LOGIN{Enya's pov}
At the church."Lord, malapit na po ako lumagpas sa kalendaryo. Kaya sana naman po ipakilala ko niya sa akin ang lalaking ni-reserve niyo para sakin. Pakiusap po gustong-gusto ko na po talagang magka-jowa! Kung maari lang po itulak niyo na siya papalapit sa akin at wag na po tayo magpatumpik-tumpik pa dahil nasa tamang edad na rin po ako. At kung maari lang po na sana nandito rin po ang lalaking iyon sa loob ng simbahan. Salamat po,Lord! pa-follow up po please!"
Matapos ang taimtim na panalangin ay agad rin akong tumayo at binitbit ang bag ko upang sana lumabas na ng simbahan pero biglang nahagip ng paningin ko ang isang pamilyar na itsura.
Si Rocco, na nakapikit ang mga mata at tahimik na nagdarasal.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi mapatitig sa kagwapuhan niya.
Kahit nakapikit siya, hindi siya nakakasawang titigan.
Gusto kong hawakan ang maiikli niyang pilik mata at gusto kong pitikin ang matangos niyang ilong.
Sandali lang!-
Bakit nga pala siya nandito ngayon? ang alam ko hindi siya madalas magsimba.Kaya anong nakain niya at naisipan niyang magsimba?
Sandali akong natigilan at napalingon sa may altar.
Hindi kaya?-
Siya ang lalaking iyon?Bulong ko saking isipan habang nakatitig ako sa imahe ni Papa Jesus.
Weh? di nga? siya nga talaga?
Hindi kayo nagbibiro na siya ang lalaking itinadhana niyo para sakin?Wow! ang swerte ko naman kung ganon!
Sa sobrang tuwa ay napatakip bibig pa ako at pinipigilan kong huwang tumili since nasa loob ako ng simbahan.
Pero hindi ko ito napigilan nang biglang may bumulong sa akin at sinabing,.
"Anong iniisip mo diyan?""Ahhhhh!!" halos napatalon ako at napasigaw nang dumampi ang mainit niyang hininga sa tenga ko.
"Bakit gulat na gulat ka diyan? at tiyaka bakit namumula iyang mga pisngi mo? baka isipin pa nang iba crush mo ko." confident na sabi pa niya sakin sabay kindat niya.
Well, ramdam ko naman na namumula nga ang pisngi ko ngayon dahil sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko lalo na nung maramdaman ko ang sweet voice niya.
Pero hindi ako pwede magpahalata sa kaniya. Kaya umayos ka, Enya! Hindi dapat niya malaman na may gusto ka sa kaniya.
"Aba! ikaw ba naman makakita ng mala-demonyo na nagdadasal sa loob ng simbahan, hindi ka ba magugulat?"
(hayys! bakit ko ba sinabing mala-demonyo siya!? hindi naman talaga siya mukhang kampon ng kadiliman. Nakaka-guilty tuloy!)"Ahh~ so, kanina mo pa pala ako pinagnanasaan habang nakapikit ako at nagdadasal? ganon ba iyon.. (Sabay inilapit niya sakin ang mukha niya) .. Amihan?"
Teka? tama ba yung narinig ko na tinawag niya kong Amihan?!
Paano niya nalamang-
"Oh bakit gulat na gulat ka? wag mong sabihing mala-demonyo rin ang pagbanggit ko sayo nang Amihan? oh sige, aayusin ko na ang pagtawag ko sa iyo."
Muli niyang inilapit ang mukha niya sakin at inilayo ko naman ang sarili ko sa kaniya. Pero bigla niya ko hinawakan sa likuran ko at inangat niya ako papalapit sa kaniya.
Lalo tuloy bumibilis ang tibok ng puso ko at unti-unti akong nahuhulog sa mga titig niya.
"Amihan.. Amihan.. Amihan.."
Paulit-ulit na pagbanggit niya sa username ko habang nakatulala lang ako sa kaniya.Pero bakit ganon? sobrang gandang ng pagbigkas niya sa Amihan ko'? na para bang nagiging unique pakinggan.
"Ulitin mo nga."
"Ang alin? yung Amihan?
"Isa pa nga.."
"Amihan~ isa pa? Amihan~"
The End-
Char lang~ hindi pa dito natatapos ang storya naming dalawa ni Rocco dahil dito pa lang nagsisimula ang Love story naming dalawa.
Sa tingin ko lang.Sa tingin ko lang naman dahil may feeling ako na doon na rin kami papunta.So, ayon nga. Awkward kaming lumabas ng simbahan at sabay na naglalakad sa may hallway.
Pareho naming iniiwasan na magtama ang mga paningin namin sa isa't-isa.
Halos pinipigilan ko rin ang paghinga ko parang hinihigop kasi ng kaba ko yung paghinga ko.
