LOGIN"Good morning, sir." Bati ko sa boss ng tawagan ko ito.Hindi ito agad sumagot pero dinig ko ang hininga nito sa kabilang liniya."Good morning." Tipid at parang wala sa mood nitong bati din sa akin."Sir, your meeting at 10am today is confirmed." Diretso kong sabi dito na pinipigilang mautal. Normal lang dapat ang pakikitungo na parang walang nangyari."That's good." Sagot nito at nagpakawala ng malalim na hininga. Dinig na dinig ko naman iyon bago nito ibinababa.Mukhang normal naman ito at walang kakaiba kaya sigurado na wala itong naalala. Buti naman at ganoon.Nagantay ako sa lobby ng hotel dahil kailangan na naming bumalik sa venue dahil doon din gaganapin ang meeting sa Architect.Maya-maya pa ay nakita ko ng naglalakad ang boss galing sa elevator. Habang papalapit ito sa akin ay hindi ko napigilan ang sarili na hindi mapatitig dito.Bakit sa paningin ko ay parang lalo itong gumwapo? Napasinghap ako at parang hindi makahinga lalo na ng dumako sa labi nito ang mga mata ko. Natatablan na ba ko ng charm nito? Hindi pwede!Mabilis na lamang akong tumayo upang sumunod dito papunta sa kotse.Nang nasa loob na kami ay lalo akong hindi mapakali. Nakikiramdam lang ako at ito naman ay nakafocus lang sa pagmamaneho.Wala namang kakaiba sa kinikilos ni Mr. Montano pero parang ako ata ang may diperensiya. Una ay kulang na kulang ako sa tulog at pangalawa naman ay walang nagpeplay sa utak ko kundi ang... Bahagya ako nagiling ng ulo.
"Sinabi nang kalimutan mo na ang nangyari diba?" Paalala ko sa sarili.
Natapos na ang meeting at agad kaming tumulak pabalik sa Maynila. Habang nasa byahe ay tinamaan ako ng matinding antok dahil nga sa iilang oras lang ang naging tulog ko kagabi.
Pero pinipigilan ko ang mapapikit dahil nakakahiya sa boss ko na bigla na lang akong matutulog habang ito ay pagod sa pagmamaneho.
Pero napipikit talaga ang mga mata ko, hindi ko alam kung kaya ko pang kontrolin…
Pagdilat ko ay napabalikwas ako. Nakatulog nga ako! Agad akong tumingin sa paligid at mukhang malayo pa kami sa Maynila.
"Sorry po, sir. Hindi ko po sinasadyang maidlip." Paumanhin ko dito habang ito ay nakatingin lang sa daan.
"That's fine." Tipid lang na sagot nito na parang walang pakielam.
Nawala na ang antok ko at muli na lamang nakiramdam.
"Beshy!" Sigaw ng kaibigan.Hindi ko napansin na natulala na pala ko. Nasa pantry kami at naglalunch.Pagtingin ko sa kaibigan ay nakakunot noo ito.
"Ang weird mo lately, parang lagi kang tulala. Okay ka lang ba?" May halong pag-aalalang tanong ng kaibigan."Ha? Oo naman. Pagod lang ako siguro ako." Pagkukunwari ko na lang pero sa totoo lang ay hindi ako okay.Ilang araw na ang nakalipas simula ng nakabalik kami galing ng Tagaytay pero hindi pa rin ako nakakagetover. Bigo ako na kalimutan pa ang nangyari.
Naging mahirap ang mga araw sa trabaho dahil kay Mr. Montano. Paano ay tuwing makikita ko ito ay nagrereplay sa utak ko ang pagdampi ng mga labi namin. Kung noon ay ang mapatingin sa mga mata lang nito ang iniiwasan ko, ngayon ay pati ang mapasulyap sa labi nito.Kaya pag kinakausap ako nito ay nakafocus na lang ako sa ilong nito. Minsan ay effective naman pero mas madalas ay hindi.Naalala ko ang sinabi ni Madam Ivy na ang pinakamalaking distraction ay ang aking boss. Ngayon ay naiintindihan ko na ang tinutukoy nito.Ibig bang sabihin ay hindi na ako fit sa trabaho na ito? Mula sa isipang iyon ay nakaramdam ako ng lungkot. Kaya naman pagbalik ko sa opisina ay bagsak ang mga balikat ko.Palabas si Mr. Montano ng mga oras na yun at nakasalubong ko ito. Hindi ko man lang tinapunan ng tingin at papaupo na sana sa aking desk."Jenna, I will be out for a while." Sabi nito sakin na parang nagmamadali.
Wala namang meeting ito, saan kaya pupunta ang boss?
"Okay, sir." Wala sa mood at malunkot na sagot ko dito.
Hindi ko napansin na huminto pala ito sa harap ko. Ako naman ay wala sa sarili na nakayuko lang at inaantay na lumabas ang boss. Pero hindi ito gumalaw.
"Is there something wrong?" Tanong nito na ikinagulat ko.
"Po?" Nagtaka ko dahil parang may bahid ng pagaalala sa boses nito. First time itong nangyari dahil madalas ay kung hindi galit ay seryoso lang lagi ang tono nito.
Tumingala ako sa mukha nito na nakatitig na pala sa akin pero agad din akong nagbaba ng tingin dahil bigla akong kinabahan. Naramdaman ko naman na bahagyang lumapit ito sa akin.
"You're acting strange. Can you tell me what's wrong?" Seryoso at diretsong tanong nito sa akin.
