LOGINFriday na kaya excited na ang lahat sa open forum na gaganapin. May excited na magsorry, may excited na magpasalamat. Pero mas maraming excited sa mga pagbubunyag. Ngunit ano kaya ang kahulugan nito para kay Cissie?
“Buo na ang pasya ko, ang gabing ito ang huling gabing makakausap ko si Jay. Ito na siguro ang pinakamagandang panahon para magpaalam,” wika niya sa sarili. Habang nasa hallway siya nakita niyang papalapit si Steph kaya umiba siya ng direksiyon ngunit hinabol siya nito.
“Hey wait up,” sigaw nito.
“Steph, please, I don’t wanna fight anymore.”
“No. I mean yeah, I don’t wanna fight either. We’ve been friends since 1st year to 3rd year before Jay came in this campus, and I admit we had great timey together. Just that, things started to change when Jay chose you over me. I feel horrible. I just couldn’t accept it so I did a lot of unforgivable mistakes to you. Until I...”
“What do you want from me?” putol niya dito.
“I want to reconcile with you. I just realized last night that I can’t win the battle. Besides Jay has a girlfriend now at siya dapat ang kinakalaban ko at hindi ikaw knowing that we’ve been friends before."
“You know what? I can’t figure out who is the real Steph at this moment. Reconcile? Sure! But things are gonna be different, I can’t offer you a good friendship like the way we used to be, not until I can assure your real motives," sagot ni Cissie.
“I expect that, at least you gave me a chance. Thanks by the way. I think we should get in, the open forum is about to start," yaya nito kay Cissie kaya pumasok na sila sa classroom. Habang inaantay si Ms. Langit, hindi na magkamayaw ang mga kaklase nila sa excitement. Pumasok si Jay na hindi man lang binati si Cissie kaya hindi na rin siya bumati. Sa wakas ay dumating na rin si Ms. Langit.
“How do you feel guys? Are you xcited or nervous?” ani ni Ms. Langit.
“Excited!” sigaw ng marami, “Nervous!” wika naman ng iba.
“Well I’m sure you will never forget this evening, kaya it’s show time. Who wants to volunteer first?” simula ni Ms. Langit.
“I guess I will be the one to start,” ani ni Steph.
“Well, go ahead,” tugon ni Ms. Langit.
“Everyone, I know I was so mean to Cissie despite of being her friends for three years. It’s all because of Jay,”
“Oohh,” bulungan ng mga kaklase niya.
“I did a lot of unforgivable misktakes to her dahil desperated na ako kay Jay. Siya kasi ang pinili ni Jay na maging kaibigan at naging close sila, bagay na hindi ko matangap. Kaya nang magkaroon ako ng chance na siraan si Cissie sa amo niya, kinuhanan ko agad sila ng picture na magkasama para mapalayas siya ng ...”
“So, inamin mo na rin, duda na ako sayo noon pa kaso wala lang proweba. Masama ang nangyari pero napabuti naman ang kalagayan ko. Kaya gaya ng sinabi ko kapag nakilala ko ang gumawa sa'kin noon magpapasalamat ako, kaya thank you,” putol ni Cissie kay Steph.
“Sorry talaga Cissie. Sana mapatawad mo ako kahit alam kong mahirap itong gawin.”
“Yeah I know it’s hard, I can forgive you but we can’t be friends the way we used to be. Maybe in time, depending on how I see you are really sorry, ”tugon ni Cissie.
“I know but I just keep hoping. That’s all everybody,” wika ni Steph.
“Okay, sino ang susunod na magsalita?” tanong ni Ms. Langit.
“Ma’am ako po,” boluntaryo ni Jeff.
“Okay, you may speak,” tugon ni Ms. Langit.
“I’ve been loving you since first year but I just don’t have the nerve to tell you. Maybe this is the right time to let you know before we go on our separate ways. Siguro hindi na tayo magkikita after graduation, dahil malamang magkaiba tayo ng school na papasukan but at least I could tell my feelings for you, Crizzy.”
“Ayiee!”… “Whoah” sigawan at kantiyawan ng mga kaklase niya.
“Ano naman kaya ang masasabi ni Crizzy? Kailangang marinig natin ang side niya,” ani ni Ms. Langit.
“Crizzy! Crizzy! Crizzy!” cheer ng mga kaklase nila.
