LOGINLimang taon ang nakalipas, hindi niya pa rin nahanap si Cissie. Nagtatrabaho siya ngayon bilang staff nurse sa isang kilalang private hospital. At masasabing ibang-iba na ang buhay niya ngayon. Hindi na siya tulad dati na mahilig sa lakuwatsa at barkada. Pagkatapos ng shift niya direcho siya ng bahay at doon na magmokmok sa kwarto. Wala siyang ibang ginagawa kung 'di magsulat ng kuwentong pag-ibig. Naisip niya kasi, sa totoong mundo walang happy ending kaya pinili niyang magsulat para magagawa niya lahat ng may happy ending sa paraan na gusto niya. Naging partime niya rin ang pagsusulat at naka limang published pocketbook na siya sa isang sikat na publishing house. Minsan niyaya siya ng kaibigan niya.
“Pare, invite kita sa Saturday. Sama ka sa amin sa Padis Point, tutugtog kami,” wika ni Simon.
“Pare alam mo namang iniwan ko na ang pagtugtog, 'di ba?”
“Oo alam ko, iniwan mo lang naman hilig mo sa musika dahil sa isang babae. Pero hindi ka tutugtog don, kami lang. Besides darating ang cousin ni Jenny galing Tate, makikipaghangout daw sa’tin. Si Anna, remember?”
“I’ll think about it.”
“Pare hindi mo na kailangang pag-isipan. For once, humihiling ako sa'yo as a friend, concern ako sa'yo. Pare baka nakalimutan mo nang sumaya.”
“Okay, I fine. I’ll go with you.”
“Hay salamat, sa wakas pinagbigyan mo na rin ako! So, see you on Saturday,” sabay tapik nito sa balikat niya’t umalis. Hindi na rin nakatanggi si Jay. Sabagay limang taon na ang nakalipas at pa rang nakalimutan niya na nga atang sumaya. Hindi naman ata masama kung subukan niyang magsaya at isauli ang dati niyang mundo.
Sabado ng gabi, maaga siyang naggayak. Nakagray suit siya with pink shirt and jeans. Pagkatingin sa salamin, naisip niyang ngayon lang uli siya nag-ayos ng ganito. Siya na mismo ang pumunta sa Padis Point, hindi na siya nagpasundo sa mga kaibigan niya.
“Pare welcome back!” wika ni Simon
“Wow Pare, ikaw na ba 'yan? Namiss ka namin,” sabay yakap ng mga dati niyang kabanda noong early High School siya.
“Same here mga pare. Ako nga to, si Jay,” ngiti nito.
“Oh andito na pala sila Jenny at Anna,” putol ni Simon.
“Hey boys! Oh my goodness! Jay you’re here,” sabay beso ni Jenny.
“Yeah, finally. Kumusta?” ani ni Jay.
“Ikaw ang kumusta? Long time no see, man. By the way, do you still remember my cousin, Anna?” sabay lahad ng kamay nito kay Anna.
“Hi Jay,” bati nito
“Of course! Hi Anna, welcome back here,” sabay beso nito.
“Alright guys, let’s throw a log on a fire. Simulan niyo nang umorder ng drinks at tutugtog na kami,” putol ni Simon.
“Tara.”
Nagkasayahan na buong tropa, sa wakas si Jay ay nakikisabay na rin sa kanila. Ngayon lang uli siya nakipaghangout sa mga kaibigan niya mula nang bumalik siya galing Siquijor. Paano ba naman kasi, ibinuhos niya ang lahat ng oras sa paghahanap ng kanyang bestfriend na ngayon hindi pa niya alam kung saan lupalop ng daigdig. Lumalalim na ang gabi, habang ang mga kaibigan niya nasa kasayahan, nakaramdam na siya ng hilo. Ngayon lang siya uli nakainom ng alak kaya ambilis niyang natamaan.
“Guys, I think I’ll be going ahead. Medyo tipsy na ako, eh. May pasok ako bukas.”
“Ano ka ba naman Jay, 11pm pa lang oh. Sunday bukas, 'di ba?” ani ni Jenny.
“Walang Sunday sa ospital. Everyday may pasiyente Jen.”
“Alright. Kaya mo pa bang magmaneho?”
“Oo naman, malapit lang naman bahay namin. Iinom na lang ako ng kape.”
“Ayt. Bye, see you next Saturday.”
