Home / All / Manhater (Tag-lish) / XVIII (I will love again)

Share

XVIII (I will love again)

Author: Señorita
last update publish date: 2020-10-21 11:31:49

Agad namang napaduwal sa hilo si Keiji nang makababa na sila sa roller coaster na sinakyan nila kanina.

Habang wala pa ring tigil sa paghalakhak si Alona nang makita niya ang reaksyon ng binata na halos ilang beses nang napamura sa iba't-ibang lengwahe.

"Ano buhay ka pa ba ha?hahahahahahaha~"

Pang-iinsultong sabi niya kay Keiji na sandaling napasulyap sa kaniya habang nakasandal ito sa pader.

"What's funny!? don't you know that i almost died because of you!?" galit na sabi ng binata sa kaniya nang bigla naman napahinto sa pagtawa si Alona nang makita niya ang seryosong mukha nito.

"Aba! baka nakakalimutan mo na kusa kang sumakay doon! tapos ngayon sisigawan mo ako at sisisihin na halos mamatay kana doon? sino bang may sabing sunakay ka doon!" pagkasabi niya ay agad na rin itong umalis habang naiwan namang mag-isa doon si Keiji.

"Hey! where are you going again!? wait for me!"

Pero patuloy parin sa pagsunod si Keiji sa kaniyang likuran at sumasama sa anumang rides na gusto nitong sakyan.

Sinubukan na rin ni Keiji ang iba't-ibang rides at habang lumilipas ang takbo ng oras ay hindi na nila namamalayang nagiging close na silang dalawa sa isa't-isa.

"Wow! Cotton candy!" sabay takbo ni Alona palapit sa nagtitinda ng Cotton candy.

Samantalang napakamot naman sa ulo si Keiji nang makita niya ang Cotton candy na gustong-gusto ni Alona.

"Co? co what?" tanong niya kay Alona.

"Cot-ton candy!"

"Ha.. Cotton candy.. wait? is it that cotton we using to wipes our bloods sometimes?"

"Ano ka ba? pinapahiya mo ko sa kanila! ibang cotton to sa inaakala mo."

"I see."

"Kuya bigyan mo ko ng pinamalaking Cotton candy! ganitong kalaki! Okay? babayaran niya! ililibre niya ko, di ba?" sabay tingin nila kay Keiji na walang ideya sa mga pinagsasabe nito.

"Why?" nagtatakang sabi niya sa dalaga.

"You pay."

"Me?"

"Yes!"

"But you're the one who likes it."

"You will like it too when you taste it."

"No! i don't like something sweet"

"Teka pano mo nalamang sweet ito?"

"Well, as you said it's a kind of candy."

"Woah! you genius huh?"

"Well.. amf..(*clearing his throat) excuse me,sir? would you please give her atleast a human size of Cotton like that?"

Pagkasabi nito ay agad itong naglapag ng 1000pesos at agad na umalis habang naka-cross arms.

Samantala napangiti naman si Alona habang sinusundan niya ng tingin si Keiji.

"Sus! nahiya pa kunwari." bulong nito sa kaniyang sarili.

"Naku miss.. mukhang malabo na mabigyan kita ng human size na cotton candy baka magalit ang boyfriend mo." biglang sabi sa kaniya ng cotton candy vendor.

"Naku ayos lang po kahit yung normal size lang po! at tiyaka po hindi ko ho' siya boyfriend."

"Talaga ba? sayang bagay na bagay pa naman kayong dalawa. Mukha naman siyang disenteng tao at mabait pa!"

Sa hindi malamang dahilan ay biglang napangiti si Alona sa kaniyang narinig at sandaling napasulyap siya sa direksyon ni Keiji na matiyagang nahihintay sa kaniya.

"Tama po kayo.. mabait po siya." sabi niya habang nakatitig siya kay Keiji na nakatingin sa ibang direksyon

"Oh yun naman pala eh! bakit hindi mo pa siya sagutin? nililigawan ka na ba? hay nako! ikaw rin, baka maagawan ka pa ng ibang babae diyan! lalo na't napa-gwapo pa naman niyang binata."

Pagkasabi sa kaniya ng vendor ay bigla naman napansin ni Alona na may ilang babae sa paligid nila ang kanina pa tingin ng tingin kay Keiji. Habang yung iba naman ay palihim na kinukuhaan ng litrato si Keiji.

Nang biglang may dalawang babae ang lumapit kay Keiji at agad na napasulyap ang binata sa direksyon ni Alona.

"Naku ayan na nga ang sinasabi ko." sabi ng vendor sa kaniya habang pareho silang nakatingin kay Keiji.

