Home / All / I REMEMBER YOU / CHAPTER TEN

Share

CHAPTER TEN

Author: CyLili
last update publish date: 2020-09-25 18:42:54


Pagkapasok ko ng bahay patay ang ilaw at tanging ilaw ng buwan galing sa bintana ang nagsisilbing liwanag para makakita ako kahit pa-paano.

Mukhang kanina pa sila tulog. Gusto ko man tawagin si mama at si papa pero napag-isip ko na wag nalang at baka pagalitan nila ako. Gabi na 'din kasi at hindi ito ang oras na pag-uwi ng isang babae.

Dahan-dahan ako naglakad at siniguro ko na wala akong ingay na magagawa at madagil na bagay. Akma na akong aakyat ng laking gulat ko ng biglang bumukas ang ilaw at paglingon ko bumagad sa 'kin ang mukha ni mama at papa. Naka-upo si mama sa sofa habang si papa nakatayo malapit sa switch ng ilaw.

"Bakit ngayon kalang?" istriktong tanong ni papa sa 'kin.

Napapikit ako at humarap sa 'kanila. Paktay mukhang mapapagalitan nanaman yata ako. Hindi ko naman kasi alam na nandiyan sila.

Naka ilang lunok ako habang nakatingin sa 'kanila ng diretso.

"Bakit ngayon kalang?" pang-uulit ni mama sa tanong ni papa.

Napakagat ako sa ibabang labi ko bago nag salita. "K-Kasi po...n-ngayon lang ako naka-uwi?" pabalang na sagot ko. Sai? Ano ba 'yang sagot mo. Mas lalo kang malalagot niyan.

Bumaba ang tingin ko dahil sa sagot ko.

"A-Ano?" tanong ni papa.

"S-Sorry po sa sagot ko," paumanhin ko at nag angat ng tingin.

"Bakit ka nga ginabi?" Alam kong hindi nagustuhan ni mama ang sagot ko pero pinatili niyang mahinahon. Siguro para hindi na maulit 'yong ngyari makailan.

"A-Ano p-po kasi...naghintay po ako ng masasakyan."

"Tapos ginabi kana?" sarkistong tanong ni mama.

Tumango ako. "W-Wala po kasing medyo...d-dumadaan na taxi k-kaya natagalan at ginabi ako," nauutal na paliwanag ko.

"Hindi naman taxi ang naghatid sayo sa labas. Masiyadong maganda ang kotse niya para maging taxi. Sino 'yon?" tanong ni papa. "Manliligaw mo ba?"

"P-Po?" gulat na tanong ko. "Papa wala akong manliligaw."

"Boyfriend?" si mama.

Umiling ako. "Hindi 'din po."

"Asawa--"

Napa-ubo ako sa sinabi ni papa. Paano banaman kasi ako magkakaroon ng asawa? Ni hindi pa nga ako kasal. Hays...si papa talaga.

"Sai!" Napatingin kami kay Kate ng bigla siyang sumigaw pababa ng hagdan. Dali-dali siyang lumapit sa 'kin. "Jusko, mabuti naman at naka-uwi kana. Mabuti nalang at agad ko natawagan si MJ para pasunduin ka."

Tiningnan ko siya ng makahulugang tingin pero ngumiti lang siya. Anong sinasabi niya?

"T-Teka? Sinong MJ?" takang tanong ni mama kaya napatingin si Kate sa 'kaniya.

"Tita. Hindi moba na-alala 'yong kinwento kong bakla naming kaibigan? Siya 'yon."

"Ibig sabihin bakla ang humatid sa anak ko?" tanong ni papa.

Tumango si Kate.

"Ay...sayang akala ko manliligaw na," bulong ni papa. Siniko siya ni mama at sinamaan ng tingin. "Bakit hindi ako 'yong sinabihan mo para sunduin ang anak ko?" pang-iiba ni papa.

Tiningnan ko si Kate at halatang kumakapa siya ng pwede idahilan. "K-Kasi po..."

