Share

Chapter- IX

Author: Señorita
last update Petsa ng paglalathala: 2020-08-08 15:28:43

Roi connor Ziven aka Rocco

"Love is somehow making choices, it's either choosing happiness for others pain or choosing pain for other's happiness."

(to be continued)

-Amihan

Isang araw na natapos ko nanaman ang pang-26 chapter nang isang storya sa wattpad mula sa paborito kong manunulat na si Amihan, hindi niya tunay na pangalan at hindi ko rin alam ang real name niya.

Nadadala ang puso at bawat emosyon ko sa bawat storya na nababasa ko sa mga gawa niya.

Pakiramdam ko pa nga minsan parang ako yung lalaki sa character niya at siya naman yung bidang character sa kwento.

Bagama't napaka-misteryosa niyang tao at hindi siya nagpapakita ng identity niya sa lahat, isa naman ako sa mga taga-hanga niya na nagnanais siyang makita at masulyapan man lang kahit kalahating bahagi lamang ng mukha niya.

"Oh my juliet~ kaylan kaya kita masisilayan?"

Madalas ko rin siya makita sa panaginip ko pero pagkagising ko hindi ko na maalala ang itsura niyang nakita ko sa panaginip.

Pero malakas talaga ang kutob ko na malapit lang siya sa akin.

"Hoy Mr.Roi connor Ziven!! nagbabasa ka nanaman ng wattpad diyan! hindi ka nanaman nagtatrabaho ng maayos!" sabay hinampas siya ng folder sa ulo ni Enya habang nagulat naman siya at napakamot ng ulo.

"Mabuti pa sumama kana lang sakin!" sabay atcha niya ng car key kay rocco.

"Ha? san tayo pupunta?" nagtatakang tanong niya rito.

"Sa bahay ng apo ni lucifer." sabay talikod niya rito.

Agad naman sumunod sa likuran niya si rocco at sinabing,.

"Si Ms.Alons?"

"Bingo!" sabay kindat ng dalaga sa kaniya.

Napataas-kilay lang si rocco at bumulong sa sarili niya na,.

"Ginawa na niya kong personal driver niya."

Sabay napalingon si Enya sa kaniya pero ningitian lang niya ito na parang walang nangyari sabay kagat niya sa kaniyang labi na para bang gusto niyang tuktukan ito sa ulo ni enya.

"Pasalamat ka talaga babae ka, hmp!" dagdag pa niya habang sinusundan niya ng tingin si enya papasok sa kotse niya.

"Ang tagal mo naman!" reklamong sabi nito sa kaniya.

Walang nagawa si rocco at sumunod na lamang sya sa inuutos ni enya sa kaniya sabay sakay niya sa loob ng kotse.

Nang bigla siyang mapahinto nang mapansin niya ang sticker na nakadikit sa likod ng car key ni enya.

At may nakasulat na, Amihan.

"A-aamihan!!?" laking gulat niya nang makita ang pamilyar na pangalan na nakaguhit sa sticker.

Agad siyang napatingin kay enya na naghihintay sa kaniya sa loob ng kotse.

"Don't tell me na siya!- ah hinde hinde! imposible namang siya nga-

Sandali siyang natigilan nang maalala niya ang tungkol sa pagbanggit ni Alona noong nasa elevator silang dalawa tungkol sa pagiging writer din ni enya sa isang sikat na website application.

Hindi nga? siya nga kaya yung amihan na kilala at hinahangaan ko sa wattpad?

Nang bigla naman sumenyas si enya sa kaniya na pumasok na ito sa loob at parang nagmamadaling umalis.

Nagtataka paring nakatitig si rocco sa kaniya habang pumapasok ito sa loob ng kotse at sinabing,.

"Ms.enya may gusto sana akong itanong sayo." mahinang tugon niya rito sabay salubong-kilay namang napalingon si enya sa kaniya.

"Ano!" masungit na sabi nito.

"Etong kotse na sinasakyan natin? sino ba talaga nagmamay-ari nito? ikaw ba o si Ms.Alona?"

Mainahong tanong niya.

"Bakit mo ba tinatanong ha!? pwede ba umalis na tayo? kanina pa ko nagtitimpi sayo!" gigil na sabi nito sa kaniya sabay tinalikuran na niya si rocco at nagsalpak ng headset sa tenga niya.

Napabuntong hininga na lang si rocco at nag-focus na lang siya sa pagmamaneho. pero tila'y binabagabag parin siya ng kaniyang isipan kung sino ba talaga sa dalawa ang tunay na Amihan.

Si Alona ba na mismong sikat na writer at nagpapanggap bilang amihan sa ibang website app?

Or si Enya na nasa tabi nya na nagpapanggap na isang ordinaryong editor lamang pero niliihim lang nito ang talento niya sa pagsusulat.

