LOGINBumalik ako ng classroom at nadatnan 'kong nagsisilabasan na ang mga kaklase ko at mukhang katatapos lang ng klase.
Agad kong hinanap sina Kate na ngayon palabas na. Napatingin sila sa 'kin at lumapit. "Bakit ngayon ka lang? Saan kaba nag punta?" tanong nila.
"Nag pahangin," sagot ko.
"Alam mo bang katatapos lang ng quiz?"
Nanlaki ang mata ko. "Ano?" gulat na tanong ko. "Weh 'di nga? Kailan? Hindi ko alam."
"Diba sinabihan ka ni prof na bumalik agad dahil may quiz."
Hala oo nga. Sinabihan niya pala ako bago umalis. Hays. Bakit ko kasi nakalimutan? Bad trip! Paano na 'yan? First day of school wala akong score.
"Amnesia ka girl?" tanong ni MJ. "Oo bakla, kanina pa ang quiz. Hinanap ka nga ng professor."
"Nakalimutan ko." Napahawak ako sa noo ko. "E, kasi naman. Nag away pa kami ni Scart."
"Ano nag away kayo?!" gulat na tanong nila. "Saan? Nag suntukan ba? Ano? Sino knock-out?" sunod-sunod nilang tanong.
"Hindi kami nag suntukan."
"E, ano lang?"
"Nag asaran at nag pikonan," sagot ko ng kinanganga nilang tatlo. "Tingnan niyo nga ang pisngi ko, sobrang pula diba?" Tumango sila habang nakanganga. "Kinurot kasi ng mokong na 'yon. Ang sakit sakit kaya. Pero, nakaganti ako, nilabas ko ang powers ko at sinikmuraan siya," mayabang na kwento ko.
"K-Kinurot niya ang pisngi mo?" hindi makapaniwalang tanong nila.
Tumango ako. "Oo kinurot niya, na bwebwesit nga ako, pero okay lang. Atleast nakaganti ako, kaya wala na akong problema."
"So? Dalawang oras talaga kayo nag kurotan?"
"H-Ha?" gulat na tanong ko. "A-Anong dalawang oras? Syempre hindi!"'
"E, bakit dalawang oras kanawala?"
"Dalawa oras ba talaga ako nawala?"
Ilang minuto lang naman kami ng away, tapos nag libot ako ng school hanggang sa napadpad ako sa tagong lugar. Umabot ba talaga 'yon ng dalawang oras? E, parang ilang minuto lang 'yon e.
"Oo day," sagot ni Kate. "Pila ka oras gid ka na dula. Umamin ka nga. Nakipag date ka no?"
Sasagot na sana ano ng nag vibrate ang phone ko. "Sandali lang."
From: Mama
Message: Umuwi kayo ng maaga, wag mag pa gabi. Delikado. Ingat kayo ilove you heart! heart! <3To: Mama
Message: Opo mama. Uuwi kami ng maaga. I love you too heart! heart! <3"Si mama," sagot ko at nilagay sa loob ng bag ang cellphone. "Wag daw tayo mag pa gabi at mag ingat."
"Ilang minuto nalang 5:00 pm na."
"Hala oo nga." Tiningnan ni MJ ang relos. "Kailangan ko pang hanapin si Patty."
"Sus, 'yong bruha mong kapatid? Malaki na 'yon, kaya na umuwi mag isa," mataray na tugon ni Kate.
"Magagalit si mommy at daddy, pag hindi ko 'yon kasama. Sige mga friend, una na ako." Tumango kami at kumaway.
Nilingon ko si Kate. "O? Ba't ganiyan ang mukha mo?"
"Wala." Umiwas lang siya ng tingin.
"Okay sabi mo e."
"Talaga hindi niyo ako tatanongin 'kong ano problema ko? Aish! Best friend niyo ba akong dalawa ha?"
Bumuntong-hininga kami ni Kyle. "O? Ano nga ang problema mo?"
"Wala." Umiwas ulit siya ng tingin. Hays. Nag-iinarte nanaman siya
***
"Nandito na po kami." Binagsak ko ang katawan ko sa sofa. Feeling ko pagod na pagod ako, e, wala naman akong ginawang nakakapagod.
"Nandito na pala kayo." Lumabas si mama galing sa kusina na may dalang juice. "Uminom muna kayo."
"Thankyou Tita."
"No problem mga inaanak." Kumindat si mama. "O, ito naman para sa maganda 'kong anak." ngumiti ako at uminom ng juice.
