LOGIN"Ito na ba 'yong room nila?" Turo ko sa room nasa harap ko. Dito sa labas kitang-kita muna ang mga estudiyante sa loob na nag babasa ng libro.
"Susugurin mo ba talaga sila sa loob?" tanong ni Kate.
Tumango ako. "Kailangan niyang mag sorry sa akin. Alam mo bang hanggang ngayong kumikirot pa 'din?"
"Bakla, palagpasin mo nalang sila. Malalagot tayo kay Scart pag inaway mo siya," pananakot ni MJ.
"Hindi kaba na tatakot sa 'kaniya?" tanong nila.
"Bakit ako matatakot e, pareho lang kaming tao diba? Bakit ako matatakot sa 'kaniya?"
"Sabagay.."
Mayabang akong pumasok. Agad ko namang nakuha ang atensiyon ng lahat at taka nila akong tingnan, ang iba nag bubulong--bulongan pa.
"N-Nasaan 'yong classmate niyo na nag ngangalang Scart Ville?" Pinilit ko wag ma utal at maging normal sa 'kanilang lahat.
"Bakit niyo hinahanap?" tanong ng babaeng may headband na parang pusa.
"A-Ano.."
"May kasalanan siya sa kaibigan namin," si Kyle ang sumagot imbis na ako.
"K-Kasalanan?" takang tanong nila.
Tumango ako. "Nakikita niyo 'yong sugat ko dito?" Tinuro ko ang sugat ko. "Siya ang may kasalanan nito. Kaya iharap niyo siya sa 'kin."
Matagal bago siya nakasagot at napatingin pa siya sa likod ko. "W-Wala siya dito e," nauutal na tugon niya.
Bakit parang bigla silang natakot? Hindi naman ako aswang o multo ah. Ang weird nila bigla sila nag si tahimik at mukhang takot na takot.
"S-Sai."
"O?" tanong ko.
"S-Sai."
"Ano ba?" Hindi ko sila nilingon.
"S-Sai."
"Ano nga?" Paglingon ko, napahawak ako sa noo ko, ng biglang akong nabunggo sa matigas na dibdib.
Paktay sino to? Dahan dahan akong nag angat ng tingin at halos ilang bases akong kumurap ng napagtanto ko kong gaano siya kasama tumingin.
Bigla tuloy akong kinabahan at ang bilis ng tibok ng puso ko.
Agad ako lumayo. "Sorry po," paumanhin ko at yumuko.
"Sino ka?" ang lamig lamig ng boses niya at ang tanggkad-tanggkad. Nahiya tuloy 'yong height ko.
"Hinahanap niya daw kayo." 'Yong babaeng kausap ko kanina ang sumagot.
Rumihestro sa isip ko ang sinabi ng babae. Tiningnan ko ng mabuti ang mukha ng lalaking nasa harap ko at ang sapatos niya. Hindi ako nag kakamali siya kanina ang naka apak ng ballpen ko. Ikaw lang pala..
Lahat ng takot ko sa mga mata niya nawala at napalitan ng inis. "Ikaw ba si Scart Ville?" mahinahon na tanong ko.
"Oo," maikling sagot niya. Pinag masdan ko ang mukha niya at mukha siyang adik. May hikaw na kulay itim sa tenga at naka jersey pa. "Bakit may problema ka sa pangalan ko?" malamig na tanong niya.
Kinuha ko sa bulsa ang ballpen na durog kanina. Pinulot ko kasi 'yon. "Alam mo ba 'kong ano to?" tanong ko.
"Durog na ballpen." Nag salubong ang kilay niya. "Nakikita mo naman siguro na may mata ako. Stupid."
Talagang ako pang stupid, e, siya nga tong loko-loko e.
"E, ito." Pinakita ko sa 'kaniya ang sugat ko.
"Sugat, ano ba trip mo?" naiinis na tanong niya.
"Alam mo ba 'kong bakit durog ito at may sugat ako?"
"Pakealam ko naman sayo?"
Wala siyang pakealam?! "Dahil ikaw ang dahilan 'kong bakit nadurog ito, at nagkasugat ako."
'O, tapos?"
