Home / All / Loving Bezzie Tagalog [COMPLETED] / Chapter 7 - Her Rival

Share

Chapter 7 - Her Rival

last update publish date: 2020-09-29 18:56:35

Hindi na niya talaga pinansin pa ang tawag ni Jay, dahil sobrang sikip na ng kaniyang dibdib at parang hindi na siya makahinga. Kung kailan inamin na niya sa sarili niya ang naramdaman niya para dito saka naman nagkaroon ng interes si Jay sa ibang babae. Mukhang hindi talaga oobra ang feelings niya para dito. Kanina pa lang sa sagot nito sa kaniya, mukhang wala ng pag-asang magustuhan siya nito. Ang masakit ay hulog na hulog na ang damdamin niya ngunit ang turing lang pala talaga nito sa kaniya ay kaibigan lang at wala ng iba. Kung bakit ba naman kasi hinayaan niyang mahulog siya nang tuluyan sa lalaking ito. Hindi na niya sana dapat binigyang kahulugan ang mga kabutihang pinapakita nito sa kanjya. Ngunit kahit sinong babae ay mahuhulog din kapag pinapakitaan ng ganoon kabuti ng isang lalaki. Ngayon ay doble-doble na ang problema niya at wala ibang dapat sisihin kung 'di ang sarili niya mismo. Dahil naging kampante siya at hinayaan niyang tumubo sa puso niya ang naramdaman niya para dito. 

“Ito na ang ikinatatakot ko. Dapat noon pa lang iniwasan ko na siya eh, hindi sana ako masaktan ng ganito at umasa”  wika niya sa sarili habang ang mga luha ay hindi magkamayaw sa pagtulo. Iniisip niyang lumayo ngunit ang puso niya ay kumukontra. Pagkapasok sa bahay ay agad nagkulong sa kuwarto ang dalaga at siyempre pa umiiyak, hangang sa makatulugan na lang niya ang pag-iyak. Sabagay dalawang buwan na lang at graduation na. Kaunting tiis na lang at makakaalis na rin siya, magpakalayu-layo nang tuluyan at mag-move on. Masakit pero iyon ang dapat niyang gawin. Kinabukasan umalis siya nang maaga at hindi na niya inantay si Jay, kailangan sanayin na niya ang sarili niyang kumilos gaya ng dating walang Jay sa buhay niya. Habang naglalakad siya,

“Excuse me, you’re Jay’s friend, right?” tanong ng isang matangkad at magandang babae na mukha pa atang may dugong American.

“Y-yeah. Can I help you?” tugon ni Cissie

“Yes you can help me, definitely! You’re the only person who can help me.”

“Hindi ko pa nga alam kung ano ‘yan eh. How could I possibly help you?”

“Well, seriously I need your favor para makilala ko si Jay in person. Please introduce me to him at kapag nangyari ‘yon, iyon na ang pinakamaligayang araw ko sa buong buhay ko!” excited na tugon nito. “By the way, I’m Cherry Madsen. We moved here from Norway last year lang. Hindi naman ganoon kahirap matoto sa wika niyo kasi my mom used to speak it way back in Norway. Hinabaan ko na ang introduction ko para hindi ka mailang sa akin,” ngiti ng dalaga na mukha namang mabait. Siguro talagang malakas lang ang tama nito kay Jay. 

“Hey, don’t be so sure that I’ll help you. Malay mo masama pala ako at hindi kita tutulungan.”

“That won’t happen. I know you’re not that type of person. Well, looking at you, I could tell that you’re a nice girl. May I know your name? Kanina pa ako nagintroduce sa sarili ko hindi ko man lang alam ang name mo.”  ngiting wika nito.

“What if your instinct is wrong?" nakakitaan niya ito ng pagkadismaya kaya 'di siya nakatiis.

"By the way, I’m Cissie Cruz. Wait me here at luch break and I will introduce you to him. Mukhang malakas ata ang tama mo doon eh.”