“Okay, okay fine! You want statement, you got it. Mahal din naman kita noong elementary pa lang tayo. Kaya nga noong narinig kong dito ka maghahighschool sinundan kita kahit masyadong mahal ang tuition fee dito. Nagbunga din ang paghihirap ko sa wakas! Narinig ko mismo sa'yo na mahal mo ako kaya we can have our date any time you want. Hindi na ako mahihiya pang sabihin 'yan since the feeling is mutual,” pagkasabi nito ay naghiyawan ang buong klase sa kilig at tuksuhan ngunit bigla silang natigil ng si Cissie ay nagsalita.
“So great to hear that story. Me too, I have important things to say. I am thankful that I finally succeeded my High School despite of all hardships and trials being a working student. Of course it won’t be possible without the help of my best friend Jay. Kahit mag-iisang taon pa lang kaming magkaibigan, but he came at the right time just when I need strength to face it all. I thought of giving up and back to where I used to stay, but he offered me a positive outlook in life and helped me to stand up. Hindi ako nababagay sa school na ito dahil mahirap lang ako. Nakapasok lang ako dahil sa amo ko at sa scholarship ng school. Ngunit dahil sa ginawa ni Steph pinalayas ako ng amo ko at nanganib ang pag-aaral ko pero kinupkop ako ng pamilya ni J-Jay,” hindi napigilan ni Cissie ang pagluha kaya pati si Ms. Langit ay umiyak na rin hangang sa marami ng umiyak.
“I uh, I want to…to thank you Bezzie for saving my High School and being so good to me. Pero gaya ng isang kanta, kung may simula, tiyak na may wakas. This may be the last time we see each other, dahil tiyak na magiging iba na ang mga bagay-bagay pagkatapos ng graduation. Therefore, I would take this opportunity to say thank you and goodbye, Bezzie.” Hindi pa rin tumigil ang mga luha ni Cissie sa kakatulo kaya lumapit si Jay sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit.
“Ano ka ba, Bezzie? Hindi dito nagtatapos ang lahat. Parang hindi na tayo magkikita niyan sa mga sinasabi mo eh. Hindi naman magbabago ang friendship natin,” ani ni Jay habang nakayakap ng mahigpit sa kaniya. Wala lang siyang kaalam-alam na ito na pala ang huling gabi nilang magkasama.
Samantala, nagpatuloy ang open forum hangang inabot sila ng 8:30pm. Kaniya-kaniyang uwian ang mga kaklase nila. Iyong iba nagdinner date, 'yong iba ng videoke at iba naman ay namasyal. Ngunit si Cissie,
“Bezzie, I need to go ahead may gagawin pa akong importante,”
“Sige, mauna kana Bezzie daanan ko pa si Cherry sa cafeshoppe sandali. Pakisabi na rin kay Nai Nai," ngunit bigla siyang niyakap ni Cissie, 'yong tipong yakap ng nagpapaalam bagay na ikinagulat niya.
“Whoah! What’s wrong Bezzie?”
“Wala, sige na, mauna na ako. Goodbye Bezzie,” pagkasabi nito tumalikod na siya at doo’y ibinuhos ang mga luhang tila walang katapusan ang pag-agos. Masakit, sobrang sakit ngunit kailangan niyang tangapin na kailanma'y hindi magiging sila. Sa sobrang tindi ng emosiyon niya, muntik pa siyang mabundol ng kotseng pumaparada. Nablangko kasi ang isip niya at nakakabingi ang sobrang lakas ng hiyaw ng kaniyang damdamin. Hindi niya namalayang nakarating na pala siya sa bahay ni Jay. Pagkapasok ay agad na hinanap niya si Lola Nancy.
“Lola, magandang gabi po.”
“Magandang gabi din. Mabuti dumating kana, halika sabay tayo maghapunan. Saan ba si Jay?”
“May dinner daw po si la ni Cherry sa cafeshoppe. Lola pwede po ba kayong makausap?”
“Tungkol saan ba 'yan?
“Lola gusto ko lang pong magpasalamat sayo dahil kinupkop ninyo ako nang pinalayas ako. Hindi ko po alam kung paano ako makakabawi sa inyo.”
“Hija, walang anuman ‘yon, hindi ka naman naging pabigat sa amin dahil masipag ka at mabait. Anupat naging magkaibigan kayo ng apo ko kung hindi ka namin tutulungan, 'di ba? Hindi ka na rin iba sa amin.”
“Kaso Lola nais ko pong magpaalam na sa inyo. Malaking utang na loob ang tatanawin ko sa inyo habang buhay pero nakapagpasiya na po ako na aalis pagkatapos agad ng graduation. Nakakahiya man hong hindi ako makatulong sa inyo ngunit mas nakakahiya pong magtagal pa ako dito.”
“Hija hindi ka naman namin pinapaalis ah. Sa katunayan masaya kapag may dalaga dito sa bahay at least may kasama ako maliban sa maids.”