"Dahil ayaw ko pong mapagod pa kayo." Ako ang sumagot. "Pero wag po kayo mag-alala mabait po si MJ at wala siyang ginawang masama. Nagpapasalamat nga ako dahil hinatid niya ako ng safe dito," pilit ngiting sagot ko.

Tiningnan ako ni mama ng paniguradong tingin. Mukhang pinag-aaralan niya ang mukha ko kong nag sasabi ako ng totoo.

"S-Sige po...magbibihis lang ako," paalam ko at akmang tatalikod ng nagsalita si mama at papa.

"Kumain kana?"

"O-Opo...kumain na ako," sagot ko. "Sige po, akyat na 'ko. Goodnight!" Agad kong hinila si Kate paakyat ng kwarto.

Pagkapasok ni lock ko ang pinto at binitawan siya. "B-Bakit gano'n 'yong sinabi mo?"

"Haler! Hindi ba abvious na pinagtakpan kita?" mataray na tugon niya at tinaasan ako ng kilay..

Kumunot ang noo ko.

"Akala mo siguro hindi ko nakita no?"

"Ha? Ang alin?" takang tanong ko.

Lumawak ang ngiti niya at ang mga mata niya nanunukso. "May nag hatid sayo na pogi no?" Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Nakita niya 'yon?

"Awsus aminin..." Kinurot niya 'yong tagiliran ko.

"Ang sakit ah!" angil ko pero tinawanan niya lang ako.

"Meron kang boylet no? Awsus ayaw pa aminin." Magsasalita sana ako ng bigla naman siyang nagsalita. "Ikaw ah! May tinatago kana sa 'kin. Akala ko ba best friend mo ako at hindi pwede magtago ng secrets sa isa't isa? Bakit nag tatago kana ngayon?" sasagot na sana ulit ako ng nagsalita naman siya ulit. "Hays! Kapag hindi mo sinasabi sa 'kin kong 'yon hindi na tayo best friend. Friend nalang at wala ng best."

"Ang dal-dal mo!" inis na sabi ko. "P-Pero...paano mo nalaman na lalaki 'yong naghatid sa 'kin?"

"Madali lang uy!" Pumitik siya. "Imposible naman kasi na si ma'am Yerah ang naghatid sayo dahil hindi 'yon ang sasakyan niya. Pangalawa ang cool ng sasakyan at bumaba siya kanina pagkapasok mo. Hindi ko ngalang nakita ang mukha dahil naka shade siya pero paniguradong lalaki 'yon at gwapo."

Hays...ang dal-dal. Nilagpasan ko siya at hinubad ang jacket ko.

"So...sino nga ang lalaking 'yon?"

"Wag ka ng magtanong. Matulog kana," tugon ko.

Bubuksan kuna sana ang pinto ng banyo ng bigla siyang humarang at nakapamewang na tiningnan ako. "Sasagot ka o sasabihin ko kay tita at tito ang totoo?" banta niya.

"Sino tinatakot mo-- este umalis ka nga diyan." Na copy kuna tuloy ang line ng lalaking 'yon.

"Sabihin muna kasi..." pamimilit niya.

"Hindi na importante kong sino 'yon. Ang mahalaga safe akong nakauwi. Kaya umalis ka diyan dahil nangangati na ako sa damit kong amoy pawis."

"Ayaw ko nga."

"Ah ayaw mo?" nakangiting tanong ko at tumango siya. "Sige ipaaamoy ko sayo ang kili-kili ko." Akma kong itataas ang braso ko ng bigla siyang kumaripas ng takbo.

"Kadiri ka!" sigaw niya at umastang diring-diri at may patakip pa ng ilong.

"Arte naman nito. Hindi gano'n kabaho ang kili-kili ko no."

"Maligo kana nga! Bilis!" utos niya.

"O..kay..." sabi ko at pumasok ng CR.

***

Pagkatapos ko maglinis ng katawan at magbihis lumabas na ako ng CR. Nadatnan kong tutok na tutok si Kate sa cellphone niya.

Bahagya akong lumapit para silipin kong ano ang tinitingnan niya.