"Anong tapos?"
"Wala kana bang sasabihin?" sakistong tanong niya. "Kong nag papansin ka sa 'kin, pwes napansin na kita. Kaya umalis ka diyan sa dadaanan ko dahil naasar ako sa pag mumukha mo."
"Ah. Talaga?" sarkistong tanong ko. "Alam mo bang ako ang tinulak mo kanina? Ng dahil sayo nag kasugat ako, pwede ka naman makiusap na dadaan ka pero anong ginawa mo? Tinulak mo ako."
"Kasalanan ko bang nakaharang ka?"
"Pupulotin ko sana 'yong ballpen ko pero bigla mong inapakan, pagkatayo ko naman bigla mo akong tinulak," sagot ko.
"E, anong gusto mong gawin ko?"
"Mag public apology ka sa akin."
"Bakit ako mag sosorry?" inosenteng tanong niya. "Umalis ka nga diyan!"
"Hindi ako aalis hangga't hindi ka nag pupublic apology sa 'kin."
"Hahaha!"
Narinig ko na may tumawa kaya tiningnan ko 'kong sino 'yon. Hindi ako nag kakamali isa ito sa mga kaibigan niya. Ngayon ko lang napansin ang isa pang lalaking kasama niya. Napako ang tingin niya sa 'kin at napako 'din ang tingin ko sa 'kaniya. Siya 'yong lalaking nakita 'kong nag piano at umiiyak. Agad 'kong iniwas ang tingin sa 'kaniya at binaling sa kaharap ko.
"Mag sosorry ka o papatulugin kita?" mayabang na tanong ko.
Ngumisi siya. Ang yabang ng ngisi niya. Yumuko siya para abot niya ko at nilapit ang mukha niya. "Ah talaga? Kaya mo?"
"O-Oo kaya ko. Gusto mo sample?"
"Tsk. Pandak." Ginulo niya ang buhok ko at sinangga ang balikat ko.
Napatingin ako sa kawalan. Ano sabi niya pandak? Ng iinsulto ba siya? Agad ako lumingon para tingnan siya na umupo at nag earphone. Bigla akong nainis at agad kumulo ang mga dugo ko.
"Hoy! Sinong pandak?!"
Akma ko siyang susugurin ng pinigilan ako ng mga kaibigan ko. "Tama na hayaan mo na siya, umalis na tayo dito."
"Oo nga. Tama na."
"Hindi ako aalis dito hangga't hindi ko nasusuntok ang lalaking 'yan." Akma ulit akong susugod ng hinila na nila ako ng tuloyan, palabas ng room. "Hoy! Adik! Na mukhang fox, harapin mo ko! Animal ka pisti ka yawa ka! Mag suntokan tayo!" Sigaw ko.
***
Naramdaman 'kong napasulyap sina Kate sa akin. Seryoso ba si Prof? Bad trip naman tinamaan ako diyan ah. Bakit kailangan pang itopic ngayon 'yan?
"Pwede ba kayo mag bigay ng dahilan 'kong bakit ang mga bata ngayon at kinukulang sa height?"
Tumaas ng kamay si Kate. Sinenyasan siyang tumayo ni Professor. "Dahil hindi po sila natutulog tuwing tanghali." Tinamaan tuloy ako. Inaamin ko na hindi ako natutulog tuwing tanghali dahil sa paglalaro. At kapag natutulog naman ako ng tanghali hindi ako makatulog pag gabi dahil full energy na ako.
"Okay, sino pa?"
Nag taas ng kamay si MJ. "Dahil kulang sila sa pag-inom ng gatas." Umiinom naman ako ng gatas ah. Pero bakit hindi ako tumangkad?
"Hmm. Okay." Tumango si prof at sinenyasan siya umupo.
Hindi ko natalaga kaya dahil natatamaan ako sa mga sagot nila. Kaya nag lakas loob akong tumayo. "Prof?"
Tiningnan ako ng takang tingin ni Prof. "Yes?"
"Mag CR lang po ako."
"Okay, bumalik ka agad dahil may quiz pa tayo."