“Yes!'' niyakap siya bigla nito. ''I knew it! Thank you so much, I got to go, malelate na ako,” karipas nito ng takbo. Napailing na lang si Cissie sa nangyari. Mukhang dumadami ata ang kaniyang kalaban, sabagay sino nga naman siya na makipagkompetensiya? Eh wala naman talaga siyang ibubuga kung 'di ang angking talino lang. Meron din naman ang ibang babae niyaon.  Napabuntong-hininga na lang siya habang tinutungo ang classroom.  

“Bezzie!” tawag ni Jay sa kaniya habang hinahabol siya.

“Bezzie, wait up!” sa lakas ng tawag nito ay napalingon si Cissie.

“Bakit ba?” matabang tanong nito.

“Bezzie, ‘yong girl na nakausap mo kanina siya yong nagrequest ng kanta kagabi at...Bezzie she is girl I am talking about!” excited na wika nito.

“Really? Well, you guys seem compatible. You know what she said to me earlier? She was just asking me a favor that she wanted meet you in person. You should be happy because you will finally meet the right girl for you, right?” pabalang na wika niya sabay alis.

“Whoah! Are you okay? Did I say something wrong?” wala pa ring kibo si Cissie at dire-direcho pa rin siya sa paglalakad.

“Hey! What is wrong with you?” habol niya dito. 

“What is wrong with me? Nothing is wrong, just leave me alone. I am not in the mood for talking, okay? Just leave me alone. I will bring her to you later at lunch, don’t be so excited Bezzie!” asik niya dito.

“Okay, sabi mo eh. Ang sungit naman nito. Ano bang nakain mo bakit ang sungit mo ngayon ah?” napakibit-balikat na lang siya habang sinusundan ang tingin ang kaibigan niyang nagmamadaling pumasok sa classroom.

Kung ano bang nakain ni Cissie bakit siya umasta ng ganun? Well, simple lang, nagseselos lang siya at naawa sa sarili.  Kinatanghalian pagkalabas ni Cissie sa classroom naka-abang na agad ang babae. Lalong nakadama ng inis si Cissie.

“Wow! You are really early girl. Pumasok  ka pa ba niyan sa class mo?”   

“Naman! Can’t you see how excited I am? Well, I can’t wait,” hindi maitatago ang excitement nito.

“You’re really different. Tara na nga, at atat na atat na si Jay na mameet ka in person.”

“Ah!” kilig na sigaw nito. "Talaga?Mukhang  nakinikinita ko na ang future husband ko.”

“Husband agad? Hindi ba puwedeng boyfriend muna?” ismid ni Cissie.

“Inaangkin ko na ang bagay na iyan, no. Tara na, bilis!” sabay hila nito sa braso ni Cissie. Hindi naman ata siya sobrang atat kung umasta. Habang papasok sila sa lobby ng admin building, nakita sila ni Jay na kanina pa pala nagmamasid sa kanila. Hindi nakatiis ang lalaki at sinalubong niya ang dalawa.

“Hey Bezzie, who is this beautiful girl with you?” bungad nito samantalang inilalahad nito ang kamay sa magandang dalagang kasama ng kaibigan niya.

“What a big surprise to see you here!” sarcastic na wika ni Cissie dahil alam niyang kanina pa nagmamasid si Jay sa kanila.

“Ikaw naman oh, alam kong kanina mo pa ako nakita kaya 'wag ka ng magmamaang-maangan diyan,” inabot naman ng babae ang kamay ni Jay, at noong akmang magsalita na ang babae ay agad sumingit si Cissie.

“Well, as I’ve told you. This beautiful girl wants to know you in person and I do know that you feel the same way too. So, meet the dream girl, Bezzie. This is Cherry Madsen. I just happened to know her this morning. Cherry this Jay Tan, my Bezzie,” pagkasabi nito’y parang nawala sa daigdig ang dalawa ni hindi man lang ata narinig ang sinabi ni Cissie. Tila napako na ata ang kanilang paningin sa isa’t isa at ang kanilang mga kamay ay hindi pa rin bumibitaw kaya hindi nakatiis si Cissie.

“Hey! Did you guys hear what I just said?” sa sinabi niyang iyon, nanauli sa  mundo ang dalawa.