Pagkalabas niya ng building dumaan siya sa katabing coffee shop para uminom ng kape. Kailangan niya talagang uminom ng kape, mukhang umiikot talaga ang paningin niya. Magpapasober muna siya bago magmaneho. Inabot din siya ng ilang minuto at nang akmang tatayo siya,
“Bye guys, mauna na ako sa inyo,” paalam ng isang crew.
Napakapamilyar ng boses na iyon, hindi niya puwedeng kalimutan ang boses ng isang taong minsang naging dahilan ng matinding kalungkutan niya. Pagkaharap ng babaeng iyon, lalo pa niya itong ikinagulat. Tama ba ang nakita niya o bunga lang ito ng nainom niyang alak? Anuman iyon, wala na siyang pakialam, wala siyang inaksayang sandali at sinugod niya ito ng yakap.
“Saklolo! Rapissst!” sigaw ng babae
“Cissie, sa wakas natagpuan din kita. Ang tagal kitang hinanap,” wika ni Jay.
“Anong Cissie? Saklolooo!” nagpupumiglas ang babae pero hindi pa rin niya ito binitiwan.
“Anong problema Bisa?” tanong ng katrabaho ng babae habang papalapit ito sa kinaroonan nila.
“Itong maniac na ‘to. Nangyayakap bigla,” pagkasabi niyao’y binitiwan siya bigla ni Jay.
“Sir huwag po kayong mag-eskandalo dito, kung 'di tatawag ako ng police,” wika ng katrabho ng babae.
“S-sorry Miss, akala ko ikaw yong bestfriend ko 'nong High School. Sorry talaga,” wika nito habang tumutulo ang luha.
“Ah, eh ganoon ba? Eh hindi ako ‘yon. Hindi ako si Cissie, Bisa ang pangalan ko. Siguro kamukha ko lang ‘yon. Diyan ka na,” sabay nagmamadaling umalis ito.
“Pasensya ka na Miss,” ani ni Jay.
“Okay lang po sir, hindi ka naman mukhang rapist,” lumapit ito sa kaniya at bumulong … “Sa guwapo mong 'yan mukhang hindi naman ata maganda na ang rereypin mo ang gaya ni Bisa,” ngisi nito.
“I have to go, sorry talaga kanina,” akmang aalis siya ng may sinabi ang babae.
“Sandali Sir. Sakaling gusto mong malaman ang pangalan ko, Ako si Jinky, ikaw?” medyo makapal talaga ang mukha ng babaeng 'to.
“Jay,” sabay alis niya.
Nakarating siya sa kotse niya na hindi pa rin makalimutan ang nangyari kanina. Hindi pa rin talaga siya makapagmove on. Kamukha talaga ng kaibigan niya ang babae, kahit sabihing nagimprove ang aura nito, hindi pa rin talaga maiwasang isiping si Cissie ang babaeng iyon. Maiksi ang buhok niya, mala KPop ang porma at medyo maangas. Hindi gaya ng Cissie na nakilala niya na hindi marunong mag-ayos sa sarili, at timid. Gayunpama'y kamukha talaga siya ni Cissie, pati boses pareho. Blangko ang kaniyang utak niya habang nagmamaneho, kaya muntik na siyang lumampas sa bahay nila. 'Di siya nakatulog buong gabi dahil sa nangyari. Pero may bigla siyang naiisip, paano kung si Cissie nga talaga 'yon at nagkunwari lang? May naiisip siyang paraan. Bakit nga ba hindi? Kinabukasan pagakatapos ng shift niya dumaan siya uli sa coffee shop na iyon.
“Good evening, Jinky? I want coffee latte please,” order ni Jay.
“Oh, andito ka uli Sir. Sandali lang po ah,” mukhang kinikilig pa ito. Maya-maya’y pagkabigay nito ng kape sa kaniya,
“Uhm Jinky, anong araw libre ka?”
“Whoah, nagyaya ba kayo ng date Sir?”
“Whatever you call it,” ngiti nito sa babae.
“Whoa! Friday Sir game na game akong makipagdate,” bakas sa mukha ng babae ang excitement.
“Okay then, antayin mo ako dito ng Friday around 6pm after my shift. Bye,” sabay alis nito na nakangiti na para bang nakaamoy ng mabangong tagumpay. Samantalang si Jinky hindi makagetover sa invitation kaya nagdadadaldal ito sa katrabaho niya.