"Okay po." Naglakad na ako palabas ng classroom para dumeretso sa locker. Gusto ko kunin ang binili 'kong chocolate drink para mawala ang init ng ulo ko.
Tsaktong pagliko ko nakasalubong ko ang pinakamasamang at pinakamayabang nakilala ko kanina lang. Ang sama-sama nanaman ng tingin niya pero kahit masama siya tumingin gwapo pa 'din siya. Oo aaminin kong gwapo siya!
Akma akong dadaan sa kanan ng doon 'din siya dumaan. Nagsalubong ang kilay niya at akma ulit ako dadaan sa kaliwa ng doon 'din siya dadaan. Para tuloy kaming nag papatentero.
"Ano ba?!" angil niya. "Kanina kapa ah?! Ano ba talaga trip mo ha?!"
"Ano trip ko?" inosenteng tanong ko. "Wala naman. Ikaw ano ba trip mo?" pangbabalik ko sa tanong niya.
"Ng aasar kaba?" Nauubusan na talaga siya ng pasensiya.
"Ikaw ng-iinis kaba?" Ginaya ko ang tono ng pananalita niya ng lalong kinainis niya.
"Alis diyan."
"Ayaw ko nga." Aasarin kita hanggang sa maasar ka, ng makaganti lang ako sa ginawa mo.
"Aalis ka diyan o ibabalibag ka?" seryosong banta niya.
Natigilan ako. Seryoso ba siya? E, babae ako. Napakasama talaga ng ugali niya. "Bakit ako aalis? 'Kong pwede naman ikaw?"
"May gusto kaba sa 'kin?"
Nanlaki ang mata ko sa tanong niya. "Ano? Ako may gusto sayo?" Turo ko sa sarili ko. "Ang kapal naman ng mukha mo. Asa kapa!"
"Kong wala kang gusto sa 'kin, umalis ka diyan sa da-daanan ko 'kong ayaw mong sumabog ako sa galit ngayon."
"Edi sumabog ka, wala akong pakealam. Basta dito lang ako, hinding hindi ako aalis."
"Hindi kaba natatakot sakin? Ako si Scart Ville, at walang pwedeng kumausap sa 'kin o makipag away ng hindi ako kilala."
"Eh, ano naman ngayon?" Lalong nag salubong ang kilay niya. Mabuhol sana kilay mo. "Tao ka hindi ka diyos, kaya bakit ako matatakot sayo?"
Inis na inis na ang mukha niya at hindi tatagal sasabog na talaga siya galit. Nag kuyom ang kamao niya at ready ng manuntok.
Napalunok ako at kahit medyo natatakot na ako, nilabanan ko pa 'din ang mga tingin niya. Kita ko 'kong paano umigting ang panga niya, umusok ang ilong, at tumubo ang mga hundreds na sungay sa ibabaw ng ulo niya.
Akala ko susuntukin niya ako pero laking gulat ko ng kinurot niya ang pisngi ko. "Aray!"
"Pasalamat ka, hindi pa ubos ang pasensiya ko."
Napahawak ako sa pisngi ko dahil sobrang sakit talaga ng kurot niya. "Ba't ba na ngungurot ka?!" inis na tanong ko.
"Ano aalis kana?" mayabang na tanong niya.
"Hindi pa 'din ako aalis. Ikaw nalang ang umiwas." Hindi pa 'din ako umalis sa dadaanan niya.
Kinurot niya ulit ang kabila 'kong pisngi at ang sobrang sakit na talaga. "Ano aalis kana?" Hindi niya pa 'din binibitiwan ang pisngi ko.
"Pag ito naging siopao ang laki, humanda ka sa 'kin!" banta ko pero tinawanan lang ako ng mokong.
Ang sabi kasi ni mama at papa kapag na sobrahan sa kurot ang pisngi ko, mamaga daw at magiging kasing laki ng siopao.
"Sino tinatakot mo?" Lalo niyang pinanggigilan ang pisngi ko.
Nagkuyom ang kamao ko at sinamaan siya ng tiningin. Dahil sa inis sinukmuraan ko siya.