"Baka pwede niyo kaming kwentohan sa first day of school niyo," paparinig ni papa na may dalang manok.
"Ano kaba Sweetheart! Bakit dinala mo dito 'yan?!"
"Sweetheart, ilalabas ko 'din ito." Tumingin siya sa manok. "Diba baby 'kong chic-chix."
Nagseselos kasi si mama sa manok ni papa kaya ganiyan nalang ang galit niya sa manok. Gusto niya na nga katayin at kainin e.
"Ilabas mo 'yan ngayon 'din!" sigaw ni mama.
Napatakip kami ng tenga dahil nakakabingi talaga ang sigaw ni mama.
"Oo na nga po sweetheart, labyu!" nag flying kiss si papa at lumabas. Natawa tuloy ako kahit lagi sila nag aaway ang sweet-sweet pa 'din nila.
"O, ano na? Kwentohan niyo na ako," Umupo si mama.
"Sino ba mag kwekwento? Ako o ikaw?" tanong ni Kate.
"Ikaw nalang." Turo ko sa 'kaniya.
"Sige, sabi niyo eh." Tumingin siya kay mama. "Ganito kasi 'yan tita." Kinwento ni Kate ang bawat detalyeng ng yari sa amin. Nilarawan niya 'kong gaano ka ganda ang eskwelahan. Na sali pa nga sa kwento si Professor FeFe.
"Yon po."
"Sulit na sulit nga ang tuition fee," nakangiting sabi ni mama.
"E, bakit hindi mo kinwento 'kong paano ka nakipag away kanina?"
Natigilan kaming dalawa ni Kate sa sinabi ni Kyle.
"Ano? Tama ba narinig ko? Nakipag away ka Kate?" tanong ni mama.
Pinandilatan namin ng mata si Kyle at sabay na kinurot ang tagiliran niya. "Bakit mo sinabi?" bulong namin.
"Baka pwede mo akong pagtakpan?" bulong niya sa 'kin.
"Ha? Ako?"
"Nakipag away ako dahil pinaghiganti kita."
Lumunok akong nilingon si mama. Seryoso ang mukha ni mama at mukhang nag hihintay ng sagot. "Mama ano kasi.." Kumapa ako ng pwedeng isagot.
"Sweetheart!" Nakahinga ako ng maluwag ng biglang pumasok si papa. "Hinahanap ka ni aleng Wilma."
"Huh? Bakit daw?" takang tanong ni mama.
"Naniningil ng inutang mong lotion."
"Ay oo nga pala." Tumayo si mama. "Sagotin niyo ang tanong ko mamaya?" Tumango kami. "Nasa labas ba?" Tumango si papa at sabay silang lumabas ng pinto.
Paglalabas ni mama pinag hahampas namin ng unan si Kyle. "Ang ingay ingay ng bibig mo!" inis na sabi ni Kate at pinitik ang noo niya.
"Aray! Tama-- T-Tama na! M-Masakit!"
"Masasaktan ka talaga pag hindi ka nanahimik!" sigaw ni Kate.
"S-Sorry na.."
"Ikaw mag explain mamaya!" Hinampas ulit siya ni Kate.
"S-Sorry na nga e."
"Nasabi muna? Ano pang magagawa natin?" Bumuntong- hininga ako at tumayo. "Hays. Bahala kayo diyan, matutulog na ako."
"Ha? Iiwan mo kami mag explain?" tanong nila.
"Inaantok na kasi ako at sobrang sakit ng ulo ko. Sabihan mo nalang si mama at papa na hindi muna ako kakain." Tinalikuran ko sila.
"Hoy! Wag mo kaming iwan dito!"
Hindi ko sila pinansin at pumasok ng kwarto at ni lock ang pinto. Naligo muna ako at nag bihis ng pantulog 'kong damit at binagsak ang katawan ko sa kama. Nakatingin lang ako sa kisame habang yakap ang malaking bunny.
Na-alala ko nanaman tuloy ang mukha ng lalaking nakita ko kanina na umiiyak. Ewan ko ba pero hindi siya mawala sa isip ko. Na sa isip ko pa 'din ang salitang sinabi niya kanina.
"I want to be with you forever, not for a moment."
"Hays." Pinikit ko nalang ang mata ko pero ang mukha niya pa 'din ang nakikita ko. "Ano ba meron sa mukha mo? Oo gwapo ka, at charming pero bakit ayaw ka ma alis sa isipan ko? Huhuhu."
