo nga pala. Nangako ako sa 'kaniya na mag shoshopping kami. "P-Pwede ba b-bukas nalang?"

"P-Pero."

"Sige na Kate. Promise bukas mag shoshopping tayo."

Bumuntong-hininga siya. "Hays. Oo na nga. Pasalamat ka mahal kita." Napangiti ako.

"Pwede ako sumama?" biglang tanong ni Kyle.

"Oo naman." ngumiti ako at tumango. "Umupo muna tayo." yaya ko.

Umupo kami malayo sa Five star. Ayo 'kong makalapit sa 'kanila. Teka nga lang. Tiningnan ko sila at binilang. Isa, dalawa, tatlo, apat? Bakit apat? E, five star? Nasaan 'yong isa? Ngayon ko lang napansin na apat lang sila. Siguro hindi nakasama ang isa kaya apat lang sila.

"Psst." Napatingin ako kay Kate. "Mag order naman tayo. Nagugutom ako, e."

"Ano ba gusto niyo?"

"Bakit libre mo?" tanong nila.

"Sige, libre ko. Bilang pasasalamat na sinamahan niyo ko."

"Ako na mag oorder. Ano sayo Kate?" tanong ni Kyle.

"Kahit ano basta masarap."

"Sige." Bumaling si Kyle sa akin. "E, sayo?"

"Drink nalang," sagot ko.

"Okay." Tumayo siya at pumunta ng counter para mag order.

Ng biglang nag ring ang cellphone ko. "Sasagutin ko lang to," paalam ko kay Kate.

"Sige."

Lumabas muna ako ng bakery shop at pagkalabas ko tsaktong may nag park ng sasakyan. Hindi kuna nakita kong sino ang sakay dahil agad ko 'din iniwas ang tingin ko at lumayo ng kaunti.

"Hello?" sagot ko sa tawag.

"Anong oras kayo uuwi?" tanong ni mama sa kabilang linya.

"Hindi ko po alam."

"Ipapasundo ko kayo ka'y papa mo."

"Wag na po ma. Kaya na namin umuwi."

"Hindi. Ipapasundo ko kayo, delikado sa daan at gabi na." Hindi ko talaga maintindihan si mama. Sobrang napaka praning niya minsan, ayaw niyang umuuwi ako ng gabi. Ayaw niya nga sana ako mag aral sa South University at papuntahin dito sa manila. Siguro worried lang talaga siya lalo na babae ako.

"Ganito nalang po. Mag tetext ako kapag uuwi na kami at hihintayin ko nalang po si papa dito."

Rinig ko ang buntong hininga ni mama. "Sige, mag ingat kayo. I love you heart heart."

Napangiti ako. "I love you too mama. Heart heart. Sige po bye na." Binaba ko ang linya at nilagay ang phone ko sa bulsa.

Saktong pagharap ko nakita ko sa may pintuan ang Five Star na may kausap. Babae ito pero hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod ito sa gawi ko. Tudo ngiti naman silang apat habang kausap ang babae.

Nagyakapan pa nga sila at mukhang matagal na hindi nagkita. Napatingin ako kay Justin na masayang kinakausap ang babae.

Paano ako papasok nito? Baka sabihin nila bastos ako kapag dumeretso ako. Hinintay ko nalang muna matapos ang usapan nila.

***

"Bye tita!" Kumaway silang apat at pumasok sa kaniya-kaniya nilang sasakyan. Napatingin ako sa sasakyan nila at sobrang ganda. Pero may isang sasakyan ang umagaw sa pansin ko, sobrang ganda niya at ang astig.

Pero ang pangit ng may ari. E, sino pa ba? Edi si Scart. Bigla niyang pinaharorot ang sasakyan niya papalayo. Ang bilis mag patakbo.

"Bakit ngayon kalang?" tanong ni Kate ng makapasok ako. "Ang tagal mo."

"Nag usap pa kami ni mama," pag dadahilan ko kahit ang totoo hinintay kopa matapos ang chismisan ng five star sa babae.

"Nandito na pala ang may-ari ng bakery shop. Kakarating niya lang," sabi ni Kyle.

"Talaga? Nasaan?" tanong ko at luminga-linga.

"Pumasok sa kitchen. Grabi sobrang ganda niya at ang puti-puti."

"Uhm. Ikaw ba ang mag apply?" May biglang nag tanong sa likod ko.

Nilingon ko siya. Bigla lumaki ang mata niya at mukhang gulat na gulat. Hindi ko maintindihan pero parang feeling ko kilala ko siya kaso hindi ko siya ma alala.

"Anak?"

Natigilan ako. Nag paulit ulit sa tenga ko ang sinabi niya. Pero may isang bagay ang hindi ko inaasahan. Bigla niya akong niyakap ng mahigpit. "Uhm? Ma'am?" tawag ko sa 'kaniya. Narinig ko bigla ang paghikbi niya. "O-Okay lang po ba kayo?"