“Of course! Loud and clear. Hi, nice to meet you Cherry,” wika ni Jay.

“Nice to meet you too, Jay. I just can’t believe this is happening.” 

“I hope this is not our last meeting.” 

“Well, let me know if we could stroll around sometime. Let's have a lunch or dinner or breakfast together,” sa nasabing iyon ng dalaga tumaas ang kilay ni Cissie. Talagang may pagkaliberated ang babaeng ito at siya pa ang unang nagyaya ng date ah. Well what would she expect from this girl raised in non-convervative country? Eh dito nga sa Pilipinas na relihiyoso ang mga tao, adapted narin ni la ang western culture.

“Hey, I gotta go. Nakakahiya naman sa inyong dalawa. Nagmukha naman akong guwardiya dito, 'no!” ngiti niya sabay talikod nito kaya ang tanging narinig na lang niya ay salamat buhat sa dalawang mukhang pinagtagpo ng panahon para sa isa’t-isa. Pathetic! Pero iyon ang katotohan na dapat niyang tanggapin. Kung bakit ba naman kasi ngayon pa sumulpot ‘tong babaeng ito, kung saang inamin na niya sa sarili niya na mahal na niya pala ang kaibigan niya? Bakit hindi pa noong wala pa siyang naramdaman para dito? Panahon nga naman, laging nanunubok. 

Nagresume na ang klase ngunit parang hindi ata siya pinansin ni Jay kaya hindi na rin siya nagtanong tungkol sa babae dahil mukhang masasaktan lang naman siya sa maririnig niya.

Uwian na lang hindi pa rin siya nito kinausap, binagalan niya ang pag-impake baka sakaling magyaya itong sumabay pauwi ngunit hindi pa rin. Nagtaka siya samantalang dati-rati naman lagi itong nagyayaya. Kaya wala na siyang choice.

“Bezzie, sabay na tayong uuwi,” wika ni Cissie.

“Oh I’m sorry, Bezzie. We have dinner later ni Cherry. Nakakahiya namang tumanggi. She is so nice to be snobbed,” tugon ni Jay.

“Oh, okay. I think I should be get going ahead. Enjoy the dinner,” malungkot na wika niya. First time lang nangyari sa kaniya na hindi siya nito niyayang umuwing magkasama. Wala namang siyang karapatan maghinanakit dahil noong nakaraan siya naman ang nagdadahilan. Nang makauwi siya sa bahay nila Jay hindi siya mapalagay, paroo’t parito siya sa loob ng kaniyang silid habang sinisilip niya ang relo. Mag-aala siete na ng gabi wala pa rin ang kaibigan niya. Kinuha niya ang phone para itext ito.

"Bezzie, where are you? Lola is looking for you.”

Hindi naman talaga siya hinanap ng Lola niya, dahilan niya na lang ‘yon para matext niya ito. Inaantay niya na magreply ito agad dahil alam niyang naggrereply agad ang kaibigan niya kapag tinetext, ngunit lumipas na lang ang isa't kalahating oras wala pa ring reply, kaya nag–aalala na siya kung kaya tinawagan na niya ito. Nakailang dial na siya ngunit wala pa ring sumagot. Nag-alala na talaga siya kaya tinungo niya ang sala para ipapaalam na sana sa Lola niya nang may nagbukas ng pinto. Si Jay pala.

“Ano ka ba? Kanina ka pa hinahap ni Lola, almost 2 hours ago nagtext ako sa'yo pero wala kang reply. I called you several times, you didn’t answer. Alam mo bang nag-aalala ang mga tao dito sa'yo!” singhal niya dito.

“Oh I’m sorry, I forgot that I turned my phone into a silent mode” wika nito habang ang mukha ay sobrang nabigla dahil sa reaction ng kaibigan. 

“Really? Baka naman sinadya mo para hindi kayo maistorbo.”

“Of course not. Marami kasing nagtetext na hindi ko naman kilala. Nakakahiya naman kung panay dukot ako sa bulsa ko habang may kausap ako,” depensa nito.

“You should at least inform us where on earth were you.”