Sino kaya sa kanilang dalawa?

Paano kaya kung sabihin ko sa kaniya yung tungkol sa author na iyon?

Muling napasulyap ang binata kay enya na umiinom nang ice coffee at sinabing,..

"M-ms.enya." nauutal na sabi nito. Tila ay kinakabahan siya at sobrang-lakas ng kabog nang kaniyang dibdib dahil hindi nya alam kung anong gagawin nya kapag nalaman niyang si enya at amihan nga ay iisa.

"Hm?" sabi lang nito sa kaniya.

"Natatandaan mo pa ba yung kinukwento ko sayo tungkol don sa author na iniidolo ko at sabi ko pa nga gusto ko sya makilala ng personal?" kinakabahang sabi nya.

bigla naman napalingon ang dalaga sa kaniya at muli lang niya lang ipinagpatuloy ang sinasabi niya.

"Hindi mo ba ako tatanungin kung ano ang pangalang niya?" sabi pa niya at bigla lumingon si enya sa kaniya sabay sinabing,.

"Ah oo nga pala. so, ano palang pangalan niya?" she said. then humigop ulit siya ng ice coffee nang biglang aksidente niya itong nabuga nang marinig niya ang isinagot ni rocco sa kaniya na,.

"Amihan. pen name niya lang iyon pero hindi ko talaga- (Enya's coughing*) Teka! okay ka lang ba ha? gusto mo ba nang tubig ha?" sabay abot niya ng tissue kay enya at isang bottle water.

"Ok- (*coughing) okay lang ako." wika ng dalaga sa kaniya. nang biglang itinabi ni rocco ang kotse at pinupunasan niya ng tissue ang bibig ni enya nang bigla siyang mapahinto at mapatitig sa dalaga.

Wait!- what am i doing now? am i going crazy? Why am i wiping her lips?

Bulong nito sa isipan niya nang mapagtanto niyang sobrang lapit na pala niya kay enya at hindi niya namalayang bigla na lang niya itong nilapitan at pinunasan sa labi ng dalaga.

Sandaling napahinto rin si enya at nakatitig ito sa mga mata ni rocco nang bigla niyang sabihing,.

"Anong ginagawa mo?" Mataray na sabi nito sa kaniya. bigla naman bumalik sa katinuan si rocco at laking gulat niya nang makita niya ang nag-aapoy na mga mata ni enya sa kaniya.

"Ah-ano-kk-kase?" wala siya ibang naisip na sabihin kay enya kaya napakamot na lamang siya nang ulo, nang bigla naman hakatin siya ni enya sa bandang necktie niya kaya nanlaki ang mata ng binata sa gulat ng makita niya nang malapitan ang mukha ng dalaga at sinabi na,.

"Sinusubukan mo bang akitin ako para maka-score ka sakin? ganon ba yon Mr.Rocco Ziven?" eye to eye na sabi nito sa kaniya habang napalunok naman ng malalim si rocco at sinabing,.

"H-hinde! bb-bakit ko n-naman gg-gagawin sa- sayo yon! hehehe?"

Mautal-utal na sabi nito sa kaniya.

"Ahhh. so, parang sinasabi mo na hindi ako babae sa paningin mo. ganon ba yon, Mr.Ziven ha?"

"Oo- ha!? Ha-he hh-hinde hinde!"

"Hinde!?" gigil na sabi nito sa kaniya. nang bigla naman napasigaw ng malakas si Rocco, nung hinuntog ni enya ang noo niya sa noo ni rocco na halos ikinahimatay ng binata.

"You better shut up!" sabay bumaba ng kotse si enya para lumipat sa driver seat.

Pagkapasok niya sa loob ay agad niyang tinadyakan sa kabilang upuan ang walang kamalay-malay na binata at tyaka niya ipinagpatuloy ang pagmamaneho nito.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Manhater (Tag-lish)   XVIII (I will love again)

    Agad namang napaduwal sa hilo si Keiji nang makababa na sila sa roller coaster na sinakyan nila kanina.Habang wala pa ring tigil sa paghalakhak si Alona nang makita niya ang reaksyon ng binata na halos ilang beses nang napamura sa iba't-ibang lengwahe."Ano buhay ka pa ba ha?hahahahahahaha~" Pang-iinsultong sabi niya kay Keiji na sandaling napasulyap sa kaniya habang nakasandal ito sa pader."What's funny!? don't you know that i almost died because of you!?" galit na sabi ng binata sa kaniya nang bigla naman napahinto sa pagtawa si Alona nang makita niya ang seryosong mukha nito."Aba! baka nakakalimutan mo na kusa kang sumakay doon! tapos ngayon sisigawan mo ako at sisisihin na halos mamatay kana doon? sino bang may sabing sunakay ka doon!" pagkasabi niya ay agad na rin itong umalis h