***
Kinabukasan maaga ako nagising, naligo at nagbihis. Pagkalabas ko ng kwarto rinig na rinig ko na ang bibig ni Kate. "Good morning," bati ko pagkarating ng hapagkainan.
"Good morning anak!" masayang bati ni mama at pinaupo ako.
"Ano po ang niluto niyo?" tanong ko.
"Ito pritong talong," si Kate ang sumasagot. Ngayon ko lang napansin nasa tabi ko na pala siya. "May kasalanan ka sa akin," bulong niya.
"Kumain ka ng marami, hindi ka pa naman kumain ka gabi." Nilagyan ni mama ang plato ko ng kanin. "Bakit ba kasi hindi ka kumain ka gabi?"
"Busog po ako e," pagdadahilan ko. Ang totoo niyan mama, wala akong gana.
"Ano ba kinain mo sa school niyo?"
"Jusko ang dami kinain niyan sa school, hamburger, donut, pasta at milk tea," si Kate ang sumagot.
Natawa ako, "Grabi. Saulado mo pala lahat?"
"Oo naman, kaya ka tumataba e." turo niya sa katawan ko.
"Kahit mataba siya, cute pa 'din siya." Napangiti ako sa sinabi ni mama. "Ang ganda-ganda kaya ng anak ko." Napayakap ako sa beywang niya.
"Grabi tita. Siya lang? E, ako?" Turo ni Kate sa sarili niya. "Hindi ako maganda?"
"Syempre ikaw 'din. Ang ganda-ganda kaya ng lahi niyo."
"Pangit kaya siya." Biglang sumulpot si Kyle na may hawak na hotdog nasa tinidor.
"Hoy? Sinong pangit?" taas kilay na tanong ni Kate. "Ako pangit?" Turo niya sasarili. "Haller! Hindi ako pangit. Kasing ganda ko nga si marimar e."
Sasagot sana si Kyle ng inunahan ko siya. "Wag na kayo mag away. Baka 'kong saan mapunta 'yang usapan na 'yan."
"Bahala kayo, baka kayo mag katuluyan niyan," natatawang sabi ni mama.
"Tita. Walang ganiyanan."
Sabay kaming natawa ni mama.
***
"What are the vitamins contain of mangosteen?"
Merong kaming quiz ngayon kay Professor FeFe.
"Nutrition fact of apple, mango, and mangosteen."
"Lahat prof?" tanong ng lalaking nasa likod ko.
"Yes, lahat," nakangiting sagot ni Prof.
Natapos ang quiz at si Prof na daw bahala mag check. Wala daw siyang tiwala sa 'min. Baka dayain o palitan daw namin ang sagot sa test paper.
Papunta kami ngayon ng cafeteria para kumain. Pagkapasok palang nakita ko ka agad ang Five Star na kumakain at nag kwekwentohan. Iniwas ko nalang ang tingin at umupo sa pwestong malayo sa 'kanila.
"Oww. Nandito pala sina Scart." Dinig 'kong bulong ni MJ at umupo sa harap ko.
"Ano gusto mo kainin?" tanong ni Kyle. "Libre ko."
"Ha? Wag na. May pera ako."
Tumango siya at ngumiti. "Okay."
Nag order nalang kami at kumain. Tahimik lang ako habang silang tatlo nag tatawanan. Wala akong gana makipag kwentohan o makitawa, hindi ko maintindihan ang sarili ko pero ang bigat nanaman ng pakiramdam ko.
Bumuntong-hininga ako at tumayo. "Mauna muna ako sa inyo."
"Saan ka pupunta?" takang tanong nila.
"Mag papahangin, wag kayo mag-alala babalik ka agad ako." Hindi kuna hinintay ang sasabihin nila at lumabas na ng cafeteria. Nag hanap ako na pwedeng tambayan hanggang sa may nahanap akong magandang pwesto 'kong saan medyo malayo sa mga tao.
Umupo ako sa isang bench malapit sa ilalim ng puno at nilabas sa bag ko ang sketch pad at lapis. Tiningnan ko ang tanawin sa harap ko. Pinagmasdan ko ito ng mabuti at pinag aralan. Balak ko kasi i sketch ang nakikita ko ngayon ng malibang ako kahit papaano.
Kapag may problema o 'di kaya hindi maganda ang mood ko, ang pag dradrawing ang ginagawa ko para sumaya o umayos ang pakiramdam ko.
Sinimulan ko iguhit ang tanawin nakikita ko. Para sa akin kapag ginuguhit mo ang isang bagay ay dapat saulado ng utak mo ang detalye ng bawa't larawan. Para madali mo itong ma I transfer sa papel.