Halos lumaki ang mata ko ng makita ko siyang nag iistalk sa Ex-Boyfriend niya. Napa 'O' ang bibig ko.

Nakita kong tumulo ang luha niya ng makita ang picture ng EX-Boyfriend niya at ang bago nitong girlfriend.

Hanggang ngayon hindi pa 'din siya maka move-on?

Inagaw ko ang phone sa 'kaniya.

Nanlaki ang mata niyang tumingin sa 'kin. "Akin na nga..." Akma niya itong kukunin ng ilayo ko. "Sai!" nababanta ang tono ng pananalita niya.

Napa-iling ako. "Tsk! Tsk! Sabi ko naman sayo na wag munang tangkain i stalk kong ayaw mong masaktan. Move-on na. Bebeh koh..." Diniinan ko ang huli para ma asar siya. 'Yan kasi ang callsign nila ng ex-boyfriend niya.

Sumama ang mukha niya at sinamaan ako ng tingin. "Ibigay muna ang phone ko!"

Pinatay ko muna bago binalik sa 'kaniya. "Oh." Bubuksan niya na sana ulit ng nagsalita ko. "Wag muna tangkain, tutulo nanaman 'yang luha mo sa beautiful eyes mo."

"Hindi ko maiwasan, e," nakangusong sabi niya.

"Sige...lovelife pamore," pang-aasar ko at umupo sa kama. "Sabi ko naman sayo sasaktan kalang niyan. Hindi ka kasi naniniwala sa 'kin."

"Maka salita 'to parang wala kang ex ah!"

Natigilan ako. "W-Wala naman talaga akong e-ex," nauutal na sabi ko.

Ngumisi siya at tinaasan ako ng kilay. "Talaga? Gusto mo imentioned ko?"

"Sige subukan mo," banta ko pero tinawanan niya lang ako.

"Wala kang ex-boyfriend pero ex--" Naputol sasabihin niya ng hinagisan ko siya ng unan.

"Manahimik ka!"

***

Kakapasok ko lang sa school ng biglang nag ring ang phone ko. Hindi ako nagkakamali si Kate nga. Nauna kasi akong pumasok sa 'kanila. Papasok na ako pagising palang silang dalawa, hindi ko nga maintindihan kong bakit parang pagong kong kumilos 'tong dalawang 'to.

"Hello?" sagot ko.

"Nasaan ka?! Bakit mo kami iniwan?!" Bahagya ko nilayo ang phone sa tenga ko. "Alam mo bang pagkagising ko hinanap ka agad kita tapos...Boom! Wala kana!"

"Kate...relax. Ang aga-aga para kang si papa na nawalan ng manok, e," sabi ko habang naglalakad.

"E, bakit hindi mo kasi kami hinintay?" tanong ni Kate sa kabilang linya.

"Ang tagal niyo, e. Isa pa gusto ko muna mag lakad-lakad ng mag-isa dito," sagot ko.

"Ayaw mo akong makasama no?"

Nanlaki ang mata ko sa tanong niya. "Uy. Hindi 'yan totoo. Gusto ko lang talaga mapag-isa."

"Sus! Ayaw mo lang ako kasama."

"Hindi nga..."

"Ano?!" sigaw niya kaya nilayo ko ulit ang phone sa tenga ko.

"Ang sabi ko, gusto kitang kasama...pero sa ngayon, gusto ko munang mapag-isa. Gets?"

"Sh*t!"

Agad ako nahinto ng may biglang nagmura. Ngayon ko lang na realize nabangga ko pala siya. Nabitawan niya ang hawak niyang palette at bondpaper.

"Kate bye muna." Hindi kuna hinintay ang sagot ni Kate ng bigla ko na itong binaba. Agad ko nilagay sa bulsa ko ang phone at dali-daling pinulot ang mga bondpaper. "S-Sorry po," paumanhin ko habang pinupulot ang mga bondpaper.

"Hindi kaba tumitingin sa dinadaanan mo miss?!" inis na tanong niya.