“Oo na, sige na, It’s my fault. Kung magalit ka naman parang gawain ko ang laging ganito. ‘Wag ka nang magalit Bezzie oh. Babawi ako sa'yo next time. By the way, bakit ka nga pala galit na galit? Ngayon lang kita nakitang ganito magalit ah. Kanina ka pang umaga eh. Oi si Bezzie nagseselos ata,” tukso nito sa kaniya.

“Stop it! It’s not funny at hindi ako Nagseselos, okay? Diyan ka na nga!” tumalikod na siya agad dahil baka maubusan siya ng maidadahilan saka naramdaman din niyang umiinit ang kaniyang pisngi baka nagblush siya. 

“Don’t worry Bezzie ikaw lang ang nag-iisang bestfriend ko. Magdinner din tayo tomorrow, okay?”

“Whatever!” dali-dali siyang umalis dahil ang totoo, talagang nagseselos siya at nag-aalala. Natulog na lang siya nang maaga para hindi na siya kulitin ng kaibigan niya.

Kinabukasan , inaasahan niyang yayain siya nito na sumabay ngunit hindi iyon nangyari. Nagpaalam itong maunang umalis dahil may daanan daw siya. Wala naman siyang magawa dahil wala naman siyang karapatang magtanong o pigilan ito. Pagkadating niya sa school nagulat siya sa nakita niya. Kaya pala umalis nang maaga ang kaibigan dahil sinundo pala nito si Cherry.  Para siyang sinakluban ng langit sa nasaksihan niya. Hindi niya napansing may gumigilid na pala na luha sa mga mata niya. Noong napansin niyang may basang dumadaloy sa pisngi niya saka niya lang napagtantong umiyak na pala siya. Dali-dali niya itong pinahid baka may makakita pang ibang tao. Habang papalapit siya sa lobby narinig niyang may bumanggit ng pangalan niya kaya dahan-dahan siyang lumapit dito.  

“So, she is the new girl?” wika ng isang estudyante. 

“Yeah and I heard parang sila na ata. Well deserving naman siyang maging girl ni Jay kaysa doon sa isang basurang Cissie, 'no!” sagot ng isa.

“You’re right! Kung 'yan ang maging girlfriend ni Jay, hindi na ako papalag. At least maganda siya at mayaman hindi alangan sa kaguwapuhan at estado ni Jay sa buhay.”

“Me too. Kawawang Cissie, pinaasa lang siya, ni hindi man lang sinabay pagpasok,” sabay tawanan ng dalawang babae.

Pagkarinig noo’y umiyak na talaga ng tuluyan si Cissie, dali-dali niyang tinungo ang comfort room para doon maglabas ng sama ng loob. Hangang sa tumunog na ang bell at simula na ng first period saka pa lang siya nag-ayos. Wala siyang pakialam kung anong ipagagawa sa kaniya ni Ms Langit basta naglakad na lang siyang dahan-dahan papasok ng classroom ng,

“Cissie, are you okay?” pagkalingon niya ay si Ms Langit pala.

“Ma’am g-good morning po.”

“Kanina pa kita naririnig sa C.R, may problema ka ba?”

“Kaya ko po ‘to. Salamat po sa concern Ma’am.”

“Are you sure?”

“Opo.”

“Okay then. Come on, let’s get in.”

Natapos ang buong araw ni Cissie na wala siya sa sarili.  Hindi na niya inisip pang sumabay o umasang yayaing ng kaibigan niya para sumabay pauwi, dahil tiyak na unahin niyang yayain ang bagong girlfriend niya. Tiyak na magiging iba na ang takbo ng mundo niya. Sabagay ito naman ang dati niyang nakasanayan bago pa dumating sa buhay niya si Jay. Hindi niya lang inakala na sa ganitong paraan pala magtatapos ang lahat. At iyon ang pinakamasakit sa lahat. Naging maganda na sana ang kanilang samahan. Inamin na niya sa sarili niya na mahal niya ang kaibigan niya, ngunit sa isang iglap ay nagbago lahat. Sinikap niyang maging normal sa loob ng isang buwan, hangang sa dalawang lingo na lang at graduation na nila.