Napasulyap ako sa mga kaibigan ko na nag tataka 'din. Gusto ko sanang kumalas sa pagkayakap sa 'kaniya kaso may roon sa puso ko ang nag sasabing wag ko 'yon gawin. Aaminin 'kong ang sarap ng yakap niya, 'yong yakap na matagal ko ng hindi nararamdaman. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • I REMEMBER YOU   CHAPTER TEN

    Pagkapasok ko ng bahay patay ang ilaw at tanging ilaw ng buwan galing sa bintana ang nagsisilbing liwanag para makakita ako kahit pa-paano. Mukhang kanina pa sila tulog. Gusto ko man tawagin si mama at si papa pero napag-isip ko na wag nalang at baka pagalitan nila ako. Gabi na 'din kasi at hindi ito ang oras na pag-uwi ng isang babae.Dahan-dahan ako naglakad at siniguro ko na wala akong ingay na magagawa at madagil na bagay. Akma na akong aakyat ng laking gulat ko ng biglang bumukas ang ilaw at paglingon ko bumagad sa 'kin ang mukha ni mama at papa. Naka-upo si mama sa sofa habang si papa nakatayo malapit sa switch ng ilaw. "Bakit ngayon kalang?" istriktong tanong ni papa sa 'kin. Napapikit ako at humarap sa 'kanila. Paktay mukhang mapapagalitan nanaman yata ako. Hindi ko naman kasi alam na nandiyan sila. Naka ilang lunok ako habang nakatingin sa 'kanila ng diretso.

  • I REMEMBER YOU   CHAPTER TEN

    Pagkapasok ko ng bahay patay ang ilaw at tanging ilaw ng buwan galing sa bintana ang nagsisilbing liwanag para makakita ako kahit pa-paano. Mukhang kanina pa sila tulog. Gusto ko man tawagin si mama at si papa pero napag-isip ko na wag nalang at baka pagalitan nila ako. Gabi na 'din kasi at hindi ito ang oras na pag-uwi ng isang babae.Dahan-dahan ako naglakad at siniguro ko na wala akong ingay na magagawa at madagil na bagay. Akma na akong aakyat ng laking gulat ko ng biglang bumukas ang ilaw at paglingon ko bumagad sa 'kin ang mukha ni mama at papa. Naka-upo si mama sa sofa habang si papa nakatayo malapit sa switch ng ilaw. "Bakit ngayon kalang?" istriktong tanong ni papa sa 'kin. Napapikit ako at humarap sa 'kanila. Paktay mukhang mapapagalitan nanaman yata ako. Hindi ko naman kasi alam na nandiyan sila. Naka ilang lunok ako habang nakatingin sa 'kani

  • I REMEMBER YOU   CHAPTER NINE

    Kakababa ko lang sa taxi at may dala-dala akong heart na unan, flowers at chocolates para kay mama. Bago kasi ako umuwi bumili ako nito sa mall para makabawi ako kay mama at para hindi na siya magtampo sa 'kin. Ito nalang kasi ang naiisip 'kong dahilan para mawala ang galit niya. Dahan-dahan 'kong binuksan ang gate at sinara. Bukas ang ilaw sa bahay at paniguradong kanina pa ako hinahanap at hinihintay ni mama. Akma akong kakatok ng na isip 'kong wag nalang.Sumilip muna ako sa bintana at nakita ko si mama at Kate na nag uusap. Ano kaya pinag-uusapan nila? Kumawala ako ng malakas na buntong-hininga. Nag inhale, exhale ako bago hinawakan ang door knob. Kinakabahan ako baka kasi...lalo nagalit si mama sa 'kin dahil hindi ako sumunod sa sinabi niya.

  • I REMEMBER YOU   CHAPTER EIGHT

    "Nakita ko talaga ang tunay niyang nanay." Natigilan ako sa sinabi ni papa. "Kaninong nanay po?" tanong ko.Gulat na gulat silang napatingin sa 'kin. "K-Kanina kapa diyan anak?" gulat na tanong ni mama."Kakarating ko lang po, bakit po?" Hindi ko sila maintindihan, base sa reaction nila. Parang may hindi ako dapat narinig sa pinag-uusapan nila. "S-Sino po pinag-uusapan niyo?" "A-Ano..." Hindi ako tanga para hindi makaramdam ng pagtataka at hinala. Feeling ko may kaka-iba talaga. Parang may tinatago sila sa 'kin. Matagal bago nakasagot si mama. "Nakita

  • I REMEMBER YOU   CHAPTER SEVEN

    JUSTIN'S POV."Ang ganda pa 'din ni Tita Yerah no?" tanong ni Druce at umupo sa sofa. Kakarating lang namin ng bahay ni Scart. Dito kasi kami gagawa ng report na isusubmit sa monday. "Oo nga ang ganda niya pa 'din," nakangiting sabi ko. Three years ago na 'din noong huli kaming nag kita ni tita. At kanina, wala pa rin pinag bago sa 'kaniya. Mabait at maganda pa 'din siya. "Hays. Nakaka miss tuloy si Yesha--" Naputol ang sasabihib niya ng bigla siyang siniko ni Peter.Alam 'kong ayaw nilang binabanggit si Yesya tuwing kasama nila ako. Malulungkot lang ako pag gano'n.

  • I REMEMBER YOU   CHAPTER SIX

    Tutok na tutok ang paningin ko sa laptop habang nag hahanap online na pwede pagtrabahohan. Ayo kong umasa lamang sa allowance na binibigay ni mama at papa. Sapat na sa aking binabayaran nila ang tuition ko kahit ang mahal-mahal nito. Gusto ko 'din kasi na ako naman ang gumastos para sa sarili ko.Hanggang sa napadpad ako sa isang page na nagnga-ngalang. Cutie Bakery Shop. Nag scroll lang ako ng nag scroll at maraming mga magagandang pagkain ang nakikita ko. Kagaya ng cookies, cake, bread, pie at cupcakes. Ang cute ng logo ng shop nila.Nag scroll ulit ako ng nag scroll hanggang sa may nakita ulit akong isang post three days ago. Nag hahanap sila ng delivery rider para sa shop nila. Babae o lalaki basta marunong gumamit ng motor at may license.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status