"Aray! Bakit mo 'yon ginawa?!" sigaw niya at namimilipit sa sakit. Dapat lang 'yan sa 'kaniya, sa buong buhay ko walang kumurot ng pisngi ko. Kahit mga kaibigan ko. Tapos siya? Nakakilala ko lang at kaaway ko pa! Nakakurot na?
"Ano masakit?" pang aasar ko. "Yan ang bagay sayo! Tingnan mo nga 'yong pisngi ko." Turo ko sa pingi ko. "Ang pula-pula, pasalamat ka 'yan lang ang ginawa ko sayo. Tsk. Diyan kana!" Nilagpasan ko siya at hindi pinansin.
"Hoy! Dora na mukhang bunny! Bumalik ka dito!"
"Bye!" Kinawayan ko siya patalikod at hindi pinansin. Mamatay siya kakasigaw diyan. Kahit papaano nakaganti ako sa 'kaniya at nabawasan ang inis ko.
Tuwang tuwa akong naglakad sa kong saan-saan. Nag libot ako ng school hanggang sa napadpad ako sa lugar na tago dito sa loob ng eskwelahan. Isa siyang malaking gate na kulay silver, sobrang ganda-ganda niya tingnan. Lumingon-lingon muna ako sa paligid at nag babakasakali na may tao.
Binaling ko ulit ang tingin sa gate. Nag dadalawang isip tuloy ako 'kong dapat ba akong pumasok ng walang pahintulot. Paano 'kong may nagbabantay? Tapos hulihin ako at papuntahin kay Dean, edi malalagot pa ako.
Pero gusto ko talaga siyang pasukin. Dahil matigas ang ulo ko, tuloy pa 'din ako. Dahan-dahan 'kong binuksan ang gate at naglakad papasok. Parang hacienda ang sa loob kaso walang bahay. Maraming matatayog na puno at magagandang halaman. Ginala ko ang paningin ko habang nag lalakad at napansin 'kong napaka fresh ng hangin at napakasarap sa pakiramdam, dahil sa dinudulot nitong lamig sa aking katawan. Alam naman kasi natin na mainit dito sa pilipinas, pero sa lugar na ito, para kang nasa ibang bansa na merong malamig na klima.
Maraming paru-paru na lumilipad sa ibabaw ng halaman at parang sumasayaw lang sila. Feeling ko isa akong prinsesa napadpad sa lugar ng mga diwata.
Habang naglalakad napansin ko na sobrang lawak ng lupain, at sa 'di kalayuan kitang-kita ko ang malaking fountain at may kakaiba desenyo. Dahil na curious ako nilapitan ko ito at pinagmasdan ng mabuti.
Merong hugis puso sa gitna at sa gilid may sparkle na nag lalabas ng tubig. Biglang tumigil ang paglabas ng tubig sa fountain at lumamig ang buong paligid. Lumakas ang hangin at nag si laglag ang mga malulutong na dahon galing sa mga puno.
Para tuloy ako sa commercial ng shampoo dahil hindi nakatali ang buhok ko kaya madaling na galaw ng hangin.
"Ang lamig naman ng hangin dito, nasa pilipinas kaya ako." Napangiti ako at napapikit at nilanghap ang hangin na kay sarap at kay lamig.
"Sino iyan?" Minulat ko ang mga mata ko at nilingon ang nagsalita sa likuran ko. "Hija? Anong at paano ka napadpad dito?" tanong ng matandang lalaki sa akin. Hindi ako nagkakamali isa siyang hardenero dahil na 'din sa 'kaniyang suot.
"Sorry po, sa inyo po ba itong lugar?" tanong ko. "Sorry po talaga, 'kong pumasok ako ng walang paalam."
Lumapit siya sa 'kin at hinawakan ang mga kamay ko. Akma ko itong babawiin ng napagtanto ko na binabasa niya ang aking kanang palad. Tiningnan niya ito ng mabuti at sinuri gamit ang kaniyang mga daliri. "A-Ano po ginagawa niyo?" nauutal na tanong ko.
Bigla siyang ngumiti at tumingin sa mga mata ko. "Nakita mo na ang lalaking para sa iyo." A-Ano daw? "Magaling siya tumugtug ng isang instrumento." H-Ha?