“Hey Bezzie, long time no chat ah!” wika ni Jay habang hinabol niya si Cissie pababa ng hagdanan.

“Hi, Bezzie. Well, long time no chat. We are under in the same roof but we barely see each other for quite some time. How are you and Cherry by the way?”  

“Well we are doing great. At Bezzie, sinagot na niya ako kagabi!”

“Congrats. You have finally met the right girl for you, I gotta go Bezzie may dadaanan pa kasi ako eh,” matabang paalam nito kay Jay.

“Okay Bezzie, take care.  I will make it up to you some other time.”

Kumaway na lang si Cissie habang nakatalikod dahil wala na siyang lakas para sagutin ang kaibigan niya sa sobrang sikip ng dibdib niya. Determinado na talaga siyang umalis pagkatapos agad ng graduation nila.

Announcement na ng honor roll ngayon araw na ito. Pero hindi siya excited na malaman kung kasama pa ba siya sa top 3 ng klase nila. Wala siyang ibang iniisp kung 'di graduation day na para makaalis na siya sa bahay Jay.

“Okay guys good morning. As expected I will announce today the honor roll lists, and congratulations to all who will graduate at sorry sa mga hindi. This is it.  Ayt,  congratulations to Jean Calunsag for she is our valedictorian, Cissie Cruz our Salutatorian, Al Perez our 1st Honorable mentnioned,  Jay Tan  our 2nd Honorable mentioned...” patuloy ni Ms Langit sa pag-aannounce.

“Bezzie, congrats! Salutatorian ka,” sabay yakap ni Jay sa kaniya. Pinagtitinginan tuloy sila ng lahat. Nagulat naman si Cissie sa ginawa ng lalaki. 

“Ah, eh...congrats din sa'yo, Bezzie. With honors ka rin,” alangan niyang tugon. Pero hindi pa rin bumitiw si Jay sa pagyakap sa kaniya. Nang mapagtantong awkward ang sitwasiyon, mukhang nagulat din si Jay sa ginawa niya.

“Bezzie, pinagtitinginan tayo ng lahat,” bulong niya dito.

“Ha?” nanauli ang diwa nito. “Eh bakit? hindi ba puwedeng yakapin ang bestfriend ko?” malakas na wika nito habang humarap sa buong klase. 

“Oh siya! Guys before this school year ends, we are having an open forum para makapagpalam kayo sa isa’t-isa.  ‘Yong mga magkaaway ay dapat magbati, kailangan umalis kayo sa school na ito na walang sama ng loob sa kapuwa niyo,” wika ni Ms. Langit.

“Ayos! Bukingan din ng crush Ma’am.  Kailan po ba 'yan, Ma’am?” excited  tanong ni Jeff.

“This Friday, a day before graduation. Wala na tayong klase kaya I will dismiss you early, pero ‘di puwedeng lumabas ng campus, maliwanag?”

“Yes Ma’am,” sabay-sabay tumugon ang buong klase at tila excited na nang maging Friday. Pero si Cissie wala pa ring kibo bagamat ang buong klase ay nagkakagulo. Dahil hindi siya nakatiis, nagpaalam siya na pupunta na lang sa library. Pagkarating doo’y dumiritso na siya sa hide out niya at doon nagpalipas ng oras. 

Maya-maya’y may bumukas ng pinto,

“I knew it! Dito lang kita matatagpuan eh. I miss this place Bezzie,” wika ni Jay.

“Matagal ka na rin kasing hindi nagawi dito mula ng makilala mo si Cherry eh. Wala pa rin namang pinagbago ang lugar na ‘to, abandoned pa rin naman.”

“This is the most unforgettable place I have ever been in this school.”

“Magkaiba pala tayo. I don’t want to remember this place in the future kaya sinulit ko na habang hindi pa ako nakakaaalis sa lugar na’to,”

“Why is that so? As far as I know, you valued this place more than any other place in this campus, right?”

“Yeah, you’re right! But we both know that this place is already abandoned. And once I left here, I will also bury all my memories in this school. Ang mga inabandonang mga bagay ay hindi na dapat alalahanin pang muli,” makahulugang wika niya.

