LOGINWaiting is easy, but you know what's hard? realizing that the one you are waiting for is not coming anymore.
***
7am in the morning, maagang bumangon at nagising si rocco sa kaniyang kama kahit hindi naman talaga siya sana'y na bumabangon ng maaga.
Balak na sana niyang sabihin kay Enya ang nalalaman niya patungkol sa tunay na pagkatao ng dalaga at balak na rin sana niyang ipakita sa dalaga ang paboritong libro na siya mismo ang nagsulat.
🎶Put your head on my shoulder
Habang masayang-masaya pa itong kumakanta sa pagligo niya sa loob ng banyo at naglalagay ng sabon sa bandang kili-kili.
Maging sa pagprito ng itlog at paglagay ng ketchup na pahugis puso ay masasabi mong sumisinta na nga ang pilyong si Rocco.
Halos masiglang-masigla ang gising ng binata at todo ayos pa nito sa kaniyang buhok habang naglalagay ng gel at pilit na tinataas ito.
Sandali rin siyang dumaan sa isang cafe shop para bumili nang paboritong hot choco ni enya at para na rin ibigay ito sa kaniya.
Halos napapangiti ang binata sa bawat hakbang nang kaniyang mga paa.
"Good morning!" at halos binabati niya rin ang bawat tao na makakasalubong niya na animo'y parang namumulaklak ang bawat paligid niya sa sobrang saya.
"Oh! i like your style!" sabay turo pa nito sa katrabaho niyang nakasoot ng red suit at red pants.
"I like the color of your necktie!" sabi naman niya sa lalaking kawork din niya na nakasoot ng necktie na may puso-pusong designs.
Halos lahat rin nang makikita niya ay binibigyan niya nang compliment comments. kaya maging ang mga katrabaho niya ay nagtataka sa kakaibang ikinikilos nito.
Hanggang sa wakas nakarating na rin siya sa Team editor office nila.
Sandali muna siyang huminto at nagbuga nang malalim na paghinga. bigla kasi siya nakaramdam ng sobrang kaba sa dibdib subalit buo parin sa kalooban niya ang sobra saya at excited na makita ang dalaga.
"Kaya mo to! rocco." bulong niya sa sarili. at tiyaka na niya hinila ang glass door para pumasok sa loob ng office.
"Good!-" magsasalita pa lamang siya nang mapansin niya ang napaka-busy awra sa loob ng office nila.
May ilang aligaga sa paghanap ng files, natataranta, at nagmamadaling mag-photocopy.
"Anong nangyayari?" tanong nito sa kaniyang sarili habang pinagmamasdan niya ang mga katrabaho niyang sobrang busy sa pagtatrabaho na halos wala silang pakialam kung andoon ba siya or wala.
"Your here! paki-xerox ang lahat ng ito at after mo diyan dalhin mo sa desk ko okay?" sabay abot sa kaniya ni enya nang isang kilong script papers para i-xerox lahat.
"Teka! lahat ng ito?" tanong nito sa dalaga. pero hindi lang siya pinansin nito at dere-deretso lang ito sa desk niya.
"By the way, binilhan ki-" iaabot pa lamang sana ng binata ang hot choco na binili niya para kay Enya pero natigilan siya nang makita niyang naunahan na siya ni Jeuner na abutan ng hot choco si Enya.
"Thanks" wika ni enya kay Jeuner, sabay inilapag nito sa desk niya ang hot choco na ibinigay sa kaniya.
Habang napayuko na lang si Rocco at tiyaka siya nagtungo sa sarili niyang desk.
"Thanks~ (ginagaya si Enya) pangiti-ngiti pa halata namang napipilitan lang siya!" Naiinis na bulong ni Rocco sa kaniyang sarili habang nakatingin ito sa direksyon ni Enya.
Padabog na tumayo ang binata at tiyaka siya nagtungo sa Xerox Machine upang sundin ang ipinagagawa ni Enya sa kaniya.
"By the way Ms.Enya alam mo ba kung paanong gawin 'to? medyo nalilito kasi ako eh." Wika ni Jeuner sa dalaga habang nakamasid parin si Rocco sa dalaga at inis na inis itong pinagsisipa ang Xerox machine.
"Bakit ba ayaw gumagana nito!? nakakainis!" reklamong sabi nito pero ang totoo sinabi lamang niya yun upang maagaw niya ang atensyon ni Enya sa kaniya.
"Kakagamit ko lang iyan kanina pero hindi naman siya sira ha?" biglang sabi ng ka-officemate nila kay Rocco nang mapansin niyang pinagsisipa ng binata ang Xerox machine.