Parang nag priprint kalang ganon. Kaso ang nag sisilbing computer ay ang imahinasyion mo at ang printer ay ang kamay mo at ang hawak mong lapis.
"Marunong kang mag drawing?" Natigil ako sa pag guguhit, nilingon ko ang nag tanong. Umupo siya sa tabi ko at tiningnan ang drawing ko. "Ang ganda naman niyan."
Siya 'yong lalaking nakita 'kong umiiyak kahapon. Anong ginagawa niya dito? At bakit niya akong kinakausap? "A-Ako ba kinakausap mo?" nauutal na tanong ko.
"May katabi kapa ba?"
"Wala."
"Ibig sabihin ikaw ang kausap ko." Ngumiti siya. Napatulala tuloy ako sa ngiti niya dahil sobrang gwapo at ang cute. "B-Bakit?" tanong niya.
Umiling ako at iniwas ang tingin ko. Pinagpatuloy ko nalang ang paguguhit at hindi siya pinansin. Bakit niya ba kasi ako kinakausap? E, hindi niya naman ako kaibigan o ka kilala.
"About pala kahapon." Hindi ko siya nilingon. "I-Ikaw ba 'yong nakita ko sa music building?"
Natigil ako sa pagguhit. Paano kong kaya niya ako kinakausap ay dahil galit siya, dahil na istorbo ko siya. "H-Ha? K-Kailan? Hindi ko alam sinasabi mo," tanggi ko at tumingin sa 'kaniya.
Nalungkot bigla ang mukha niya. "Ah ganon ba."
Nagtaka tuloy ako sa reaction niya. Bigla-bigla nalang kasi siya nalungkot e, wala naman akong nasabing masama.
Ngumiti siya ng pilit. "Uhm. Marunong kaba mag piano?"
"H-Ha?" gulat na tanong ko. Sino banaman kasi hindi magugulat? E, bigla-bigla nalang siyang nagtatanong ng ganiyan ng walang dahilan. "A-Ako marunong mag piano?" Tumango siya. "Hindi ko alam." Sa totoo niyan marunong akong mag piano pero hindi ko alam 'kong paano ako natuto.
"I see," yon lang ang sinabi niya at tumingin sa malayo.
Hindi ko maiwasan hindi pagmasdan sa malipatan ang mukha niya. Matangos ang ilong, maganda ang kutis, at gwapo siya tingnan kahit saang anggulo. Pero nag tataka pa 'din ako 'kong bakit tuwing nakikita ko siya napakabigat at parang naiilang ako ng hindi ko alam 'kong bakit o anong dahilan.
"B-Bakit mo pala natanong?" tanong ko.
Bumuntong-hininga siya. "Wala lang, na curious lang ako sayo," sagot niya ng hindi ako tinitingnan.
Bakit naman siya ma curious sakin? Hays. Hindi ko siya maintindihan. Nag dra-drawing ako dito tapos bigla niya nalang ako kakausapin. Hays. Nakaka istorbo.
Tiningnan ko ang ginuguhit ko at wala pa ako sa kalahati.
"Alam mo bang may kakilala akong magaling sa arts at music," bilang aniya at tiningnan ako. "Parehong pareho kayong dalawa," dagdag niya.
"Kami?" takang tanong ko.
Tumango siya. "Kaso matagal na siyang patay."
"Bakit siya namatay?"
Hindi niya ako sinagot at tumingin sa malayo. "Ang ganda at ang sarap ng hangin dito," pang iiba niya.
"Oo nga e, kaya dito ako nag drawing."
"Na istorbo ba kita?" tanong niya.
Umiling ako. "Hindi," pag sisinungaling ko.
"Kong naistorbo ko ang ginagawa mo. Sorry ha."
"Okay lang," ngumiti ako.
"Ang ganda ng sketch mo kahit hindi pa tapos."
"Talaga ba?" Tinginan ko ang ginuguhit ko at binaling ulit ang tingin sa 'kaniya. "Salamat." Ngumiti ako.
Gumanti 'din siya ng ngiti. "Alam mo. Noong nakita kanina umalis, naisipan 'kong sundan ka."
"Bakit naman?" Hindi niya ako sinagot at ngumiti lang siya.
"Justin!"
Sabay kaming napalingon sa sumigaw. Hingal na hingal siyang lumapit sa 'min. "B-Bakit ang tagal mo?"
"Nag usap lang kami."
Napatingin siya sa akin at nanlaki ang mata. "Ikaw nanaman? Dora na mukhang bunny?!"