“Wow! Is that you Bezzie? Nakakalunod naman ang lalim ng sinabi mo.”

“Masanay ka na mula ngayon Bezzie. Tara, let’s go outside malapit na ang uwian.” 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Loving Bezzie Tagalog [COMPLETED]   Chapter 10 - Finale

    Limang taon ang nakalipas, hindi niya pa rin nahanap si Cissie. Nagtatrabaho siya ngayon bilang staff nurse sa isang kilalang private hospital. At masasabing ibang-iba na ang buhay niya ngayon. Hindi na siya tulad dati na mahilig sa lakuwatsa at barkada. Pagkatapos ng shift niya direcho siya ng bahay at doon na magmokmok sa kwarto. Wala siyang ibang ginagawa kung 'di magsulat ng kuwentong pag-ibig. Naisip niya kasi, sa totoong mundo walang happy ending kaya pinili niyang magsulat para magagawa niya lahat ng may happy ending sa paraan na gusto niya. Naging partime niya rin ang pagsusulat at naka lima

  • Loving Bezzie Tagalog [COMPLETED]   Chapter 9 - His Realization

    Ilang araw ang nakalipas, hindi pa rin mawala sa isipan ni Jay ang kaibigan niya. Kahit saan siya magpunta lagi niya itong nakikita. Lagi niyang naaalala ang mga masasayang kulitan nila. Kung minsa’y napagkamalan niya si Cherry na si Cissie. Bawat usapan nila’y laging nababanggit niya ang Bezzie. Noong una, naintindihan siya ng babae ngunit magdadalawang lingo na ang nakalipas hindi parin siya nagbago. Minsan nasa grocery sila,

  • Loving Bezzie Tagalog [COMPLETED]   Chapter 8 - She's Gone

    Friday na kaya excited na ang lahat sa open forum na gaganapin. May excited na magsorry, may excited na magpasalamat. Pero mas maraming excited sa mga pagbubunyag. Ngunit ano kaya ang kahulugan nito para kay Cissie?

  • Loving Bezzie Tagalog [COMPLETED]   Chapter 7 - Her Rival

    Hindi na niya talaga pinansin pa ang tawag ni Jay, dahil sobrang sikip na ng kaniyang dibdib at parang hindi na siya makahinga. Kung kailan inamin na niya sa sarili niya ang naramdaman niya para dito saka naman nagkaroon ng interes si Jay sa ibang babae. Mukhang hindi talaga oobra ang feelings niya para dito. Kanina pa lang sa sagot nito sa kaniya, mukhang wala ng pag-asang magustuhan siya nito. Ang masakit ay hulog na hulog na ang damdamin niya ngunit ang turing lang pala talaga nito sa kaniya ay kaibigan lang at wala ng iba. Kung bakit ba naman kasi hinayaan niyang mahulog siya nang tuluyan sa lal

  • Loving Bezzie Tagalog [COMPLETED]   Chapter 6 - Friendzoned

    Kinabukasan ay sabay silang pumasok sa eskuwela, tila nakalimutan na ni Cissie ang kaniyang balak na pagdistansiya kay Jay. Sa bagay tama naman si Jay, hindi naman niya habambuhay makikita ang mga taong iyon, maging pati si Jay hindi niya ito habambuhay na makakasama. Kaya naisip niya na sulitin nalang ang pagkakataong makakasama pa niya ito. At naisip niya na pagkakataon din ito para inisin ang mga nang-aapak sa kaniyang pagkatao dahil pangangatawanan na niya ang kanyang pagkaclose nito sa

  • Loving Bezzie Tagalog [COMPLETED]   Chapter 5 - Avoiding Him

    Kinaumagahan excited na naman ulit siyang pumasok ngunit hindi pa rin maalis sa isipan niya ang nangyari kagabi. May kung anong tambol ang tumutugtog sa dibdib niya tuwing maalala niya ito. Nauana siyang umalis kay Jay dahil ayaw niyang tanungin siya nito tungkol sa nangyari baka hindi niya makayanan at himatayin siya sa sobrang hiya.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status