"Hays! nakakainis talaga!" Padabog na lang ikinuha ni Rocco ang mga Xerox paper at tiyaka ito nagtungo sa desk ni Enya upang iabot sa dalaga ang mga papel na pina-xerox niya.
Padabog niya itong inilapag sa desk ng dalaga kaya naman napalingon at napatingin ang dalawa sa kaniya.
"Anong problema mo!?" mataray na sabi ni Enya sa kaniya. Hindi na lang sumagot ang binata sa kaniya bagkus tinititigan niya ng masama si Jeuner at tiyaka ito nagtungo sa desk niya.
"Anong nangyayari don?" Bulong ni Jeuner kay Enya.
"Ewan." Maiksing sagot ng dalaga sa kaniya at tiyaka ito nag-focus ulit sa ginagawa niya.
(Fast forward)
Mag-aalas siyete na nang gabi matapos ang isang maghapong pagtatrabaho nina Enya at Rocco.
Ngunit hindi parin mapakali si Rocco nang makita nito na magkasama parin ang dalawa na sina Enya at Jeuner hanggang pag-uwi nila.
"Ayss! bakit ba sunod ng sunod ang asungot na iyan sa kaniya!?" Bulong ng binata sa sarili niya habang tahimik itong nagmamasid kay Enya.
"Bakit ba parang kanina pa siya tawa ng tawa!? ano bang nakakatawa sa mga pinagsasabe ng mokong na iyan sa kaniya!?" Bulong muli niya sa kaniyang sarili nang bigla itong tumakbo papalapit sa dalawa at tiyaka ito pumuwesto sa bandang gitna nila.
"Dala ko yung motor hatid na kita?" Wika ni Rocco sa dalaga pero tila nainis lang ito nang makita niya sa kaniyang tabi ang pilosopong binata.
"No.thanks! magco-commute na lang ako keysa sumakay sa motor mo!" Mataray na sabi ng dalaga sa kaniya nang bigla namang napahalakhak sa tawa si Jeuner nang marinig nito ang sinabi sa kaniya.
"Anong nakakatawa!?" Biglang lingon ni Rocco kay Jeuner at sandali itong napatigil sa pagtawa nang mapansin niya ang seryosong mukha ni Rocco.
"Pasensya na bro. hindi ko napigilan ang sarili kong tumawa, kasi hindi ko inakalang pati pala ikaw ay nasusungitan ni Ms.Enya." Nakangiting sabi nito sa binata habang nakatingin rin ito kay Enya.
Tila nagulat si Rocco sa kaniyang narinig at bigla itong napatingin kay Enya.
"Teka? ibig sabihin mali pala yung iniisip ko tungkol sa kanilang dalawa ni Jeuner?"
Paglalayag sa isipan ni Rocco habang nakatingin ito kay Enya."Oh baket ganiyan ka makatingin saken!?" Taas-kilay na sabi ni Enya sa kaniya nang bigla na lang ito napangisi at halos hindi niya napigilan ang sarili niya na tumawa.
"Ang kyut mo talaga!" nakangiting sabi ni Rocco sa kaniya at tiyaka niya kinurot ang magkabilaang pisnge nito.
"Anong ginagawa mo!? gusto mo na bang mamatay!?" Salubong kilay na sabi ni Enya sa kaniya at sandaling ring natigilan si Rocco nang mapansin niyang nakahawak na pala siya sa pisngi ng dalaga habang pinipisil-pisil ito.
Agad rin niya itong binitawan at tiyaka siya dumistansya kay Enya.
"Sorry! sorry talaga! hindi ko sinasadya!" Paulit-ulit na sabi ni Rocco sa kaniya.
"Hays!! Ang saket ng pisngi ko! pasalamat ka andito si Jeuner kung hindi baka nabungal-bungal na kita ngayon!" Galit na galit na sabi ng dalaga sa kaniya habang napapangiti lang si Jeuner sa tuwing pinagmamasdan nito si Enya at Rocco.
"By the way, mauna na ako sa inyong dalawa." paalam na sabi ni Jeuner sa dalawa habang nagmamadali itong sumakay sa taxi.
"Hay salamat umalis na siya" Wika ni Rocco habang nakatingin ito sa taxi na sinakyan ni Jeuner kanina.
Hindi na lang siya pinansin ng dalaga at tiyaka siya nagpatuloy sa paglalakad papunta sa waiting station upang mag-abang ng bus na sasakyan niya."Tignan mo to! iniwan nanaman ako" Agad namang sumunod sa kaniyang likuran si Rocco habang patuloy lang sa paglalakad si Enya.