“I appreciate po pero kailangan ko na talagang umalis Lola. Sana mauunawaan niyo po ako,” giit ni Cissie.
“Bakit Hija, may problema ba?”
“Wala naman po. Gusto ko na pong pumunta sa Auntie ko sa Maynila at magsimula ng panibagong buhay.”
“Sabagay, kahit gusto kong magstay ka hindi naman kita puwedeng pigilan. Kailan ang alis mo?”
“Bukas po ng gabi pagkatapos ng graduation.”
“Agad-agad?”
“Opo, kasi pinadalhan na po ako ng ticket ni Auntie."
“Ganoon? Mamimiss kita, Hija. Huwag mo kami kalimutang tawagan at kumustahin ha?”
“Siyempre naman po. Salamat po talaga sa inyong lahat. Hindi ko po kayo makakalimutan, Lola. Kailangan ko na pong umakyat para makapagimpake na.”
“Sige Hija, goodnight.”
Graduation day. Halu-halong emosiyon ang namayani sa mga graduates. May excited, kinakabahan, masaya at may umiiyak. Nagyayakapan ang mga magulang at anak, gayundin ang mga magkasintahan. Kaya lang si Cissie at Jay ay hindi pa rin nagkaroon ng time na makapag-usap. Dahil bukod sa late si dumating si Jay kasama, pa nito si Cherry. Hanggang nagsimula na lang ang program hindi pa rin sila nakapagusap.
Inabot din ng limang oras ang program nila. Habang nagliligpit si Cissie ng mga gamit niya,
”Bezzie congratulations,” wika ng nito sa likuran niya at yumakap ito sa kaniya dahilan na magulantang siya ngunit nakabawi din agad.
“Oh Bezzie ikaw pala, congratulations din,” tugon ni Cissie.
“By the way, gift ko sayo. Ako mismo nagwrap niyan. Open it up.”
“T-Thank you. Sorry ah wala akong gift para sa'yo. Kinapos kasi ako ngayon eh.”
“It’s okay. Come on, open it up.”
Pagkabukas nito nagulat siya sa nakita niya at hindi niya alam ang connection nito sa okasiyon.
“Ano ‘to?” tanong niya dito kahit alam niya ang laman nito.
“Hanky. Naisip kong bigyan ka niyan para everytime you cry you can imagine that I’m just a pocket away to make you feel okay.”
“Really? How touching, but we won’t be together all the time.”
“I know pero malayo pa namang mangyari ‘yon. Narinig ko si Nai Nai na kinausap si Auntie last few days ago and she wanted to fund your education here. So maybe matagal pa tayong magkakasama.”
“Kung alam mo lang,” tugon nito ng pabulong.
“What?”
“Sabi ko, kung totoo 'yan ay di mabuti.”
“Right, Cherry wants to invite you to have dinner with us. Will you come?”
“Thanks, I appreciate it but I can’t. It’s been a long tiring day and I want to rest early. Maybe I can go next time.”
“I see, so uh…I’ll go ahead then. She’s waiting at the lobby.”
“Alright. Goodbye. Really Goodbye.”
Hindi na narinig ng kaibigan niya ang mga huling binanggit dahil umalis na ito. Hindi naman talaga siya magpapahinga kundi babyahe na siya papuntang Dumaguete to catch a last trip ng Super Ferry papuntang Manila. Malamang iyon na ang huling pag-uusap nilang dalawa.
Nagmamadali siyang umuwi baka biglang dumaan si Jay o maagang siyang uuwi, masira ang plano niyang pag-alis ng hindi magpaalam dito. Pagkadating sa bahay, agad siyang nagbihis at binaba ang mga gamit niya. Pinuntahan niya si Lola Nancy para magpaalam.
“Lola magandang gabi po.”
“Dito ka na pala, halika kain ka na.”
“Lola huwag na po kasi malelate na po ako sa last trip. Almost 2 hours po kasi ang aabutin ng fast craft papuntang Dumaguete, eh 11pm po ang biyahe ng Super Ferry kaya kailangan ko na pong umalis.”
“Agad agad?”
“Opo. Pasensiya na po kayo kung kailangan ko pong umalis agad.”
“Naku wala iyon. Hindi ka man lang makakakain niyan. 'Di bale, heto ang allowance mo bumili ka na lang ng pagkain sa biyahe.”
“Naku, huwag na po. Sobra-sobra na pong abala ang ginawa ko sa inyo.”
“Ano ka ba? 'Pag hindi mo tangapin ‘to magtatampo ako sa'yo.”
“Salamat po talaga Lola. Paano kaya ako makakabawi sa inyo?”