"Ano kamo?"
"Tsk. Bakit ka nakipag usap diyan?" Binaling niya ang tingin sa lalaking kausap ko kanina. "Alam mobang nanakit 'yan?"
"Dapat lang 'yon sayo," bulong ko at halatang narinig niya dahil napatingin ka agad siya sa 'kin.
"Alam mo bang nag karoon ng pasa ang tiyan ko ha? Pinagalitan pa ako ni yayo dahil akala niya nakipag away ako. At hindi rin ako medyo makalakad ng tuwid ka gabi dahil sa ginawa mo!"
"E, kasalanan mo 'yon. Kinurot mo ang pisngi ko at namula."
"Pero hindi mo pa 'din ako dapat sinikmuraan!"
"Hindi ko 'yon gagawin sayo 'kong hindi mo kinurot ang pisngi ko!"
Naramdaman 'kong palipat-lipat ng tingin ang kaibigan niya. "Uhm. Pwede bang wag kayo mag away?"
"Siya kasi e!" Sabay naming tinuro ang isa't isa. "Anong ako?! Ikaw!"
Pumagitna ang kaibigan niya sa 'min. "Wag na kayo mag away. Please?"
"Tara na nga Justin. Tisewb ang babaeng to."
Ano daw Tisewb? Ano ibig sabihin no'n? At saan lumapalop niya 'yon narinig? Tsk. May saltik yata to.
Ang sama sama ng tingin niya sa akin at parang gusto kumain ng buhay na tao.
"Pasensiyahan mo na kaibigan ko," paumanhin ng lalaking nakita kong umiiyak kahapon. "Ganiyan lang talaga siya."
"Teka? Bakit ka humihingi ng sorry? Sino ba siya sa inaakala niya?"
Hindi siya sinagot ng kaibigan niya. "P-Pwede ko ba malaman 'kong ano pangalan mo?"
"S-Sai." Hindi ko maintindihan, pero tuwing nababanggit ko ang pangalan ko ay hindi ako kumportable, parang may hinding tama na hindi ko mapaliwanag 'kong bakit.
Ngumiti siya. "Ako pala si Justin," nilahad niya ang kamay niya sa harap ko.
Tinanggap ko ang kamay niya at ngumiti. "Nice to meet you Justin."
"Hays. Mag lalandian na nga lang sa harap ko pa," dinig 'kong bulong ni Scart ng kina init ng ulo ko. Bwesit talaga ang lalaking to kahit kailan.
"Sige una na kami," paalam ni Justin at binitiwan ang kamay ko. "Scart mag sorry ka sa 'kaniya." Bulong niya sa kaibigan.
"Ano Sorry?" hindi makapaniwalang tanong niya at tumingin sa 'kin. "Bakit ako mag sosorry sa DorBun na 'yan?"
"Ano sabi mo?"
"DorBun," pang-uulit niya. "Pandak kasi siya."
"Talagang ng iinsulto ka." Akma ko siyang susuntukin ng napatingin ako ka'y Justin. Kumalma ako at tiningnan ng masama si Scart.
"Tara na nga Justin," yaya niya at tumalikod at nag lakad papalayo.
"Sige una na kami," paalam niya, ngumiti ako at kumaway sa 'kaniya.
Bumuntong-hininga ako at umupo sa bench, tiningnan ko ang ginuguhit ko. Hindi ko alam pero bigla nalang ako napangiti ng walang dahilan. Ginanahan tuloy akong tapusin 'to.
Pagkapasok ko ng bahay patay ang ilaw at tanging ilaw ng buwan galing sa bintana ang nagsisilbing liwanag para makakita ako kahit pa-paano. Mukhang kanina pa sila tulog. Gusto ko man tawagin si mama at si papa pero napag-isip ko na wag nalang at baka pagalitan nila ako. Gabi na 'din kasi at hindi ito ang oras na pag-uwi ng isang babae.Dahan-dahan ako naglakad at siniguro ko na wala akong ingay na magagawa at madagil na bagay. Akma na akong aakyat ng laking gulat ko ng biglang bumukas ang ilaw at paglingon ko bumagad sa 'kin ang mukha ni mama at papa. Naka-upo si mama sa sofa habang si papa nakatayo malapit sa switch ng ilaw. "Bakit ngayon kalang?" istriktong tanong ni papa sa 'kin. Napapikit ako at humarap sa 'kanila. Paktay mukhang mapapagalitan nanaman yata ako. Hindi ko naman kasi alam na nandiyan sila. Naka ilang lunok ako habang nakatingin sa 'kanila ng diretso.