Ilang saglit pa ay may bus nang huminto para sa kanila pero napansin ni Enya na tila puno na ang upuan sa loob ng bus at halos ang iba ay nakatayo na lamang sa loob. Bigla siya napatingin sa kaniyang relo at napaisip siya kung maghihintay pa siya sa susunod na bus ay baka anong oras na siya abutin at makauwi. Kaya naman wala siyang nagawa kundi sumakay sa loob ng bus at makipagsiksikan sa loob.
"Excuse me po.. excuse me" paulit-ulit na sabi niya habang naglalakad siya sa bakanteng pwesto.
Sobrang init sa loob ng bus kahit naka-aircon pa sila. Puno na kasi ang laman nito sa loob at sobrang siksikan pa. Kung minsan ay napapasigaw na lamang siya kapag biglang napapahinto ang bus dahil hindi niya makontrol ang sariling balance niya at hindi rin siya sana'y na sumasakay sa bus na nakatayo lamang. Madalas kasi ang mga nasasakyan niyang bus may mga bakante pang upuan at nagkataon namang kailangan nilang magtiis na tumayo ng ilang minuto upang makarating sila sa destinasyon na pupuntahan nila.
"PARA!" malakas na sigaw ng isang pasahero doon ngunit sa dami ng pasaherong nandoon ay hindi agad narinig ng drayber ang sinasabi ng isang pasahero sa kaniya.
"Para raw po!!" sigaw nang ilang kalalakihang nandoon sa drayber nang bus at tiyaka niya itong pinahinto sa isang tabi upang makababa ang isang pasahero.
Nagulat naman si Enya nang biglang huminto ang bus na halos kamuntikan na siyang masubsob sa pasaherong nakaupo sa kaniyang harapan ngunit may bigla rin namang humawak sa kaniyang beywang kaya napahinto siya.
Kinabahan siya sa nangyari at agad siyang napalingon sa lalaking humawak sa kaniya kanina pero nanlaki ang mga mata ng dalaga nang makita nito si Rocco na nakatayo sa bandang likuran niya.
"Ikaw!? anong ginagawa mo dito!?" Gulat na sabi nito sa binata.
"Nakatayo. ano pa ba ang ibang ginagawa ko dito?" pilosopong wika ni Rocco sa kaniya.
"I mean. may motor ka diba!? bakit nandito ka!?" Pagtatakang sabi ni Enya sa kaniya.
"Ang dami mong tanong! aandar na yung bus! don ka na humarap!" sabi ni Rocco sa kaniya pero tila hindi parin makapaniwala ang dalaga kung kaya't nagulat itong ng biglang umandar ang bus at na-out of balance nanaman ito sa pagtayo.
Pero agad rin naman siyang hinawakan ni Rocco sa bandang beywang niya at tiyaka ito hinila ng kaunti papalapit sa kaniya.
"So, ganitong posisyon pala ang gusto mo kaya ayaw mong humarap don sa bintana." pilyong ngumiti si Rocco sa dalaga habang tulala naman si Enya na nakatitig sa kaniya.
"Dahan-dahanin mo lang pagtitig baka matunaw ako." Bulong pa nito sa kaniya pero tila hindi makasagot ang dalaga sa kaniya kung kaya't inabot nito ang kamay ni Enya at tiyaka niya ipinatong sa kaniyang balikat.
"Kumapit ka lang ng mahigpit" nakangiting sabi ulit ni Rocco sa kaniya. Nang biglang alisin ni Enya ang kamay niya sa balikat ni Rocco pero biglang lumiko ang bus sa gawing kanan kaya mabilis na napayakap ng mahigpit si Enya sa kaniya dahil wala itong mahawakan na kahit anuman na pwede niyang kapitan.
Nabigla naman si Rocco sa pagkakayakap ng dalaga sa kaniya pero napangisi na lamang ito at tiyaka niya binulungan si Enya nang,. "Masyado ka namang mabilis"
Pagkasabi nito sa dalaga ay agad rin itong bumitiw sa kaniya pero agad rin naman itong kumapit sa necktie ni Rocco, na siyang ikinagulat ng binata.
"Hoy! wag ka diyan humawak! nasasakal ako!" sabi ni Rocco sa kaniya pero hindi siya pinakinggan ni Enya at nakayuko lamang ito sa harapan niya.