"Sorry po talaga. Ito na po, o." Inabot ko ang lahat na bondpaper sa 'kaniya. Nakita ko kong paano siya natigilan at na istatwa ng nag-angat ako ng tingin.

Tinitigan ko mabuti ang mukha niya at parang pamilyar siya sa 'kin. Hindi ko lang ma-alala kong saan ko siya nakita.

Naramdaman kong bahagyang sumakit ang ulo ko. Ang kaninang malinaw na paligid sa 'kin naging malabo. Dahan-dahan nandilim ang mata ko hanggang sa naramdaman kong natumba ako at nawalan ng malay.

"Sandali! Bumalik ka nga dito!" sigaw niya habang hinahabol ako.

"Ayaw ko nga blee!" Nagpatuloy ako sa pagtakbo habang hawak ang boxer niya. "Hihihi..." mahina akong tumawa.

"Huli ka!"

"Wah!" napasigaw ako ng bigla niya akong binuhat. "Kuya! Ibaba mo 'ko!" sigaw ko.

"Ibalik mo muna 'yong boxer ko."

Ngumuso ako at nilagay sa ilong niya ang boxer niya sabay tawa.

Gulat kong minulat ang mata ko at hingal na hingal bumangon. Nilibot ko ang paningin ko. Kulay puti ang pintura ng pader at ngayon ko lang na realize nasa clinic ako.

Napatingin ako sa lalaking naka-upo malapit sa 'kin. Nakasandal siya sa upuan, naka cross arms at pikit ang mata. Mukhang nakatulog na.

Ngayon ko lang na-alala na siya 'yong lalaking nabangga ko kanina. Ewan ko ba pero pagkatingin ko sa 'kaniya na-alala ko bigla ang panaginip ko.

"K-Kuya?" takang tanong ko sa sarili ko. Hindi ko maintindihan ang panaginip ko pero 'yong lalaking walang mukha ang laging laman ng panaginip ko simula no'ng nanood ako ng Umaru Chan.

Oo gusto-gusto ko magkaroon ng lalaki nakatandang kapatid. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Pakiramdam ko hindi ko na kailangan humiling dahil meron na ako. Hindi ko lang ma-alala kong sino.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • I REMEMBER YOU   CHAPTER TEN

    Pagkapasok ko ng bahay patay ang ilaw at tanging ilaw ng buwan galing sa bintana ang nagsisilbing liwanag para makakita ako kahit pa-paano. Mukhang kanina pa sila tulog. Gusto ko man tawagin si mama at si papa pero napag-isip ko na wag nalang at baka pagalitan nila ako. Gabi na 'din kasi at hindi ito ang oras na pag-uwi ng isang babae.Dahan-dahan ako naglakad at siniguro ko na wala akong ingay na magagawa at madagil na bagay. Akma na akong aakyat ng laking gulat ko ng biglang bumukas ang ilaw at paglingon ko bumagad sa 'kin ang mukha ni mama at papa. Naka-upo si mama sa sofa habang si papa nakatayo malapit sa switch ng ilaw. "Bakit ngayon kalang?" istriktong tanong ni papa sa 'kin. Napapikit ako at humarap sa 'kanila. Paktay mukhang mapapagalitan nanaman yata ako. Hindi ko naman kasi alam na nandiyan sila. Naka ilang lunok ako habang nakatingin sa 'kanila ng diretso.

  • I REMEMBER YOU   CHAPTER TEN

    Pagkapasok ko ng bahay patay ang ilaw at tanging ilaw ng buwan galing sa bintana ang nagsisilbing liwanag para makakita ako kahit pa-paano. Mukhang kanina pa sila tulog. Gusto ko man tawagin si mama at si papa pero napag-isip ko na wag nalang at baka pagalitan nila ako. Gabi na 'din kasi at hindi ito ang oras na pag-uwi ng isang babae.Dahan-dahan ako naglakad at siniguro ko na wala akong ingay na magagawa at madagil na bagay. Akma na akong aakyat ng laking gulat ko ng biglang bumukas ang ilaw at paglingon ko bumagad sa 'kin ang mukha ni mama at papa. Naka-upo si mama sa sofa habang si papa nakatayo malapit sa switch ng ilaw. "Bakit ngayon kalang?" istriktong tanong ni papa sa 'kin. Napapikit ako at humarap sa 'kanila. Paktay mukhang mapapagalitan nanaman yata ako. Hindi ko naman kasi alam na nandiyan sila. Naka ilang lunok ako habang nakatingin sa 'kani

