Home / All / Loving Bezzie Tagalog [COMPLETED] / Chapter 9 - His Realization

Share

Chapter 9 - His Realization

last update publish date: 2020-09-29 18:59:34

Ilang araw ang nakalipas, hindi pa rin mawala sa isipan ni Jay ang kaibigan niya. Kahit saan siya magpunta lagi niya itong nakikita. Lagi niyang naaalala ang mga masasayang kulitan nila. Kung minsa’y napagkamalan niya si Cherry na si Cissie. Bawat usapan nila’y laging nababanggit niya ang Bezzie. Noong una, naintindihan siya ng babae ngunit magdadalawang lingo na ang nakalipas hindi parin siya nagbago. Minsan nasa grocery sila,

“Cherry, kumuha ka din ng Toblerone, namiss ko ng kumain niyan. ‘Yan ang unang kinain namin noong unang gabing practice namin,” nakatitig na naman sa kawalan si Jay.

“Sandali nga Jay! Noong una naintindihan kita dahil hindi nagpaalam sa'yo ang bestfriend mo, pero hangang ngayon ba naman siya na lang lagi ang laman ng utak mo?” asik ni Cherry.

“S-sorry. I’m really sorry,”  tila nanauli ang diwa niya.

“Nakakahalata na ako sa’yo ah. Mahal mo ba siya?”

Nagulat si Jay sa pagiging prangka ni Cherry. Hindi agad siya nakasagot bagkus nakatitig lang ito sa kaniya.

“Ano? Sumagot ka, hindi ko naman ipipilit ang sarili ko sa'yo eh. Siguro may mali din ako. Dahil kung 'di ako umeksena sa inyong dalawa, malamang naging kayo na at hindi siya umalis,” hindi na nakapagpigil ng luha si Cherry. 

“Sorry Cherry. Hindi ko alam. Basta ang alam ko lang  masakit na hindi siya nagpaalam sakin. Iniisip ko siya lagi, lahat ng lugar na pinuntahan namin nakikita ko siya. Sorry talaga,” tumulo na din ang hula ni Jay. Pagkakita ni Cherry na umiyak si Jay ay niyakap niya ito.

“Siguro tama nga si Steph. Mahal niyo ang isa’t isa. Hindi lang kayo nagkaliwanagan. Akala ko kaya kong higitan siya sa puso mo, pero hindi pala. Noon pa may ramdam ko na hindi mo talaga ako mahal. Nakisama ka lang sa'kin dahil hindi ka tiyak sa naramdaman mo kay Cissie. Sorry din dahil ginulo ko kayo. I-I’m breaking up with you.” Wala pa ring lubay ang agos ng luha nito.

“Maybe you’re right. But she’s gone. It’s too late now.”

“It’s not. You can follow her in Manila. You can start over.”

“Right! You’re right. Thank you, I think I have to go.”

“I understand. Sana magkita kayo at makapagsimula ulit.”

“I hope so. Sorry talaga Cherry. Mauna na ako. Bye,” nagmamadali siyang umuwi ng bahay nila.

Tama si Cherry, bakit hindi niya sundan sa Manila si Cissie? Samantalang puwede naman siyang umuwi na at doon na mag-aral.  Nagmamadali siyang umuwi at nagbook ng ticket. Excited na excited na siyang umalis pa Manila, wala siyang ibang iniisip ng panahong iyon kundi ang hanapin si Cissie.   

“Nai Nai , I need to go back in Manila,” ani ni Jay.

“Why so sudden Xiao Sun? Akala ko ba dito ka na mag-e-enroll?

“Nai Nai, I finally realized these past few days na mahal ko pala si Cissie. She’s everywhere I see. Narealized ko na kaya ko pala niligawan si Cherry dahil hindi ko maamin sa sarili ko na mahal ko siya. Para akong baliw nitong mga nakaraang araw, kahit kaharap ko si Cherry siya lagi ang nababanggit ko. Minsan napagkamalan ko pa si Cherry.”

“Sa wakas inamin mo rin. Matagal ko nang naamoy na mahal niyo ang isa’t isa kaso hindi ako puwedeng makialam since you’re both too young.”

“Alam ko ho pero kailangan kong ayusin to. Puwede naman kaming magkaroon ng relasyon kahit nag-aaral pa. Meron naman kaming mga sariling pangarap na dapat abutin.”

“Well hindi kita puwedeng pigilan pero sana isipin mong maigi na mga bata pa kayo. Dapat magkaroon kayo ng limitasiyon. Kailan ba ang flight mo?”

“First thing in the morning Nai Nai.”