***
Agad namang napaduwal sa hilo si Keiji nang makababa na sila sa roller coaster na sinakyan nila kanina.Habang wala pa ring tigil sa paghalakhak si Alona nang makita niya ang reaksyon ng binata na halos ilang beses nang napamura sa iba't-ibang lengwahe."Ano buhay ka pa ba ha?hahahahahahaha~" Pang-iinsultong sabi niya kay Keiji na sandaling napasulyap sa kaniya habang nakasandal ito sa pader."What's funny!? don't you know that i almost died because of you!?" galit na sabi ng binata sa kaniya nang bigla naman napahinto sa pagtawa si Alona nang makita niya ang seryosong mukha nito."Aba! baka nakakalimutan mo na kusa kang sumakay doon! tapos ngayon sisigawan mo ako at sisisihin na halos mamatay kana doon? sino bang may sabing sunakay ka doon!" pagkasabi niya ay agad na rin itong umalis h
True Love isn't love at first sight, but love at every sight.***(News Report)"Trending ngayon sa mga social media ang pinost ng sikat na writer na si Alona Marie Harrison sa kaniyang Instagram kung saan inihayag nang dalaga sa kaniyang post na, "Handa na akong tumandang mag-isa." tila palaisipan sa lahat kung ano ba talaga ang nais ipabatid ng sikat na writer sa kaniyang post. Sinasabi naman ng ilan na baka raw may kinalaman ito sa tunay na pagkatao ng writer. Totoo kaya siya ay-Kinuha ni Alona ang remote ng kaniyang TV sabay pinindot ang Off-button. Napabuntong hininga na lamang siya at isinandal ang kaniyang ulo sa sofa."Mga tao t
{Enya's pov}At the church."Lord, malapit na po ako lumagpas sa kalendaryo. Kaya sana naman po ipakilala ko niya sa akin ang lalaking ni-reserve niyo para sakin. Pakiusap po gustong-gusto ko na po talagang magka-jowa! Kung maari lang po itulak niyo na siya papalapit sa akin at wag na po tayo magpatumpik-tumpik pa dahil nasa tamang edad na rin po ako. At kung maari lang po na sana nandito rin po ang lalaking iyon sa loob ng simbahan. Salamat po,Lord! pa-follow up po please!" Matapos ang taimtim na panalangin ay agad rin akong tumayo at binitbit ang bag ko upang sana lumabas na ng simbahan pero biglang nahagip ng paningin ko ang isang pamilyar na itsura.Si Roc
Kasalukuyang namimili mag-isa si Alona sa isang supermarket mall habang may itinutulak itong big cart basket at namimili ng kung anong brand ng napkin ba ang bibilhin niya."Alin nga kasing brand yung madalas na ibili sakin ni Enya noon?" Napapaisip na sabi nito sa kaniya sarili. Halos nakakailang minuto na siyang nakatayo doon sa harapan ng mga napkins brand subalit wala parin siya mapili kung alin ba don ang bibilhin niya."Ahe excuse me po." Tawag niya sa isang babaeng katabi niya na may hawak ring grocery basket."Yes?" nagtatakang sabi nito sa kaniya."Matanong ko lang po, aling napkin brand po ang madalas niyong gamitin?" Tanong niya sa babaeng kausap nito. Habang napakunoot noo naman ang babae sa itinanong nito sa kaniya na tila'y hindi niya maitindihan ang dalaga kung bakit natanong ito sa kaniya."Ayy naku po! pasensya na po kayo hindi ko lang po kasi mapili kung anong brand
Waiting is easy, but you know what's hard? realizing that the one you are waiting for is not coming anymore.***7am in the morning, maagang bumangon at nagising si rocco sa kaniyang kama kahit hindi naman talaga siya sana'y na bumabangon ng maaga.Balak na sana niyang sabihin kay Enya ang nalalaman niya patungkol sa tunay na pagkatao ng dalaga at balak na rin sana niyang ipakita sa dalaga ang paboritong libro na siya mismo ang nagsulat.?Put your head on my shoulderHabang masayang-masaya pa itong kumakanta sa pagligo niya sa loob ng banyo at naglalagay ng sabon sa bandang kili-kili.Maging sa pagprito ng itlog at paglagay ng ketchup na pahugis puso ay masasabi mong sumisinta na nga ang pilyong si Rocco.Halos masiglang-masigla ang gising ng binata at todo ayos pa nito sa kaniyang buhok habang nagl
Sana ang Love my stop light din.para malalaman natin kung we should go for it, wait for it, or just stop for it to avoid heart accidents.***Duke Marcello"Babe anong gusto mong kainin? gusto mo bang mag-rice or just sandwich lang? babe?" shaina said.Pero tila hindi ito nakikinig sa sinasabi niya at tanging sa ibang direksyon siya nakatingin at nakafocus.Bigla kasi nahagip ng atensyon niya ang isang pamilyar na babae na nakaupo sa bandang dulo habang may ilan pa itong mga kasamang kumakain rin."Si alona ba yon?" biglang tanong sa kaniya ng kasintahan niyang si shaina sabay kumapit ito sa kaniyang braso."Bakit hindi tayo makisalo sa kanila? diba babe? it's been a long time nung huli natin sila nakasama." tanong pa nito sa kasintahan ni