"Ahh, sir wala po." Pagtanggi ko na lang. Uupo na sana ko sa desk ko ng biglang hinarang nito ang katawan at dahil dun ay nauntog ang mukha ko sa balikat nito.
“Ano ba naman po, sir. Huwag nyo naman pong pahirapan ang ginagawa kong pagiwas sa nyo.” Bulong ko sa sarili.
Dumiretso lang ako ng tingin kaya naman abot ng mata ko ay ang balikat lang nito. Nagtataka lang ako bakit ayaw pa nitong lumabas, kala ko ba ay nagmamadali ito?
"May iuutos po ba kayo, sir?" Pagiiba ko na lamang ng usapan.
"Yes." Tipid nitong sagot na dipa rin umaalis sa pagkakaharang sa upuan ko.
"Ano po yun?" Tanong ko na lang, sana ay umalis na ito pagkasabi ng iuutos dahil parang hihimatayin na ko sa sobrang kaba.
"Look at me." Walang pagaatubiling utos nito.
"Po?" Ano daw? Para akong nabingi sa sinabi nito.
"I said look at me, Jenna." Matigas na utos nito sa akin.
Ako naman ay hindi malaman ang gagawin. Ayoko tumingin sa mukha ni Mr. Montano dahil baka mabasa niya na may something. Anong gagawin ko?
"Mr. Montano, someone is waiting for you." Sabay katok sa pintuan ng isa sa mga staff ng opisina.
Nagaatubiling umalis na ito sa pagkakaharang at kahit hindi ko ito tignan ay ramdam ko na pinagmamasdan ako nito.
Paglabas nito ng opisina ay nakahinga na ako ng maluwag, sa wakas!
Napaupo na lang ako sa upuan na parang hapong-hapo..
"Aba ang sexy ni beshy ngayon!" Bungad ni Cherry pagkakita nito sa akin habang nagtitimpla ako ng kape."Ha? Seryoso?" Tinignan ko ang sarili. Hapit na hapit kasi ang pencil cut skirt ko na dark gray at white short sleeves blouse na nakatuck-in. Binagayan ko pa iyon ng nude na tip toe heels na katamtaman lang ang taas."Promise! Parang pumayat ka? Lumabas ang curves mo eh!" Sino ba naman kasi ang hindi papayat, eh halos malibot ko na ang Luzon kasama si Mr. Montano."Thank you sa pambobola!” Natatawa na lang ako sa kaibigan.Ngayong araw ay may importante akong misyo
HOW TO IGNORE AN ATTRACTIVE BOSS?Google search result:10 Ways to Fight Attraction In The Workplace
"Good morning, sir." Bati ko sa boss ng tawagan ko ito.Hindi ito agad sumagot pero dinig ko ang hininga nito sa kabilang liniya."Good morning." Tipid at parang wala sa mood nitong bati din sa akin."Sir, your meeting at 10am today is confirmed." Diretso kong sabi dito na pinipigilang mautal. Normal lang dapat ang pakikitungo na parang walang nangyari."That's good." Sagot nito at nagpakawala ng malalim na hininga. Dinig na dinig ko naman iyon bago nito ibinababa.Mukhang normal naman ito at walang kakaiba kaya sigurado na wala itong naalala. Buti naman at ganoon.Nagantay ako sa lobby ng hotel dahil kailangan na naming bumalik sa venue dahil doon din gaganapin ang meeting sa Architect.Maya-maya pa ay nakita ko ng naglalakad ang boss galing sa elevator. Habang papalapit ito sa akin ay hind
Isang malalim na bunting hininga ang pinakawalan ko ng nasa tapat na ng pinto ng hotel ni Mr. Montano. Pinindot ko ng isang beses ang doorbell nito at naghintay pero walang nagbukas.Baka naman tulog ito? Aatras na sana ako ng biglang umuwang ang pinto.Hubad na katawan ng boss ang sumalubong sa akin. At dahil sa nakatsinelas lang ako ay kapantay lang ako ng dibdib nito. Tama nga ako at matipuno ang katawan nito, alagang-alaga siguro sa exercise.Pero da
Pagtingin ko sa oras ay pasada alas-2 na kaya pala nakakaramdam na ako gutom."Sir, your meeting will start at 2:30pm." Pagpapaalala ko dito habang naglalakad kami sa paligid. Tumango ito at nagpunta na kami sa conference room ng lugar.Sa kalagitnaan nga ng meeting ay may dumating na may dalang tray at mga inumin. Ayun naman ang pinakaaantay ko eh, dahil malapit nang magwala ang bituka ko.Biskwit?! Yun lang ang inihain nito at juice. Para akong nanlambot ng dahil dun pero dahil kumakalam na ang sikmura ko ay pwede na sigurong pantawid gutom ito.Magaalas-4 na at may isa pang meeting si Mr. Montano bago
Tulad ng inaasahan ay naging busy ang mga sumunod na araw, napadalas ang pagbisita namin sa mga venues at meetings.Nakakapagod dahil madalas ay naghahabol kami ng oras ni Mr. Montano. Puno ang schedule nito, ibig sahihin ay ganun din ako. Dahil kung nasaan ang boss ay nandun din dapat ako.Nagpapasalamat naman ako at hindi ko nakikita si Mr. Fuentez. Balita ko ay may emergency appointment ito sa Japan kaya naman wala ito ng mga nakaraang araw.Sa totoo lang ay nakakatuwa naman ang lalaki, ang problema lang ay ayoko madumihan ang image ko sa boss. Kakaumpisa ko pa lang bilang secretary niya at ayoko naman magisip ito na nakikipaglandian ako sa tr