Hanggang sa hindi ko napigilan anh sarili ko at tinanong ko na siya.
"Paano mo pala nalaman ang tungkol sa username ko?" kunwaring hindi ako kinakabahan pero ang totoo parang maiihi na ako sa sobrang lakas ng kaba.
"Ahh~ yun ba? dahil siguro kay Ms.A at sa mga clues na naipon ko tungkol sayo" Sabay napayuko siya at parang nahihiya siya na aminin sa akin.
Pero Shet! ang cute niyang tignan!
Save me everyone!!Pero syempre kunwari kalmado lang ako kaya nagpanggap ako na naiinis at nadismaya.
"Hays! nakakainis talaga ang babae'ng yon! kahit keylan napakadaldal talaga! Sabi ko na nga ba eh! hindi talaga siya maasahan pagdating sa pagtago ng mga sikreto-"
Bigla ako natigilan sa pagsasalita nang mapalingon ako sa kaniya."Bba- babakit.. ka ganiyan makatingin sakin ha? may.. may muta ba ko sa mata?" nang bigla na lang siya tumawa ng malakas dahil sa sinabi ko. Kaya tumawa na lang din ako kahit hindi ko alam kung ano ba ang nakakatawa sa sinabi ko.
"Sinabi ko na ito sa iyo noon na may isang author akong hinahangaan ng lubos at gustong-gusto ko siyang makilala sa personal. Sa tingin ko ako na yata ang pinaka-swerteng lalaki sa buong mundo."
Bigla naudlot ang pagtawa ko nang bigla rin siyang magsalita ng seryoso.
Na-touch ako sa lahat ng sinabi niya. Pakiramdam ko maiiyak ako sa sobrang saya. Kung nanaginip man ako ngayon, pakiusap ayoko nang magising pa.
"Dream come true, para sakin ang makilala ka."
"I love you.."
"Ha??"
"..."
"??"
Naku! maghinay-hinay ka naman Enya! Baka isipin niyang patay na patay ka sa kaniya!
Dahil sa sinabi ko'ng iyon bigla tuloy nakaramdam ng hiya at parang gusto ko munang magpunta sa kabilang mundo.
Pero bigla ko na lang naramdaman na hinawakan na niya ako sa kamay ko.
Jusko, Papa G!
Napakabilis naman po ng pangyayari! parang ayoko na pong umuwi sa amin at gusto ko na pong sumama sa kaniya sa pag-uwi."Ate palimos po."
Parang sirang plaka nung marinig ko ang boses ng isang batang pulubi na namamalimos pala sa akin at siya pala ang humawak sa kamay ko.
Kaya pala nagtataka ako kung bakit sa daliri ko lang siya nakahawak.
Agad ako napalingon sa kaniya at nagtama ang mga paningin namin sa isa't-isa.
Palagay ko iba ang iniisip namin sa isa't-isa. At alam kong, ako lang din ang naiimagine na hahawakan niya ako sa kamay.
"Heto, bumili ka ng makakain mo okay? huwag mong ibibili ng kahit ano yan basta ibili mo yan ng pagkain. Ayos ba?" Pagkasabi ko sa kaniya ay agad ko rin siyang inabutan ng pera at tiyaka naman siya kumaripas ng takbo.
Napangiti ako nung makita kong tinawag niya ang ilang kasama niya. Mukhang ililibre niya ng pagkain ang mga ito kaya tumalikod na ako at muling nagpatuloy sa paglalakad.
Ilang saglit lang ay naramdaman ko nanaman na may humawak sa kamay ko.
Wag kang mag-expect! hindi siya ang nakahawak sa kamay mo!
Dahan-dahan kong nilingon ang kamay ko at muli nanaman akong nilapitan ng batang namamalimos.
Sabi ko na nga ba eh!
Dudukot na sana ako ng pera sa bag ko nang bigla niya ko abutan ng isang Sunflower.
"Wow! ang ganda naman niyan! binebenta mo ba iyan? magkano ba iyan?" Sabay inabot niya sa kamay ko yung Sunflower at dudukot palang sana ako ng ibabayad ko sa kaniya pero bigla na lang siya umalis at tumakbo.
"Sandali! yung bayad ko!" Sigaw ko sa kaniya pero patuloy lang siya sa pagtakbo at napansin kong bigla na wala roon si Rocco.
Saan kaya nagpunta iyon?
Habang palingon-lingon ako sa paligid ko bigla namang may isang bata nanaman ang lumapit sakin habang may hawak-hawak ring isang pirasong Sunflower.
"Ha? para sakin?" nagtatakang sabi ko sa kaniya habang pilit niyang inaabot sakin yung bulaklak.
Wala akong ideya kung bakit nila ako binibigyan ng Sunflower.