"Maraming pagsubok ang darating sa inyong dalawa, ngunit dahil sa pagmamahal niya sa iyo, ang magbibigay lakas para malagpasan niyo ito."
"P-Po? Lalaking para sa akin? Imposible po 'yan, wala akong balak sa mga ganiyan na may kinalaman sa love."
Ngumiti siya at umiling. "Mag babago ang iyong isip hija. Alam mo ba ang mga taong napapadpad dito ay nakita na nila ang taong para sa 'kanila?"
"P-Po?"
"Ang pangalan ng lugar na ito ay may pag-ibig."
Agad kong binawi ang mga kamay ko na hawak niya, dahil na wiwirdohan ako sa mga sinasabi niya.
"Ah. Kayo pa ba may ari nito?" pang-iiba ko.
Umiling siya. "Ako ang taga pangalaga nito, ako ang nag aalaga sa mga halaman dito." Siya pala ang umaalaga sa mga halaman na nandito, kaya pala sobrang ganda.
"Sobrang ganda po ng lugar," nakangiting tugon ko.
"Dahil sa pagmamahal ko na 'din sa mga halaman mas lalo silang gumaganda." Ngumiti siya. "Bawa't dilig ko sa 'kanila, ay pinaparamdam ko ang aking pagmamahal. Hindi lang sikat ng araw o tubig ang ibinibigay ko, pati na 'din ang aking puso."
"Kaya pala ang ga-ganda nila dahil sa pagmamahal na binibigay niyo sa 'kanila."
"Maari ko bang mabasa ang kaliwang palad mo?" tanong niya. Kahit nag tataka tumango nalang ako. Inabot ko ang palad ko sa 'kaniya na agad niya naman kinuha at tiningnan ng mabuti. Ang kaninang nakangiti niyang labi ay dahan-dahan nawala at ang mga mata niyang masasaya ay napalitan ng pag-alala.
"B-Bakit po?"
Tumingin siya aking mga mata na punong-puno ng pag-alala. "May hindi magandang mangyayari sayo. Hindi maganda ang nababasa ko sa isang palad mo hija."
Agad ko binawi ang palad ko. Ang lakas lakas ng tibok ng puso ko. "P-Po? Ano po ibig niyong sabihin?"
"Hindi mopa kilala ang sarili mo, hindi ikaw, ay ikaw." Lalong lumakas ang tibok ng puso ko at tumayo ang mga balahibo ko. "Patawad, kailangan kuna umalis." bigla bumalik ang mukha niya sa normal. "Mag ingat ka hija, kailangan ko pang diligan ang mga halaman nasa dulo ng lugar na ito." ngumiti siya. Matagal bago ako tumango at ngumiti ng pilit.
Pagkapasok ko ng bahay patay ang ilaw at tanging ilaw ng buwan galing sa bintana ang nagsisilbing liwanag para makakita ako kahit pa-paano. Mukhang kanina pa sila tulog. Gusto ko man tawagin si mama at si papa pero napag-isip ko na wag nalang at baka pagalitan nila ako. Gabi na 'din kasi at hindi ito ang oras na pag-uwi ng isang babae.Dahan-dahan ako naglakad at siniguro ko na wala akong ingay na magagawa at madagil na bagay. Akma na akong aakyat ng laking gulat ko ng biglang bumukas ang ilaw at paglingon ko bumagad sa 'kin ang mukha ni mama at papa. Naka-upo si mama sa sofa habang si papa nakatayo malapit sa switch ng ilaw. "Bakit ngayon kalang?" istriktong tanong ni papa sa 'kin. Napapikit ako at humarap sa 'kanila. Paktay mukhang mapapagalitan nanaman yata ako. Hindi ko naman kasi alam na nandiyan sila. Naka ilang lunok ako habang nakatingin sa 'kanila ng diretso.