Halos 'di makatulog si Jay sa excitement na babalik na siya ng Manila para hanapin si Cissie. Pagkalapag agad ng eroplano, wala siyang sinayang na oras. Tinungo niya agad ang kinaroroonan ng driver nila.

“Good morning manong,” bati nito sa driver.

“Sir welcome back,” ngiti nito sa kanya.

“Manong bilisan na natin, may importante pa akong daanan.”

“Okay sir, saan ho ba tayo?”

“Idirecho niyo sa NSO main office.”

“Ho? Ang layo noon ah. Hindi ba muna kayo uuwi at kakain?”

“Hindi ako puwedeng magsayang ng oras, Manong.”

“Sige, sabi niyo eh.”

Humarorot ang kotse nila papuntang NSO, ni hindi man lang siya nakapag-agahan. Sabagay marami namang madaanang restaurant pero hindi niya naisip kumain sa panahong ito. Medyo may kalayuan din mula airport hanggang NSO main office kaya alas 8 ng umaga nang sila'y nakarating. Tinungo niya agad ang opisina ng kaibigan ng Daddy niya.

“Tito good morning,” bati ni Jay.

“Oy Jay! Long time no see. I heard lumipat ka ng probinsya. What brought you here so early?”

“Tito I have favor to ask, please help me.”

“Basta kaya ba, walang problema. Ano ba 'yan?”

“Tito may ipapahanap po ako sa inyong tao, hanggat maari sanay as soon as possible.”

“Jay, hindi kami humahanap ng tao. Wala kaming kakayahang humanap ng tao ng ganoon kabilis.  Nagsecensus lang kami ng mga tao pero hindi ibig sabihin niyaon na mahanap namin agad ang isang indibidwal.”

“Ganon ho ba?”

“Sorry talaga ha? As much as I wanted to help you but it’s beyond my capability. Sino ba yang pinakaimportanteng tao na pinapahanap mo?”

“Bestfriend ko po. I just realized na mahal ko pala siya pero umalis siya ng hindi nagpaalam,” maluha-luhang sabi nito

“Hay…pagibig nga naman. I’m so sorry son, but you can give me her name and just in case may makuha ang aming staff na information, inform kita agad.”

“Sige po. Cissie Cruz po name niya. Sakaling  may makuha kayong information, please po tawagan niyo ako agad Tito.”

“Sure but I can’t guarantee you that. Wait, why don’t you ask Tito Nestor for help? Alam ko admin staff siya ng NBI, baka matulungan ka niya.”

“Talaga po? May number ka po ba sa kaniya? Hindi ko naman po puwedeng tawagan si Daddy ngayon kasi gabi ngayon sa States.”

“'Di ako sure kong updated 'to pero subukan mo lang,” senend niya ito via vcard.

“Salamat po talaga Tito William. Aalis na po ko agad, pupuntahan ko si Tito Nestor.”

“No problem, sana mahanap mo siya. Update mo na lang ako from time to time.”

“Opo.” Kahit papaano'y nabuhayan ng loob si Jay. Tumaas ang confidence niyang mahanap si Cissie, bakit nga ba hindi naisip agad na may kaibigan pa pala ang Daddy niya na nasa NBI.

“Manong NBI tayo,” sabay pasok agad nito sa kotse.

“Sir hindi po ba tayo kakain? Hindi pa kasi ako nag-agahan eh,” sabay paandar nito ng kotse.

“Pasensiya na po, nakalimutan kong hindi pa pala tayo nag-almusal. Take out na lang tayo ng pizza. Hindi ko po puwedeng ipagpaliban ito manong.”

“Sir hindi naman sa tsismoso ako pero sino po bang pinapahanap niyo?”

“Manong baliw kasi ako eh. Hindi ko narealized agad na mahal ko pala ang bestfriend ko hanggang sa umalis siya nang walang paalam.”

“Ah ganoon ba? Siguro maganda at maibait siya, 'no?”

“Para sa'kin siya na ang pinakamagandang babae anuman ang sabihin ng mga tao. Mabait? Sobra! Responsable pa. Sige daan ka muna diyan, order ka ng isang pizza at drinks. Antayin nalang kita dito,”

Kumakain sila habang nasa biyahe papuntang NBI. Umabot din ng 45mins ang biyahe nila dahil sobrang traffic sa EDSA. Tinawagan niya ito at mabuti nama’t active pala ang number na binigay sa kaniya.

Pagkadating doon ay hindi nila kaagad nakausap ang sadya nila dahil tuwing breaktime lang puwede makipagusap ang mga empleyado, kaya nag-antay na lang sila sa canteen.