“Oh siya lumakad ka na para hindi ka mahuli. Bakit ba kasi wala pa si Jay ng maihatid ka niya sa pier?”
“Naku, huwag niyo na pong abalahin ‘yon. Nag-usap po kami bago ako umuwi. May dinner daw po siya.”
“Batang ‘yon talaga oh! Imbes na ihatid ka niya, pinili pang makipagdate samantalang puwede naman silang magdate anumang oras. Ikaw na aalis ay hindi man lang niya maihatid. Mamaya ‘yon sa'kin!”
“Okay lang po Lola, huwag niyo po siyang pagalitan. Sige po, aalis na ako.”
“Sige mag-ingat ka, huwag mong kalimutang tumawag pagdating mo doon ha? Halika ka nga,” sabay yakap nito sa kaniya kaya hindi mapigilan ni Cissie na umiyak. Naging mabuti ang pagtangap ng pamilya ni Jay sa kaniya kahit hindi nila siya kaanu-ano. Ngunit hindi man lang niya masuklian ang kabutihan nila dahil sa makasarili niyang damdamin. Pero kung hindi naman siya aalis agad baka hindi na niya makayanan ang sama ng loob dahil sa kabiguan.
“Sorry po talaga Lola.”
“Shhh tama na ang iyak. Kung ano man ‘yang dahilan ng pag-alis mo ng agaran, naiintindihan ko pero sana balang araw magtapat ka kung anuman ‘yan okay? Sige na, malelate ka na.”
“Sige po alis na ako. Mamimiss ko po kayo,” sabay talikod ng dalaga dala-dala ang bagahe niya. Mabigat man sa loob niya ang gagawin pero wala na siyang choice kundi gawin iyon. Naniniwala siyang makakapagmove on lang siya kapag hindi niya makikita ang kaibigan na masaya sa piling ng iba. At least kung nasa malayo siya, iisipin niyang may asawa na ito at marahil makapagpokus siya sa ibang bagay yamang hindi niya ito makikita.
Pagkadating niya sa pier agad-agad siyang nagcheck in at dumiretso sa seat niya. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. Hindi niya alam ang lugar na pupuntahan niya dahil first time niya lang bumiyahe. Ngunit wala na siyang magagawa kundi lakasan na lang ang loob. Tiyak panibagong adjustment na naman ang kahaharapin niya. Maya-maya ay nagannounce na ng boarding all passengers ang Delta. Mga ilang minuto pa’y umandar na ang sasakyan at tuluyang umalis. Hindi napigilang tumulo ang mga hula ni Cissie. Paalam Siquijor, hindi niya alam kung makakabalik pa ba siya o hindi. Kamasa ng paglisan niya ang ala-ala ng kaibigan niyang minahal niya sa unang pagkakataon.
Samantalang si Jay ay kararating pa lang sa bahay nila.
“Nai Nai andito na po ako,” ani ni Jay.
“Bakit sobrang ginabi ka? Saan ka ba galing ha? Hindi mo man lang hinatid si Cissie.”
“Nagdinner po kami ni Cherry,” sabay diretso agad sa silid nito. Hindi man lang pinakingan ang mga kasunod na sinabi ng Lola niya. Napagod siya sa buong mag-araw kaya nakatulog agad siya.
Kinabukasan maaga siyang nagising at nagjogging. Pagkauwi niya, hindi niya pa rin nahalata na wala na si Cissie sa bahay nila. Kinatanghalian, ni anino ni Cissie wala siyang nakita. Sinilip niya kuwarto ngunit wala ito.
“Saan kaya ang babaeng iyon? Gumala siguro ‘yon. Hindi man lang nagyaya. Aaiishh.”
Gumabi na lang, hindi niya pa rin nakita si Cissie kaya hindi na niya matiis na hindi magtanong sa Lola niya. Tinungo niya ang Lola niya sa sala.
“Nai Nai umalis po ba si Cissie? Kaninang umaga ko pa siya hindi nakita eh.”
“Kagabi pa siya umalis ah, hindi mo man lang hinatid,” wika ng Lola niya.
“Ha? Saan daw po siya pupunta? Gumala hindi man lang nagyaya.”
“Anong gumala? Hindi mo ba alam na malamang nakarating na siya ngayon sa Manila.”
“Hooo?! Anong Manila?” kunot-noo at litong-litong tanong ni Jay.
“Bakit? Hindi ba siya nagpaalam sa'yo na pupunta siya sa Manila?"
“Ano? Wala po siyang binanggit sa akin ah. Hindi ko alam na aalis siya eh. Bakit niya ito ginawa sa akin Nai Nai?” galit at litong-lito si Jay sa nangyari.