  • Manhater (Tag-lish)   (XVII) If We Fall Inlove Again

    True Love isn't love at first sight, but love at every sight.***(News Report)"Trending ngayon sa mga social media ang pinost ng sikat na writer na si Alona Marie Harrison sa kaniyang Instagram kung saan inihayag nang dalaga sa kaniyang post na, "Handa na akong tumandang mag-isa." tila palaisipan sa lahat kung ano ba talaga ang nais ipabatid ng sikat na writer sa kaniyang post. Sinasabi naman ng ilan na baka raw may kinalaman ito sa tunay na pagkatao ng writer. Totoo kaya siya ay-Kinuha ni Alona ang remote ng kaniyang TV sabay pinindot ang Off-button. Napabuntong hininga na lamang siya at isinandal ang kaniyang ulo sa sofa."Mga tao t

  • Manhater (Tag-lish)   XVI(Can't take my eyes on y*u)

    {Enya's pov}At the church."Lord, malapit na po ako lumagpas sa kalendaryo. Kaya sana naman po ipakilala ko niya sa akin ang lalaking ni-reserve niyo para sakin. Pakiusap po gustong-gusto ko na po talagang magka-jowa! Kung maari lang po itulak niyo na siya papalapit sa akin at wag na po tayo magpatumpik-tumpik pa dahil nasa tamang edad na rin po ako. At kung maari lang po na sana nandito rin po ang lalaking iyon sa loob ng simbahan. Salamat po,Lord! pa-follow up po please!" Matapos ang taimtim na panalangin ay agad rin akong tumayo at binitbit ang bag ko upang sana lumabas na ng simbahan pero biglang nahagip ng paningin ko ang isang pamilyar na itsura.Si Roc

  • Manhater (Tag-lish)   (XV)Because i love y*u more

    Kasalukuyang namimili mag-isa si Alona sa isang supermarket mall habang may itinutulak itong big cart basket at namimili ng kung anong brand ng napkin ba ang bibilhin niya."Alin nga kasing brand yung madalas na ibili sakin ni Enya noon?" Napapaisip na sabi nito sa kaniya sarili. Halos nakakailang minuto na siyang nakatayo doon sa harapan ng mga napkins brand subalit wala parin siya mapili kung alin ba don ang bibilhin niya."Ahe excuse me po." Tawag niya sa isang babaeng katabi niya na may hawak ring grocery basket."Yes?" nagtatakang sabi nito sa kaniya."Matanong ko lang po, aling napkin brand po ang madalas niyong gamitin?" Tanong niya sa babaeng kausap nito. Habang napakunoot noo naman ang babae sa itinanong nito sa kaniya na tila'y hindi niya maitindihan ang dalaga kung bakit natanong ito sa kaniya."Ayy naku po! pasensya na po kayo hindi ko lang po kasi mapili kung anong brand

  • Manhater (Tag-lish)   Cross my mind XIV

    Waiting is easy, but you know what's hard? realizing that the one you are waiting for is not coming anymore.***7am in the morning, maagang bumangon at nagising si rocco sa kaniyang kama kahit hindi naman talaga siya sana'y na bumabangon ng maaga.Balak na sana niyang sabihin kay Enya ang nalalaman niya patungkol sa tunay na pagkatao ng dalaga at balak na rin sana niyang ipakita sa dalaga ang paboritong libro na siya mismo ang nagsulat.?Put your head on my shoulderHabang masayang-masaya pa itong kumakanta sa pagligo niya sa loob ng banyo at naglalagay ng sabon sa bandang kili-kili.Maging sa pagprito ng itlog at paglagay ng ketchup na pahugis puso ay masasabi mong sumisinta na nga ang pilyong si Rocco.Halos masiglang-masigla ang gising ng binata at todo ayos pa nito sa kaniyang buhok habang nagl

  • Manhater (Tag-lish)   Help me to get over y*u XIV

    Sana ang Love my stop light din.para malalaman natin kung we should go for it, wait for it, or just stop for it to avoid heart accidents.***Duke Marcello"Babe anong gusto mong kainin? gusto mo bang mag-rice or just sandwich lang? babe?" shaina said.Pero tila hindi ito nakikinig sa sinasabi niya at tanging sa ibang direksyon siya nakatingin at nakafocus.Bigla kasi nahagip ng atensyon niya ang isang pamilyar na babae na nakaupo sa bandang dulo habang may ilan pa itong mga kasamang kumakain rin."Si alona ba yon?" biglang tanong sa kaniya ng kasintahan niyang si shaina sabay kumapit ito sa kaniyang braso."Bakit hindi tayo makisalo sa kanila? diba babe? it's been a long time nung huli natin sila nakasama." tanong pa nito sa kasintahan ni

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status