  • I REMEMBER YOU   CHAPTER NINE

    Kakababa ko lang sa taxi at may dala-dala akong heart na unan, flowers at chocolates para kay mama. Bago kasi ako umuwi bumili ako nito sa mall para makabawi ako kay mama at para hindi na siya magtampo sa 'kin. Ito nalang kasi ang naiisip 'kong dahilan para mawala ang galit niya. Dahan-dahan 'kong binuksan ang gate at sinara. Bukas ang ilaw sa bahay at paniguradong kanina pa ako hinahanap at hinihintay ni mama. Akma akong kakatok ng na isip 'kong wag nalang.Sumilip muna ako sa bintana at nakita ko si mama at Kate na nag uusap. Ano kaya pinag-uusapan nila? Kumawala ako ng malakas na buntong-hininga. Nag inhale, exhale ako bago hinawakan ang door knob. Kinakabahan ako baka kasi...lalo nagalit si mama sa 'kin dahil hindi ako sumunod sa sinabi niya.

  • I REMEMBER YOU   CHAPTER EIGHT

    "Nakita ko talaga ang tunay niyang nanay." Natigilan ako sa sinabi ni papa. "Kaninong nanay po?" tanong ko.Gulat na gulat silang napatingin sa 'kin. "K-Kanina kapa diyan anak?" gulat na tanong ni mama."Kakarating ko lang po, bakit po?" Hindi ko sila maintindihan, base sa reaction nila. Parang may hindi ako dapat narinig sa pinag-uusapan nila. "S-Sino po pinag-uusapan niyo?" "A-Ano..." Hindi ako tanga para hindi makaramdam ng pagtataka at hinala. Feeling ko may kaka-iba talaga. Parang may tinatago sila sa 'kin. Matagal bago nakasagot si mama. "Nakita

  • I REMEMBER YOU   CHAPTER SEVEN

    JUSTIN'S POV."Ang ganda pa 'din ni Tita Yerah no?" tanong ni Druce at umupo sa sofa. Kakarating lang namin ng bahay ni Scart. Dito kasi kami gagawa ng report na isusubmit sa monday. "Oo nga ang ganda niya pa 'din," nakangiting sabi ko. Three years ago na 'din noong huli kaming nag kita ni tita. At kanina, wala pa rin pinag bago sa 'kaniya. Mabait at maganda pa 'din siya. "Hays. Nakaka miss tuloy si Yesha--" Naputol ang sasabihib niya ng bigla siyang siniko ni Peter.Alam 'kong ayaw nilang binabanggit si Yesya tuwing kasama nila ako. Malulungkot lang ako pag gano'n.

  • I REMEMBER YOU   CHAPTER SIX

    Tutok na tutok ang paningin ko sa laptop habang nag hahanap online na pwede pagtrabahohan. Ayo kong umasa lamang sa allowance na binibigay ni mama at papa. Sapat na sa aking binabayaran nila ang tuition ko kahit ang mahal-mahal nito. Gusto ko 'din kasi na ako naman ang gumastos para sa sarili ko.Hanggang sa napadpad ako sa isang page na nagnga-ngalang. Cutie Bakery Shop. Nag scroll lang ako ng nag scroll at maraming mga magagandang pagkain ang nakikita ko. Kagaya ng cookies, cake, bread, pie at cupcakes. Ang cute ng logo ng shop nila.Nag scroll ulit ako ng nag scroll hanggang sa may nakita ulit akong isang post three days ago. Nag hahanap sila ng delivery rider para sa shop nila. Babae o lalaki basta marunong gumamit ng motor at may license.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status