“Nag-away ba kayo?”
“Hindi naman po ah.”
“May napansin ka bang kakaiba sa kaniya nito mga huling araw?”
“Wala naman po. Pero napansin kong parang lagi siyang nagpapaalam. ‘Yong mga sinasabi niya parang hindi na siya makikita pa. Pero hindi ko iyon inintindi dahil wala naman akong nakikitang dahilan para gagawin niya ito sa akin.”
“Hindi ba sila nag-away ng girlfriend mo?”
“Hindi naman po. Bakit niya ito ginawa sa akin Nai Nai?”
“Alam mo Xiao Sun, hindi ako manhid. Kaya kung hindi ako nagkakamali, malamang kaya umalis ‘yon ng walang paalam dahil nasaktan ‘yon.”
“Ha? Bakit naman siya nasaktan?”
“Nasaktan siya dahil mahal ka niya ngunit may girlfriend ka, kaya para makalimot, umalis siya at hindi siya nagpaalam sa'yo.”
“Ho?” tanging nasambit niya. Halo-halong emosiyon ang nadama niya. Gulat, galit at panghihinayang. Hindi siya makapaniwala sa ginawa ng kaibigan niya. Buong araw siyang hindi makakilos. Wala siyang ginawa kundi nag-isip.
Limang taon ang nakalipas, hindi niya pa rin nahanap si Cissie. Nagtatrabaho siya ngayon bilang staff nurse sa isang kilalang private hospital. At masasabing ibang-iba na ang buhay niya ngayon. Hindi na siya tulad dati na mahilig sa lakuwatsa at barkada. Pagkatapos ng shift niya direcho siya ng bahay at doon na magmokmok sa kwarto. Wala siyang ibang ginagawa kung 'di magsulat ng kuwentong pag-ibig. Naisip niya kasi, sa totoong mundo walang happy ending kaya pinili niyang magsulat para magagawa niya lahat ng may happy ending sa paraan na gusto niya. Naging partime niya rin ang pagsusulat at naka lima
Ilang araw ang nakalipas, hindi pa rin mawala sa isipan ni Jay ang kaibigan niya. Kahit saan siya magpunta lagi niya itong nakikita. Lagi niyang naaalala ang mga masasayang kulitan nila. Kung minsa’y napagkamalan niya si Cherry na si Cissie. Bawat usapan nila’y laging nababanggit niya ang Bezzie. Noong una, naintindihan siya ng babae ngunit magdadalawang lingo na ang nakalipas hindi parin siya nagbago. Minsan nasa grocery sila,
Friday na kaya excited na ang lahat sa open forum na gaganapin. May excited na magsorry, may excited na magpasalamat. Pero mas maraming excited sa mga pagbubunyag. Ngunit ano kaya ang kahulugan nito para kay Cissie?
Hindi na niya talaga pinansin pa ang tawag ni Jay, dahil sobrang sikip na ng kaniyang dibdib at parang hindi na siya makahinga. Kung kailan inamin na niya sa sarili niya ang naramdaman niya para dito saka naman nagkaroon ng interes si Jay sa ibang babae. Mukhang hindi talaga oobra ang feelings niya para dito. Kanina pa lang sa sagot nito sa kaniya, mukhang wala ng pag-asang magustuhan siya nito. Ang masakit ay hulog na hulog na ang damdamin niya ngunit ang turing lang pala talaga nito sa kaniya ay kaibigan lang at wala ng iba. Kung bakit ba naman kasi hinayaan niyang mahulog siya nang tuluyan sa lal
Kinabukasan ay sabay silang pumasok sa eskuwela, tila nakalimutan na ni Cissie ang kaniyang balak na pagdistansiya kay Jay. Sa bagay tama naman si Jay, hindi naman niya habambuhay makikita ang mga taong iyon, maging pati si Jay hindi niya ito habambuhay na makakasama. Kaya naisip niya na sulitin nalang ang pagkakataong makakasama pa niya ito. At naisip niya na pagkakataon din ito para inisin ang mga nang-aapak sa kaniyang pagkatao dahil pangangatawanan na niya ang kanyang pagkaclose nito sa
Kinaumagahan excited na naman ulit siyang pumasok ngunit hindi pa rin maalis sa isipan niya ang nangyari kagabi. May kung anong tambol ang tumutugtog sa dibdib niya tuwing maalala niya ito. Nauana siyang umalis kay Jay dahil ayaw niyang tanungin siya nito tungkol sa nangyari baka hindi niya makayanan at himatayin siya sa sobrang hiya.