“Girl, alam mo ba? 'Yong lalaki na yumakap sa'yo kagabi ay nandito kanina. Aalam mo ba ang sinabi niya?”
“Paano ko naman malalaman, aber?Manghuhula ba ako?” pagsusungit ni Bisa.
“Ang lakas mong mambara te, well nagyaya lang naman ng date sa akin,” pagmamayabang nito.
“Ano?” nagitla si Bisa sa narinig niya at parang binuhusan siya ng malamig na yelo.
“Hoy, anong nangyari sa'yo? Inggit ka dahil niyaya ako ng date ng isang guwapo at mukhang mayaman? ” asar nito kay Bisa.
“Ya!” sigaw nito kay Bisa para makuha ang atensiyon. 'Pagkuwa'y kinalma ang sarili.
“Ha? Ah, eh 'di maganda kung ganoon,” patuloy ni Bisa.
“Ay, ewan ko sa'yo. Diyan ka na nga,” iniwan na siya ng babae. Ngunit parang hindi lubos nanauli ang diwa niya.
Samantalang ang bilis ng mga araw at Friday na, nagmamadaling nagout si Jay sa ospital dahil usapan nila ngayon ni Jinky na magdate kuno. Sa kabilang banda , kung todo postura si Jinky. Paroo’t parito sa sa labas ng coffee shop, ngunit nang makitang pababa ng kotse si Jay na nakauniform pa ng nurse, ay kumaway ito.
“Hi Jinky, kanina ka pa aba?” bati ni Jay.
“Medyo,” ngisi nito samantalang eksatong lumabas si Bisa sa coffee shop para maglabas ng basura.
“Oh hello there. What’s your name again? B-Bisa?” ang tamis ng ngiti ni Jay sa babae.
“H-hi po,” pabalang na bati nito.
“Pasensiya ka na last time, nakainom kasi ako kaya napagkamalan kita na bestfriend ko noon. By the way, aalis muna kami ng friend mo, Bisa,”sabay alalay nito kay Jinky papasok sa kotse niya.
Umalis ang dalawa na mukhang excited sa date nila. Bumalik na rin si Bisa sa loob ng coffee shop. Sa kabilang banda, wala naman particular na pinag-uusapan ang dalawa sa kanilang date. Kain tawanan lang ang dalawa dahil kalog 'tong si Jinky. Animado naman siyang makapal talaga ang mukha niya at dahil doon natuwa naman si Jay sa pagiging totoo nito.
“Paano Jinky, next time ulit?” ngiti nito sa babae.
“Oh ba, 'Kaw pa! Ang lakas mo sa akin eh,” ngisi nito.
“Dito ka pala nakatira sa apartment na 'to?”
“Oo, kasama ko si Bisa. Siya ang kashare ko ng upa.”
“Ah...matagal na kayong magkakilala ni B-Bisa?” usisa nito.
“Hindi naman masyado. Mga 2 years na noong nalipat ako ng branch. Siya ang unang nakilala ko sa mga katrabaho ko. Mabait siya kaya nagkakasundo kami.”
“Ah, okay.”
“Teka bakit ba siya pinag-uusapan natin. Baka gusto mong magkape muna sa loob?”
“No thanks, kailangan ko na ring umuwi. Maaga pa shift ko bukas. So papaano?”
“Sige, bye pogi.”
Nang makasakay si Jay sa kotse niya, unti-unting naging maaliwalas ang mukha niya. Pakiramdam niya kasi parang mayroon siyang mission at natitiyak niyang maging successful siya. Gusto ba niya ng laro? Gusto ba niyang makipaghide and seek? Magaling siya sa game na ito.
Mukhang kailangan atang araw-arawin niya ang coffee shop na iyon. Kinabukasan maaga siyang dumaan sa coffee shop dahil alam niyang pang-umaga ang shift ni Bisa, madaldal kasi si Jinky kaya nagkaidea siya.
“Hi, good morning, Bisa! Ikaw ata ang nadatnan ko, si Jinky?”
“Panggabi po siya Sir, ano pong order niyo?” iwas tingin nito.
“Coffee Latte please, take out.”
“Okay po sir, coming.”
Maya – maya’y bumalik ito dala ang order niya.
“Sir ito na po ang order niyo,” akmang tatalikod ito nang,
“Ah wait, gaano mo kakilala si Jinky?”