Pero hindi na lang ito pinansin ni Alona at ibinaling na lang ulit niya ang atensyon niya sa Cotton Candy machine habang hindi siya mapakali sa kaniyang nararamdaman.

"Naku may lumapit nanaman sa kaniyang babae. Mukhang dudumugin na si pogi ng mga sexy chicks don ha?" pabirong sabi nito sa kaniya. Pilit na napangiti si Alona at pinipigilan niya ang kaniyang sarili na huwag lumingon kay Keiji kahit pa parang ginugulo siya ng isipan niya.

"Hindi mo ba talaga siya gusto? talaga bang wala siyang pag-asa sayo? o sadyang may pumipigil lang sayo?"

Sandali siyang napasulyap sa vendor pero ningitian lang siya nito. Kahit pa alam niya sa sarili niya na tinamaan ito sa mga sinabi nito sa kaniya.

"Basang-basa ko na ang ganiyang itsura ineng. Matagal na kong nagtitinda dito at marami na rin akong nakitang katulad mo. Alam mo hindi masama ang minsang madapa ka at masaktan. Hindi rin masama ang matuto lang at umiwas. Pero huwag sana nating sanayin ang sarili natin dahil baka sa huli ay pagsisihan natin." sabay kindat ng vendor sa kaniya.

Sandaling napaisip si Alona at para bang nagkaroon siya ng confident sa kaniyang sarili na sumubok muling magmahal.

Ilang saglit pa ay inabot na ng vendor ang Cotton Candy sa kaniya at tiyaka ito ngumiti sa kaniya na parang nagpapahiwatig na, "Puntahan mo na siya."

Nakangiting tinaggap ni Alona ang payo ng vendor sa kaniya at tiyaka siya taas-noo na naglakad papalapit kay Keiji.

Laking gulat na lang ni Keiji nang bigla siyang hinawakan ni Alona sa kamay nito ganun na rin ang ilang kababaihan na lumalapit sa kaniya kanina.

"Ay sino siya? ate mo?"

Tanong nung isang babae sa kaniya.

Nang bigla naman napangisi si Alona at tiyaka niya itinaas ang kamay nila ni Keiji na magka-holding hands at sinabing..

"Hindi ba obvious? girlfriend niya ako."

Laking gulat ni Keiji sa kaniyang narinig at agad siyang napalingon kay Alona habang mahigpit itong nakahawak sa kaniyang kamay.

"Ah.. talaga? bakit parang ang awkward niyong tignan dalawa?" bigla silang tahimik lahat nang may magsalita sa bandang likuran.

"Sino naman siya?" bulong ng babae sa kaniyang kasama habang nakatingin naman silang lahat kay Shaina na bigla na lang sumingit sa kanilang eksena.

Laking gulat naman ni Alona nang makita niya na si Shaina pala ang babaeng nagsalita kanina. Habang nakita rin niya sa kabilang banda si Duke na tila naghahanap kay Shaina.

Bigla tuloy siya nakaramdam ng sobrang kaba sa kaniyang dibdib nang makita niya si Duke at bigla siya nablangko sa kaniyang gagawin.

Samantalang, sinundan naman ng tingin ni Keiji ang kanina pang tinitignan ni Alona at para bang bigla na lang siya nakaramdam ng pagseselos. Kung kaya't bigla rin niyang hinawakan sa magkabilaang pisngi si Alona at tiyaka niya itong hinalikan sa kaniyang labi.

Nagulat ang ilang kababaihan sa kanilang nasaksihan ganun na rin si Shaina na hindi makapaniwala sa kaniyang nakita.

Nagkataon namang napalingon si Duke sa direksyon ng dalawa at tila nagulat rin ito nang mapagtanto niyang si Alona pala ang babaeng hinahalikan ni Keiji.

***

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Manhater (Tag-lish)   XVIII (I will love again)

    Agad namang napaduwal sa hilo si Keiji nang makababa na sila sa roller coaster na sinakyan nila kanina.Habang wala pa ring tigil sa paghalakhak si Alona nang makita niya ang reaksyon ng binata na halos ilang beses nang napamura sa iba't-ibang lengwahe."Ano buhay ka pa ba ha?hahahahahahaha~" Pang-iinsultong sabi niya kay Keiji na sandaling napasulyap sa kaniya habang nakasandal ito sa pader."What's funny!? don't you know that i almost died because of you!?" galit na sabi ng binata sa kaniya nang bigla naman napahinto sa pagtawa si Alona nang makita niya ang seryosong mukha nito."Aba! baka nakakalimutan mo na kusa kang sumakay doon! tapos ngayon sisigawan mo ako at sisisihin na halos mamatay kana doon? sino bang may sabing sunakay ka doon!" pagkasabi niya ay agad na rin itong umalis h