Gusto kong isipin na baka pakana ni Rocco ito pero ayoko ko ring mag-assume dahil baka may pinuntahan lang siya sandali.Pero sa bawat paghakbang ko may mga batang pulubi na lumalapit sa akin at nag-aabot ng Sunflower sakin pagkatapos non' ay umaalis na sila kaagad. At kahit anong pilit kong pagtanong sa kanila kung bakit nila ako binibigyan ng bulaklak ay bigla naman sila kumakaripas sa pagtakbo.
Daig pa ang ambush sa pagtakbo matapos magawa ang isang mission.
Patuloy parin ang pagtataka ko sa mga nangyayari. Kinakabahan ako.
Ganito pala ang pakiramdam kapag tinitignan ka ng mga tao sa di mo malamang dahilan.Nang may biglang lumapit sa akin na isang binatang lalaki. Nakasoot siya nang sira-sirang black bathrobe at tiyaka siya nakasumbrero na kulay itim.
Inilapag niya ang palad niya sa harapan ko at tiyaka niya sinabing,.
"Miss, bayad mo. 500 lahat iyan."
"Ha!? Eto!? 500 lahat!?" Gulat na gulat na sabi ko sa kaniya.
Naku sabi na nga ba! imposible talagang magka-romantic sa lovelife ko.
"Pero.. hindi ko naman.. sige na nga, bibilhin ko na." Dumudukot palang ako ng pambayad sa bag ko nang bigla ko marinig ang sigawan ng mga tao doon.
Sandali akong natigilan at napalingon sa paligid ko.
Bigla ko napansin ang isang lalaking naka-tuxedo na kulay pink at nakaluhod siya sa harapan ko.
Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko sa kaniya.
Kulay pink na tuxedo, nakasoot ng high class leather shoes, may maliit na hikaw na hugis moon sa kaliwang tenga niya, at higit sa lahat may hawak na We bare bears Stuff toys. Ito ang mga katangian ng karakter na bidang lalaki sa Romantic Story na sinusulat ko.Paanong nagkatotoo ang karakter na nilikha ko lamang sa imahinasyon ko?
Dahan-dahan niyang ibinaba ang tatlong bears at doon ko nakita ang mukha niya.
"Roc.. Rocco?"
"Enya Lorelei or Aka Amihan. Will you be my first and last girlfriend? and soon to be my wife in the future?"
Nang mga sandaling iyon para bang gusto ko munang itigil ang takbo ng oras. Gusto kong manatili sa masayang sandaling iyon.
Ayokong umiwas, tumakas o umalis sa tabi niya.
Gusto kong manatili sa tabi niya ngayon, bukas at sa pang-habambuhay.
Ewan ko ba, pero pakiramdam ko nagpro-propose na siyang pakasalan ako. Sobrang bilis ng pangyayari at hindi parin ako makapaniwala sa mga nakikita ko. Pero hindi ko na papalampasin ang magandang sandaling ito.
Mahirap na! baka bigla na lang ako magising sa isang magandang panaginip kaya susulitin ko na.
"Yes! Yes na yes! super yes! super duper yes! i will marry you!-
este! i will be your first and last girlfriend and your future wife!" Pagkasabi ko non sa kaniya ay agad siyang tumayo at niyakap niya ako ng sobrang higpit.
"Aysus! sobrang effort." Bulong ko sa kaniya pero hindi siya tumawa sa sinabi ko kaya tinignan ko siya sa mukha niya. Pero iniiwasan lang niya ako ng tingin at tanging sa lupa lang siya nakatingin.
"Anyare? umiiyak ka? teka, hindi pa tayo ikakasal ha? jowa palang!"
Sabay napangiti siya sa sinabi ko at tiyaka ko pinunasan ang mga luha sa pisngi niya.
"Bakit ka nga umiiyak? hindi ba dapat ako ang umiyak sating dalawa?"
Hindi ko tuloy mapigilan ang hindi matawa sa pag-iyak niya. Sobra kasi siyang nahihiya na ipakita sakin na lumuluha siya at lalo tuloy akong kinikilig sa kaniya.
"I love you." mahinang tugon ko sa kaniya tapos bigla siyang napatingin sa mga mata ko.
"I love you more." sabay yakap ulit niya sa akin.
Ang storya naming dalawa ay hindi dito natatapos. At kailanman matatapos dahil ngayon ay opisyal na in relationship na kaming dalawa.