“Naku Sir, hindi kami nagkakuwentuhan personally kasi pareho kaming busy. Magkakaiba kami lagi ng shift, pagdating ko tulog siya. Pagdating niya, tulog ako. Bakit hindi nablang ho siya ang tatanungin niyo?”
“Grabe naman, galit ka agad? Maka alis na nga. See you around,” ngiti nito sa dalaga.
Habang tiningnan ng dalaga ang umaalis na lalaki, hindi maiiwasang maiinis ang dalaga. Bakit siya pa ang napili na pagtatanungan niyaon? Loko ba siya? Ano bang pakialam niya sa buhay ng may buhay?
Sa kabilang banda, natuwa si Jay sa reaction ng dalaga. Hindi niya mapigilang ngumiti habang nagmamaneho. Determinado na talaga siyang mabuking ang dalaga. Tinawagan niya si Jinky.
“Hello Jinky? May time ka ba this morning? Puwede ba tayong mag-usap?”
“Ha? Ah, sige daan ka dito sa bahay naglalaba kasi ako eh. Sorry ha?”
“It’s okay, I’m on my way,” pagkalapag ng phone ay hururot ng takbo ang kotse ni Jay patungo sa apartment ni Jinky. Sa sobrang bilis nakarating siya doon sa loob ng 15 mins. Dali-dali niyang kinatok ang gate.
“Andiyan na, sandali lang po,” nagmamadali itong tinungo ang gate.
“Ang aga mo namang makipagdate pogi,” wika nito na nakangisi pa.
“Actually pumunta ako dito para magtanong. Taga saan ba si Bisa? Iyon ba talaga ang tunay niyang pangalan?”
“Ano ba yan? Akala ko ano na,” nadismaya ito.
“Jinky, kailangan ko ang tulong mo. Kung maalala mo umiyak ako noong nakaraang gabi dahil napagkamalan kong siya ang bestfriend kong hinahanap,” naging seryoso na ang mukha nito.
“Sige na nga baka iiyak ka uli diyan eh. Ang alam ko hindi talaga Bisa ang pangalan niya. Kaya siya tinawag na Bisa dahil bisaya daw ang accent niya noong dumating siya sa shop mga 3 years ago. Nagtaka nga ako kung bakit sinabi niyang hindi siya si Cissie, kaso hindi ako puwedeng makialam sa personal na buhay niya. Hindi naman kasi siya nagkukwento ng personal life eh,” litanya nito.
“Sabi ko na nga ba eh! Siya ang bestfriend ko na umalis nang walang paalam. Nalaman ko na mahal niya daw pala ako noon, later ko narealized na mahal ko rin siya at naging mesirable ang buhay ko noong hindi ko siya mahanap,” umiiyak sa tuwa ang lalaki sa natuklasan niya.
“Ay pero, may narinig ko sa kaniya kagabi. Nagresign na siya at effective immediately. So last day na niya ngayon.”
“Ano!:Talaga? Kailangan ko nang umalis Jinky. Mukhang balak na naman niyang takasan ako. Salamat talaga, utang na loob ko to sa'yo.”
“Akala ko pa naman interesado ka sa akin. Hmmp! Bigyan mo na lang ako ng mayamang kadate para bayad ka na.”
“Sure!” dali-dali siyang pumasok sa kotse at umalis. Kailangan niyang balikan at komprontahin ang dalaga. Bakit niya nagawa ito sa kaniya? Balak pa atang takasan uli siya.
"Humanda ka sa akin, hindi kita palalampasin ngayon," wika niya sa sarili.
Sa kabilang banda si Cissie umiiyak ng palihim sa locker room ng mga empleyado.
“Matagal na kitang kinalimutan kahit masakit sa'kin iyo. Bakit ka pa nagpakita?” Halos madurog ang puso niya sa sobrang sakit ng naramdaman niya. Ngunit kailangan niyang bumalik sa sa counter dahil may trabaho pa siya. Naghilamos siya at dumirecho sa counter ng may kumaladkad sa kaniya palabas. Ang higpit pagkahawak nito sa kaniya. Pagkatingin niya ay,
“Aray ko! Sir ano bang ginagawa niyo? May kasalanan ba ako sa'yo?”
“Sir? Kasalanan? Grabe! Hangang ngayon ba, magkukunwari ka pa rin, Cissie? You're unbelievable! Bakit mo nagawa sa'kin 'to?” tuluyan nang umiyak si Jay.
“Bakit!” sigaw nito.