“Tito, dito po!” sigaw ni Jay habang natanaw ang kaibigan ng Daddy niya. Nang matanaw siya nito ngumiti at tinungo ang kinauupuan nila.

“Kumusta? Nagawi ka ata nang 'di oras. May problema ba?”

“Tito, hihingi sana ako ng pabor sa inyo. May ipapahanap kasi akong tao sa inyo. Galing na ako kay Tito William pero wala daw silang kakayahang gawin iyon, kaya tinuro ka niya sa'kin baka matulungan niyo daw ako.” 

“Sino ba 'yan, criminal?” ngiti nito.

“Hindi po. Bestfriend ko po. Bigla na lang siyang pumunta dito sa Manila nang hindi nagpaalam. Narealized ko later on mahal ko pala siya. Mababaliw ako Tito sa kaiisip kung saan na siya hahanapin,”malungkot na wika nito.    

“To be honest Hijo, hindi ako intelligence agent. Admin staff lang ako pero may kaibigan ako na agent, siguro makakatulong siya sa'yo. Ano ba ang name niya?” 

“Cissie Cruz po. Tatanawin ko pong malaking utang na loob ito Tito.”

“Ano ka ba? Walang problema sa'kin 'yon. Pero hindi ko maipapangako na mahanap siya. Di bale, magpapatulong ako sa kaibigan ko. May recent picture ka ba?”

“Meron po sa cellphone. Ibluetooth ko na lang po,” agad niya itong pinadala.

“Sigurado ka bang ito ‘yon?” natatawang sabi nito.

“Tito ah, huwag niyo po ng malait-lait 'yan at napakabait at responsable 'yan. Hindi ako tatamaan nang husto niyan kung hindi siya mahusay na babae.”

“Binibiro lang kita, ikaw naman. Mabuti naman at hindi ka tumingin sa pisikal na anyo. Alam kung tisoy ka pero mahusay yang ginagawa mo. Siguro napakahusay niya kasi ang lakas ng tama mo eh. Sige, update na lang kita.”

“Salamat po Tito, hindi na ako magtatagal kasi maytrabaho pa kayo. Dumirecho lang din ako dito galing airport.” 

“Sige. Basta huwag mo akong kalimutang imbitahin kapag ikakasal na kayo ah?” ngiti nito.

“Kayo pa! Sana po mahanap natin siya. Sige Tito, tuloy na ako.”

Kahit papaano'y nagkaroon ng magandang tsansang mahanap ang pinakamamahal niya. Umaasa siyang mahanap agad si Cissie at makapagsimula uli.

Hindi lang siya basta nag-antay lang, kapag may time siya ay hinahanap niya din si Cissie sa mga Universities. Tinitingnan niya ang mga results ng mga entrance exam  passers.  Sinumulan niyang maghanap sa mga Universities sa Manila hanggang sa halos mapuntahan na niya ang mga public at at private universities sa buong Metro Manila. Wala pa rin siyang nakita ni kapangalan man lang. Pakiramdam niya unti-unting naglalaho ang tsansang mahanap pa si Cissie.

Tatlong buwan na ang nakakaraan mula ng magsimula siyang maghanap, malapit na ang pasukan hindi pa siya nakapagenroll. Naisip niyang tawagan ang Tito niya na nasa NBI. 

“Hello Tito, good morning. Kumusta na po ang paghahanap kay Cissie?

“Jay hangang ngayo’y wala pa ring nahanap ang kaibigan ko. Hindi ko naman siya puwedeng apurahin kasi may mga priority din siyang trabaho. Tuwing vacant lang niya ginagawa iyon. Sorry talaga ha? 'Pag may update na tatawagan kita agad.”

“Sige po Tito, salamat.” 'Pagkababa ng phone ay tuluyan ng umagos ang mga luha sa mga mata nito. Pakiramdam niya, ang laki ng pagkakamali niya kung bakit ba naman hindi niya narealized noong kasama pa niya ito. Buong araw siyang nagkulong ng kuwarto at uminom. Gusto niyang makalimot kahit sandali man lang.

Gumagabi na, hindi pa siya kumain. Inom at iyak lang ginawa niya. Hindi na napigilan ng Mommy niya na mag-alala.   

“Anak, anong nangyayari sa'yo? Mula nang dumating ka dito, hindi ka na pumupunta sa mga kaibigan mo. Lagi kang umaalis, pagkauwi mo rin lagi kang may kausap sa phone tapos bigla ka na lang  magmokmok. Ano ba talagang nangyayari sayo?” alalang wika nito.