Ahe! :)
****
Agad namang napaduwal sa hilo si Keiji nang makababa na sila sa roller coaster na sinakyan nila kanina.Habang wala pa ring tigil sa paghalakhak si Alona nang makita niya ang reaksyon ng binata na halos ilang beses nang napamura sa iba't-ibang lengwahe."Ano buhay ka pa ba ha?hahahahahahaha~" Pang-iinsultong sabi niya kay Keiji na sandaling napasulyap sa kaniya habang nakasandal ito sa pader."What's funny!? don't you know that i almost died because of you!?" galit na sabi ng binata sa kaniya nang bigla naman napahinto sa pagtawa si Alona nang makita niya ang seryosong mukha nito."Aba! baka nakakalimutan mo na kusa kang sumakay doon! tapos ngayon sisigawan mo ako at sisisihin na halos mamatay kana doon? sino bang may sabing sunakay ka doon!" pagkasabi niya ay agad na rin itong umalis h
True Love isn't love at first sight, but love at every sight.***(News Report)"Trending ngayon sa mga social media ang pinost ng sikat na writer na si Alona Marie Harrison sa kaniyang Instagram kung saan inihayag nang dalaga sa kaniyang post na, "Handa na akong tumandang mag-isa." tila palaisipan sa lahat kung ano ba talaga ang nais ipabatid ng sikat na writer sa kaniyang post. Sinasabi naman ng ilan na baka raw may kinalaman ito sa tunay na pagkatao ng writer. Totoo kaya siya ay-Kinuha ni Alona ang remote ng kaniyang TV sabay pinindot ang Off-button. Napabuntong hininga na lamang siya at isinandal ang kaniyang ulo sa sofa."Mga tao t
{Enya's pov}At the church."Lord, malapit na po ako lumagpas sa kalendaryo. Kaya sana naman po ipakilala ko niya sa akin ang lalaking ni-reserve niyo para sakin. Pakiusap po gustong-gusto ko na po talagang magka-jowa! Kung maari lang po itulak niyo na siya papalapit sa akin at wag na po tayo magpatumpik-tumpik pa dahil nasa tamang edad na rin po ako. At kung maari lang po na sana nandito rin po ang lalaking iyon sa loob ng simbahan. Salamat po,Lord! pa-follow up po please!" Matapos ang taimtim na panalangin ay agad rin akong tumayo at binitbit ang bag ko upang sana lumabas na ng simbahan pero biglang nahagip ng paningin ko ang isang pamilyar na itsura.Si Roc
Kasalukuyang namimili mag-isa si Alona sa isang supermarket mall habang may itinutulak itong big cart basket at namimili ng kung anong brand ng napkin ba ang bibilhin niya."Alin nga kasing brand yung madalas na ibili sakin ni Enya noon?" Napapaisip na sabi nito sa kaniya sarili. Halos nakakailang minuto na siyang nakatayo doon sa harapan ng mga napkins brand subalit wala parin siya mapili kung alin ba don ang bibilhin niya."Ahe excuse me po." Tawag niya sa isang babaeng katabi niya na may hawak ring grocery basket."Yes?" nagtatakang sabi nito sa kaniya."Matanong ko lang po, aling napkin brand po ang madalas niyong gamitin?" Tanong niya sa babaeng kausap nito. Habang napakunoot noo naman ang babae sa itinanong nito sa kaniya na tila'y hindi niya maitindihan ang dalaga kung bakit natanong ito sa kaniya."Ayy naku po! pasensya na po kayo hindi ko lang po kasi mapili kung anong brand
Waiting is easy, but you know what's hard? realizing that the one you are waiting for is not coming anymore.***7am in the morning, maagang bumangon at nagising si rocco sa kaniyang kama kahit hindi naman talaga siya sana'y na bumabangon ng maaga.Balak na sana niyang sabihin kay Enya ang nalalaman niya patungkol sa tunay na pagkatao ng dalaga at balak na rin sana niyang ipakita sa dalaga ang paboritong libro na siya mismo ang nagsulat.?Put your head on my shoulderHabang masayang-masaya pa itong kumakanta sa pagligo niya sa loob ng banyo at naglalagay ng sabon sa bandang kili-kili.Maging sa pagprito ng itlog at paglagay ng ketchup na pahugis puso ay masasabi mong sumisinta na nga ang pilyong si Rocco.Halos masiglang-masigla ang gising ng binata at todo ayos pa nito sa kaniyang buhok habang nagl
Sana ang Love my stop light din.para malalaman natin kung we should go for it, wait for it, or just stop for it to avoid heart accidents.***Duke Marcello"Babe anong gusto mong kainin? gusto mo bang mag-rice or just sandwich lang? babe?" shaina said.Pero tila hindi ito nakikinig sa sinasabi niya at tanging sa ibang direksyon siya nakatingin at nakafocus.Bigla kasi nahagip ng atensyon niya ang isang pamilyar na babae na nakaupo sa bandang dulo habang may ilan pa itong mga kasamang kumakain rin."Si alona ba yon?" biglang tanong sa kaniya ng kasintahan niyang si shaina sabay kumapit ito sa kaniyang braso."Bakit hindi tayo makisalo sa kanila? diba babe? it's been a long time nung huli natin sila nakasama." tanong pa nito sa kasintahan ni