“Kung makasigaw ka, akala mo ikaw ang nasaktan ah! Gusto mong malaman kung bakit? Fine. Isa lang naman akong tangang magmamahal sa bestfriend ko na alam ko namang hindi ako kayang mahalin. Dahil alam ko na hangang kaibigan lang ang turing niya sa akin. Hindi mo alam kung gaano kasakit iyon dahil hindi ikaw ang nakaramdam. Masaya ka na? Oh gosh, I'm so stupid, why am I even explaining this to you? I'm the who got hurt.” Bumabaha na ang mga luha ni Cissie sa pagkakataong iyon.
“Malay ko bang iyon ang naramdaman mo!”
“Dahil manhid ka!” asik nito.
“Akala mo ikaw lang ang nasaktan? Naging miserable din naman ang buhay ko mula nang umalis ka nang walang paalam ah. Limang taon kitang hinanap kung saan-saan. Limang taon! Kung sinu-sino na lang ang binabayaran ko para mahanap ka. Halos hindi ko matanggap ang nangyari, pati pangarap ko muntik ng maglaho.”
“Aba! Kasalanan ko pa ngayon? Bakit? Sinabi ko bang hanapin mo ako? Sorry ha ,pero nakalimutan na kita kaya please lang umalis ka na,” sabay talikod nito. Ngunit mabilis siyang nahawakan ni Jay.
“Saan ka pupunta? Tatakasan mo na naman ako kaya ka nagresign?” pilit na tinatanggal ng babae ang kamay nito na nakawak sa braso niya.
“Ano pa ba ang kailangan mo? Nakita mo na ako na buhay ,'di ba?”
Pagkasabi niyaon, hinila siya Jay at hinalikan siya nito ng buong puso habang niyakap siya nito ng sobrang higpit. 'Yong tipong hindi siya makakawala sa mga bisig nito. Pareho silang natigilan sa eksenang iyon. Matagal bago nanauli sila sa kanilang diwa. Pagkakuwa'y dumistansiya si Jay saka hinawakan ang mukha niya. Nagpang-abot ang kanilang mga paningin na para bang ang kanilang mga mata ay nangungusap.
“You are all I need. Bezzie, please let's give it a try. Please be my love,” pagkarinig niyaon ay natulala si Cissie. Wala siyang mahagilap na salita sa kaniyang dila. Totoo ba ang narinig niya o naghahallucinate lang siya.
“Bezzie, natakot ako noong umalis ka nang walang paalam. Para akong baliw. Lahat ng babaeng nasalubong ko, ikaw ang nakikita ko. Saka ko narealized kung gaano kita ka mahal,” patuloy ni Jay habang nakahawak pa rin sa magkabilang pisngi niya at nakatitig sa kaniya.
“Tooto ba 'yan? Baka nagbibiro ka lang. Ikaw? Mahal mo ako? Mukhang imposible. Oh my gosh, I must be dreaming!" Hindi pa rin tumigil sa tulo ang mga luha ni Cissie. Pinagsamang luha ng kaligayahan at sakit dahil ngayon niya lang narinig mula sa mga labi mismo ni Jay ang mga katagang matagal na niyang hinintay. Ang mga katagang "Mahal Kita".
“Ayaw mong maniwala? Tawagan mo ang Mommy ko at tanungin mo kung gaano ako ka miserable noong hindi kita makita. O kung gusto mo, magpapakasal tayo ngayon ora mismo.”
“Oo na sige na. Wala naman akong laban sa'yo eh. Hanggang ngayon kasi mahil pa rin kita, mokong ka! I miss you Bezzie,” sabay yakap nito ng buong higpit.
"I miss you so too Bezzie," humigpit pa ang pagkakayakap nito kay Cissie.
"So, tayo na?" patuloy ni Jay.
"Pinapangarap lang kita dati, Bezzie. I dreamt of us together. I even dreamt of having kids, house, and freaking pets with you," tugon ni sabay paplos nito sa mukha ni Jay. Matamang niyang pinagmasdan mga mapupungay na mga mata nito at yumakap uli sa lalaki. Jay felt their hearts were connected. However, she's a little afraid that the moment they're in was just temporary.
"This is so fast. I mean, this thing between us. You didn't even court me. How do I know that are so sure of what you feel for me? Who knows you just missed your long lost best friend?" wika ni Cissie. Gusto niya lang makasiguro.