“Mom, hinahanap ko kasi ang bestfriend ko. Bigla siyang umalis na hindi nagpaalam sa'kin. Hindi ko naman kasi alam na mahal niya ako, narealized ko lately na mahal ko rin pala siya. Hindi ko siya mahanap. Ang sakit mom,” subsob nito sa Mommy niya. 

“Tahan na. Ang anak ko, umiibig na nga. Anak kailangan mong magmove on, kailangan mong patuloy na mabuhay. Baka hindi pa ang panahon  na magkita kayo, malay mo balang araw magkita kayo. Bata pa naman kayo eh. Magenroll ka na muna at ituon mo muna ang focus mo sa study. Mawawala din 'yang sakit na naramdaman mo,” sabay yakap nito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Loving Bezzie Tagalog [COMPLETED]   Chapter 10 - Finale

    Limang taon ang nakalipas, hindi niya pa rin nahanap si Cissie. Nagtatrabaho siya ngayon bilang staff nurse sa isang kilalang private hospital. At masasabing ibang-iba na ang buhay niya ngayon. Hindi na siya tulad dati na mahilig sa lakuwatsa at barkada. Pagkatapos ng shift niya direcho siya ng bahay at doon na magmokmok sa kwarto. Wala siyang ibang ginagawa kung 'di magsulat ng kuwentong pag-ibig. Naisip niya kasi, sa totoong mundo walang happy ending kaya pinili niyang magsulat para magagawa niya lahat ng may happy ending sa paraan na gusto niya. Naging partime niya rin ang pagsusulat at naka lima

  • Loving Bezzie Tagalog [COMPLETED]   Chapter 9 - His Realization

    Ilang araw ang nakalipas, hindi pa rin mawala sa isipan ni Jay ang kaibigan niya. Kahit saan siya magpunta lagi niya itong nakikita. Lagi niyang naaalala ang mga masasayang kulitan nila. Kung minsa’y napagkamalan niya si Cherry na si Cissie. Bawat usapan nila’y laging nababanggit niya ang Bezzie. Noong una, naintindihan siya ng babae ngunit magdadalawang lingo na ang nakalipas hindi parin siya nagbago. Minsan nasa grocery sila,

  • Loving Bezzie Tagalog [COMPLETED]   Chapter 8 - She's Gone

    Friday na kaya excited na ang lahat sa open forum na gaganapin. May excited na magsorry, may excited na magpasalamat. Pero mas maraming excited sa mga pagbubunyag. Ngunit ano kaya ang kahulugan nito para kay Cissie?

  • Loving Bezzie Tagalog [COMPLETED]   Chapter 7 - Her Rival

    Hindi na niya talaga pinansin pa ang tawag ni Jay, dahil sobrang sikip na ng kaniyang dibdib at parang hindi na siya makahinga. Kung kailan inamin na niya sa sarili niya ang naramdaman niya para dito saka naman nagkaroon ng interes si Jay sa ibang babae. Mukhang hindi talaga oobra ang feelings niya para dito. Kanina pa lang sa sagot nito sa kaniya, mukhang wala ng pag-asang magustuhan siya nito. Ang masakit ay hulog na hulog na ang damdamin niya ngunit ang turing lang pala talaga nito sa kaniya ay kaibigan lang at wala ng iba. Kung bakit ba naman kasi hinayaan niyang mahulog siya nang tuluyan sa lal

  • Loving Bezzie Tagalog [COMPLETED]   Chapter 6 - Friendzoned

    Kinabukasan ay sabay silang pumasok sa eskuwela, tila nakalimutan na ni Cissie ang kaniyang balak na pagdistansiya kay Jay. Sa bagay tama naman si Jay, hindi naman niya habambuhay makikita ang mga taong iyon, maging pati si Jay hindi niya ito habambuhay na makakasama. Kaya naisip niya na sulitin nalang ang pagkakataong makakasama pa niya ito. At naisip niya na pagkakataon din ito para inisin ang mga nang-aapak sa kaniyang pagkatao dahil pangangatawanan na niya ang kanyang pagkaclose nito sa

  • Loving Bezzie Tagalog [COMPLETED]   Chapter 5 - Avoiding Him

    Kinaumagahan excited na naman ulit siyang pumasok ngunit hindi pa rin maalis sa isipan niya ang nangyari kagabi. May kung anong tambol ang tumutugtog sa dibdib niya tuwing maalala niya ito. Nauana siyang umalis kay Jay dahil ayaw niyang tanungin siya nito tungkol sa nangyari baka hindi niya makayanan at himatayin siya sa sobrang hiya.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status