Masaya naming pinag masdan na mag-kakaibigan ang pangarap naming eskwelahan. Hindi pa 'din ako makapaniwala na nakapasa ako at nakapasok dito. Na alala ko noong nasa high school pa lamang ako, lagi ko itong nakikita sa diyaryo at telebesiyon."Ito naba talaga 'yon?" rinig kong tanong ni Kate. "Grabi ang ganda at ang laki pa pala sa inaasahan ko.""Dito mag sisimula ang future natin," nakangiting sabi ko at nilingon silang dalawa. "Ano? Tara?" nakangiting yaya ko.Tumango sila at ngumiti. "Tara." Habang nag lalakad hindi ko maiwasan hindi igala ang paningin ko sa paligid. Maraming estudiyante na nag lilibot tulad namin, ang iba kumukuha ng litrato at nag kwekwentohan sa ilalim ng mga puno."Mag picture 'din tayo." Gulat akong napalingon kay Kate ng bigla niya akong hinila sa tabi niya. "Okay. One, two, three--" Hindi ko pinatapos ang sasabihin niya ng nagsalita ako. "Ayo ko."
Last Updated : 2020-09-24 Read more