"You know, I've never been so sure until I spent my five years aching for you. I don't want to spend a single moment without you anymore. I thought I won't be able to live a normal life again," ninawakan ni Jay ang kamay niya at ipinatong ito sa kaniyang dibdib. He let her feel his heart pumping so loudy.
"You feel that? It could almost stop beating because of you. But God just helped go on for He knows that one day we will meet again. And here we are. Let's not waste another time," seryosong wika ni Jay. She couldn't even say a single word because she was so touched of what he had just said. She just smiled teary at him. So full of love!
"Teka, puwede bang ulitin natin 'yong,” sabay nguso nito.
“'Wag na, nakakahiya ang daming tao sa paligid," nagblush ito.
Ngunit sadyang makulit ang lalaki at talagang nakaisa pa. Binigwasan siya ng dalaga ngunit tila lalong nanunukso. Sabagay sobrang namiss nila ang isat isa. Palibhasay ngayon lang nagkaaminan ng totoong naramdaman.
❤E-N-D❤
Note: guys sana nagustuhan niya. Please don't forget to leave comments and votes. Please also check my other stories here, hindi kayo magsisisi. Let's connect on you Facebook. Just search AZKHA - Author. Thanks.
Limang taon ang nakalipas, hindi niya pa rin nahanap si Cissie. Nagtatrabaho siya ngayon bilang staff nurse sa isang kilalang private hospital. At masasabing ibang-iba na ang buhay niya ngayon. Hindi na siya tulad dati na mahilig sa lakuwatsa at barkada. Pagkatapos ng shift niya direcho siya ng bahay at doon na magmokmok sa kwarto. Wala siyang ibang ginagawa kung 'di magsulat ng kuwentong pag-ibig. Naisip niya kasi, sa totoong mundo walang happy ending kaya pinili niyang magsulat para magagawa niya lahat ng may happy ending sa paraan na gusto niya. Naging partime niya rin ang pagsusulat at naka lima
Ilang araw ang nakalipas, hindi pa rin mawala sa isipan ni Jay ang kaibigan niya. Kahit saan siya magpunta lagi niya itong nakikita. Lagi niyang naaalala ang mga masasayang kulitan nila. Kung minsa’y napagkamalan niya si Cherry na si Cissie. Bawat usapan nila’y laging nababanggit niya ang Bezzie. Noong una, naintindihan siya ng babae ngunit magdadalawang lingo na ang nakalipas hindi parin siya nagbago. Minsan nasa grocery sila,
Friday na kaya excited na ang lahat sa open forum na gaganapin. May excited na magsorry, may excited na magpasalamat. Pero mas maraming excited sa mga pagbubunyag. Ngunit ano kaya ang kahulugan nito para kay Cissie?
Hindi na niya talaga pinansin pa ang tawag ni Jay, dahil sobrang sikip na ng kaniyang dibdib at parang hindi na siya makahinga. Kung kailan inamin na niya sa sarili niya ang naramdaman niya para dito saka naman nagkaroon ng interes si Jay sa ibang babae. Mukhang hindi talaga oobra ang feelings niya para dito. Kanina pa lang sa sagot nito sa kaniya, mukhang wala ng pag-asang magustuhan siya nito. Ang masakit ay hulog na hulog na ang damdamin niya ngunit ang turing lang pala talaga nito sa kaniya ay kaibigan lang at wala ng iba. Kung bakit ba naman kasi hinayaan niyang mahulog siya nang tuluyan sa lal
Kinabukasan ay sabay silang pumasok sa eskuwela, tila nakalimutan na ni Cissie ang kaniyang balak na pagdistansiya kay Jay. Sa bagay tama naman si Jay, hindi naman niya habambuhay makikita ang mga taong iyon, maging pati si Jay hindi niya ito habambuhay na makakasama. Kaya naisip niya na sulitin nalang ang pagkakataong makakasama pa niya ito. At naisip niya na pagkakataon din ito para inisin ang mga nang-aapak sa kaniyang pagkatao dahil pangangatawanan na niya ang kanyang pagkaclose nito sa
Kinaumagahan excited na naman ulit siyang pumasok ngunit hindi pa rin maalis sa isipan niya ang nangyari kagabi. May kung anong tambol ang tumutugtog sa dibdib niya tuwing maalala niya ito. Nauana siyang umalis kay Jay dahil ayaw niyang tanungin siya nito tungkol sa nangyari baka hindi niya makayanan at himatayin siya sa sobrang hiya.