  • Manhater (Tag-lish)   (XVII) If We Fall Inlove Again

    True Love isn't love at first sight, but love at every sight.***(News Report)"Trending ngayon sa mga social media ang pinost ng sikat na writer na si Alona Marie Harrison sa kaniyang Instagram kung saan inihayag nang dalaga sa kaniyang post na, "Handa na akong tumandang mag-isa." tila palaisipan sa lahat kung ano ba talaga ang nais ipabatid ng sikat na writer sa kaniyang post. Sinasabi naman ng ilan na baka raw may kinalaman ito sa tunay na pagkatao ng writer. Totoo kaya siya ay-Kinuha ni Alona ang remote ng kaniyang TV sabay pinindot ang Off-button. Napabuntong hininga na lamang siya at isinandal ang kaniyang ulo sa sofa."Mga tao t

  • Manhater (Tag-lish)   XVI(Can't take my eyes on y*u)

    {Enya's pov}At the church."Lord, malapit na po ako lumagpas sa kalendaryo. Kaya sana naman po ipakilala ko niya sa akin ang lalaking ni-reserve niyo para sakin. Pakiusap po gustong-gusto ko na po talagang magka-jowa! Kung maari lang po itulak niyo na siya papalapit sa akin at wag na po tayo magpatumpik-tumpik pa dahil nasa tamang edad na rin po ako. At kung maari lang po na sana nandito rin po ang lalaking iyon sa loob ng simbahan. Salamat po,Lord! pa-follow up po please!" Matapos ang taimtim na panalangin ay agad rin akong tumayo at binitbit ang bag ko upang sana lumabas na ng simbahan pero biglang nahagip ng paningin ko ang isang pamilyar na itsura.Si Roc

  • Manhater (Tag-lish)   (XV)Because i love y*u more

    Kasalukuyang namimili mag-isa si Alona sa isang supermarket mall habang may itinutulak itong big cart basket at namimili ng kung anong brand ng napkin ba ang bibilhin niya."Alin nga kasing brand yung madalas na ibili sakin ni Enya noon?" Napapaisip na sabi nito sa kaniya sarili. Halos nakakailang minuto na siyang nakatayo doon sa harapan ng mga napkins brand subalit wala parin siya mapili kung alin ba don ang bibilhin niya."Ahe excuse me po." Tawag niya sa isang babaeng katabi niya na may hawak ring grocery basket."Yes?" nagtatakang sabi nito sa kaniya."Matanong ko lang po, aling napkin brand po ang madalas niyong gamitin?" Tanong niya sa babaeng kausap nito. Habang napakunoot noo naman ang babae sa itinanong nito sa kaniya na tila'y hindi niya maitindihan ang dalaga kung bakit natanong ito sa kaniya."Ayy naku po! pasensya na po kayo hindi ko lang po kasi mapili kung anong brand

  • Manhater (Tag-lish)   Cross my mind XIV

    Waiting is easy, but you know what's hard? realizing that the one you are waiting for is not coming anymore.***7am in the morning, maagang bumangon at nagising si rocco sa kaniyang kama kahit hindi naman talaga siya sana'y na bumabangon ng maaga.Balak na sana niyang sabihin kay Enya ang nalalaman niya patungkol sa tunay na pagkatao ng dalaga at balak na rin sana niyang ipakita sa dalaga ang paboritong libro na siya mismo ang nagsulat.?Put your head on my shoulderHabang masayang-masaya pa itong kumakanta sa pagligo niya sa loob ng banyo at naglalagay ng sabon sa bandang kili-kili.Maging sa pagprito ng itlog at paglagay ng ketchup na pahugis puso ay masasabi mong sumisinta na nga ang pilyong si Rocco.Halos masiglang-masigla ang gising ng binata at todo ayos pa nito sa kaniyang buhok habang nagl

  • Manhater (Tag-lish)   Help me to get over y*u XIV

    Sana ang Love my stop light din.para malalaman natin kung we should go for it, wait for it, or just stop for it to avoid heart accidents.***Duke Marcello"Babe anong gusto mong kainin? gusto mo bang mag-rice or just sandwich lang? babe?" shaina said.Pero tila hindi ito nakikinig sa sinasabi niya at tanging sa ibang direksyon siya nakatingin at nakafocus.Bigla kasi nahagip ng atensyon niya ang isang pamilyar na babae na nakaupo sa bandang dulo habang may ilan pa itong mga kasamang kumakain rin."Si alona ba yon?" biglang tanong sa kaniya ng kasintahan niyang si shaina sabay kumapit ito sa kaniyang braso."Bakit hindi tayo makisalo sa kanila? diba babe? it's been a long time nung huli natin sila nakasama." tanong pa nito sa kasintahan ni

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status