Pagkapasok ko ng bahay patay ang ilaw at tanging ilaw ng buwan galing sa bintana ang nagsisilbing liwanag para makakita ako kahit pa-paano. Mukhang kanina pa sila tulog. Gusto ko man tawagin si mama at si papa pero napag-isip ko na wag nalang at baka pagalitan nila ako. Gabi na 'din kasi at hindi ito ang oras na pag-uwi ng isang babae.Dahan-dahan ako naglakad at siniguro ko na wala akong ingay na magagawa at madagil na bagay. Akma na akong aakyat ng laking gulat ko ng biglang bumukas ang ilaw at paglingon ko bumagad sa 'kin ang mukha ni mama at papa. Naka-upo si mama sa sofa habang si papa nakatayo malapit sa switch ng ilaw. "Bakit ngayon kalang?" istriktong tanong ni papa sa 'kin. Napapikit ako at humarap sa 'kanila. Paktay mukhang mapapagalitan nanaman yata ako. Hindi ko naman kasi alam na nandiyan sila. Naka ilang lunok ako habang nakatingin sa 'kani
Kakababa ko lang sa taxi at may dala-dala akong heart na unan, flowers at chocolates para kay mama. Bago kasi ako umuwi bumili ako nito sa mall para makabawi ako kay mama at para hindi na siya magtampo sa 'kin. Ito nalang kasi ang naiisip 'kong dahilan para mawala ang galit niya. Dahan-dahan 'kong binuksan ang gate at sinara. Bukas ang ilaw sa bahay at paniguradong kanina pa ako hinahanap at hinihintay ni mama. Akma akong kakatok ng na isip 'kong wag nalang.Sumilip muna ako sa bintana at nakita ko si mama at Kate na nag uusap. Ano kaya pinag-uusapan nila? Kumawala ako ng malakas na buntong-hininga. Nag inhale, exhale ako bago hinawakan ang door knob. Kinakabahan ako baka kasi...lalo nagalit si mama sa 'kin dahil hindi ako sumunod sa sinabi niya.
"Nakita ko talaga ang tunay niyang nanay." Natigilan ako sa sinabi ni papa. "Kaninong nanay po?" tanong ko.Gulat na gulat silang napatingin sa 'kin. "K-Kanina kapa diyan anak?" gulat na tanong ni mama."Kakarating ko lang po, bakit po?" Hindi ko sila maintindihan, base sa reaction nila. Parang may hindi ako dapat narinig sa pinag-uusapan nila. "S-Sino po pinag-uusapan niyo?" "A-Ano..." Hindi ako tanga para hindi makaramdam ng pagtataka at hinala. Feeling ko may kaka-iba talaga. Parang may tinatago sila sa 'kin. Matagal bago nakasagot si mama. "Nakita
JUSTIN'S POV."Ang ganda pa 'din ni Tita Yerah no?" tanong ni Druce at umupo sa sofa. Kakarating lang namin ng bahay ni Scart. Dito kasi kami gagawa ng report na isusubmit sa monday. "Oo nga ang ganda niya pa 'din," nakangiting sabi ko. Three years ago na 'din noong huli kaming nag kita ni tita. At kanina, wala pa rin pinag bago sa 'kaniya. Mabait at maganda pa 'din siya. "Hays. Nakaka miss tuloy si Yesha--" Naputol ang sasabihib niya ng bigla siyang siniko ni Peter.Alam 'kong ayaw nilang binabanggit si Yesya tuwing kasama nila ako. Malulungkot lang ako pag gano'n.
Tutok na tutok ang paningin ko sa laptop habang nag hahanap online na pwede pagtrabahohan. Ayo kong umasa lamang sa allowance na binibigay ni mama at papa. Sapat na sa aking binabayaran nila ang tuition ko kahit ang mahal-mahal nito. Gusto ko 'din kasi na ako naman ang gumastos para sa sarili ko.Hanggang sa napadpad ako sa isang page na nagnga-ngalang. Cutie Bakery Shop. Nag scroll lang ako ng nag scroll at maraming mga magagandang pagkain ang nakikita ko. Kagaya ng cookies, cake, bread, pie at cupcakes. Ang cute ng logo ng shop nila.Nag scroll ulit ako ng nag scroll hanggang sa may nakita ulit akong isang post three days ago. Nag hahanap sila ng delivery rider para sa shop nila. Babae o lalaki basta marunong gumamit ng motor at may license.