Pagkapasok ko ng bahay patay ang ilaw at tanging ilaw ng buwan galing sa bintana ang nagsisilbing liwanag para makakita ako kahit pa-paano. Mukhang kanina pa sila tulog. Gusto ko man tawagin si mama at si papa pero napag-isip ko na wag nalang at baka pagalitan nila ako. Gabi na 'din kasi at hindi ito ang oras na pag-uwi ng isang babae.Dahan-dahan ako naglakad at siniguro ko na wala akong ingay na magagawa at madagil na bagay. Akma na akong aakyat ng laking gulat ko ng biglang bumukas ang ilaw at paglingon ko bumagad sa 'kin ang mukha ni mama at papa. Naka-upo si mama sa sofa habang si papa nakatayo malapit sa switch ng ilaw. "Bakit ngayon kalang?" istriktong tanong ni papa sa 'kin. Napapikit ako at humarap sa 'kanila. Paktay mukhang mapapagalitan nanaman yata ako. Hindi ko naman kasi alam na nandiyan sila. Naka ilang lunok ako habang nakatingin sa 'kani
Kakababa ko lang sa taxi at may dala-dala akong heart na unan, flowers at chocolates para kay mama. Bago kasi ako umuwi bumili ako nito sa mall para makabawi ako kay mama at para hindi na siya magtampo sa 'kin. Ito nalang kasi ang naiisip 'kong dahilan para mawala ang galit niya. Dahan-dahan 'kong binuksan ang gate at sinara. Bukas ang ilaw sa bahay at paniguradong kanina pa ako hinahanap at hinihintay ni mama. Akma akong kakatok ng na isip 'kong wag nalang.Sumilip muna ako sa bintana at nakita ko si mama at Kate na nag uusap. Ano kaya pinag-uusapan nila? Kumawala ako ng malakas na buntong-hininga. Nag inhale, exhale ako bago hinawakan ang door knob. Kinakabahan ako baka kasi...lalo nagalit si mama sa 'kin dahil hindi ako sumunod sa sinabi niya.
"Nakita ko talaga ang tunay niyang nanay." Natigilan ako sa sinabi ni papa. "Kaninong nanay po?" tanong ko.Gulat na gulat silang napatingin sa 'kin. "K-Kanina kapa diyan anak?" gulat na tanong ni mama."Kakarating ko lang po, bakit po?" Hindi ko sila maintindihan, base sa reaction nila. Parang may hindi ako dapat narinig sa pinag-uusapan nila. "S-Sino po pinag-uusapan niyo?" "A-Ano..." Hindi ako tanga para hindi makaramdam ng pagtataka at hinala. Feeling ko may kaka-iba talaga. Parang may tinatago sila sa 'kin. Matagal bago nakasagot si mama. "Nakita
JUSTIN'S POV."Ang ganda pa 'din ni Tita Yerah no?" tanong ni Druce at umupo sa sofa. Kakarating lang namin ng bahay ni Scart. Dito kasi kami gagawa ng report na isusubmit sa monday. "Oo nga ang ganda niya pa 'din," nakangiting sabi ko. Three years ago na 'din noong huli kaming nag kita ni tita. At kanina, wala pa rin pinag bago sa 'kaniya. Mabait at maganda pa 'din siya. "Hays. Nakaka miss tuloy si Yesha--" Naputol ang sasabihib niya ng bigla siyang siniko ni Peter.Alam 'kong ayaw nilang binabanggit si Yesya tuwing kasama nila ako. Malulungkot lang ako pag gano'n.
Tutok na tutok ang paningin ko sa laptop habang nag hahanap online na pwede pagtrabahohan. Ayo kong umasa lamang sa allowance na binibigay ni mama at papa. Sapat na sa aking binabayaran nila ang tuition ko kahit ang mahal-mahal nito. Gusto ko 'din kasi na ako naman ang gumastos para sa sarili ko.Hanggang sa napadpad ako sa isang page na nagnga-ngalang. Cutie Bakery Shop. Nag scroll lang ako ng nag scroll at maraming mga magagandang pagkain ang nakikita ko. Kagaya ng cookies, cake, bread, pie at cupcakes. Ang cute ng logo ng shop nila.Nag scroll ulit ako ng nag scroll hanggang sa may nakita ulit akong isang post three days ago. Nag hahanap sila ng delivery rider para sa shop nila. Babae o lalaki basta marunong gumamit ng motor at may license.